webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 8

🍁 Chapter 8 🍁

Matapos kong maabsenan kay Sir Aldrin ay pumunta muna ako ng Girls Comfort Room para maghilamos at magising para sa next Class ko.

Wala naman masyadong tao ang cr dahil sa may klase pa ang ibang estudyante kaya malaya ako nakapaghilamos.

" haaays! badtrip talagaa naabsenan pa akooo " inis kong saad habang nakaharap sa repleksyon ko sa salamin matapos kong maghilamos.

" be ready lang Kyrra magself study ka nalang para may maisagot ka bukas kay Sir " payo ko sa sarili .

Matapos kong kausapin ang sarili ko sa salamin ay nagretouch na ako. Habang nasa gitna ako ng pagreretouch ay bigla ng nagsipasukan ang iilang Nursing student sa cr kaya naman ay napaurong ako sa dulo na sink.

Nahiya ako e, ako na mag-aadjust kahit ako yung nauna charot HAHHAHA charot lang mahirap awayin ang mga Nursing Student masyado silang maganda at kung mang-aaway ako ng Nursing Student ay siguradong kapag na Hospital ako ni isa sa mga ito for sure walang tutulong saakin .

" Hay ampogi talaga nung anak ni Sir Aldrin noo! " kilig na sabi ng isang familiar na babae na isa sa mga Nursing student.

Teka ito iyong nang-agaw ng taxi nung nakaraan ah!

" diba bago lang yon dito? i think kahapon lang ata siya dito e " sabi naman ni Zaidee dating kaschoolmate ko naman ito.

" ahh oo ! pero you know what parang palaaway yon " walang ekspresyong saad ni Leyla habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng tint sa labi.

Oh hindi ako stalker ha! sadyang Famous lang sila sa old school namin kaya kilala ko mga pangalan nila ako lang ata ang nag-iisang munggo doon sa campus namin e HAHAHAHHA.

" ha ? pano mo naman nasabi Leyla? " tanong ni Tina habang nagliliptint ito.

" kasi i saw him earlier nakilala ko na anak siya ni Sir kasi magkasabay sila kanina pumasok then tinawag ako ni Sir kasi may pinaparemind para sa kabilang section " kwento nito.

" tapos syempre dahil kausap ko si Sir bapansin ko rin ung anak niya ng malapitan and i saw na may sugat tsaka pasa yung labi niya alam niyo yon?yung parang sinapak " dagdag pa nito habang nakatingin sa cellphone niya.

Dahil sa kanina ko pa napapansin na panay ang tingin saakin ng babae na nang-aagaw ng taxi noon at dahil baka maalala pa niya ako ay nagsimula na akong iligpit ang mga gamit ko at dalidali ng lumabas ng Cr.

" halaa baby koo sino kaya sumapak sakaniya? nako pag nalaman ko talaga sasampalin ko siya bente ! " rinig kong sigaw nung babae bago ako makalabas ng Girls Room.

Matapos ko makalabas sa Girls Room ay naglakad nako para pumunta sa next class ko ng bigla lumabas si Sir Aldrin sa isang kwarto na madadaanan ko papunta sa next class ko. Nagulat ako at napahinto dahil kaharap at nilingon na ako ni Sir.

betch yareee!

" oh Ms.Mallari pumasok ka pala? i thought youre absent today why i didnt saw you in my class? " sunodsunod na tanong ni Sir .

jusmeyo Sar wait lang hihinga lang ako huhu...

Halos ilang minuto akong hindi nakasagot dahil sa hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko HAHAHAHAH.

" ah ah a-ano po S-Sir k-kasi ano ahh..." di mapakaling saad ko.

" are you sick Ms.Mallari? " tanong ni Sir.

ano?sick daw kyrra S I C K !

" AHH!OPO SIR!OPO! masama po kasi pakiramdam ko kaya nalate ako ehehe " pagdadahilan ko .

Thankyou Sir binigyan moko ng madadahilan ko HAHHAHAHHA

" ahh you dont need to shout it out hahah " natawang saad ni Sir dahil napalakas pala yung sagot ko hehe.

