webnovel

MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA)

Laging malas si Shaina sa buhay, magmula nang mamatay ang ama niya sa isang car accident. Mas naging malas pa siya nang mabalitaan niya na baon sila sa utang dahil sa pagiging talo ng ama sa sugalan kaya for the sake of god nagawa siyang ireto ng ina sa matandang mayaman at walang gusto ay ang mapangasawa siya at gustong matikman pati ang puri niya. Kaya tumakas siya sa kanila para di matuloy ang pagreto ng ina sa matanda. Sa kasamaang palad, mas lalong malas ang buhay niya nang makilala ang magkakapatid sina Shawn ang pala kaibigan, si Steven ang bolero, si Tom na napakamaniyakis, si Alejandro ang babaero, si Mark ang tahimik ngunit mabait, si Ken na dating ex boyfriend niya, si at Orlando na masungit. Nabasag niya ang vase na nagkakahalagang 3 million dahil sa galit niya kay Orlando at naibato niya ang mga vase ngunit nakailag to. Nagmakaawa siya ngunit di siya pinagbigyan pero sa isang kundisyon, magtrabaho siya bilang waitress ng mga ito sa isang bar dahil nabasag niyang vase. Ako naman si loka loka handang gawin ang lahat mabayaran Lang niya mga ito. Paano kung umibig siya isa sa mga lalaki, at paano kung may mga pagtingin din ito sa kaniya? pagaagawan kaya siya?

Ruth_Rendon · Urban
Not enough ratings
30 Chs

Chapter 3: My Friend Rose

"Rose! like I've told you naglayas nga ako." sabi niya sa kaibigan habang nakaupo sila sa malambot na sopa.

"Eh! Paano yan, di ka naman puwede mamalagi rito dahil baka magalit ang mister ko." anito, may asawa na kasi ang kaibigan niya magmula nung high palang sila ay bulakbul talaga ito at di na nakapagaral.

"Okay lang yun, okay lang sa akin at dito ka muna tumira pansamantala." sabi ni Roni ang asawa ni Rose na sumulpot biglaan sa kusina.

"Sigurado ka!" paniniguro niya

"Oo naman, kahit papaano naging kabarkada na rin kita eh!" sabi nitong natatawa habang kamot-kamut ang ulo.

"Ayos lang ba sa'yo kahit ganito ang magiging kuwarto mo?" tanong ni Roni nang ikuha siya nito ng matutulugan, pati mga unan.

"Oo naman." tango niya

"S-sge! Maiwan muna kita."

"T-teka!" pigil niya rito.

"Thank you for everything."

"The pleasure is mine, if you have any questions or concerns please just let me know." sabi nito bago umalis.

"Yeah!"

Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto at napabuntong hininga, this is not bad dahil kahit medyo makaluma ang mga gamit ay malinis pa rin, for a few minutes at naligo muna siya saka humiga sa kama.

"Kahit papaano ay nakapagpahinga rin sa wakas." 'what a world anya niya nang dalawin ng antok.

Di niya namalayan na gabi na nang gisingin siya ni Rose, saka tumayo. medyo napagod siya buhat ng biyahe pagtakas kay ina, napahikab siya sabay stretch ng magkabilaang kamay.

Napabuntong hininga siya sabay sipat sa larawan nila ni Mama at ng Papa niya sa gilid, naruon ang larawan nilang tatlo na masayang-masaya.

"Patawarin mo ako ina"

Tumayo siya upang tunguin sala, nakita niyang naghahanda na ng pagkain si Rose habang ang mister naman ay sinasaway niya ang bata na wag maglikot.

"Ikaw Kate wag kang malikot sabi may bisita tayo." ani ni Roni sa mga bata habang sinusubuan ang mga to.

"Ang cute naman ng bata." komento niya

"Sabi mo pa, nagmana kaya ito sa akin." sabi nito habang pinagdikit nito ang magkabilaang noo.

"Kain na Shaina upo ka na dito." yaya ni Rose sa kaniya habang nagsasalok na ng mga kanin sa mga plato.

"Salamat!" anya sabay upo sa tabi ng bata

"Naku! Wala yun" sabi Roni

"Ano ng pala ang plano mo?"

"Kailangan kong makahanap ng trabaho para meron din akong maitulong sainyo sa pagpapatuloy sa akin rito."

"Naku ikaw talaga bes, kahit wag na at saka kaibigan naman kita." sabi ni Rose habang kumakain at sinusubuan ang isa pa.

"Okay lang magtatrabaho ako para may magawa ako."

"Sigurado ka?"

Tumango siya at saka pinagpatuloy ang pagkain, hinila ang upuan saka ng sinigang na baboy.

Matapos nila kumain at makapaglipit saka nagpahinga, hindi siya makatulog sa kakaisip sa ina 'ano na kaya ginagawa ni mama? Is it she looking for her now?' nakatulugan niya na pagiisip.

Kinabukasan ay nagpaalam muna siya sa kaibigan na maghahanap ng trabaho, "oo naman" sabi nito saka pumunta sa mga kalapit na lugar na malapit sa bahay ng kaibigan, 'kung may hiring pa ba?'

Na biglang may naghaharumentadong mga sasakyan na papunta sa kaniya 'shit mamatay na ba ako?' tanong niya sa sarili saka dumuko.

'Wag! Wag! Wag pooohh!!!'

Ang di niya alam ay huminto ang mga sasakyan na para bang nakikipagkarerahan kanina, bumaba ang isa sa mga to.

Naidilat niya ang mga mata saka inalis ang mga kamay sa mukha buhat ng pagkakayuko na baka matamaan siya ng mga to sabay linga kung sino man ang herodes na yun.

Nakita niya mga 'OMG' bakit bigla yata siyang pinagpawisan ng malagkit, ang gwapo naman ng mga lalaki. Lahat nakatungkod sa kaniya except sa isa na nakatayo sa gitna, para sila mga anghel.

'Wait a minute!! Muntikan na nila akong sagasaan kanina'

'To be continued'

Sana po wag nyo po kakaligtaan Ito dahil mamimeet nyo na Ang pitong lalaki sa buhay ni Shaina

Ruth_Rendoncreators' thoughts