webnovel

Lies behind those eyes

Zyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried her best, but still not enough. Beside that, Kianna has a big problem. It is about her Brother, who died when she was young. Her brother didn't got Justice because the suspect was found guilty. But Kianna didn't give up. She didn't know that Zyair has a secret on her. How long can Zyair cover up his lies? Can Kianna forgive Zyair? [Other chapters are up on my Wattpad account (Moonxx__) I'll just update those EDITED chapters here. Stay tune =>] |FTHU SERIES 1| ©All right reserved

Mccnxx · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 5

(ZYAIR'S POV)

Tuesday

*Flashback*

"Nga pala, Villanueva, pumunta ka sa main building ngayon, dahil may practice tayo ng Basket, pag papaalam nalang kita sa maapektuhan na subject mo, dismiss." pa habol na habilin sakin ng teacher ko sa mapeh. "Okay, sir" pag katapos non nag tuloy tuloy nako sa pag labas hanggang sa makaramdam naman ako ng gutom kaya bumili muna ako ng makakain sa canteen.

"Woi! nandito ka pala Villanueva" napalingon naman ako nung may tumawag sakin, hays, si Patok na naman! nauurat na'ko sa pag mumukha nitong lalaking to! "Hindi mo man lang ba kami aayain ng mga bata kong kumain?" sarkastikong tanong niya sakin, wala naman akong nagawa at napabuntong hininga nalang.

*BLAAAAAG*

Padabog niyang inihampas ang kamay niya sa lamesa na siyang ikinaulat ko, pati narin ang iba don na kumakain. "Hoy, bata! wag mo kong inaattitude-an ng ganyan, alam mo naman kung pa'no ko magalit" nakangising bulong niya sakin at nag tawanan ang mga bata niya. Kahit kailan talaga 'tong mga 'to!

d-.-b

"dibale bata, babawi ako sayo mamaya! hahahaha halika na mga alagad!" ma-awtoridad niyang aya sa mga bata niyang mukhang guns. May mga guhit ang kilay at may mga piercing ang tenga. Nakakadiring pagmasdan.

Pagkatapos kong kumain ay dali dali nakong lumabas ng MTVES dahil baka pagalitan ako ni coach kapag na-late ako. Pag dating ko dun ay agad ako'ng pumunta ng oval at tinawag naman ako ni Coach.

"Oh nandito kana pala villanueva!" bati niya sakin, nginitian ko naman siya. "Bilisan mo't mag bihis kana, mag pra-practice na tayo." sinunod ko naman siya ang utos niya. Nang matapos ako mag bihis sa CR ay sa hindi inaasahan, makikita ko'ng nandun din sila patok at ang mga bata niya, nag lalakad sa hallway patungo sa kinatatayuan ko habang masasamang nakatingin saakin.

d-.-b

"Aba aba, sabi ko na nga ba't makakabawi din ako dito sa batang 'to eh?!" sabi niya pa sa mga kasama niya habang nag lalakad papalapit sakin. Ngunit blangkong reaksyon lang ang isinukli ko sakanila kaya't mas binilisan nila ang pag sugod sakin. "Mukhang may practice ng basket boss, pa'no tayo makakabawi niyan?" ngingisi ngsi pa'ng sambit nung isang bata niya. Maya maya pa ay isang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa kaya't huminto sila ng mga bata niya.

"Hindi mo man lang ba kami pag sisilbihan ng mga bata ko ngayon ha?" sarkastikong sigaw niya sakin, pero hindi ko siya pinansin at akmang tatalikuran ko na sila ngunit hinablot niya kaagad ang braso ko, nasaktan naman ako sa ginawa niya'ng yun kaya padabog kong hinatak sakanya ang braso ko.

"Boss, kita mo yun?! nakakatakot naman yung titig niya'ng yun boss! natatakot kami!" napapaatras pang ani nung isa sa mga bata niyang may piercing sa ilong. Tinawanan naman siya ng ibang kasama niya.

"Oh! nepomoceno?! long time no see?!" sigaw sa malayo nung pamilyar na boses na yun at natinag naman kaming lahat at napatingin sa malakas na sigaw na yun. Si Coach. "L-long t-time no see c-coach" pilit na ngiting bati ni patok kay coach kaya't sinuklian naman siya ng inosenteng ngiti ni Coach.

"Ano na patrick? hindi ka na ba talaga mag lalaro ng basket?" tanong niya kay patok. Napakamot naman sa batok si patok dahil hindi niya siguro masagot si coach. "h-hindi naman coach, hehehe, busy lang talaga sa pag aaral." pag sisinungaling niya, tumawa naman si coach. Nag sinungaling pa talaga siya eh alam naman na ng lahat kung gaano siya kakalat sa buong FTHU.

"Busy ba talaga sa pag aaral o sa pag babarkada?" pang pra-prangka ni coach sakanya. Pilit na ngiti naman ang sinukli ni patok sakanya. Nakita ko pang patagong ikinuyom ni patok ang kanang kamao niya, nainis siguro.

"oh siya, siya, aalis nakami ni villanueva... nga pala, pwede mo ba kaming tulungang kunin yung mga bola?" tinanguan naman siya ni patok kahit halata sa itsura niya na ayaw niyang sundin si coach, pero kailangan niya dahil hindi na naman siya bibigyan ng baon ng mama niya kapag nag ka-record ulit siya sa Guidance.

Maya-maya pa ay iniiwan na samin ni coach ang gawaiin kaya't natira kami'ng mga bata niyang nandun. "Oh pa'no ba yan villanueva? ikaw na bahala dito ha hahahahaha" tinapik tapik pa niya ang balikat ko habang ngumingisi sila ng mga bata niya habang nag lalakad paalis.

Bwiset!

Habang dala dala ko ang napaka daming bolang yun papuntang oval ay madami naman akong naririnig na nag bubulungan at nag titilian habang nag lalakad ako papuntang court.

"Omayghad! ampogi parin ni zyair kahit nahihirapan siya!"

"Oo nga! nako naman yung coach nila ba't siya inutusan ng ganyan!"

"Huhuhuhhuhuhuhu, kawawa naman ang baby zyair ko!"

d-.-b

baby your face!

Habang patungo ako sa oval, hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko dahil sa dami ng bolang dala-dala ko at lagpas ulo ko na ata yun'ng mga yun dahil sa sobrang dami nun. At sa hindi inaasahan habang tinatahak ko ang daan pauntang court ng oval ay.....

