webnovel

Lucky Boy Part 17

"LUCKY BOY"

EPISODE 17

"Wow! ang laki naman ng bahay ninyo pre!."Manghang sabi ng kaklase ni Mark na si Maxtrill.

Isinama ni Mark si Maxtrill dahil may gagawin silang project at magpapaturo sila kay Clara.

"Ahh hehe, di naman."Humble na sagot naman ni Mark.

Pagkapasok nila sa bahay ay naabutan ng dalawa si Clara na kasalukuyang nakaupo at nakaharap na naman sa loptop at nagtitipa habang nakatalikod sa kanila.

Nakasout lang si Clara ng maikling maong shorts at saka white na maluwag T-shirt kaya kitang kita ang mga malulusog, malalaking dibdib nito, at mahahabang legs ni Clara dahilan para mapako ang paningin ni Maxtrill doon sa legs ni Clara.

Napatigil sa pagtitipa si Clara at napalingon sa kakarating lang na si Maxtrill at Mark.

Nagtama ang paningin ni Clara at Maxtrill kaya nagkatitigan sila ng ilang segundo.

Naputol lamang ang titigan ng dalawa nang magsalita si Mark.

"Ate, si Maxtrill nga pala kaklase ko, nandito po siya para magpatulong kaming dalawa sa'yo para sa gagawin naming projects."Nakangiting sabi ni Mark habang nakatingin kay Clara,ngunit kumunot ang noo ni Mark nang mapansin niyang hindi sa kanya nakatingin si Clara kundi na kay Maxtrill lang ang paningin nito, nilingon naman ni Mark ang kaklase at huling huli niya itong nakipagtitigan kay Clara.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mark sa dalawa na hanggang ngayon ay nagkatitigan pa rin at wala man lang tumugon sa kanyang sinabi.

Kita ni Mark ang kakaibang titigan ng dalawa, titig na para bang may kakaiba,kaya nakaramdam ng inis si Mark.

"Hey! anong nangyayari sa inyo at ganyan kayo kong magtitigan ha?."Pigil ang inis na tanong ni Mark sa dalawa dahilan para maputol ang titigan ng dalawa at mapatingin ito sa kanya.

"Ahh huh? ano nga ulit iyong sinabi mo bunso?."Parang wala sa sariling tanong ni Clara.

At dahil doon ay mas lalong nainis si Mark."Ang sabi ko, nandito siya."Inis na sabi ni Mark kay Clara at itinuro si Maxtrill."Si Maxtrill, kaklase ko para magpatulong kami sa'yo sa gagawin naming projects."Inis na sabi ni Mark.

"Ahh eh, ganun ba, ahmm si-sige, hi Maxtrill? tama ba?."Matamis na ngiting tanong ni Clara na tiningnan si Maxtrill.

Ngumiti rin ng matamis si Maxtrill kay Clara tsaka tumango."Oo ate hehe."Nahihiyang sagot ni Maxtrill.

Nakangiting lumapit si Clara kay Maxtrill dahilan para kumunot ang noo ni Mark.

"Clara."Nakangiting pakilala ni Clara kay Maxtrill at saka inalok ang kamay para makipagkamay rito.

Agad rin namang tinanggap ni Maxtrill ang kamay ni Clara at doon ay damang dama ni Maxtrill ang malambot na palad ni Clara.

Hindi agad binitawan ni Maxtrill ang kamay ni Clara at sandali niya muna itong pinisil pisil bago binitawan at ngumiti."Nice to meet y-you ate-."Pinutol ni Clara ang sasabihin ni Maxtrill.

"Clara, C. L. A. R. A, CLARA."Nakangiting pagtatama ni Clara para sa itatawag ni Maxtrill sa kanya.

Napakamot sa ulo si Maxtrill."Ahh hehe, nice to meet you too CLARA."Nakangiti at madiin na sagot ni Maxtrill sa pangalan ni Clara.

Kaya dahil sa inis ni Mark ay sumabat siya."Ohh? ano tapos na ba kayong maglandian diyan?."Asar na tanong ni Mark.

Napahiya naman si Maxtrill kaya napaiwas ito ng tingin kay Clara at tumingin kay Mark."Di naman pre."Napapahiyang sabi ni Maxtrill.

"Oh baka nabibitin ka pa? sige landiin mo pa."Sarkastikong sabi ni Mark kay Maxtrill habang nakangisi ngunit nagpipigil lang ng inis.

