Humigop siya ng hanging, nasa hotel na sila ng ina niya pero heto siya ay urong sulong. "Ma! Wag na kaya natin ituloy" untag niya.
"Ano ka ba umayos ka." sabi nito, kinaladkad na siya papasok. "kailangang maganda ka sa paningin ni Mr. Domingo, at napangiwi siya.
Bagay na bagay kasi rito ang apilyedo nito, Mr. Domingo 'as in DOM or Dirty Old Man.' Samahan pa ang pagiging manyakis nito.
Wala pang ilang minuto nakita kaagad nila ang matanda, nakita din sila nito kaya tumayo ito at binigyan sila ng pa-welcome sabay sulyap sa kaniya.
Alam niyang nagagandahan ito sa kaniya pero di siya tanga upang magpalamon rito. "What do you want me to order?" tanong nito.
"Uhm! Kahit Coffee na lang akin." sabi niya na naiilang naman, di kasi siya nilulubayan ng tingin ng matanda.
"Habang naghihintay tayo ng order ay paguusapan na natin ang tungkol sa kasal." anito na ikinabigla niya, sa sobrang react niya ay muntikan maisuka o maidura I mean ang coffee na iniinom niya.
'Bakit di man lang sinabi ni mama sa akin ang totoo?'
'Kasal agad agad.'
"Teka! K-kasal!" untag niya sa ina.
"Oo! Anak."
"Pero! Ma!"bulong niya.
"Tumigil ka nga kakapero mo diyan." saway ng ina saka kinausap ng ina si Mr. DOM, napaisip siya kung paano di matuloy ang kasunduan.
"Ma! CR lang ako" anya sa ina
"Go ahead anak."
Saka pumunta ng CR, binuksan niya yung faucet at naghugas ng kamay saka sinaboy ang tubig sa kaniyang mukha, pagkatapos tumingin sa salamin.
'Ma! Bakit kailangan mong gawin ito sa akin? Naging mabait na anak ako, Masunurin naman ako, pero bakit?'
Nagpunas at make up muna siya saka umalis ng CR, naabutan pa niya ang ina at ang matanda na naguusap pa.
"Anak! Bakit ang tagal mo?"
"Nagayos lang po ako." anya saka umupo na siya sa tabi nito.
Di niya namalayan na tapos ang dinner at nakauwi na sila sa bahay, mukhang napagod ang ina kaya kinumutan na lang niya ito.
Napagisipan na niya ito, "Mama! I'm sorry." saka siya nagdali-daling naghakot ng mga gamit, may naipon pa naman siya at kasiyang-kasiya ang lahat para sa paglayo niya.
Saka umalis na hindi nagiwan ng sulat sa ina, habang naglalakad sa kalye di niya mapigil ang mga luhang naguunahang pumatak, di niya akalaing magagawa niyang iwan ang ina.
"Ma! Sorry!"