"Kiana!" sigaw nung isang babae mula sa harapan ko

*BLAAAAAAG*

"Ano ba!" galit na sigaw ko dun sa babaeng nakabangga sakin. Nagulat naman ako ng hindi siya mag salita. Pinasadahan niya pa ng tingin ang buong postura ko.

weird~

"S-sorry kuya..." paumanhin sakin nung isang kasama niya, at sa palagay ko ay yun yung sumigaw ngung pangalan nung babae kanina? Tinulungan naman nung babae'ng yun yung nakabangga sakin.

tsk, 'di man lang mag sorry?

"tumingin tingin nga kayo sa dinadaanan niyo ha!" galit na singhal ko sakanila, biglang nag iba naman ang ekspresyon nung babaeng nakabangga sakin at animo sasabog na bulkan sa sobrang galit.

"Eh kuya, mag dahan dahan kadin ho noh, andami mo kayang bolang dala, paano kung nahulog kaming pareho? buti nga na pa upo lang ako sa pag kakabangga mo eh! tignan mo nga yung pababang yun oh!" galit na singhal niya sakin habang nakaturo dun sa pababang hakbangan, pero sinuklian ko lang siya ng blangkong tingin.

d-.-b

Tsk! kasalanan ko bang hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya? ako na nga 'tong madaming dala siya pa may ganang magalit? "edi mahulog kayo, kasalanan ko bang ta-tanga tanga kayo?" walang ganang wika ko. Nakagat naman nung babae yung labi niya sa sobrang inis sa sinabi ko.

"Teka nga lang! anong pangalan mo ha! gusto mo'ng ipaguidance kita? anong grade kana?! sinong advicer mo?! Kesa nga magalit ka sa'min pwede mo naman kaming patawarin dahil nag sasayang ka lang ng oras samin--- at tyaka wait?! ba't kailangan kami ang humingi pa ng tawad?! eh may kasalanan ka rin ha?! dapat nga mang-hingi ka din ng tawad samin eh!" inis na sigaw sakin nung bungangera niyang kasama. Nakakarindi naman yung boses nito, hindi ba siya nauurat na kasama tong babaeng to? Dinaig pa yung tindera sa palengke eh.

"Tss..." ngingisi ngising singhal ko dun sa bongangerang yun kaya't lalo naman'ng lumaki ang butas ng ilong niya at lalo'ng lumaki ang singkit niya mga mata. "Gusto mo lang akong makipag kilala sayo eh, miss bulok na yan" pag yayabang ko habang ngumingisi dun sa bungangerang yun, mas lalong namula ang mga pisngi niya na animo galit na galit at punong-puno na sakin.

"h-huh?!w-what?! ako? makipag kilala?!" hindi makapaniwalang aniya. Meron sa loob kong tuwang tuwa dahil sa kagaguhan kong to, at meron din sa loob kong inis dahil sila naman talaga ang may kasalanan dahil hindi rin sila tumitingin sa dinadaanan nila. Kwits lang kami kumbaga.

"Eh kung sapakin kita ngayon ha?" gulat akong napatingin dun sa babaeng nakabangga sakin kanina. Ows! ang gandang tao, nananapak?! weird naman nito! "kung may nangyari sa'min ng kaibigan ko walang atrasan ha! tyaka 'kala mo ba makikipag kilala kami sayo?" maangas na tanong niya pa sakin. Napapailing nalang ako sa mga nanggagaling sa boses niya. Walang mag kakagustong lalaki sa babaeng to, napaka brutal.

"tyaka sinong tanga ang gagawa no'n? kahit sisinto sinto pa ang makakita sayo walang gagawa non! kala mo naman kung sino?! kala mo gwapo ka?! Ha?!" tumawa pa siya ng malakas at saka huminto rin at tumingin sa'kin ng seryoso. Luh baliw ba'to?

"mukha kang hotdog sira!" ngingisi ngisi pang sigaw niya sakin sa mismong...

dO_Ob

MUKHA KO LANG NAMAN?!

pa'no kung may germs yung laway niya?! edi nagka-sakit ako?!

"E-excuse me miss?! kilala mo ba ko ha? hindi mo ata kilala ang binabangga mo?!" hindi makapaniwalang anas ko sakaniya. Hindi narin ako masyadong nakikipag away sakanya, sana naman huminto na sila, nangangalay nako kakahawak sa bola. "Well, mag papakilala na nga ako, baka kasi mabaliw kapag di ako makapagpakilala sayo," pang aasar ko, sabay buntong hininga.

"Well, i'm Zyair Wren Villanueva, Grade 11, at ang advicer namin ay si Mrs. Garde, ano miss, okay kana? gusto mo din bang kunin ang number ko?" pakilala ko. Sarkastiko siyang ngumisi habang nakatingin sa malayo.

"Number?! HAHAHAHAHA umm, kuya, hindi ka ba nabubuhay sa modern generation? keypad parin ba ang gamit mo? kahit hindi ko na kunin ang number mo, pwede kitang ma-search sa Facebook dzuh?" maarteng aniya.

d-.-b

"Miss, hindi ako tanga, alam ko ang facebook, pero hindi ako mag sasayang ng oras para gumawa non okay? at saka kung meron man akong 'facebook', " inilapit ko naman sakanya ng kaunti ang mukha ko na siya'ng ikinagulat niya. "hindi nako mag papakilala sainyo dahil alam kong iaadd niyo lang ako at baka maistress lang ako dahil mag memessage lang kayo ng mag memessage sakin" ramdam ko yung malakas na hangin na sumalubong sa mukha ko habang sinasabi yon. Well, totoo naman, nag papakatotoo lang naman ako, hehe.

"W-what did you---" natigilan siya ng bigla akong tawagin ni Coach, buti nga! "Zyair! nasan na yung mga bola?!" halatang inip na inip narin siya kakahintay sakin. Pa'no ba naman, andami pang dada nitong mga to, di nalang ako patawarin. Hindi nako nakapag salita pa at agad nalang na nag lakad patungo kay coach.

"San ka ba nag punta villanueva?! at bakit ikaw lahat ang may dala niyan?!" baling niya sa mga bola kaya't tinulungan niya naman akong dalhin ang ibang bola. "Ah sir, as usual, napag trip-an nanaman ako ni patok, kaya ayon, nung iniwan niyo kami, eh bigla nalang lumayas" natatawang kwento ko at napabuntong hininga nalang siya.