" awts gege " mahina kong sagot.

" ha?may sinasabi ka Ms.Mallari? " tanong ni Sir

" ah eh ang sabi ko po awts sorry hehe " saad ko sabay kamot sa batok ko

kala ko narinig ma ni Sir HAHAHAHAH

" sige see you tomorrow in our Class Ms.Mallari i hope you get well soon " saad ni Sir while smiling.

Hala betch! ampogi talaga ni Saaar huhu

Btw lemme introduce to all of you ang asawa ko charot este ang Campus Crush ng lahat ng students dito dahil sa napakagandang lalaki nito. Everyone! meet Mr.Aldrin San Agustin our beloved History Teacher.

" sanaol may histoy " wala sa sarili kong nasabi.

" ha?are you saying something? " tanong ni Sir na kinagulat ko nakalimutan ko na andito pa pala si Sir HAHAHHAHAHHA.

" ah wala sir sabi ko mag-aaaral na po ako ng History hehe " palusot ko.

" ah thats good sige na i have to go you also need to go to your next class bye " paaalam ni Sir while wearing his napakakainlab na smile and look at his dimple its waving at me betch huhu .

" oki sir bye po "

Hays Sir why so pogiiiii!

" ay pogi! " gulat kong sigaw ng may biglang sumampa sa likuran ko.

" ay nako ky no need to remind me i know how pogi i am " preskong saad ni Axel na ngayon ay nasa harapan ko na.

" wao ha " saad ko sabay na naninglit ang mga mata ko sa mahanging si Axel.

" hahahha ang hangin mo talaga Axel " sagot naman ni Eesha na nakasakay parin sa likod ko.

" hoy ikaw babae umalis ka diyan " saad ko agad naman itong bumaba habang tumatawa .

" sino ba kasi yang sinasabihan mong gwapo ha Kyrra " natatawang tanong ni Eesha.

" basta its none of your business " mataray kong saad.

" wao ha bagsak ka nga sa Business Plan niyo nung Senior High tayo e HAHAHHAHA " pangaasar ni Axel.

Narinig ko namang nakitawa si Eesha remembring our Business Plan nung Senior high mayghad sobrang nakakainis talaga iyon ang kunat kasi magbigay ng grades nung teacher namin don.

" hoy pasang awa lang di bagsak no dzuh tsaka makunat lang talaga magbigay yon " sagot ko.

" ginawa mo pang makunat si Sir Santos ha HAHAHHAHA " pangaasar pa ni Axel.

" che! una na ko malalate ako sa Next Class ko " saad ko sabay na nagwalk-out sa dalawang baliwin na hanggang ngayon ay tumatawa parin.

Pagpasok ko sa next subject ko ay andoon na sila Keanna at iba pa naming kaklase mayroon ding mga hindi pamilyar na mukha siguro ito yung mga bridging na students or we can say irregular students.

Lumapit na ako agad sa pwesto ni Keanna at tahimik na napo sa tabi nitong upuan na bakante.

" yes hindi siya late HAHHAHAHA " biro ni Keanna ng makaupo ako sa tabi nito ngumiti lang ako at nag-ayos na ng upo.

Maya-maya pa ay dumating na din ang prof namin na si Mrs. Zaragoza kind'a terror na prof to mapagbigay daw kasi ito...

Mapagbigay ng singko bait no?

" Good morning class " bungad nito.

" Good morning Mrs.Zaragoza " bati naming lahat habang nakatayo.

" you may now seat down " sagot nito.

Lahat kami ay tahimik na umupo pero bago ako tuluyang makaupo ay napalingon ako sa isang lalaki sa kabilang side ng room namin na sa bandang pintuan nakaupo.

Nakatingin ito saakin ng seryoso,iniwas ko nalang ang tingin at sa harap nalang itinuon ang atensyon.

Maya-maya pa'y muli akong tumingin sa direksyon nito at muli nakita ko itong seryoso pading nakatingin saakin.

Lah so weird...