webnovel

Lies behind those eyes

Zyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried her best, but still not enough. Beside that, Kianna has a big problem. It is about her Brother, who died when she was young. Her brother didn't got Justice because the suspect was found guilty. But Kianna didn't give up. She didn't know that Zyair has a secret on her. How long can Zyair cover up his lies? Can Kianna forgive Zyair? [Other chapters are up on my Wattpad account (Moonxx__) I'll just update those EDITED chapters here. Stay tune =>] |FTHU SERIES 1| ©All right reserved

Mccnxx · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 6

WARNING: CONTAINS SENSITIVE WORDS THAT MAY AFFECT YOUNG AUDIENCES.

(VZIN'S POV)

"brad waterbreak daw sabi ni coach! tara sa bleachers!" tawag sakin ni Nono, ka-team mate ko sa basketball. Naupo kami sa bleacher malapit dun sa mga nag kla-klase na grade 10, at katabi namin ang bag nila, sakto at waterbreak narin nila. Habang nag mumuni muni ay may napansin akong kakaiba sa isang babaeng parang balisa at lumilinga linga sa paligid habang may nilalagay sa isang bag.

"Woi! tapos mo naba yang ginagawa mo?" tawag sakanya nung lalaki, agad naman siyang nag madali sa pag lagay ng kung ano bag na 'yun.

Nag madaling umalis yung dalawang grade 10 na yun at nag derederetso naman silang nag punta sa corp. Maya-maya pa ay may nakita akong babaeng lumapit dun sa bag na kaninang binubuksan nung dalawang kaaalis lang.

"Kianna, dalian mo mag lagay ng gamit,matatapos na yung breaktime..." pinagmamadali siya nung isang babaeng kasama niya kaya't wala sa ayos niya namang inilagay ang tubigan at kung ano don sa bag.

Share-share ba sila ng mga bag? gamit nung dalawang kaaalis lang at gamit rin niya? ganoon na ba talaga ang mga grade 10 ngayon? in na ba ngayon yun?

"class! maaga ko kayong pauuwiin dahil may biglaan kaming meeting, see you after the periodic test! dismiss!" paalam ni miss princess sakanila kaya't daglian naman na nag si puntahan ang mga grade 10 na 'yon sa kaniya-kaniyang bag.

Ngunit nahagip ulit ng mata ko yung dalawang yun na kaninang may nilalagay sa bag nung babae kanina.

oi shuta! hindi ata nila bag yung kaninang binubuksan nung babae

Napadako naman ako dun sa babaeng mukhang may ari nung bag, kasama ang babaeng lagi niyang buntot. "kianna, mauna kanang umuwi ah, may bibilhin pa kasi ako sa mall eh! labyu bye!" tinapik naman siya nito sa likod at tumkbo na palabas ng oval. Maya-maya lang ay wala ng tao sa oval at tanging si kianna nalang ang naiwan doon. Busy ata siya sa pag aayos ng gamit niya? Balak ko sana siyang abisuhan dahil doon sa nangyari kanina, ngunit nung papalapit nako ay bigla naman siyang umalis.

malakas ang kutob 'kong may hindi mangyayaring maganda, tsk...

"Vzin! start na daw ulit ng practice sabi ni coach!" sigaw ni nono sakin sa malayo. "Sige!" umalis naman na ako sa lugar na 'yon ng oval at nag focus nalang sa practice namin. Mahigit isang oras ay natapos narin kami sa wakas. Dumeretso naman ako ng CR para makapag palit ng damit. Patungo na sana ako sa locker ko ng may marinig akong dalawang nag bubulungan malapit sa mga locker.

"hoi, wag kang mag susumbong kahit kailan! kahit mag ka ipitan pa!" pabulong na sigaw nung lalaki dun sa kausap niya. Lumapit ako ng kaunti upang makita ang nag uusap.

yung dalawang nangangalkal ng bag kanina?!

"o-oo, h-hindi a-ako mag susumbong" utal utal pang tugon sakanya nung babaeng may nilagay na kung ano dun sa bag nung babae kanina.

"dapat lang! dahil kung hindi, lagot ka sa'min ni shakira, Tamiya!" sigaw sakanya nung lalaki pagkatapos noon ay nilayasan siya nito. Maya maya pa ay narinig 'kong humihikbi yung babae. Nakaramdam naman ako ng awa kaya't nilapitan ko siya. Kitang kita ko sa mukha niya na nagulat siya sa presensya ko.