"alam mo, sayang nga si Nepmoceno eh, napaka galing pamandin nun mag laro, ewan ko nga at bakit hindi na siya nakakapag practice ngayon at naging pabaya narin siya sa pag aaral niya. Pansin ko ding, nagiging basagulero siya." bakas ang panghihinayang sa mukha ni coach habang sinasabi niya sakin yon. Kahit ako ay nanghihinayang para kay patok. Kung aayusin niya lang sana ang pag aaral niya, hindi siya mapapalayas sa bahay nila.

Nag i-istart na kaming mag laro, mabuti nalang at naging smooth ang laban namin. "Oh pano ba yan! si Villanueva nanaman ang MVP ngayon?! wala nabang makakatalo diyan?!" sigaw ni coach sa ibang ka-team namin "Coach! wala ng makakatalo diyan! nasa sinapupunan pa nga lang ata yan ng nanay niya nag babasket nayan eh" pang aasar ni harold, ka-team mate ko sa basket.

"Aba'y oo naman, napaka galing talagang mag laro ng Villanueva, nasa dugo na ata talaga nila yan" makahulugang papuri ni sir. Nang dahil don, naalala ko na naman si Kuya.

*FLASHBACK 8 YEAR'S AGO*

"Wooooh! kuya ang galing mo!" nag tatatalon at masayang sigaw ko kay kuya habang nag lalaro sila ng mga kaibigan niya sa court. "Para sayo to zyair!" sigaw ni kuya sakin at bigla siya'ng tumira ng 3 points!

*Hulog!*

"Kuya dabes ka talaga!" sigaw ko sakanya. Lumapit naman sila sakin dahil tapos na silang mag laro ng mga kaibigan niya. "Eh pano naman si tito amor mo zyair?" malungkot na tanong niya sakin kaya't nginitian ko naman siya. "Magaling din po kayo nila kuya calix! magaling po kayong lahat! pero," bumaling naman ako ng tingin kay kuya. "Mas magaling po si kuya hehehe--Huk" bigla akong niyakap ng mahigpit ni kuya saka kinarga.

"Wag kang mag alala bunso, magiging magaling ka din sa basket, katulad ng pogi mo'ng kuya!" natawa naman ang mga kaibigan ni kuya dahil sa sinabi niya. "t-talaga kuya?!" namamanghang tanong ko sakanya at tumango naman siya saka ngumiti.

"t-turuan mo ako kuya ah!" excited na excited ako dahil tinanguan niya ako. Hinawakan niya naman ang buhok ko at ginulo iyon. "Oo naman wren-wren, at sa palagay ko, mas magaling ka pa kay kuya, pag natuto ka'ng mag basketball!" papuri niya sakin kaya't mas nakaramdam ako ng tuwa.

*END OF FLASHBACK*

"oh siya, siya, tapos na ang practice natin, mag si-diretso na kayo sa susunod na subject niyo at baka mapagalitan pa kayo. Nga pala may practice ulit tayo bukas ha, ingat!" paalam sa'min ni coach. Kaagad naman akong dumeretso ng CR at nag palit, pag katapos nun ay lumabas nako ng Main at dumeretso na ng mtves para sa susunod na subject.

(Makalipas ang ilang araw...)

discuss..discuss..discuss..dismiss..

"Villanueva, halika dito saglit at may papaayos ako sayo..." tawag sakin ni Miss Dela cruz, teacher ko sa science, habang nag liligpit ako ng gamit. Lumapit naman ako sa table niya. "Ano po 'yun miss?" pormal na tanong ko sakanya. Iniharap niya naman ang mukha sakin habang nasa laptop ang paningin niya.

"hindi kasi ako masyadong gamay sa mga computer-computer na'yan... Maari mo ba akong tulungang ayusin to? nag hang kasi bigla eh, eh kailangan na kailangan ko ngayon ang laptop ko dahil nag cocompute nako ng mga grades niyo."

"Ah sige po miss, ako napong bahala diyan." hinawi ko naman ng bahagya yung laptop niya at iniharap yun sakin. Nag bukas ako ng kung anong software para bumalik ulit sa sistema ang laptop niya. "Okay napo miss" napapanganga pa niyang kinuha ang laptop mula sakin, manghang mangha sa ginawa ko.

"Ang galing mo talaga sa mga ganyan ganyang bagay zyair! nakakatuwa ka'ng bata ka" papuri niya sakin, sinuklian ko naman siya ng ngiti at pinasalamatan. "Oh sige na, dahil sa ginawa mo may add grade ka sakin, shhh 'wag mong pag kalat sa mga kaklase mo ha, oh sige na makakauwi kana"

"thank you po ulit miss" nag deretso nakong lumabas at naglakad na sa hallway patungong hagdan. Ngunit, hindi pamandin ako tuluyang nakakababa ng hagdan ng 3rd floor, eh may tumawag na naman sakin.

d-.-b

"Pstt! bata!" nilingon ko naman yon, at nakita ko si Patok, naka ngiti sa'kin. Nasisira talaga araw ko dito kapag nakikita ko to eh!

"May ipapatrabaho ako sayo!" bulong niya sakin habang pumipilantik ang hintuturo niya na animo pinapalapit ako. Luminga linga pa muna siya sa pagilid at tumingin sakin. "ano na naman yun?" walang ganang tanong ko. Bigla naman niyang inayos ang tindig niya at sumeryoso.

"May umaaligid kasi sa Chicks ko!" galit na singhal niya. Napaatras naman ako dahil halos magka-palit na kami ng mukha sa sobrang lapit niya sakin. "At alam mo ba kung anong umaaligid sakanya?!" galit na dag-dag niya, ngunit hindi ko mapigilang hindi tumawa dahil sa iniasta niya.

"Hoy! wag mo kong matawa tawanan! baka gusto mo'ng malagot ka sakin?!" natigilan naman ako. "Oh sino naman kasi 'yang umaaligid diyan sa chicks mo?" kunyaring nag aalalang tanong ko ngunit binatukan niya lang ako. Aba punye**! eh kung itulak ko kaya siya dito sa hagdan?

"hindi ko mapatulan-- kasi pre, putcha, chicks din yung umaaligid eh" napapakamot sa sintidong aniya. Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko yon. Babae din ba ang ang nag kakagusto sa gusto niya?!

dO_Ob

"tomboy! pre! alam mo ba yun?!" hindi parin siya makapaniwala hanggang ngayon, kahit ako rin ay nagulat. Ganoon ba talaga kaganda si Kimverly? "eh tomboy naman pala eh? kilos lalaki, oh ba't di mo tablahin?" takang tanong ko sakanya. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya.

