webnovel

Lucky Boy Part 18

"LUCKY BOY"

EPISODE 18

Kinaumagahan ay nagising si Mark na sobrang lagkit ng kanyang mga mata dahil sa walang tigil ng pag-iyak niya simula nong hapon hanggang kagabi dahil sa kanyang nasaksihan na ang kanyang ate Clara na mahal na mahal niya ay nakikipaghalikan sa kanyang kaklase at kaibigan na si Maxtrill.

Mahirap para kay Mark na tanggapin ang pangyayaring iyon, na kahit kakakilala lang ng ate niya Clara ang kanyang kaklaseng si Maxtrill ay ganon ganon na lamang kadaling nakuhang nakikipaghalikan ng ate Clara niya kay Maxtrill.

Matamlay na bumangon ng kanyang kama si Mark at umupo muna saglit at pinunas punas niya ang kanyang mga mata para matanggal ang mga muta sa kanyang mga maga,bago bumangon at lumabas ng kanyang kwarto.

?Nasayang lang ang pagmamahal na sa iyo ay inilaan, mukha tuloy akong tanga?

?Ibinigay ko na ang lahat boung puso't kaluluwa, ngunit ako'y binalewala pinagpalit mo sa iba ha...

?Di na ako iibig pang muli, ayaw ko ng masaktan pang muli, tama muna sa'kin ang mag-isa sa isang tabi pagkat di ko na kayang magmahal...?

Rinig ni Mark ang isang kantang galing sa kanilang kapitbahay na parang siya ang napatamaan ng kantang iyon, kaya hindi mapigilan ni Mark ang mapangiti ng mapakla at sumabay sa kanta habang pababa ng hagdan.

Pagkarating ni Mark sa may kusina ay naabutan niya si Denea na kasalukuyang nagluluto.

Napalingon si Denea kay Mark at ngumiti."Ommo! hi cuttyy cute,good morning."Parang batang bati ni Denea kay Mark.

Dahil na cu-cute-tan si Mark sa inasta ni Denea ay hindi niya mapigilan ang mapangiti.

Dahan dahang naglakad si Mark para lumapit kay Denea at walang sabi sabing hinawakan niya ang makinis at maamong mukha ni Denea at saka hinalikan sa may pisngi, dahilan para mamula si Denea.

Ngumisi si Mark."Ngayon ko lang napansin ATE DENEA na ikaw pala ang tunay na cute hehehe, cute na maganda pa."Pang-uuto ni Mark sa panganay.

At dahil doon ay napangiti si Denea at saka niyakap ng mahigpit si Mark."Talaga? cute at maganda si ate?."Malambing na tanong ni Denea habang nakayakap kay Mark.

Ngumiti si Mark."Oo naman ate, dati naman at mas lalo na ngayon ate mas lalo kang GUMANDA."May diin na sabi ang huling salita ni Mark.

Napangiti naman ng mahinhin si Denea at pinisil ang ilong ni Mark kaya pareho silang natawa.

Habang nasa ganon silang posisyon ay wala silang kaalam alam na nakatingin na pala sa kanila si Clara at saka ngumiti,napalingon naman ang dalawa kay Clara at nginitian sila ni Clara.

"Sweet niyo naman ate hehehe."Nakangising sabi ni Clara habang nakay Denea lang ang paningin.

At dahil doon nagtaka si Mark sa kanyang nararamdaman, parang normal na lamang ang kanyang pakiramdam sa tuwing makikita niya si Clara, di tulad ng dati na sa tuwing makikita niya ito ay bibilis ang tibok ng kanyang puso,pero sa naramdaman niya ngayon ay parang wala na lamang,siguro ay pagod na agad ang kanyang puso sa pagmamahal kay Clara.

Napangiti si Mark."Morning ate."Nakangiting bati ni Mark kay Clara,dahilan para magulat si Clara.

Hindi inaasahan ni Clara na sa kabila ng kanyang pagsampal niya kay Mark kahapon ay nagawa pa rin siyang batiin nito ng nakangiti.

Napalunok si Clara at saka pilit na ngumiti dahil nagi-guilty siya dahil sa ginawa niya kahapon na pagsampal niya kay Mark."M-morning din b-bunso."Utal na bati ni Clara pabalik kay Mark dahilan para kumunot ang noo ni Denea na nakatingin kay Clara.

Wala kasing kaalam alam si Denea sa mga nanyari kahapon dahil nagsho-shoping siya sa mall kahapon.

"Sa C.R po muna ako excuse."Paalam ni Clara sa dalawa at saka pumasok na ng C.R napabuntong hininga si Clara dahil sa naalala na naman niya ang ginawa nila ni Maxtrill kagabing paghahalikan, hindi mapigilan ni Clara ang makaramdam ng pagsisisi dahil para na ring inamin niya sa sarili niya sa sinabi ni Mark kahapon na malalandi silang dalawa ni Maxtrill.

"Ano ba Clara,bakit ang rupok mo, at pumayag na lamang na basta basta halikan ka ni Maxtrill nakakainis ka!."Inis na kausap ni Clara sa kanyang sarili.