Napatungo si Maxtrill."Grabe ka naman pare, para nagpapakilala lang, landi agad."Nagtatampong sabi ni Maxtrill habang nakatungo ang ulo.

Nakapameywang si Mark na tiningnan si Maxtrill."Eh anong tawag doon sa mga titigan, ngitian ninyong dalawa ha? normal pa ba yon na pagpapakilala? yung pakikipag-shake hands? sabay pisil ng kamay? akala niyo hindi ko napapansin ha?,malandi talaga kay-."Natigil sa pagsasalita si Mark ng malakas siyang sinampal ni Clara.

Medyo nahilo si Mark dahil sa sampal na iyon kaya gulat at hindi siya makapaniwalang sa ikalawang pagkakataon ay nasampal siya ni Clara.

"Wala kang karapatang sabihin yan! Mark! hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo, hindi ako malandi at hindi ako naglalandi! hindi ako tulad ng iniisip mo Mark! kaya wala kang karapatang sabihin yan sa harap ko, namin!."Galit na sigaw ni Clara sa mukha ni Mark, bakas sa mga mata ni Clara ang galit niya kay Mark.

Hindi nakasagot si Mark, dahil sa pamamanhid ng kanyang mukha sa sampal ni Clara.

Si Maxtrill naman ay nanatiling nakatungo lang at maya maya'y nagsalita."A-ahh uuwi na lang sigu-."Natigil sa pagsasalita si Maxtrill ng sumabat si Clara.

"No, Maxtrill, dito ka lang, tuturuan kita sa mga projects MO akong bahala."Pilit ngiting sabi ni Clara kay Maxtrill kaya nag-angat ng tingin si Maxtrill at nagtama ang paningin nila ni Clara.

Tiningnan ni Maxtrill si Mark at parang nagtatanong ang mga mata na okay lang ba sa kanya na mananatili na muna siya.

Ngunit nag-iwas ng tingin si Mark kay Maxtrill at saka naglakad paakyat sa kanyang kwarto.

Napatingin naman si Clara sa papaakyat na si Mark at saka ibinalik ang tingin kay Maxtrill at ngumiti."Don't mind him."Ngiting sabi ni Clara kay Maxtrill at saka nagpaalam muna papunta sa kusina para kumuha ng makakain nila ni Maxtrill.

At pagbalik ni Clara ay may dala siyang malamig na juice at cake at inilapag ni Clara ang mga ito sa maliit na mesa at sabay nilang kinain ni Maxtrill.

Ngiting ngiti naman si Maxtrill sa tuwing magtama ang paningin nila ni Clara dahil ngumingiti ito sa kanya.

Nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa at nasa tapat nila ang maliit na mesa kong saan doon nakalapag ang juice at cake.

Pagkatapos na inubos ng dalawa ang juice at cake ay inaya na ni Clara si Maxtrill na ilabas ang mga material para sa gagawin nilang project para sa kanilang dalawa ni Mark na rin.

...

Si Maxtrill ang taga sulat at si Clara naman ang taga dikta sa mga isusulat ni Mark.

Magkaharap silang dalawa na nakadapa sa sahig at lapit na lapit ang kanilang mga mukha,kaya hindi maiwasan ni Maxtrill ang mapangisi at wala sa sariling hinawakan niya ang mukha ni Clara, kaya gulat na gulat si Clara sa ginawa ni Maxtrill.

Habang nasa ganon silang posisyon ay wala silang kaalam alam na nakatingin lang sa kanilang mga ginagawa si Mark mula sa taas.

Nakakuyom ang mga kamao ni Mark at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

At ang sumunod na nangyari ay hindi na nakayanan pa ni Mark.

Kitang kita ni Mark na hinalikan ng kanyang kaklase si Clara, habang si Clara naman ay nakapatong ang mga kamay sa balikat ni Maxtrill habang magkaharap sila na nakadapa, at si Maxtrill naman ay mahigpit na nakahawak sa batok ni Clara at lalong siniil pa ng halik si Clara at tsaka nag-ispadahan sila ng dila at nagpalitan ng laway.

At dahil doon sa nasaksihan ni Mark ay tuluyan siyang napahagulhol ng iyak dahil sa sakit na kanyang nadarama sa kanyang dibdib at pumasok siya sa kanyang kwarto at doon walang tigil na humagulhul ng iyak na parang batang kawawa at inaagawan ng laruan.

End Of Episode 17