"Gaga ka ba?! babae parin yun... at tyaka ba't mo ba ako inuutusan?! eh ikaw nga yung pinapatrabaho ko diba?!" galit na sigaw niya sakin, nginiwian ko naman siya. Eh lalaki din naman ako, paano ko papatulan yung babae, parehas lang naman kami ng kasarian dito?!

"tsk, 'wag ngayon pre, bago'ng buhay nako, at tyaka bakit di mo sa bata mo ipatabaho? andami dami walang silbi?----"

"hoy! 'pag may inuutos ako, sundin mo!" sigaw niya habang inilalapit ang mukha sa bandang tenga ko, animo bubulong. "Natatandaan mo pa ba yung nakuha ko sayo dati?" makahulugang bulong niya sakin. Nanlaki ang mga mata ko dahil don. Nagsi-tayuan ata lahat ng balahibo ko dahil don.

dO_Ob

Napapapikit akong tumango. Kahit labag ay susundin ko nalang siya alang alang don sa sekreto naming dalawa."O-oo na! gagawin ko na! anong pangalan ba nung umaaligid diyan sa nililigawan mo?" inilayo niya naman ang katawan niya sakin at sumilip doon sa dulo ng corridor. Iniharap niya naman sakin ang mukha niya pero ang paningin niya ay nasa dulo ng corridor parin. "Kasi pre ganito yun, bihis babae at kilos babae siya! as in 'di mo pag iisipan na babae ang tipo niya pre! nakakainis!"

"oh eh ano ngang pangalan?!" inis na talagang tanong ko sakanya. "Kesha?...keziah Chavez ba yun?--" napatingin pa siya sa malayo, nag iisip. "oo keziah chavez nga!" parang tangang tumango tango pa. "oh anong gagawin ko naman diyan?" tatamad tamad na tanong ko.

"takutin mo lang pre, pero wag mo ng sabihin ang tungkol sa mga sinabi ko sayo kundi masasapak talaga kita!" maangas na banta niya sakin habang nakatingin parin dun sa dulo ng hallway na yun.

"Nag uutos nalang, mananakit pa?" bulong ko habang nakatingin sa kawalan. Natinag naman siya sa sinabi kong yun. "hoy! umayos ayos ka ng iniaasta mo sakin ha! kung ayaw mo talagang ipagkalat ko 'yang baho mo!" excuse me! naliligo kaya ako! napaka bango ko no! Sa sobrang inis ko, dinalaan ko nalang siya ng palihim habang nakatalikod siya mula sakin. Maya-maya pa ay bigla niya nalang akong kinalabit habang nakatingin siya dun sa dulo ng corridor at parang nag tago pa siya sa pader ng hagdan at hinatak ako sa likod niya. Sumilip naman siya dito at kinalabit pa'ko habang nasa likuran ko siya.

"tsk! ano ba yun ba't kaba kalabit ng kalabit?!" singhal ko. Humarap naman siya at inilagay niya naman ang kanang hintuturo niya sa labi niya, animo sumesenyas na wag akong mag ingay. "ssshhh" Muntanga amp. Parang iba talaga ang patok na kaharap ko ngayon, nawawala talaga ang angas neto 'pag may ginagawang katarantaduhan eh.

"Halika dito, sumilip ka! papakita ko sayo yung target natin!" mahinang sigaw niya sakin. Sumilip naman ako at tinignan ang mga estudyanteng nag lalakad papunta ng hagdan. "'Wag mong sabihing lahat ng estudyanteng yan, eh umaaligid sa chicks mo? Kaya naman pala sakin mo pinatrabaho eh..." pang aasar ko sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ayun oh! yung nakasalamin na andaming dalang gamit!" mahinang sigaw niya kaya't napatingin naman ako dito. Pinagmasdan ko yung babae at hindi mo talaga mapapansing type niya yung gusto ni Patok.

maganda✓

nerd nga lang dahil dun sa nag kakapalang grado nung salamin niya...

mukhang matalino✓

maputi✓

matangkad✓

sexy---

dO_Ob

Napapailing ako sa naiisip ko na'yun. Bumalik sa ulirat ng bigla ako'ng kalabitin ni patok mula sa likuran niya. "Oh halika na! bumaba na tayo! papanoorin kita! ayusin mo ang trabaho mo zyair! alam mo na ang gagawin ko kapag di mo pinagbuti!" at tyaka naman kami bumaba at nag tago sa pader ng Boy's CR malapit sa bodega.

Tinignan pa muna namin yung babae kung saan papunta at mukhang pupunta rin siya sa CR ng girls kasalungat nung pinag tataguan namin, kaya't tumuloy naman kami sa pag pasok sa CR ng boys para hindi kami makita nito. Maya-maya lang ay lumabas na siya ng CR. Nagulat naman ako ng bigla akong itulak papalabas ni patok kaya't kaagad ko ding tinawag yung babae.

"Psst!" lumingon naman yung babae sakin. "A-ako ba yung t-tinatawag mo?" utal utal na sambit niya pa kaya't nakaramdam naman ako ng awa para sakanya. Patok! kasalanan mo to!

d>_<b

"Mukhang madami 'yang dala mo ha?" seryosong tanong ko na siyang ikinagitla naman niya, sa 'di kalayuan ay nakikita ng mata 'kong nakasilip sa'min si patok, nag mamasid.

"a-ah h-hindi n-naman" nahihiyang tugon niya sakin, ngunit hindi ko siya sinagot at kagad ko naman siyang hinawakan sa kaliwang braso na siya'ng lalong ikinagulat niya, hinatak ko siya papunta'ng bodega at saka siya tinulak.

*BLAAAAAG*

shet, nalakasan ko ata! at mukhang nabasag ko pa yung salamin niya!

Nag aalala nako sakanya, ngunit mas sinikap kong 'wag ipahalata 'yon, dahil magagalit si Patok. At alam 'kong hindi siya mag aalinlangang ibunyag ang sikreto ko. "A-ano p-po ba'ng g-ginawa k-ko sainyo?" takot na takot na sambit niya at nakaramdam talaga ako ng sobrang awa dun sa babae dahil kakapa kapa niya pang iniimis imis yung mga nahulog niyang gamit.

"Wala" walang reaksyong tugon ko sakanya. Meron sa loob loob 'kong gusto'ng gusto na talaga siyang tulungan. Kung wala lang si Patok dito eh! "P-pero b-bakit n-niyo p-po ako ginanon?" nag simula ng mangilid ang luha sa mga mata niya.