"Okay ka lang miss?" pormal na tanong ko, kaagad naman siyang nag punas ng luha sa mata niya gamit ng palad niya. Nakakuha ako ng tiyempong tignan ang ID niya habang nag pupunas siya ng luha niya.

"Tamiya Sanchez, 10-A, Room 303, Mrs. Domino"

Nang matapos siyang mag punas ng luha niya ay kaagad ko namang iniiwas ang paningin ko dahil baka mahuli niya akong tumitingin sa ID niya.

"Anong ginawa niya sayo?" tanong ko, kaagad namang lumaki ang mata niya. Luh, nag tatanong lang naman eh, gulat na gulat? "W-wala! p-pasesnya na!" sigaw niya tapos bigla siyang tumakbo papuntang Cr.

Kahit pa nag aalala ako, hindi ko nalang pinansin yun. Lumabas nako ng main building at umuwi nalang sa bahay. Hindi ko naman na naalala ang mga nangyari kanina dahil naging abala ako sa pag re-review para sa pag test bukas

KINABUKASAN

Maaga akong nagising at mabilis na naligo saka nag ayos para magkaroon ng kakarampot na oras para makapag basa ulit ng mga notes na ni-review ko kagabi. Pag katapos 'kong mag basa, nag inat-inat muna ako ng buto dahil antagal ko naring nakayuko at nag susulat, medyo nananakit narin ang kamay ko.

"Dale anak? bilisan mo diyan at nakahain na ang pag kain" malakas na sigaw sakin ni Mama mula sa labas ng pintuan. Kaya kaagad ko namang sininop ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at bumaba.

"Kuya ang angas! dalawa 'yung egg yolk ng egg ko" pag mamalaki sakin ni Virgel, ang bunso 'kong kapatid na mas bata lang sakin ng 3 years. Medyo isip bata lang talaga siya pag dating sakin, dahil sweet talaga ako sakanya, pero binata narin siya katulad ko.

"Wow naman bunso! bibigyan mo ba si kuya niyan?" malambing na tanong ko sakanya habang inaayos ang kubyertos sa hapagkainan. Ngumiti naman siya sakin.

"Gusto ko sanang aken lahat 'to kuya, pero sige, dahil love kita! sige sayo nalang yung isa!" bibong tugon niya sakin. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya na 'yon. Pakiramdam ko ay buo na ang araw ko dahil lahat ay nasaakin na. Hindi kami sobrang mayaman na pamilya, ngunit hindi rin naman kami mahirap. Kami ay katamtaman lang.

Wala na akong mahihiling pa na iba dahil nakakapag aral ako, nabibigay din naman ang lahat ng pangangailangan ko at ibang luho ko. At higit sa lahat, walang kulang sa pamilya ko. Lahat kami ay kompleto. Konti nalang ay masasabi mo ng perpekto kaming pamilya. Ngunit, hindi naman totoo ang perpektong pamilya, minsan ay may problema din kami katulad ng iba.

Maya maya pa ay natapos nakong kumain at nag handa na sa pag alis, ngunit bigla ako'ng tinawag ni Papa. "Vzin" malumanay na tawag niya sakin, nilingon ko naman siya at nakita kong kumakapa-kapa siya sa bulsa niya.

"oh eto" sabay abot ng pera niya. "Nako pa! meron pa po akong baon, itabi niyo na po 'yan" tanggi ko sa pera na inaabot niya. Dahil masyadong malaki iyon para sa isang buwan na allowance ko. Ayaw ko namang mag dala ng malaki na pera, dahil baka masilaw lang ako sa ibang luho at magastos 'yon lahat. Ayoko kasi ng hindi ko pinaghihirapan at pinag-iipunan ang gusto 'kong bilhin na gamit.

"Hindi na anak, Alam 'kong binata ka narin. College kana nga eh, bumili ka ng kahit na anong gusto mo. Basta't mag aral ka ng mabuti anak ha." ngumiti pa muna siya saakin, pag katapos no'n, inilagay niya sa bulsa ko ang pera na'yon. Wala naman na akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon. Huhu, ayaw 'kong masilaw sa pera lord, tulungan niyo po ako

"Salamat po" nag paalam naman ako sakanilang lahat bago umalis ng bahay at pumasok sa School. Hindi ko na naisabay si Virgel pumasok dahil hindi ko na siya maiintay at baka malate ako.

"Tsk, kulang ang test paper natin! paano ba yan" singhal nung advicer namin habang nag di-distribute ng test papers. Nasamid naman ako sa sarili kong laway dahil tumingin siya sakin. Yung tingin na nag uutos? hayst.

