Dahil sa mga nangyari'y napagkasunduan nilang ipagpatuloy na ang pagtawag ng kaluluwang -ligaw sa dating lugar kung saan nakita ni Honey ang isang ligaw na kaluluwa.
Samantalang patuloy ang pag oobserba ni Pau sa apartment nya. Sa mga oras ding yun di nya na hinubad ang rosaryo.
" Malakas ang kampon ng dilim.. ",sabi ni Pau.
Nakita nya ang mga pangyayari noong bago pa nahimatay si Honey.
Anyo ng babaeng nanlilisik ang mapupulang mata, umiikot ang ulo at may mga dugong umaagos sa buong katawan nito.
"ahh!" sigaw ni Pau at napatumba sa biglang pagsakal sa kanya ng demonyo. Inanlalayan naman sya ni Peter.
" malakas tlaga sya.. Bukas na bukas magpatawag na tayo ng paring tutulong sa atin.
Tumango naman ang magkasintahan. Nagpaalam na si Pau sa kanila pagkaraan ng 30minuto.
Samantalang tinawagan naman ni honey si father Ariane at sinabi nya dito ang kanyang kailangan. Laking pasalamat nya ng pumayag itong tulungan sya. Si Peter naman ay di iniwan si Honey.
Nakatulog ito katabi ni honey dahil sa pagud. Kinumutan nya ang katipang mahimbing na natutulog. Samantalang siya'y di dalawin ng antok. Mag aalas dos y medya nang marinig nya uli ang mga panaghoy,pakiwari nya'y nasa loob lang ng kanyang kwarto.
Nilakasan nya ang kanyang loob at bumangon ng kama. Hinanap nya ang boses na nananaghoy. At nang marinig nyang malapit sa kama nya'y yumuko siya't tiningnan ang ilalim ng kama. Nakita nya ang mukha ng babae. Umiiyak ito at humihinge ng tulong sa kanya. " Anu bang kailangan mo? At panu kita matutulungan?" ,lakas loob niyang tanung dito. Ngunit bigla nlang may lumabas na dugo sa mga mata nito't ilong, pumanget narin ang mukha . Napatayo na sya sa gulat at nagdasal ng mataimtim na sanay iligtas sila ni Peter sa masamang hangarin ng demonyo.
Animo'y nagbabangayang mga boses bago tuluyang nawala. Niyakap nya ang mahimbing na natutulog na nobyo at nakatulog narin sya kaht papaano.