webnovel

Ibang Tao

Ilang buwan na rin ang nakakalipas. Medyo nasanay na ako sa school na pinapasukan ko. Nakakilala ng magiging bagong kaibigan pero hanggang ngayon wala paring nagbago sa set-up namin ni Kensui. Kung ano ang turing niya sakin dati, ganun parin hanggang ngayon.

"Okay class! That's the end of our discussion!"

Namalayan ko na lang naglalabasan na ang mga kaklase ko.

"Hailey maiwan muna kita huh!! May important matter lang daw kaming pag- uusapan ni Miss Adviser alam mo na Class President thingy!

Siya ang president ng homeroom namin. Di na ko magtataka. Friendly kasi si Sky.

"Siya nga pala bilhan mo na ako ng merienda daanan nalang kita sa pila!

Okay!Okay!-Saad ko naman at agad na nagtungo na sa canteen mag-isa.

Mahaba pa ang pasukan, siguro marami pa akong makikilalang kaibigan.

Nasa corridor na ako nang may marinig akong nag- iiritan pakiramdam ko nga malapit lang yun dito eh.

"OMG! OMG! Girl okay ba yung mukha ko? Di ba mukhang oily kanina pa kasi ako nagpolbo eh!"

"Ako ba? sabay aplay ng make- up at foundation.

"Andyan na sila!"

Kenekeleg eke!! Kyahhhh!

Parang mga uod na nabudburan ng asin ang mga babae dito kung kiligin.

Nagsawalang kibo na lang lang ako at di ko pinansin. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad at para makaalis na sa presenya nila. Nakakairita!

"Akin lang si Francis!"

"Basta boyfriend ko si LiSheen!"

"Inyo na sila basta ako... ako lang naman ang nag-iisang asawa ni Kensui Acosta!"

Langya... di ko maiwasang mapalingon dun sa huling nagsalita. Anong sabi niya? ASAWA?!

Sa pagkakaalam ko sakin lang siya kinasal pero di bale ngayon kilala ko na kung sino-sino ang pinagkakaguluhan nila.

Well...good luck kay Ate Girl na asawa daw niya kuno si Kensui. Tingnan lang natin kung hindi niya isuka ang kasungitan niyan.

Papalapit na sila sa pwesto ko. Nakasuot sila ng jerseys at shorts. Marahil ay kagagaling lang magbasketball at di ko maiwasang mailang. Parang kilala ko yung isa, familiar siya sakin hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita.

"Girl dalian niyo bilis!

"Owemgi!

Di pa rin ba sila titigil. Haisst!

>>______<<

Nasa tatlo sila pero di ko sila nilingon at agad-agad silang nagtakbuhan na parang nakakita ng mga artista. Walang pakialam sa mga nadadaanan.

*Plak*

Nahagip ako ng isa sa kanila kaya napaupo at lumubog ako sa halamanan ng santan. Ang sakit... parang may tumusok na something sa pang-upo ko bukod dun naramdaman ko ang hapdi ng wrist ko. Pagtingin ko, may gasgas at dumudugo ito. I hate blood. Natatakot ako!

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante roon.

Hala kawawa naman siya!

"Grabe naman yung mga tumulak sa kanya!"

"Di na naawa!"

Naramdaman ko na lang ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Umiiyak na pala ako.

Huk, Sky asan ka na ba?

Sa kabila ng mga luha ko, naaninag ko ang isang estudyanteng inilalahad ang kamay niya sakin.

Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba pero hindi ko pa man naiaangat ang mga kamay ko, siya na mismo ang nagkusa na abutin ang mga ito para agad akong maitayo. Sa bilis ng pangyayari-

3 inches away! Yun ang lapit ng mukha niya sakin.

Matangkad siya, maayos ang kanyang buhok, may chinito siyang mga mata.Teka, bakit parang pamilyar siya---

"Hailey! Anong nangyari? "

Nawala ako sa iniisip nang biglang sumulpot si Sky. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa amin at dun sa lalaki.

Bago pa siya mag-isip ng kung anu-ano, walang pasubali ko inalis ang kamay kong hawak niya.

Agad kong hinarap si Sky.

Teka lang Hail--

Di na siya nakaangal pa hinila ko na ang braso nito palayo. Nilampasan ko silang lahat. Pero nahagip ng mga mata ko ang isang tao.

Si Kensui

As usual, poker face, pa-cool. You know!

Hayy wala talaga siyang pakialam sakin ?

Dapat kasi simula't sapul tinanggap ko na ang katotohanan na... Ibang tao lang ako sa kanya.