"Vzin anak? baka naman pwedeng kuhaan mo ako ng test papers sa faculty sa 2nd floor? sige na anak oh? salamat." wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sakanya, kinuha ko ang susi ng faculty at nag madaling nag lakad. Hindi ako pwedeng tumakbo dahil makakabuo 'yon ng ingay sa buong hallway, at baka mai-storbo ko ang ibang estudyante tapos mapagalitan pa ko ni Ma'am Nepomoceno.

Habang nag lalakad ako ay may naririnig akong mga nag bubulungan na estudyante. Masasabi kong mga Grade 10 pa ang mga 'yon, at ang iba naman ay mga college at senior high na.

"Nako nako! narinig mo ba may nangongodigo daw sa grade 10 na babae?"

"Oo! at ang masama pa! Top 1 nila 'yon!"

"Alam ko section A yun eh! nako yari siya kay Mrs. Nepomoceno"

"Alam 'ko nga tita niya si Ms. Shaira eh? patay siya"

"Nako, hindi malalagot si kianna don, tita niya yun eh"

k-kianna? teka! siya ba 'yung babaeng nasa oval kahapon?!

Napaatras ako sa pag lalakad ko at pumihit patalikod. Nilapitan ko ang mga nag bubulungan na babae na 'yon. "Ah miss, pwede mag tanong?" tanong ko dun sa isa sa mga babae na 'yon. Medyo natawa naman ako dahil parang kinilig naman siya nung kinausap ko siya. Hayst, lakas talaga ng impact ko sa mga Grade 10 ng school namin eh. Napaka easy to get.

"Nako vzin! ano ba ang maipag lilingkod ko sayo?" tanong niya. Sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti, tapos lahat sila tumili. Luh kalma, ako lang 'to.

"WAAAAAAH! ANG GANDA NG NGITI MO! PWEDE NA'KONG MANALAMIN SA NGIPIN MO VZIN!"

"WAAAAAAAH"

Gamit naman ng ka-cutan ko, inilagay ko yung hintuturo ko sa labi ko at pa-cute na pumikit. "Shhh shhh!" pag papatahimik ko sakanila. Sinunod naman nila ko at pinigilan ang kilig nila.

"Pwede ko bang malaman kung saan matatagpuan yung Kianna na 'yan?" malumanay na tanong ko at nakita ko naman ang pag bagsak ng mga balikat nila. Luh? nanghihinayang ba sila? akala ata nila may gusto ako doon sa Kianna na 'yon? asa sila 'no! ampogi ko, baka sya pa nga magka-gusto sa'kin eh hehe.

"Hahaha, don't over think guys, pinsan siya ng Best friend ko, i just want to know what happened to her?" pag sisinungaling ko, dahil hindi ko naman talaga 'yon kilala, nag aalala lang naman ako kasi baka mapagbintangan siya kahit hindi niya naman kasalanan.

"Hindi mo naman kasi nililinaw Vzin hahaha. Well si kianna Soleil Estrada lang naman ang top 1 ng section A ng grade 10. Ngayon, usap usapan siya dahil nahuli siyang nangongodigo ng teacher niya? hindi ko sure kung nangongodigo or may nakuhang key to correction sa bag niya? basta yun lang ang nasagap kong chismis at ang alam ko ay nasa 2nd floor faculty---" hindi ko na pinatapos yung babae dahil kagad na akong nag dere-deretso papuntang Room 303 kung saan nandun yung babaeng nakita kong may nilagay sa bag nung kianna na 'yun.

"Nandito ba si Tamiya?!" sigaw ko sa pinto nung room na 'yon, napatingin naman saakin ang lahat.

"Shems! ba't nandito si vzin?!" bulong nung isang babae

"yaz! may motivation nako! salamat lord!"

"I said! nandito ba si Tamiya?!" galit na galit na sigaw ko dahil wala saaking sumasagot. Kalma Vzin, fans mo yung iba diyan, kalma ka lang repa sayang pagka-pogi mo huy!

"Mr. Valdez? you're disturbing our test" biglang singit nung lalaking epal. Siya ba yung kasama nung Tamiya kahapon?

Oo siya nga!

"Hindi kita kailangan, at sasagutin niyo lang ako kung nasaan si Tamiya!" aba! tinaasan ba naman ako ng kilay?! hoy! sa pogi 'kong 'to! mabait na! cute pa! tataasan lang ako ng kilay?

