webnovel

Ngiti

Ngiti

-------------------♡

Pagkarating ko sa classroom agad akong nagtungo sa upuan ko. Sa may unahan ko lang si Sky kaya mas madalas ko siyang kadaldalan.

"Hailey okay na ba yung wrist mo? Di na ba siya masakit?

"Okay na ako Sky para gasgas lang eh."

"Pero grabe din talaga yung nangyari sayo kanina noh. Sorry Hailey huh dapat sinamahan muna kita sa cafeteria. Kaya ayaw kitang naiiwan eh. Lalo pa't di mo kasama si Cleo"

"Ano ka ba okay-

"Excuse me! Excuse me! Excuse meeeeee!"

Speaking of Cleo...

Naputol ang pag-uusap namin ni Sky at napatingin ako sa baklitang nagtititili sa unahan na mukhang papunta rin dito.

"Oh Cleo san ka galing kanina?" panimulang bungad ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang nawala eh.

"Pwede bang bago mo ko tanungin kung saan ako nagpunta kanina, pero sasabihin ko na nga. Nagpunta lang naman ako sa gym at nanood ng mga nagbasketball. Pero di ko na rin sasabihin ang dahilan...pero sasabihin ko na nga rin. Ang daming gwapo dun Hailey! Ehhhhhh?!"

Halos mapatingin naman ako sa mga kaklase kong napapangiwi na lang sa lang din sa reaksyon ni Cleo.

Ako na ang nahihiya para sa kanya.

"Shhhhhh Cleo ang ingay mo!"

Suway ni Ella. Yung running for top 1 naming kaklase. Siguro may sinasaulo na naman toh.

"Pero Hailey maiba tayo, nakita kita kanina. Yiehhhhhh!" sabay sundot sa tagiliran ko.

"CLEO! saway ko sa kanya. Di ba niya alam ang lakas ng kiliti ko dun.

Aba't ang baklitang to, ngingiti-ngiti sa tabi ko.

"At ano naman yung nakita mo?" Sabay kuha ng notebook ko sa Physical Science para masimulan nang gawin ang nakaligtaan kong assignment.

"Yung kanina, yung ano.."

"ANO?!" Medyo naiirita na ako. Pa-suspense di pa kasi sabihin.

"Kanina kasi may pinagkakaguluhan yung mga estudyante sa cafeteria. Eh hindi ko naman alam na---- "

"Na?"

"Na ikaw pala yun-

"Sa canteen? Andun ka kanina?"

Nakakatampo, di man lang ako tinulungan ni Cleo. Friend ko pa naman siya.

"Oy beh sorry na! Tutulungan naman sana kita eh kaya lang may nauna na sakin!" sabay pakita ng makahulugan niyang ngiti.

"I thought we were friends pero-

"Pero girl ang swerte mo parin!"

"Sinabi mo pa!" untag ni Sky.

"Biruin mo, may gwapong tumulong sayo. Hindi lang basta gwapo, di mo ba alam, siya ang isa sa mga heartrob ng BSAEn, Paul Francis Esquivel yata ang pangalan nun!

"Sus kunwari di pa sure sa name! Halos lahat yata ng gwapong estudyante dito sa school eh kilalang-kilala mo. Wag ako Cleo!"

"Uy Sky, wala namang masama sa crush noh!"

"Yun na nga eh, halos lahat ng pogi dito sa campus, crush mo!"

Paul Francis?

He looks familiar. Bakit ba hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita?

"Di bale, next time gagawin ko rin yun!"

Aba't kinikilig ang loko!

"Gusto mo Cleo diyan sa labas maraming cactus diyan. Palubog ka. Hoy Cleo parang nakakita ka ng ano--

"GOSH HAILEYYYYYY! Look at the window! Daliiii!"

Halos mabingi ako sa irit ni Sky.

"Sky ano na naman bang--

Maging ako napatigil. Sa-sandali, siya yun diba? Yung lalaking tumulong sakin kanina. Naglalakad sila sa pathway na katapat ng room namin at may kasama siyang dalawang estudyante sa likod. Mukhang mga kaklase niya ito at wala sa kanila ang taong hinanap ko.

Di niya yata kasama si Kensui. Pero anong pakialam ko. May pakialam ba siya akin? Di ba wala!

"Andito siya! Andito si Fafa Franci*agfkgk*"

Agad kung tinakpan ng panyo ang bibig nitong si Cleo. Bago pa ito magka-epilepsy.

"Shhhhh huwag nga kayong maingay!" halos pabulong kung saway sa kanila.

"Tatawagin ko lang huh. Kuya! Kuya Francis ! Andito si Hailey!" Sabay turo niya sakin.

Wala na akong magawa, ang lakas ng kamay ni Sky hinahawi niya lang yung kamay kung magpipigil sa kanya para tumahimik.

"Gusto niya daw mag-THANK YOUUUU--

"SKY tumahimik ka nga! Nakakahiya! Tsaka nakapagthank you na ako kanina--"

"Kuya tingin ka po ditoooo---- Ahh!Ahh! Aray Hailey ang sakit!"

Kinurit ko siya sa bilbil.

Kita ko ang tawanan nilang tatlong mukhang narinig nila kami. Naghaharumentado ang puso ko lalo na nung lumingon ito.

"Ang gwapo niya ngumiti kyahhhhh!" sigaw ni Matet.

"Sa akin siya ngumiti friend wag kang feeling!"kontra ni Belle.

Yari na! Yung mga babaeng kaklase namin nakiki-usyuso na rin.

Naiintindihan ko sila eh kasi, iilan lang ang pogi sa room at mga taken pa. Si Cleo sana available, kaya lang bading.

"Anong sayo, sakin------sakin siya ngumiti!" pagdedepend ni Cleo.

Ano bang meron sa ngiti niya?

Sa-sandali ang ngiting yun parang nakita ko na dati.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan kuya?"

Shemmmms!

Nagflashback sakin yung sinabi ko sa kanya nung unang araw ko dito sa school.

Tama! Naaalala ko na.

Siya nga!

Iba na ang hitsura niya ngayon. Wala na siyang suot na salamin bukod dun, maayos na rin ang buhok nito.

Pero sigurado akong siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

Siya si Kuya sa fountain.

Ilang saglit lang, may babaeng lumapit dito. Mahaba ang kanyang buhok at may kunting kulot sa dulo. Halos manliit ang mga mata nitong nasa likod ko.

"Sino yan?"

"Friend?"

"Girlfriend?"

"Ewan. Baka naman hin---

Halos manlaki ang dalawang mata ko ng kunin niya ang dalang bag nito pati ang mga hawak na mga libro. Parang may something. Next naman ay nauna na silang dalawang umalis with holding hands pa. Confirm! Syota niya to.

"Ouch, taken na pala siya."

"Sayang naman!"

Napapailing na lang ako sa mga reaksyon ng mga kaklase ko.

"End of the story! Back to your proper seat na nga!" hirit ni Cleo.

Kailan kaya kami magiging ganyan ni Kensui? Yung may gentleman na magdadala ng gamit. Yung sabay na maglalakad sa hallway. Hayyy--

"Uy!" Halos mapapitlag ako sa pagsundot ni Sky sa tagiliran ko.

"Huwag nang umasa. Masasaktan ka lang."

"Sinasabi mo diyan. Hindi noh. Balik ka na nga sa upuan mo." Utos ko sa kanya.