webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 9

🍁 Chapter 9 🍁

Natapos ang klase ko magaalas-singko na ng hapon ngayon ay andito nako sa Locker Room para iligpit ang mga gamit ko.Marami ring estudyante ang nandito at inaayos ang mga gamit nila.Pagbukas ko ng Locker ko ay tumambad saakin ang isang white envelope.Hindi ko pa ito nahahawakan ay alam ko na kung ano to.

Another letter from my Mysterious Admirer hays

Kinuha ko ito at muling nakita ang kulay kahel na dahon na nagsisilbing seal ng envelope.

" Kyrraaaa! " rinig kong sigaw ng papalapit na si Eesha.

" oh Eesha tapos na klase mo? " tanong ko kay Eesha.

" hindi paa nga ee! sasabihin ko lang sana sayo na hindi kami makakasabay ni Axel sayo pauwi kasi may klase pa kami ngayong gabi " malungkot na saad nito.

Alam ko na gusto man niyang sabayan ako dahil wala akong ibang kasabay kundi silang dalawa lang ay hindi talaga pwede na magditch siya ng klase kaya naman ay nginitian ko ito at hinawakan sa magkabilang balikat.

" Eesha ok lang ako dont worry diretso naman ako uuwi e magpapahinga ako kapagod ngayong araw e " saad ko sabay yakap dito.

" okii! uwi kana agad ha keepsafee loveyou " saad nito sabay beso sakin.

Matapos niyon ay naghiwalay na kami para makapasok na siya sa klase niya at para maaga din ako makauwi.

Ngayon ay tinatahak ko ang daang madilim na ang tanging ilaw lang ay ang mga ilaw sa bawat poste na kulay orange pa bakit kaya orange dapat puti diba para maliwanag talaga

jusme naaalala ko lang yung movie na Lights Out eh.Ung magisa lang yung lalaki sa isang kwarto tas puro spot light lang ung ilaw bali may part don na walang ilaw tas madilim tas biglang may anino ng babaeeee tas untiunting lumalapit ung babae tapos... tapos...

' Whaaaaaaaa! ' di ko napigilang sumigaw dahil sa senaryo ng movie nayon huhu.

At dahil don ay mas lalo lang ako natakot mayghad.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga yabag na nasa likuran ko dahil sa sobrang takot ay hindi ko ito nilingon at binilisan ko nalang ang paglalakad ko.

Hanggang sa marating ko ang bahay namin ay ramdam ko parin ang pagsunod nito. Pagkapasok ko ng gate ay saka ko lang napansin na lalaki ito na matangkad at nakasumbrero. Dahil sa pamilyar na itsura nito ay agad kong tiningnan ang braso nito napansin ko agad ang isang bagay na siguradong akin.

ang scrunchie ko!

dumaan kasi ito sa part na may poste ng ilaw kaya nakita ko ang braso nito may scrunchie na kulay brown.

Napahinto ako sa paglock ng gate at aakma na sana ako para lumabas at kunin sa lalaking iyon ang scrunchie ko ng bigla itong lumingon sa direksyon ko na para bang napansin nitong kanina pa ako nakatingin sakanya.

Dahil sa di ako matapang at gabi na nilock ko na agad ang gate sabay karipas ng takbo papasok sa loob ng bahay.

Scrunchie ko huhu.

Pagpasok ko ay ibabagsak ko sana ang pinto ng bigla ko nakita si mama na mahimbing na natutulog sa mahabang sofa kaya naman ay dahandahan kong isinara ang pinto at dahandahan ding lumapit sakanya.

Maja! Pasok!

Dahan Dahan lang

Dahan Dahan lang

Dahan Dahan lang

ohh Dahan Dahan lang

charot HAHAHAHAHHA

" nakauwi na po ako ma " bulong ko dito sabay na hinalikan ito sa noo.

Umakyat nako sa taas para hindi na maistorbo pa si mama.Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay agad akong humiga sa kama para makapagpahinga bago magpalit.

Tulad ng pagbagsak ko sa kama ay ganon din ang bagsak ko sa gamit ko at nakita ko dito na lumabas yung letter na galing sa locker ko.

Tinitigan ko ito ng matagal habang pinagiisipan kung babasahin ko ba ito o hindi dahil panigurado pag binasa ko nanaman ito dudugo nanaman ilong ko charot HAHAHAHHA.

Dumapa ako at agad na iniabot ang envelope at binuksan.

Dear Maureen,

Hi! yeah it's me again hehe i saw you in your class earlier and it looks like youre really lack in sleep , i saw you fall asleep in your History Class btw . You look so cute when youre sleeping haha i wish i had a chance to saw it again . Dont worry about that you can do your activities in History Class coz i know youre brainy.

Take care always...

Love, Autumn

Mayghad?! seriously?! bakit niya alam na nakatulog ako sa History Class ko?! stalker talagaa amp! and he wants to saw me again while sleeping?!

like seriously?!