webnovel

Bola

Bola

-------------------♡

"Oy Acosta pasok ka na,ikaw na lang ang hindi pa naglalaro!"- tawag sakin ni Bernadette, yung isa sa mga high school varsity players ng volleyball at siya ngayon ang nagpa-facilitate wala kasi si Sir na mabait at maunawain.

P. E namin ngayon at nandito kami sa open field ng school. Pwede namang sa gym na lang para kami-kami lang at di masyadong nakakapressure.

Pero tong mga kaklase ko kasi lalo na yung mga babae ni-request nila na dito na lang. Sus alam ko naman! Gusto lang nilang magpacute at magpapansin sa mga college students na nakatambay sa mga benches.

Katapat lang kasi nito ang Education Department at sa tabi naman ang I.T building. In short maaaring makita ako ni Kensui mula dito. Atleast di niya masasabing nagka-cutting class ako.

"Sige bahala ka wala kang grade ngayon!"

Kainis naman tong Bernadette oh, kailangan niya pa ba akong pagbantaan? Eh takot nga ako sa bola eh.

Naalala ko last time lang muntik na akong matamaan sa ulo buti naiharang ko yung braso ko. Pero ngayon no choice kaya't pumasok na ako sa court.

"Go Hailey!"

Cheer sakin ni Sky at Cleo. Buti nalang talaga may mga kaibigan akong gaya nila.

"Mine!"

"Mine!"

Linya ng mga madadamot sa bola. Edi inyo na!

Maya-maya pa puro ilag na lang yung ginagawa ko hanggang sa-

*Blaggg*

Sa lahat ba naman ng tatamaan, bakit ako pa?

Owwwwww! Rinig kung hiyawin ng mga estudyante sa di kalayuan. Mga college yun na wala yatang klase. Nakakahiya ka Hailey!

"Si Hailey natamaan sa mukha ha ha ha!"

Ang sama ng mga kaklase ko di ba!

"Okay ka lang?"- si Sky yan

"Hailey beh, sinabing umiwas ka sa bola eh! "Cleo

Halos mandilim yung paningin ko .

"Uy alalayan niyo yan baka matumba!" Sabi nung isa at dinala nila ako sa may bench para paupuin.

"H-hailey du-dumudugo yang ilong mo!"- natatarantang saad ni Cleo kaya naman napahawak ako sa ilong ko.

"D-dugo?! Hwahhhhh*sob*sob*hwahh Mommyyyyyy!!"

Iyak na ako nang iyak dito.

Katapusan ko na ba?

"Sinong gumawa nito sa Mylabs ko?"

"Oh Martino kala ko absent ka!"

"Sagutin niyo muna ang tanong ko. Sinong gumawa nito sa kanya?"

"Si Bernadette!"

"Bakit kasi hindi niya sinalo?"

"Magsorry ka na lang okay!"

"Oy Hailey sorry!"

"S-sandali lang Mylabs huwag kang susuko, hintayin mo ako, huwag mo kong iiwan, tatawagin ko lang si Nurse--

"OA mo Tino! Bola lang yun!"

Nagpatuloy lang sila sa pagtatalo hanggang sa tuluyan na akong napapikit.

"Haileyyyyyyyy!"

--------------

Napamulat ako at agad na sumalubong sakin ang liwanag.

"Nasa langit na ba ako?"

"Hoy luka-luka wala ka pa sa langit andito ka sa clinic. Pinag-alala mo kami huh!"

"Uy Tino gising na si Hailey! Tumigil ka na sa pagdadrama mo diyan!"

"MYLABBBBBBSSSS! Tabi ka nga diyan Cleo!"

"Alam mo pansin ko lang huh may galit siguro yang si Bernadette sayo. Nakita ko sinadya niya yun Hailey---

"Shhhh! Mga bata pwede bang pakihinaan ng boses. May nagpapahinga lang sa kabila." Saway sa kanila Miss Cynthia.

Ayan masyado ata kaming maingay. Ang ingay kasi ng tatlong toh.

"Wala ba kayong klase ngayon?" Dagdag pa nito.

"Ahm...meron po sa next subject!"

"Miss Cynthia bakit po siya hinimatay kanina? "

"Ako? Nahimatay? Ano bang nangyari kanina?"

"Wala kang maalala?"

"Hindi kaya nagka-amnesia ka?"

Huh? OA, di ako nagka-amnesia. Malinaw sakin ang lahat.

"Ang alam ko natamaan ako ng bola kanina. Pero paanong napunta ako rito?"