"Wala lang, trip ko lang" malamig na tugon ko at bigla naman siyang umiyak. Agad akong nataranta don dahil baka may makarinig sa'min. "Ano ba! ang ingay mo! ayaw ko ng maingay!" sigaw ko habang sinisipa-sipa ang gamit niya. Shoot! di ko na talaga kaya to! sana may makakita na samin! kahit pa maguidance ako okay lang! basta matigil lang 'to!

*KRRAAAAAK*

dO_Ob

may nakakita naba samin?! thank you lord!

sa palagay ko ay tunog yun ng nasirang upuan?

Dahan-dahan naman akong tumingin sa pinanggalingan nung tunog na'yun. "Hoy!" sigaw ko dun sa mukhang grade 10 na nakakita samin dahil aninag ko ang ID lace niya ngunit hindi ang mukha niya. "lumabas ka diyan! alam 'kong nakikita mo 'ko!" sigaw ko. Nakita ko namang tumayo siya at lumapit patungo sa'min.

"Baket, anong kailangan mo sakin?" walang emosyon na tanong sakin nung babae habang papalapit siya sakin--- S-siya na naman?!

dO_Ob

"HAHAHAHAHAHA! ikaw na naman? ba't ba lagi mo 'kong sinusundan?!" pang aasar ko. Halata namang napikon siya sa iniasta ko.

"Gago ka ba?"

dO_Ob

sa pogi ko'ng 'to?! minumura lang ako netong itlog na'to?!

"Pick up ba yan? hahahaha, oh sige bakit?" nang hahamon na tanong ko pa sakanya. "Eh kasi---" at ako naman si tanga, nag iintay talaga sa isasagot niya. "Gago kang talaga HAHAHAHAHAHAHA" nanlaki ang butas ng ilong ko dahil sa sinabi niyang yun. 'Tong itlog na'to! sumusobra na sa'kin!

"Ikaw namumuro kana sakin ha, baka gusto mo'ng gawin ko sayo 'tong ginawa ko sa babaeng 'to" pananakot ko sakanya, ngunit kahit ako ay nakaramdam ng kaba sa sinabi ko dahil baka pumayag naman siya. Mabuti nalang at hindi niya naman ako pinansin bagkus ay tinulungan niya pa 'yung babaeng tinakot ko kanina.

Nakaramdam naman ako ng ginhawa sa pagtulong ni itlog sa babae na yun. "Hoy miss! wala kabang naririnig ha!" kunwaring galit na sigaw ko pa sakanya at bilang papasalamat, ay hinawakan ko siya sa braso.

"Anong ginagawa mo!" sigaw niya, na siya'ng ikinagitla ko. "hindi mo ba talaga titigilan yan---" napahinto ako sa sasabihin ko... Nakita 'kong sobrang sama ng tingin ni patok sa'min. Ambang titingin si itlog sakanya pero pinigilan ko siya agad at tinakpan ko ng palad ko ang mata niya.

"ahhhh!a-ano ba! d-di ako makakita!!" reklamo niya, pero hindi ko siya pinansin. Nakitingin parin ako kay patok at kita'ng kita ko na nag tataka siya sa iniaasta ko. "Umalis nakayo dito, at wag kanang mag papakita ulet sakin ha! naiintindihan mo ba!" galit na sigaw ko sakanya. Nakita kong nag tago si patok ng makita niya'ng palabas na yung dalawa at pag katapos nun ay bigla siyang lumapit sakin.

"Ano pre? natakot mo ba?" ngumingising tanong niya sakin, aambahan ko naman siya ng kutos pero nakaiwas naman agad siya. "chillax pre, mukhang may bago nanaman ako'ng pag tri-tripan ngayon hahahah--" baling niya kay itlog. "Ewan ko sayo, wag mo nako'ng guluhin, uuwi nako"

"Hoi! anong ngang pangalan ulit nung isang chick na tinakpan mo pa ang mata?! ikaw ha! nakabingwit ka agad ng chicks!" pahabol na sigaw niya. Sinalpak ko kaagad ang earphones sa tenga ko para hindi ko na siya marinig.

(KINABUKASAN)

Pumasok ako ng school at umattend ng iilang subject. Nag practice naman ulit kami ng basket sa main building kaya konti ulit ang napasukan 'kong klase. Nang makabalik ako ng mtves, syempre dahil inuutusan nanaman ako ni patok, tsk, pinabantayan niya sakin yung keziah kung saan pumupunta at i-update siya kung anong ginagawa nito.

Napadaan ako sa room nito kaya saktong narinig ko ang usapan nila ng teacher niya na pupunta si keziah sa bodega kaya't ibinalita ko naman agad yun kay patok. Pag tapos nun ay hindi ko na siya pinansin at nakanig nalang sa mga lectures

discuss..

discuss..

discuss..

dismiss..

"Oh, mag aral ng mabuti ha, sa pag kaka-alam ko ay 2nd periodical test niyo na bukas, Good luck and ingat!, dismiss!" paalam samin ni miss Dela Cruz na teacher ko sa science at umugong naman ang ingay sa klase.

"shet! ang hirap pamanden ng physical science!"

"huhuhuhuhuhuhu kailangan ko ng motivation! buti nalang nandito si zyair"

"oo nga eh, feeling ko papasa ako pag tumingin ako ng tumingin sakanya habang nag eexam!"

"gaga, papasa ka talaga, eh sa kakatitig mo ba naman? hindi mo makikita ang sagot niya? eh alam mo namang isa sa pinaka brainy si papi sa grade 11 year? hahahaha"

d-.-b

"Zyair!" malambing na tawag sakin ni miss. Akala ko pamandin makakatakas nako sakanya dahil busy siya sa ginagawa niya, hindi parin pala. "bakit po miss?" pilit ang ngiting tanong ko. "aka pwede naman'g pakuha nung laptop charger ko sa teacher's faculty zyair." dahil alam niyang hindi ako makakatanggi, aba'y, ibinigay niya na kaagad ang susi ng faculty sa'kin.

d-.-b

Kagad akong nag tungo sa faculty. Pag pasok ko, pansin kong walang tao kaya't iginala ko pa ang mga mata ko ngunit may nakita akong mga nag kalat na papel...

dO_Ob

si itlog nanaman?!

"Hoy anong ginagawa mo diyan?!" natinag naman siya sa ginagawa niya at gulat na napatingin sa'kin. "a-ah kinuha k-ko lang y-yung l-laptop t-tapos n-nasagi ko yung mga papel---"

"Bakit sakin ka nag papaliwanag, akala mo ba isusumbong kita?" nakangising tanong ko "h-hindi noh!--- at bakit mo naman ako isususmbong?" nag iba bigla ang ekspresyon niya kaya medyo kinabahan ako kasi baka masapak din niya 'ko katulad nung ginawa niya kay patrick na hanggang ngayon ang namamaga ang isang pisnge.