"Anong kailangan mo sakanya? Mr. Valdez? bigla bigla kang sumisigaw at parang walang nag tetest ha? gusto mo bang ipaguidance kita?" maangas na tanong niya sakin, ngumisi naman ako. Edi ipaguidance niya! 'Kala niya naman natatakot ako eh, pero sige na na shut up nalang ako.

"Ako?" tinuro ko pa ang dibdib ko. "At ako pa ang ipapaguidance mo? eh kung gusto mong ilabas ko yang kabahuan na ginawa niyo sa kaklase niyong napagbintangan na nangongodigo at kinuha ang Key to correction ng teacher niyo?!" nanlaki ang mga mata at ilong niya. Nagulat naman ang lahat ng marinig 'yon. Tols, easy-han mo lang, maga-guidance ka din naman mamaya.

"ha?! sabi ko na nga ba eh! kagagawan 'to nila paul eh!"

"Nako! nako! hashtag protect Kianna at all cost!"

"shakira! paul! tamiya?! anuna! amin na!"

Nag tawanan naman ang lahat dahil do'n. Nakita kong napahiya yung lalaking yun na tinawag nilang paul. Hindi ko naman na'yon pinansin at iginala ko nalang ang mata ko sa buong classrom nila, nakita ko si Tamiya na nakayuko at nginangat-ngat ang sariling kuko, kinakabahan. Nilapitan ko siya at marahan na hinawakan ang braso niya, gulat naman siyang napatingin sa'kin.

"Halika, sumama ka sakin. Hindi kita sisisihin. Dahil alam kong naipit kalang sa gulo na 'to" walang kahirap-hirap, napapayag ko naman siyang sumama sa'kin. Ganoon ata talaga kapag pogi na cute pa, hehe.

Hanggang sa makarating kami sa faculty, hindi parin siya nag sasalita at nakayuko parin siya. "H-hindi muna ako papasok" natigilan ako nung bigla niya yun sabihin nung malapit ko ng hawakan yung door knob.

"Sige, basta huwag kang aalis diyan ha" tumango lang siya. Pumasok naman na 'ko sa loob at nakita 'kong tulala si kianna at naluluha nalang sa sinasabi nung teacher niya.

Nang makwento ko lahat-lahat, muntikan pa 'kong makipag suntukan dun sa senior high na yun. Hoy mabait ako at cute, pero 'wag na 'wag niya 'kong susubukan. Lumabas naman ako at hinatak papasok si Tamiya. Nang makapasok si Tamiya ay nakita 'kong gulat ang bumalatay sa mga mata nila lalo na ni Kianna at ni Mrs. Domino. Luh lumabas lang naman ako, di naman gwumapo yung mukha ko hehe.

"M-miss, k-kianna, i-i'm s-sorry" paumanhin ni Tamiya, ramdam ko namang kinakabahan siya. Sino ba namang hindi diba? Nag simula na siyang umiyak. Nilapitan siya ni miss at pinatahan.

"Can you tell us paano mo iyon na gawa Tamiya?" malumanay na tanong ni miss sakanya. Nag simula siyang mag kwento mula nung una kung saan binubully siya at kinukuhaan ng pera nung paul at shakira na 'yon. Kwinento niya rin kung paano siya inutusan na gumawa ng kasamaan kay Kianna para lang mapagbintangan ito. Grabe talaga yung ibang mga nasa higher section eh, ebarg! dapat kasi chill at petiks lang parang ako.

"K-kianna, I'm so sorry" mangilid ngilid ang luha na paumanhin ni Tamiya kay kianna, nginitian naman siya ni Kianna. Luh ang bait niya naman, sana all!

"Hindi mo kasalanan yun Tamiya. Mapagbabayaran din nila paul at shakira yung mga ginagawa nila sayo, saatin." pangungumbinsi niya dito, napangiti naman niya si Tamiya. Luh naman! 'wag ka masyadong ngumiti sa'kin Kianna, baka ma-fall ako niyan!

"How can you be so sure? meron ba kayong evidence?" biglang singit nung epal na senior high nayun. Inis na inis naman siya kay kianna, ano bang ginawa ni Kianna sakanya? Ang bait-bait nga nung tao oh, napatawad niya agad si Tamiya.

