webnovel

Lucky Boy Part 19

"LUCKY BOY"

EPISODE 19

ISANG gabi."Ate bakit hindi mo na lang sagutin si Maxtrill? kawawa naman siya."Naawang pakiusap ni Mark kay Clara.

Binusted kasi agad ni Clara si Maxtrill noong nakaraang araw kaya malungkot na malungkot si Maxtrill,at naawa naman si Mark sa kaibigan kaya paulit ulit niyang pinilit si Clara na sagutin si Maxtrill ngunit nagalit si Clara sa kanya.

At dahil sa mga sinabi ni Mark sa kanya ngayon ay parang kinurot ang puso ni Clara dahil sa mga inasta ni Mark,pakiramdam ni Clara ay para na lamang siya nitong ipinamigay basta basta kaya tumalikod siya sa bunso para hindi nito makita ang unti-unting pangingilid ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ate?."Tawag ni Mark at nilapitan si Clara at hinawakan sa braso.

"Sabihin mo ano ang dahilan,na ginawa mo iyan,at bakit mo ipipilit sa akin ang kaibigan mo ha!?."Pigil na hikbi na tanong ni Clara habang nakatalikod.

Hindi nakasagot si Mark at napatungo lang.

Tumingala si Clara para pigilan ang mga luhang ibig kumakawala mula sa kanyang mga mata.

Humarap si Clara sa nakatungong si Mark.

"Hindi kita maiintindihan Mark, ku-kong bakit ka nagkakaganyan at ginagawa mo to,dati naman ay ayaw mong may boyfriend ako di-ba? ba-bakit? bakit ngay- bakit ngayon ay ikaw pa mismo ang nagpupumilit na sagutin ko ang kaibigan mo? ha? sabihin mo ang dahilan."Naluluhang tanong ni Clara at hindi na napigilan ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Nag-angat ng tingin si Mark at nagtama ang paningin nila ni Clara.

Nakaramdam ng labis na awa si Mark sa kanyang ate dahil nakita niya itong lumuluha kaya nilapitan niya ito at niyakap at ihinilig ang ulo sa kanyang balikat at hinaplos ang buhoj nito sa likod.

"Sabihin mo,k-kong ano ang dahilan sabihin mo."Umiiyak na tanong ni Clara habang nakapatong ang baba sa balikat ni Mark habang magkayakap silang dalawa.

Humugot ng malalim na hininga si Mark bago magsalita."Dahil alam kong gusto ninyo ang isat isa-."Pinutol ni Clara ang sasabihin ni Mark at saka kumawala sa pagkakayakap ni Mark at galit na nagsalita.

"Bakit!? paano mo nasabing may gusto ako sa kanya at gusto namin ang isat isa ha!?."Galit na tanong ni Clara habang nakatingin sa mga mata ni Mark.

Nag-iwas ng tingin si Mark at nagsalita."Dahil nakita ko kayong naghahalikan noong isinama ko siya dito para magpatulong sa projects namin."Seryosong sagot ni Mark.

At dahil doon ay napaawang ang bibig ni Clara at hindi agad nakasagot at hindi makapaniwalang nakatingin kay Mark.

"Na-nakita mo-?."Utal na tanong ni Clara.

Napangiti ng mapakla si Mark at tumango.

"Hi-hindi,ganon yun,mali yang iniisip mo,pinilit niya akong halikan at nadala lang ako,hindi ibig sabihin non ay gusto ko na rin siya."Lumuluhang paliwanag ni Clara.

Napailing iling si Mark at tumingin ng seryoso kay Clara."Pero gumanti ka."Seryoso pa ring sabi ni Mark dahilan para matahimik si Clara.

"Matutulog na ako ate bye."Paalam ni Mark at aalis na sana ngunit nagsalita si Clara.

"Wait,magpapaliwanag ak-."Pinutol ni Mark ang sasabihin ni Clara.

"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag ATE CLARA dahil bistado na kita."Matigas na sagot ni Mark at tuluyang umalis at umakyat sa kwarto niya.

Naiwang nakaawang ang bibig ni Clara at mas nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Kinaumagahan."Oh bunso nasaan si ate Clara mo?."Tanong ni Denea habang inilapag ang mga plato sa hapag kainan.

Nagkibit balikat lang si Mark at agad nilantakan ang mga pagkain.

Natawa naman si Denea na nakatingin kay Mark."Ohh bunso baka mabulunan ka diyan,dahan dahan naman."Natatawang sita ni Denea kay Mark.

Ngumiti lang si Mark kay Denea at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Tatawagin ko lang si ate Clara mo bunso ah."Paalam ni Denea at naglakad para puntahan sa kwarto si Clara.

Tumango lang si Mark at nilantakan ulit ang pagkain.

At maya maya pa ay dumating si Clara at tahimik na naupo sa tabi ni Mark na tila naiilang.

Nagulat si Clara ng iniusilog ni Mark ang kanyang upuan palayo kay Clara kaya hindi makapaniwala si Clara,tila ayaw na siyang makatabi ng kapatid,kaya unti unting nangingilid ang mga luha ni Clara sa kanyang mga mata at nakatungo lang itong kumain.

Kumunot ang noo ni Denea na nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa."Nag-aaway ba kayo?."Kunot noong tanong nito.

Sabay na napatingin ang dalawa kay Denea at umiling iling na parang mga bata,kaya hindi mapigilan ni Denea ang mapangiti sa dalawa."ang cute niyong dalawa,para kayong mga bata at the same time parang magjowa hukk-."Tinakpan ni Denea ang bibig dahil sa kanyang sinabi.

Napaigtad si Clara sa sinabi ni Denea at tiningnan si Mark ngunit nanlumo siya ng makita niyang nasa pagkain lang nito ang atensiyon at wala sa kanya.

"Peace hehe."Nag peace sign si Denea sa dalawa at nagsimulang kumain.

Tahimik silang tatlong kumain at kapag hindi magsasalita si Denea ay nakakabingi talaga ang katahimikan na namumutawi sa dalawa.

"Ate,aalis na ako."Paalam ni Mark kay Denea at naglakad palabas ng mansyon para magtungo sa schooI.

Hinanap ng mga mata ni Mark si Clara at nakita niya ito na nasa labas ng mansyon na nakatalikod at nakacross ang mga braso at nakatungo ang ulo na tila may malalim na iniisip.

"Ate."Sambit ni Mark sa likuran ni Clara dahilan para mapatili si Clara dahil sa gulat.

"Ayyyy!!,i-ikaw pa-pala yan."Gulat na tili ni Clara.

"Bakit parang gulat na gulat ka? para ka pang virgin kong makatili."Sarkastikong sabi ni Mark habang nakangisi kay Clara.

At dahil doon ay nagpantig ang tainga ni Clara sa narinig at sinampal si Mark.

"Anong tingin mo sa'kin ha?! ganun na ba kababaw ang tingin mo sa'kin para ganyanin ako ha!?."Nangingilid agad ang mga luhang tanong ni Clara habang galit na nakatingin kay Mark.

"A-ate so-sorry."Hinging patawad ni Mark kay Clara.

"Okay lang,okay lang ako,sana naman pinakinggan mo muna ang side ko,pero mukhang malabong mangyari yon,dahil para sa'yo ako na lang ang palaging may mali!."Umiiyak na sabi ni Clara at dali daling pumasok sa loob.

Naiwang nakanganga si Mark,bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi."Sorry ate."Napabuntong hiningang sabi ni Mark sa kawalan.

End Of Episode 19