Sa agahan ng magkakapatid ay magkatabi pa rin sila ni Clara at Mark,ngunit ang boung atensyon na lamang ni Mark ay nasa kanyang pagkain na lamang di tulad ng dati na palaging sinusulyapan si Clara at saka magngingitian na parang mga tanga habang kumakain.

"Ate Clara, ate Denea aalis na ako."Paalam ni Mark sa dalawang ate para papuntang school at lumapit kay Denea at hinalikan ng ilang segundo sa pisngi at si Clara na naman sana ang hahalikan niya ngunit natigilan siya ng maalala na naman niya ang kanyang nasaksihan kagabing halikan ni Clara at ng kanyang kaklaseng si Maxtrill kaya dahil doon ay nakaramdam ng pandidiri si Mark kay Clara at imbis na halikan niya si Clara ay ngumiti na lamang siya dito at nagpaalam rin.

Parang kinurot ang puso ni Clara dahil sa ginawang hindi paghalik sa kanya ni Mark at wala sa sariling patakbo siyang nagtungo sa kanyang kwarto at doon napahikbi.

Napatigil sa kanyang paghikbi si Clara ng maalala na naman niya ang ginawa nilang halikan nila ni Maxtrill kahapon kaya natigilan si Clara at napalunok."Nakita kaya niya?."Humihikbi na sabi ni Clara habang tinakpan ng unan ang kanyang mukha.

Sa loob ng klase ay pansin ni Mark na parang naiilang sa kanya si Maxtrill at hindi masyadong makatingin sa mata kaya siya na mismo ang kumausap nito at biglang inakbayan dahilan para mapaigtad si Maxtrill at hindi makapaniwala sa ginawa ni Mark."Uy pre musta?."Walang halong sarkastikong tanong ni Mark habang nakaakbay sa kaibigan.

Kabadong lumingon si Maxtrill kay Mark at pilit na ngumiti."Ah-huh? o-okay lang ako pare."Pilit ngiting sagot ni Maxtrill kay Mark.

Natawa si Mark."Ano ka ba pare bakit parang naiilang ka na sa'kin?."Nakangiting tanong ni Mark habang nakaakbay pa rin sa kaibigan.

"Ah-ehh kasi pare, yung kahapon? nag-away kayo ng ate mo ng dahil sa'kin kaya nagi-guilty kasi ako sa'yo pre."Kabadong sagot ni Maxtrill kay Mark.

Napahagalpak ng tawa si Mark at saka tinapik tapik ang balikat ng kaibigan."Ano ka ba pare, kalimutan mo na yon, at saka sorry nga pala kahapon sa mga sinabi ko pare."Senserong sabi ni Mark.

Napalingon naman si Maxtrill kay Mark."Huh? e hindi ba dapat ako lang ang humingi ng sorry sa'yo? bakit kailangan mo pang magsorry sa'kin ?."Ilang na tanong ni Maxtrill.

"Eh sorry kasi sinabihan ko kayo ng hindi maganda ni ate kahapon ng hindi maganda, kaya sorry talaga pare."Sensero pa ring sabi ni Mark at inalis sa pagkakaakbay ang kanyang braso kay Maxtrill.

At dahil doon ay gumaan ang pakiramdam ni Maxtrill kay Mark at siya naman ang umakbay nito."Sus wala yon pare, magkaibigan tayo kaya hindi dapat natin sirain ang ating pagkakaibigan nang dahil lang sa walang kwentang bagay na iyon."Nakangiting sabi ni Maxtrill habang nakaakbay kay Mark.

Napangiti ng mapakla si Mark at saka pilit na nginitian si Maxtrill."Tama ka nga naman."Pilit ngiting sabi ni Mark at saka bumuntong hininga.

"Oh ano na namang problema mo pare? ang lalim non ah?."Kunot noong tanong ni Maxtrill.

Ngumiti si Mark at seryosong tumingin kay Maxtrill kaya kinabahan si Maxtrill."Pare may gusto ka ba sa ate ko?."Deretsahang tanong ni Mark habang nakatingin sa mga mata ni Maxtrill.

At dahil doon ay napabitiw sa pagkakaakbay sa kanya si Maxtrill at napalunok."Pare ano bang sinasabi mo?."Kabadong tanong ni Maxtrill kay Mark.

"May GUSTO ka ba sa ATE ko?."Madiin na tanong ulit ni Mark.

Ilang besis pa munang napalonuk si Maxtrill bago makakapagsalita."O-Oo pare."Tatango tango at kabadong sagot ni Maxtrill.

Ngumiti si Mark at saka inakbayan ang kaibigan."Ligawan mo siya pare."Nakangiting sabi ni Mark.

At dahil doon ay hindi makapaniwalang tumingin si Maxtrill kay Mark,parang may nabuhay sa kalooban ni Maxtrill at sa kanyang puso, kakaibang saya bigla ang kanyang nararamdaman kaya napangiti siya."Talaga pare sigurado ka?."Nakangiting paninigurado ni Maxtrill.

Tumango tango si Mark at ngumiti."Oo naman."Nakangiting sagot ni Mark at unti unting nangingilid ang mga luha sa kanyang mata.

"Ingatan mo siya ha.. ha..."Wala sa sariling kumanta si Mark kaya natawa si Maxtrill.

End Of Episode 18