"Will the Cctv footage can stop your God damn mouth?" sarkastikong tanong ko sakanya. Hoy ampogi ko na, cute pa tapos magaling pa sa english! saan pa kayo ha! hatdog! Nag salubong naman yung kilay ni epalogs. Gwapings din siya sana katulad ko, kaso attitude eh, eguls yung ugali ko sakanya :<

"Stop. Ako na ang bahala dito. Ako na ang kakausap sa mga magulang nila Salvador at Reyes. Maliwanag? sige magsi-punta na kayo sa klase niyo at mag test nakayo. Pasensya na sa abala. Salamat sa pag amin Tamiya. Salamat din sa pag kumbinsi kay Tamiya, Vzin. Makakarating ito sa advicer mo" ngumiti naman ako, pagkatapos non, kinuha ko narin ang mga iniuutos sakin ng advicer ko at dali daling umakyat para makapag exam.

(ZYAIR'S POV)

NAKAKAINIS! NAKAKAINIS!

masyado na kayong namumuro at inuubos niyo na ang pasensya ko! tsk!

"Zyair, hindi na kita maihahatid sa classroom niyo. Pakisabi nalang din kay Mrs.Garde na pasensya na sa abala at dun sa gulo na nangyari kanina."

"Sige po miss" sagot ko nalamang. Bago kami mag hiwalay ng mga direksyon ay napabaling naman ako ng tingin kay Kianna. Hay nako, mukhang siyang itlog 'pag nakatulala.

Halatang nagulat din siya sa mga nangyayari at hindi ko naman siya masisisi. Dahil una sa lahat, naipit sila nung kaklase niya dahil sa kagagawan nung dalawang bully niyang kaklase. Buti naman at may epal na nakakita don sa mga bully na'yon at pinagtanggol si Kianna. Aba kung ako ren naman, kung nakita ko lang na may kaanuhan na ginagawa yung bully na yun edi sana nasabihan ko na ng maaga si Itlog at hindi na'to nangyari? tanga naman nung Vzin na yon.

Nga pala, tsk! hindi pa'ko nakakabawi doon kay itlog! naiinis nako sakanya ha! Hindi ako makakapayag na manahimik ang buong buhay niya habang buhay gusto ko siya guluhin kasi ang cute ko, hehe joke lang.

Natapos ang 1st batch ng periodic test namin na yun sa loob ng apat na oras. kaya't maaga kaming makakalabas ngayon. Habang pinapasa ko ang test paper ko ay napabaling ako sa kanina pa'ng nakatitig sakin na si patok, hayst, ampangit niya talaga.

Maya-maya pa ay nag dere-deretso nako papalabas ngunit hindi parin ako nakaligtas kay patok. "psst! ano! tatakasan mo nalang ako?" sarkastikong tanong niya kaya nilingon ko naman siya ng may bahid na inis sa mukha ko. Tinignan ko pa kung paano siya humawak sa braso ko at nung mapansin niyang nakatingin ako dun ay bigla niyang binitawan 'yon.

"Ano nanaman ba yun?" parang sawang sawa na tono ang pinakawalan ko sakanya

"May bago tayong target ngayon. At mas nakakagigil yun." nag titiim bagang niyang sambit habang nakatingin sa kawalan

"nakikita mo ba 'to?" tanong niya sakin habang itinuturo ang pisngi niya'ng namamaga parin hanggang ngayon.

malakas masyado manuntok ang babaeng yon. Tsk

d-_-b

"Gusto ko'ng gawin mo sakanya 'to" baling niya kay kianna habang nakaturo parin sa mismong pisngi niya

"Pero brad. Below the belt naman na ata yan? Babae yun brad. Babae yu--"

"Wala akong pake! basta gawin mo yung inuutos ko sayo maliwanag ba?!"

"Dahil kapag hindi ko nakitang hindi namamaga ang pisngi nung kianna na yun at hanggang hindi ko nakikitang hindi na umaaligid yung keziah na yun sa chiks ko.." huminto pa siya at inilapit ang mukha sa tainga ko "alam mo na ang gagawin ko zyair. Nakatago parin yun sa mahiwagang baol ko, HAHAHAAH" ngingisi ngising bulong niya pa at umalis sa harapan ko habang nakapamulsa at sumisipol sipol

Medyo nakaramdam ako ng kaba at tuwa dahil alam ko'ng makakabawi ako dun sa kianna na yun. Pero alam ko'ng mali ang ginagawa ko. Pero mas mahalaga ang pinang hahawakan ni patok.

Lumipas ang mga araw hanggang sa matapos ang periodic test namin munit hindi ko parin natyetyempuhan at na babawian yung itlog na yon. Mukhang nag iingat na sila ha. Patay ako kay patok neto.