"Wala naman akong sinabing isusumbong kita... ang sinabi ko 'akala' " pag klaklaro ko pa sa sinabi ko. Hindi niya na ako pinansin at iniayos niya ang mga nag kalat na papel sa sahig. Hindi ko nalang din siya ginula at pinagpatuloy nalang ang pag hahanap ng desk ng teacher ko.

Nang mahanap ko na'to, kagad kong na kinuha ang charger niya. Nang papalabas na'ko,nakita ko naman'g wala na yung babae dun at napansin ko naman na naisaayos niya yung mga nag kalat na test paper kanina.

Pagtapos kong iabot kay miss yung iniutos niya sakin ay kagad nakong umuwi sa bahay dahil wala nakaming last subject dahil absent ang lecture namin na'to, nag bihis, kumain at nag review. Maya maya pa ay nakatulog na'ko.

(KINABUKASAN)

Pumasok ako sa room ng advicer namin dahil dun kami kadalasan nag eexam....Ilang oras lang ang lumipas, sa kalagitnaan ng pag susulit namin ay may biglang kumatok.

*TOOOOK*TOOOK*TOOOOOK*

Gulat naman kaming napatingin at natinag sa lakas ng katok na yun. Binuksan naman yun agad ni Miss at nakita kong si Miss Domino iyon, ang teacher ng Grade 10. "Mrs. Garde! may inutusan ka ba'ng mag punta sa teacher's fauclty ng 2nd floor kahapon?!" galit na tanong niya kay miss at kinagulat naman ni miss ang iniastang yun sakanya ni Miss Domino.

"Wala akong inutusan kahapon...class! may inutusan ba diyan ng ibang subject teacher niyo na mag punta ng faculty sa 2nd floor?!" sigaw niya samin at nag tinginan pa ang ibang mga estudyante umiling naman silang lahat maliban sakin.

ano naman kayang problema?

"M-miss ako po!" tinaas ko ang kanang kamay ko at napatingin naman silang lahat sa'kin. "halika villanueva, sumama ka sakin sandali" maawtoridad na utos sakin ni miss domino at saka bumaling naman siya kay miss. "Mrs. Garde, pasensya na talaga, hihiramin ko muna si zyair sandali, dahil kailangan ko siya bilang witness, dahil nawawala ang answer key ko sa test namin, at isa lang ang pinag hihinalaan ko" agad na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko 'yon.

Si itlog?!

Takang tinignan naman ako ng mga kaklase ko. Hindi ko nalang sila pinansin at iniayos ko ang gamit ko at sinabayan si Miss palabas. Nang makarating kami sa teacher's faculty ay gulat akong napatingin dun sa nakayukong babaeng yun dahil yun si itlog.

Teka, s-siya din yung naka hulog nung mga papel kahapon diba?

"Oh Estrada ayan si Zyair, nag punta din siya sa faculty kahapon dahil base kay Ms. Dela Cruz, ay inutusan niya nga si villanueva na mag punta ng faculty. Nakita mo ba siya?" malumanay na tanong ni miss sakanya pero alam ko'ng pinipigilan niya lang ang inis niya 'pag kausap niya si kianna.

"o-opo miss" utal utal na tugon niya. Kahit pa walang emosyon ang isinukli niya, ay pakiramdam ko, natatakot pa din siya.

"ikaw zyiar" baling sakin ni miss kaya't tinignan ko naman siya. "nakita mo ba si estrada kahapon sa faculty na may kinukuha?" makahulugang tanong niya at kuha ko ang ibig sabihin na yun ni miss. Sa palagay ko ay pinag hihinalaan niya si kianna ang kumuha ng key to correction ng test nila dahil ito lang naman ang mukha'ng kaisa isang inutusan niya sa faculty nung mga panahong iyon.

"opo miss, nakita ko po'ng may iniaayos siyang mga papel sa sahig nung maabutan ko po siya dun miss---"

"oh ano Estrada! aamin kana ba? kahit si zyair ay nakita'ng ikaw ang huling gumalaw ng mga test paper na ito kianna! at isa pa! makikita ko ba naman sa bag mo 'tong key to correction na'to kung hindi ikaw ang kumuha?!" galit na sigaw niya kay itlog. Nakita 'kong mangilid ngilid na ang luha sa mga mata niya kahit pa nakatungo siya.

"m-miss, hindi ko po talaga kinuha yung---"

"stop kianna! wag ka ng mag paliwanag! dahil diyan! hindi ka makakapag take ng 2nd periodical exam mo!" natigilan si miss dahil biglang bumukas 'yung pinto.

"Miss! hindi po kasalanan niyang babaeng yan ang pag kawala ng key to correction mo miss" singit nung lalaking nag bukas ng pintuan. Gulat na napatingin kaming lahat sakanya, kahit na si kianna na kaninang umiiyak at humihikbi ay nanlalaki ang mata at animo nag karon ng pag asa.

"anong ibig mo'ng sabihin hijo?" takang tanong ni miss sakanya. "Hindi po siya ang may kasalanan miss---" pag uulit niya, pero pinigilan ko siya. "Anong hindi siya? eh ako nga ang nakakita na siya ang nag aayos nung mga papel na nahulog sa lapag" tanong ko sakanya. Agad namang sumeryoso ang tingin niya.

"uulitin ko pa ba ha?" maangas na tugon niya at nag simula niya namang duru-duruin ang dibdib ko. "hin-di nga-si-ya-ang-may-ka-sa-la-nan!" sigaw niya sa mismong mukha ko. Nilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa balikat niya saka itinulak ko siya papalayo at saka siya sinimulang duru-duruin hanggang sa mapaupo siya sa lapag. "Ang kulet mo rin eh noh?" sarkastikong tugon ko habang lumalapit sakanya at sinisipa sipa ang tuhod niya. Umaatras naman siya, tumingala ang mukha niya sakin at tinignan ako ng masama. Anak ng, anlakas ng loob.

"hoy wag mo ko'ng matignan tignan ng ganyan ha! kung ayaw mo'ng dukutin ko 'yang mata mo---" natigilan ako sa sasabihin ko dahil biglang sumigaw si miss. "Villanueva! stop! what are you saying?! he's your senior!" inis na sigaw niya sakin kaya pinilit ko namang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang inis ko dito sa lalaking 'to, wala naman siyang ginagawang masama?

