webnovel

CHAPTER VII Ang pagbabalatkayo

Kinabukasan ay maagang umalis si peter sa kanyang apartment para makapagreport lang ng kalahating araw. Alas sinco ng hapon nilang napagkasunduan na puntahan ang lugar na kung saan nag pakita ang ligaw na kaluluwa kay

Honey.

Alas kwatro palang ng hapon ay biglang lumakas ang ulan, parang may humahadlang sa kanilang plano sa tuwing binabalak nilang puntahan ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ng kababalaghan.

Medyo nagulat si

Honey nang may biglang kumatok ng pinto. Si Peter ang nasa labas at basang-basa ito ng ulan. Dali-dali nyang binuksan ang pinto at hinila si Peter papasok sa loob ng apartment.

" hon , akala ko ba nasa meeting ka, bat ka naman nagpabasa sa ulan?",aniyang kumuha saglit ng tuwalya sa kanyang kwarto.

Bigla nyang nabitawan ang tuwalya nang makitang bumaliktad ang katawan ni Peter , nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya.

Sumuka ito ng itim na likido at naglalaway na parang ulol na aso.

Nanginginig ang kanyang katawan sa takot , parang di nya magalaw ang kanyang katawan para lumayo. Naramdaman nya ang pagluha ng kanyang mga mata sa takot.

" honey... Would you like to fuck with me?", sabi nitong panay balibaliktad ang katawan kasabay ang malademonyong paghalakhak.

Talagang boses ni Peter ang kanyang narinig. Umatras siya at denial ang number ni Pau. Ngunit di ito sumasagot.

Umiwas sya sa mga bagay na muling nagliliparan sa sala.

" oh dyos ko tulungan po ninyo ako!".

"Hindi ka matutulungan ng dyos mo!, ako lang ang dyos!".

Sabi nitong umiba na ang boses.

Nakakapanindig balahibong boses at anyo ng demonyong kanyang nkikita ngayon.

Denial nya ang number ni Peter ngunit di din ito sumasagot.

Tinamaan sya ng plato sa balikat kayat siyay napatili sa sakit. Napadapa sya sa sahig para lumabas ng apartment ngunit biglang nagsarado ang pinto. Patay sindi narin ang ilaw.

" honey... Kiss me! Fuck me!", anitong lumabas ang dila at humaba at pumulupot sa kanyang braso.