webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 7

🍁 Chapter 7 🍁

Nagising ako dahil sa basang bagay na lumalapat sa pisngi ko ng idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si knight na patuloy lang sa pagdila sa pisngi ko tulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing naglalambing ito.

Napangiti ako at pinikit ang aking mga mata dahil napakalambing,makulit at napakamaa-

Biglang napadilat ang mga mata ko ng maalala ang senaryo kagabi,kasabay non ay ang pagsingkit ng mga mata ko sa pusang nasa harapan ko. Walang senyas na tinulak ko si knight dahilan para malaglag ito sa kama ko sabay na ngumisi.

" akala mo ba nakalimutan ko na yong ginawa mo sakin kagabi ha? " saad ko habang nakadapa padin at nakasilip sa kawawang pusa na nasa baba ng kama ko.

" Attitude ka?hoy mas maattitude ako no! dzuhh ". pang-aasar ko sabay irap dito.

" Hoy ano nanaman yang ginagawa mo sa pusa mo ha? " nagulat ako ng marinig ang boses ni mama.

" Ma naman uso katok no? " saad ko dahil sa gulat.

" Maureen uso lock ng pinto ano? paano kung ibang tao pumasok ?pasalamat ka nga at ako ang pumasok " sermon ni mama.

Mali atang inattitudan ko itong si mama siya pa galet e no HAHAHHAHA

" oki oki maglolock napo next time " saad ko sabay umupo at tinaas ang dalawa kong kamay na parang sumusuko na sa isang holdaper sa banko.

" at ikaw mag-ayos kana ano?may pasok ka hindi ba? anong oras ka nanaman makakapasok niyan "  panimula ng sermon ni mama na mukang hindi matatapos hanggang makaalis ako ng bahay.

" tapos yan malalate ka...syempre dahil magmamadali ka ng kumilos?hindi mo nako matutulungan sa gawain no? yung gawain mo mapending na? syempre dahil di ko matatake ang kalat niyon ako na gagawa diba?tapos - " sermon ni mama.

Kaya di ako Fan ng mga Rapper e kasi umay na umay nako sa rapper dito sa bahay Go Ma!Go!!

" Alis nako ma! " .paalam ko sabay na lumabas agad ng bahay baka kasi madagdagan pa yung rap ni mama.

" Grabe ang enet betch! huh! " daing ko dahil sa sobrang init ng panahon ngayon dagdag pa ng dami ng tao ngayon dito sa waiting shed na nagaantay rin ng masasakyan.

Habang nasa gitna ako ng napakadaming tao ay pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko na halos wala naman ding dulot at mas malakas pa yung hininga ng kung sinong nasa likod ko kesa sa kamay ko jusmeyo!

Mayamaya pa ay may isang matangkad na lalaki na nakasumbrero ang nagsumiksik na makadaan sa harap ko.

Hala beh sige push siksik pa more Go! kaya mo yan!

Dahil sa pagdaan nito ay medyo napaurong ako para nga naman makadaan ito ,ako na nagadjust kahiya e chour HAHAHHAHA.

Sa pagdaan nito ay bahagya nitong itinaas ang braso nito para makadaan ng maayos at para wala itong matamaan.Dahil don ay napatingin ako sa braso nito na may relo at scrunc-

Scrunchie?!

Teka Scrunchie ko bayan? Kulay brown ang scrunchie na nasa braso nito at may kaunting design na masasabi mo talagang pangmatanda na ito tulad ng scrunchie na regalo pa ni mama saakin.

betch! siya ata yung nasapak koooooo!

Napatulala lang ako ng ilang segundo at agad na bumalik sa wisyo ng nakalayo na ito.Dahil sa kagustuhan kong alamin kung iyon nga ba ang scrunchie ko ay sinimulan ko ng magdive sa dagat ng tao sa waiting shed nato at sinundan ang lalaking iyon.

Hindi naman ako nahirapang sundan ang lalaking iyon dahil sa matangkad ito.

" Hoy! " sigaw ko.

" aray! "

" ano bayan! "

" hoy ano ! "

ilan sa reklamo na narinig ko dahil sa natatamaan ko na ang ibang tao para lang mahabol ang lalaking ito.

" sorry! excuse me! "

Sa kamalas-malasan ay biglang nalaglag yong libro ko sa History syempre dahil hindi ko hahayaang mawala ito ay yumuko ako para kunin ito.

" Excuse me! " sigaw ko habang inaabot ang libro ko.

Come to mommy babyyyy! saad ko sa isip ko habang inaabot ang favorite kong libro.

Naabot ko na ang libro kaya naman agad akong tumayo para tingnan yung lalaking hinahabol ko.Sa kamas-malasan ay wala na ito...

" hays!kainis! " inis kong saad sabay tingin sa libro at sa daan kung saan huling nakita ang lalaki.

🍁  🍁  🍁

Narating ko ang Campus na mas Haggard pa sa Kargador sa palengke.

" Oh anyare sayo iha?galing ka bang trabaho? " tanong ng Guard na nasa gate .

Luh ? wait pigilan niyo ko baka masagot ko si manong guard ng hindi maganda

Nginitian ko nalang ito kesa sa awayin ko pa.Matapos ko plastikin si Manong guard ay dumiretso na ako sa First Class ko na magsastart after 1 hour pa naman.

Dahil sa di pa naman magsastart ang klase namin at dahil sa masyado nakong nasestress dahil sa scrunchie na bigay ni mama ay niyuko ko nalang muna ang ulo ko sabay na ipinikit ang mga mata ko.

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase kong bulate ang haharot jusme . Sa pag-angat ng ulo ko ay tumambad saakin ang mga babae kong kaklase na nagsisipulbuhan, nagtatalian ng buhok at mga nagseselfie sa tapat ng bintana.

Habang ang iilan namang boys ay nasa harap ng pintuan ng Classroom namin nakatayo at nagkukwentuhan na para bang mga tambay sa kalye na kulang nalang ay alak, meron namang nakaikot ang upuan at lahat ay nakaharap sa cellphone mukang may labanang nagaganap dahil panay mura ang mga ito.

" oh gurl goodmorning " natatawang saad sakin ni Talia kaklase ko na kanina lang ay panay ang pagselfie sa bintana.

" ay hehe " kunyare kong tawa kasi di naman kami close HAHAHHA

" Hala Gago!pumasok ka pala kyrra? " gulat na tanong ni Cedric isa sa mga kaklase ko na kanina ay nakatambay sa pintuan.

" dzuh sino nagsabing aabsent ako? " pagtataray ko.

" Si Sir Aldrin " sagot nito .

Agad naman akong napatingin sa direksyon nito at mukhang hindi ito nagbibiro.Kaya naman ay tiningnan ko agad ang wristwatch ko para tingnan kung anong oras na at betch! pasado alas dos na pala! tapos na oras ni Sir Aldrin sa Philippine History namin!

" tapos na klase n-ni S-Sir Aldrin? " tanong ko sa mga ito.

" ahmm oo gurl di rin kasi namin alam na andito ka pala hehe nakita ka na namin mung nagsitayuan na kami kasi lumabas na si Sir " sagot ni Talia.

Napahilamos nalang ako ng aking muka dahil panigurado isa ako sa mga tatawagin nito for recitation huhu.