Tumayo naman yung lalaki at nag pag-pag ng pwet'an niya at deretso'ng tumingin kay miss. "Miss, hindi po talaga 'yang babaeng yan ang kumuha ng key to correction niyo." pangungumbinsi niya. Lumabas naman siya at may hinahatak pa na kung ano. Maya-maya lang ay pumasok siya at may kasunod siya na pumasok...

dO_Ob

babae? ano namang kinalaman niyang babae'ng yan sa nangyari?

(KIANNA'S POV)

(1 day earlier)

shuta naman! ba't ko ba lagi nakikita yung senior na hatdog na yun! pati ba naman sa faculty nasusundan ako? next time na makita ko siya, nako iisipin ko na talagang stalker siya...

Inayos ko lahat yung papel na nahulog ko kanina, tinignan ko pa muna kung baka may na shoot na papel sa sulok-sulok, ngunit wala naman. Nag dere-deretso nakong lumabas ng faculty at hindi na pinasadahan ng tingin pa yung hatdog na 'yon, nasisira lang araw ko sakanya, letse siya. Pagtapos 'kong iabot sakanya yung laptop ay nag paalam nako at dertsong nag lakad papuntang main building para sa P.E class namin.

"Estrada? ba't ka ba laging late?!" bungad na sigaw sakin ni Miss princess pagkapasok na pagkapasok ko palang sa entrance ng oval. "S-sorry miss, inutusan pa po kasi ako nung advicer ko hehe" paumanhin ko, at sa palagay ko, nakumbinsi ko naman siya.

"Oh sige na! dalian mo at ilagay mo na 'yang bag mo sa bleachers dun!" dumeretso naman ako dun at hinanap ang bag ni britany ngunit wala nakong mapag sisingitan ng bag ko dahil puno na ng bag ng mga kaklase ko. Sa sinisuwerte, nakita ko ang isang bag na walang katabi kaya't isniksik ko don ang bag ko. Maya-maya lang, habang palagad papuntang field, natigilan ako...

shet, naalala ko kay shakira yung bag na yun! tsk! okay lang, takot niya nalang sa tita ko kung may kukunin man siya diyan sa bag ko noh.

Hindi ko na pinansin ang isiping yun dahil naii-stress lang ako, masyadong maaga para mahulas ang beauty ko sa mga ganung bagay. Nang makapunta nako sa may silong na bahagi ng oval, agad na nag simulang mag patugtog ng kanta ang teacher ko kaya't napa sayaw narin kaming lahat.

"five minutes! break!" sigaw ni miss. Nag simula namang mag si-sigawan ang mga kaklase ko sa sobrang hingal at pagod dahil sa pag bubudots.

"woah!"

"grabi yun ha! nalusaw bilbil ko dun jusmeyo!"

"napaka hard nung excercise ni miss! dinaig pa yung instructor sa gym!"

"gaga! di mo naba tanda! na gym instructor dati si miss!"

"pagod na pagod naman kayo sa budots bhie? gusto ko pa ngang mag sayaw!"

"hoi halika na! bili tayo ng tubig sa canteen!" inisampay ni Britany ang braso niya sa batok ko kaya napatungo naman ako, ambigat niya shet. "eh may tubig naman ako sa bag---"

"tsk! samahan mo nalang ako! ililibre kita ng hatdog! " pang aasar niya. Hindi naman na ako naka-hindi pa, libre 'yon eh. Nag punta kami sa canteen na malaki, katabi yun ng corp kaya hindi naman masyadong malayo.

Maya maya pa ay natapos na ang P.E namin at nag dumeretso naman na akong umuwi dahil may bibilhin daw si britany sa mall eh hindi ko naman siya masasamahan dahil mag rereview ako para sa exam.

"baby! kamusta ang school? are you okay? kumain kana ba? ipag hahanda--" masayang bungad sa'kin ni Mommy. Mukhang pagod din siya katulad ko, galing siguro siya ng work. "i'm okay mom! aakyat muna po ako sa kwarto ko and mag rereview dahil may test po kami bukas" nginitian niya naman ako at sinenyasan ng thumbs up.

"Ipag hahanda kita ng meryenda mo ha!" pahabol na sigaw niya. Hindi ko nalamang siya sinagot at nag dere-deretsong umakyat papunta sa kwarto ko. Inihiga ko agad ang katawan ko sa sobrang pagod.

Sa kalagitnaan ng pag rereview ko ay naiisip ko yung mga pangyayari kanina. "Hindi ko naman palaging nakikita yung hatdog na yun ah? pero bakit palagi ko na siyang nakikita simula nung nabanga ko siya?" takang tanong ko sa sarili ko. Napailing naman ako sa nasabi 'kong yun kaya't pinag patuloy ko nalang ang pag rereview. Sa di namamalayan ay nakatulog na pala ako.

(KINABUKASAN)

Maaga akong nagising dahil sa t'wing may mga pag susulit kami ay nirereview ko ng maaga ang utak ko dahil epiktibo iyon at nasasaulo ko agad ang lahat ng inaaral ko t'wing bagong gising ako.

"baby good morning!" nakangiting bati sakin ni mommy pgkababang pagkababa ko palang ng hagdan. Nginitian ko naman sila ni daddy na nag babasa ng diyaryo at pokus na pokus dun sa binabasa niyang yun.

"kamusta ang pag rereview mo soleil?" seryosong tanong niya habang nasa diyaryo ang paningin niya. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil konting mali lang na sabihin ko ay 'kala mo laging nag hahamon ng away.

"Okay naman dad" walang emosyong sagot ko. Tumango tango naman siya. Habang prineprepare ni mommy ang kakainin ay matagal kaming natunganga at hindi nag sasalita sa hapagkainan, dahil kapag nag simula akong mag dudutdot sa cellphone ko ay alam 'kong pagagalitan niya nanaman ako at masisira nanaman ang umaga ko nun for sure.

"kainan na!" pag babasag ng katahimikan ni mommy at nakaramdam naman ako ng tuwa dahil makakakain narin ako sa wakas. Maya maya pa ay natapos na akong kumain kaya't tumayo naman na ako at deretsong humalik sa pisngi ni mommy bilang paalam at saka naman ako dumako sa pisngi ni daddy, isinagi ko nalang ang sintido ko sa pisngi niya bilang halik.

Nalayo na ang loob ko sa daddy ko simula nung namatay ang kuya ko. Nag iiba na palagi ang mood niya at hindi narin siya makausap ng maayos ni mommy, naging bisyo niya narin ang pag inom ng alak araw araw kaya palagi silang nag tatalo ni mommy pag nalalasing siya, at bihira mo nalang din siya makitang ngumiti. Malaki talaga ang pinag bago ni daddy nung nawala si kuya sa'min. Nakakalungkot lang...

