webnovel

MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA)

Laging malas si Shaina sa buhay, magmula nang mamatay ang ama niya sa isang car accident. Mas naging malas pa siya nang mabalitaan niya na baon sila sa utang dahil sa pagiging talo ng ama sa sugalan kaya for the sake of god nagawa siyang ireto ng ina sa matandang mayaman at walang gusto ay ang mapangasawa siya at gustong matikman pati ang puri niya. Kaya tumakas siya sa kanila para di matuloy ang pagreto ng ina sa matanda. Sa kasamaang palad, mas lalong malas ang buhay niya nang makilala ang magkakapatid sina Shawn ang pala kaibigan, si Steven ang bolero, si Tom na napakamaniyakis, si Alejandro ang babaero, si Mark ang tahimik ngunit mabait, si Ken na dating ex boyfriend niya, si at Orlando na masungit. Nabasag niya ang vase na nagkakahalagang 3 million dahil sa galit niya kay Orlando at naibato niya ang mga vase ngunit nakailag to. Nagmakaawa siya ngunit di siya pinagbigyan pero sa isang kundisyon, magtrabaho siya bilang waitress ng mga ito sa isang bar dahil nabasag niyang vase. Ako naman si loka loka handang gawin ang lahat mabayaran Lang niya mga ito. Paano kung umibig siya isa sa mga lalaki, at paano kung may mga pagtingin din ito sa kaniya? pagaagawan kaya siya?

Ruth_Rendon · Urban
Not enough ratings
30 Chs

Chapter 4: Meet The Seven Brothers

"Uupo ka na lang ba dyan? MISS TANGA-TANGA!" sabi ng lalaking nakatayo, nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito.

"Hoy! Anong tawag mo sa akin?" tanong niya sabay tayo at dinuro ang isang lalaki sa gitna.

"Di ka lang pala MISS TANGA-TANGA kundi MISS BINGI-BINGIHAN PA!" sambit pa nito, Teka nangaasar ba to.

"Ikaw!!!" akmang susugurin niya ang lalaki nang awatin naman siya ng ibang pang lalaki, "walanghiya ka!" inaawat parin siya at malakas mga to.

"How dare you to called me MISS TANGA-TANGA AT MISS BINGI-BINGIHAN for god sake!"

"Bakit? Hindi ba?"

"Orlando! Tama na" saway ng isa, so Orlando pala pangalan ng pesteng to. "Nandito tayo para sa conference na tin hindi para makipagaway, "miss okay ka lang." sabi nito at mukhang mabait, gentleman ang peg, sabay samyo niya ng pabango nakakangingilo sabay hawak sa dibdib na mala muscle ang tindig.

"Okay lang ako." pacute niya sabay linga sa pangit na ugali ng lalaki, sinamangutan niya ito sabay irap.

Padaskol ito sabay tumalikod na naglakad "bahala kayo."

"I'm Mark." sabay lahad ng palad at nagpakilala din siya "ako naman si Shaina Suarez"nagpakilala din ang mga to. Si Tom, Alejandro, Shawn, Steven pero paglahad niya ng palad sa isa pa ay natigilan siya, bakit hindi nasa harapan lang naman niya ang ex niyang si Ken.

"K-ken!"

"Magkakilala kayo?" daig pa nila nagduet sa pagsabay 'magkakilala kayo?'

"Yeah! She was my ex, back in highschool." sabi nito pero di siya inimikan.