"Nataranta kaming lahat tapos...tapos binuhat ka ni *askhjkkg*

Agad na tinakpan ni Sky ang bibig ni Cleo na agad namang ipinagtaka ko.

"May tinatago ba kayong dalawa sakin?"

"Walaaaa!"

Defensive! Partida, sabay pa sila niyan huh.

"Kami ang nagdala sayo rito Mylabs!"

singit ni Tino.

"Oo nga! Ang bigat-bigat mo nga eh. Di ka ba nagda-diet---*Aww Hailey Mashakit*

Nahampas ko sa kanya yung unan.

"Tumahimik nga kayong dalawa, hindi pa nasasagot tanong ko eh. Miss Cyntia bakit po ba siya nahimatay?"

Halos lahat kami napatingin kay Nurse.

"Huwag kayong mag-alala. Natakot lang ata ang kaibigan niyo sa dugo at marahil dala na rin ng pagkabigla kaya ganun."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalalmunan. Akala ko kung ano na eh.

"Ahhh!"

"Oh siya maiwan ko na kayo iche-check ko lang yung isang kasama mo dito."

"Hailey makakapasok ka ba sa next subject?"

Mukhang okay na ako. Wala ng masakit.

"Ah ano kasi masakit pa yung mukha ko! Lalo na yung ilong ko, na-dislocate ata!"

Napakasinungaling mo Hailey.

"Ay ganun ba Mylabs tatawagin ko si Nurse!"

"Huwag na Martino!"

Pagpipigil ko rito.

"Sure kang ayos ka lang talaga?"

At nagnod ako.

"Oh sige Hailey mauna na kami, baka mapagalitan kami ni Sir. Okay lang bang maiwan ka namin dito?"

Okay na okay! Tiyak akong aantukin na naman ako sa next subject.

"Ah okay lang!"

"Bye Mylabs Mwah!" with flying kiss pa kaya tinakpan ko ng kumot ang sarili ko.

Yuck!

"Tama na landi Martino tara na sa classroom!"

"Sige Hailey ba-bye!"

Tumahimik na sa buong clinic. Umalis na sila. Nakahinga ako ng maluwag at napasuntok sa hangin.

"Yes wala na sila!" mahinang usal ko.

Napatingin ako sa nurse na ngingiti-ngiti at pailing-iling siguro bistong-bisto na niya ang pagsisinungaling ko.

"May maganda rin naman palang resulta ang pagkatama ng bola sa mukha ko. Nakapagcutting class pa ako hehehe!" hindi ko maiwasang hindi icheck yung ilong ko. Mukhang ito yata ang napuruhan.

"Oh Mr. Acosta maayos na ang pakiramdam mo?"

Nawala ako sa iniisip ko at agad akong nagtalukbong ng kumot.

Shemss andito siya!

Baka naman ibang Acosta ang kasama ko dito sa room!

"Opo Miss Cynthia. Nawala na ang sakit ng ulo ko."

Owemji si Kensui nga!

Ano daw masakit yung ulo niya? Si Kensui the great nagkakasakit rin pala. Syempre Hailey tao rin siya kagaya mo duh.

Naramdaman ko ang yabag nito mukhang papunta sa pwesto ko. Napahigpit ako ng hawak sa aking kumot. Ramdam ko ang kabog ng puso ko.

"Ah Miss, ano pong parusa ang binibigay sa mga nagkacutting-classes?"

Pinaparinggan niya ba ako?

"Pinapatawag ang magulang o kaya dinadala sa discipline office para ipalinis ang buong gym. Bakit mo naman naitanong?"

"May kilala po kasi ako eh balak ko sanang isumbong-

"Excuse me! Hindi ako nagkacutting class noh. Excuse ako!"

Napabalikwas ako at buong tapang na hinarap siya.

Nakakainis minsan na nga lang makapag-skip ng class eh kinontra pa ako ng monster na toh.

Pacool itong humarap sakin nang nakapamulsa. Yabang!

"Wala akong sinasabing ikaw... Rodulf."

Rodulf?! Kailan pa naging Rodulf ang pangalan ko?

"The red nose raindeer!" At kita ko ang pagyugyog ng balikat nito siguro nagpipigil lang tumawa. Inaasar niya ba ako? Ganun ba kapula yung ilong ko?

"Mukhang okay ka na Hailey. You can go to your room now, baka hinahanap ka na ng teacher mo. Sayang ang attendance kapag umabsent ka."

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng clinic at iniwan sila roon. Pagkalabas ko ay saka ako nagmamamartsa.

Nakakainis ka!

Nakakainis ka Kensui Acosta!

May araw karin sakin! Grrrr!