Patakbo't palagad akong nag punta sa Mtves. Nakalimutan ko kasing mag dala ng bike dahil lutang ako kanina pa. Dali-dali akong nag punta sa room ng advicer namin. Sakto at naabutan ko pang nakapila ang mga kaklase ko sa labas kaya't agad konghinanap si britany at nakita ko naman siyang nakapila sa dulo.

"pst!" sitsit ko, nilingon niya naman ako at saka ngumiti. "oh repa! nandito kana pala! dito ka sa likod ko, by surname daw kasi yung pila eh" pumwesto naman ako sa likod. Maya maya pa ay dumating na si Miss Domino at nag start na kaming mag test. Sa kalagitnaan ng test ay bigla siyang sumigaw.

"OMAYGHAD!" sigaw ni Miss Domino. Natinag naman kaming lahat dahil sa sigaw niyang 'yun. "Nawawala yung key to correction ko!" ikinagulat naman 'yon ng lahat.

h-hindi kaya nawala ko nung mahulog ko yung mga papel kahapon?

"May nag punta ba sa faculty kahapon!---" bigla siyang natigilan at dahan-dahang ibinaling ang paningin sa'kin.

dO_Ob

okay, this is nice

"kianna! ikaw lang ang kaisa-isang inutusan ko sa faculty kahapon tama ba?!" pag kukumpirma niya sa'kin, napatungo naman ang ulo ko. "A-ah m-miss---" natigilan ako sa pag papaliwanag ko dahil bigla niyang isinenyas ang kaliwang palad niya sakin, pinapatigil ako sa pag sasalita.

"No more excuse! i said! tama ba na inutusan kita diba?!" pag klaklaro niya ulit, tumango tango naman ako."Ikaw ba ang kumuha ng key to correction ko kianna?!" dere-deretsong tanong niya sakin. Nakakagulat naman 'tong si Miss, ako ba kaagad ang kumuha ng key to correction niya porket ako ang inutusan niya? myghad!

Tumingala naman ako ng tingin sakanya at pulang pula na ang mukha niya dahil sa kakasigaw niya. Nakita kong lahat ng paningin ng mga kaklase ko ay nasa'kin. "Mag sabi ka ng totoo kianna!" malumanay na sambit ni miss habang napapapikit, nauubusan na ng pasensya.

"Hindi po ako ang kumuha miss" inosenteng sagot ko. Alam kong hindi niya agad papaniwalaan yun at hindi pa nakuntento! lumapit siya sakin saka kinuha ang bag ko! Hinalughog niya ang bag ko at walang pasimanong itinaktak pabaliktad hanggang sa mahulog lahat ng gamit ko sa lapag...

d⊙﹏⊙b

'Y-yung key to correction?!

"Aha! ngayon mo sabihin na hindi ka sakin nag sisinungaling Estrada!" sarkastikong sigaw niya sa'kin. Nag simula ng mag bulungan ang mga kaklase ko. Kumuyom ang dalawang kamao ko dahil sa pigil na galit na naramdaman ko. Nagulat naman ako nung biglang ilapat ni miss ang kamay niya sa braso ko at hatakin ako palabas ng room. Walang lingon lingon ay nakarating kami kaagad ng faculty sa 2nd floor. Pinaupo niya ko sa bakanteng upuaan ngunit bigla naman siyang lumabas at hindi ko alam kung saan siya mag pupunta. Maya-maya lang, dumating narin siya may hatak hatak na estudyante...

dO_Ob

Si hatdog na naman?!

Hindi ko na narinig ang mga kung anong tunog sa paligid ko pati narin ang pag uusap nila ni miss. Minsan ay umo-oo at tuma-tango nalang ako sa tanong niya ngunit hindi yun inaabsorb ng utak ko. Bumalik nalang ako sa ulirat ng biglang sabihin ni miss na hindi na ko makaka pag take ng 2nd grading periodical test. Naiiyak nalang ako sa mga sinasabi niya, ngunit biglang nag bukas ang pinto na siyang ikinatigil naming lahat.

dO_Ob

"Miss! hindi po kasalanan niya'ng babaeng yan ang pag kawala ng key to correction mo miss" Sigaw niya. Nag karoon ako ng kahit kaunting pag asa dahil sa lalaking 'to, hindi 'ko man alam kung paano niya nalaman o natuklasan or whatsoever, pero laking pasalamat ko talagang dumating siya.

*FLASHBACK 8 YEAR'S AGO*

"kianna, ikaw ba ang nakasira nitong tsenelas ko?" malumanay na tanong sakin ni kuya, pero kahit alam 'kong hindi siya galit ay natatakot parin ako. "h-hindi p-po k-kuya" utal utal na tugon ko habang mangilid ngilid naman luha ko.

"kuya calix hindi po talaga si kianna ang nakasira ng tsinelas mo" napalingon ako do'n sa batang lalaki. "Nakita ko pong kinakagat yan nung pagala galang aso kanina habang nag lalaro po kayo nila kuya" kwento niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung sabihin yun nung lalaki. Ngumiti siya sa'kin kaya't sinuklian ko siya ng napakalawak na ngiti at nakipag shake hands naman ako sakanya. Mukhang mas matanda siya sa'kin ng mga siguro isa o dalawang taon. Paano naman kaya niya ako nakilala?

"Wren-wren halika na! uuwi na tayo!" sigaw ni kuya zion sakanya. Bumaling naman ng tingin si kuya Zion kay kuyaa. "Calix! uuwi nakami ni wren wren ha! ingat kayo pauwi ni kianna brad!" nginitian naman siya ni kuya calix. Hinatid naman ni kuya yung batang yun kay kuya zion. Kumaway pa muna siya sakin bago sila umalis. Simula noon, hindi nako nag karoon ng balita tungkol sa batang lalaking 'yon.

*END OF FLASHBACK*

Bumalik ako sa reyalidad nang biglang sumigaw si miss, pinapagalitan si Hatdog at yung isang lalaki. "Miss, hindi po talaga 'yang babaeng yan ang kumuha ng key to correction niyo" pangungumbinsi niya pa rito, at nagulat naman ako nung bigla siya nag lakad papuntang pintuan at binuksan niya yun at animo may hinahatak sa labas? hanggang sa pumasok siya kasunod ni...

dO_Ob

-Moonxx__