Sa sobrang takot ay agad nyang binuksan ang pinto.
"Pau!bilis pasok kana!", natatarantang sabi nya dito. Ngunit parang wala naman itong narinig,nakatulala lang ito sa kanya. Inulit nyang muli ang pagtawag dito.
Nung hinawakan nya ang lalaki ay nag iba ang anyo nito. Naging babaeng duguan ang mukha ,gumugulo ang mahahabang buhok at lumabas ang mahabang dila nito. Hinawakan din sya ng babaeng puro dugo a ang mga kamay. Napasigaw na sya sa kanyang nakita. " oh Lord Jesus ,tulungan nyo po ako!" ,ang kanyang nasabi at bigla syang binitawan ng babae. Tumatagos ito sa lahat ng sulok ng apartment nya. Nagkakatumba-tumba ang mga gamit at nagliliparan ang mga mesa't silya. " akin lang sya!" sabi ng tinig na umaalingaw-ngaw sa buong apartment.
Napadapa sya dahl sa mga nagliliparang mga gamit. Nagkasugat narn sya sa braso nang matamaan sya ng lumipad na stole at nahulugan sya ng iba pang mga gamt . Dahil dun ay nawalan na sya ng malay tao.
Nagising syang si Peter ang pumapaypay sa kanya. Nakabenda narin ang kanyang brasong nasugatan. Dating di naniwala si Peter sa kanya ,ngayon ay ayaw na nitong iwan pa sya.
Nandun din si Pau at nagmamasid sa kanyang apartment.
Napaupo siya't inihilig ang ulo sa nobyo. Hinalikan naman nito ang kanyang noo at siya'y inakbayan. "Im sorry hon, lil bit late, di ko papayagan na may masama pang mangyari sayo", sabi nito ssabay yakap sa kanya.
Tumikhim at lumapit naman si Pau sa kanila.
" Nandito siya sa apartment mo.", anito sa kanila. Kumunot-noo namang tumitig si Peter kay Pau.
"Oo ,. Honey, tumawag tayo ng pari. Kelangan natin ang tulong ng isang pari.. Dahil di ligaw na kaluluwa ang pumasok kundi alagad ng demonyo! Gusto nitong makakuha ang kaluluwa ng babaeng namatay..", paliwanag ni Pau sa kanila.
" Nag kataong ikaw ang nakakita sa kaluluwang -ligaw, at siya'y humihinge ng tulong sayo. Ngunit may humahadlang ..ang demonyo..mag-ingat tayong lahat! ",dagdag pang sabi ni Pau.