*RING*RING*RING*

"Okay class, dismiss"

Bumaba ako at dumeretso ng canteen upang bumili ng pagkain.. ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay ramdam ko na ang presensya ni patok. Kaagad ko naman'ng hinanap ang mataba niyang mukha at nakita ko'ng nakangisi siya sakin at pinag mamasdan ang ginagawa ko mula sa malayo. Isinenyas niya pa ang yung kinauupuan nila kianna na kumakain ng matiwasay habang kasama ang mga kaibigan niya.

Madaming tao. Tsk. Hindi ko pwedeng bawian ngayon to. Madaming makakakita sa gagawin ko. Masyadong madaming sagabal. tsk.

Nag dalawang isip ako sa gagawin ko pero, kailangan ko'ng mabawian 'tong kianna na to sa hindi sinasadyang paraan, para hindi ako malagot kung magkataon. Pumila ako at bumili ako ng juice na malaki at pinapunuan ko talaga yun ng yelo para pag kunyaring na talisod ako sa gilid niya at dumertso sa mukha niya.

hahahahahahaha ang talino mo talaga zyair.

Bumuntong hininga pa muna ako at saka sinipat sila kianna. Nakita ko'ng umupo si patok sa pagitan nila para siya ang dahilan ng pag ka talisod ko. Alam ko'ng nababasa narin ni patok ang plano ko kaya't pumwesto na kaagad siya. Dahan dahan akong nag lakad at biglang---

*BLAAAAAAAAAG*

dO_Ob

NATAPON KO ANG JUICE KAY PATOK!

Kitang-kita ang pag kanginig niya dahil sa ginaw na sanhi nung maraming yelo at nakita ko'ng galit na galit siyang tumitig kay kianna na parang walang pakielam sa nangyari. Naramdaman ko'ng may nag tulak sakin para maibuhos ko kay patok yung dala dala ko eh.

Tinignan ko si kianna na parang bali wala lang sakanya ang nangyari ganon narin ang mga kaibigan niya.

Hindi kaya may tumulak sakin na iba?

Tumingin pa ako sa paligid ngunit wala naman'g maaring mag tulak sakin nung panahon na iyon.Nahagip ng mata ko si Vzin.. ang muntik ko ng makaalitan nung nakaraan... ngunit malayo siya sa pangyayari at mukhang abalang abala siya sa pakikipag text.

Lagot ako kay patrick neto... tsk

Nakita ko'ng nag tatawanan ang ibang students na nakakita, ngunit si kianna at ang kaibigan niya ay parang walang narinig o parang walang nakitang aksidente na nangyari.

hindi ko talaga alam paano ko makakabawi dito sa babaeng to!

Padabog na umalis si patok habang basang basa ang uniporme niya. Ang iba naman ay pinag bubulungan siya at pinag tatawanan siya ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinasadahan ko muna ng tingin si kianna bago umalis ngunit, nakita ko'ng nakatingin narin siya sakin.

"Hindi mo ko magagantihan---" makahulugang tugon niya habang nakatingin sa mata ko, ngunit agad siyang huminto at biglang inilingon ang ulo sa katabi "Keziah" dagdag niya pa sa sinabi niya sakin kanina "Anduga mo naman kianna! hahaha lagi nalang akong natatalo! hindi ako makabawi!" inis na singhal sakanya ni keziah na halatang natalo sa larong ginagawa nila

Imposibleng kay keziah niya yun sinabi. Alam ko'ng para saakin ang mensahe na iyon.

Hindi ko na sila pinansin pa at tuloy na lumabas ng Canteen... ngunit natigilan ako sa pag labas... "Pst!" sitsit ng pamilyar na boses sakin. Nilingon ko naman ang pinanggalingan nun at nakita ko'ng si Vzin 'yun. "Hinay hinay lang kasi sa pag lalakad brad. Baka sa susunod, ikaw naman ang mabuhusan ng juice jan?" sarkastikong tugon niya.

sabi ko na nga ba siya yung nanalisod sakin eh

Dinakma ko ang kwelyo niya at inilapit ko ang mukha ko sakanya at tinitigan siya ng masama. Ngunit sinuklian niya lang ako ng ngising nakakainis "hahahaha, hindi moko madadala sa ganyan. Akala ko ba matalino ka? ba't hindi natin idaan sa patalinuhan?" maangas na tanong niya pa kaya't pabatong binitawan ko siya. "Wag na wag kang hahadlang sa mga plinaplano ko vzin. Hindi mo alam kung paano ako trumabaho." makahulugang bulong ko sakanya at saka ko siya nilisan. Hindi nako nakakain dahil sa nangyari at nag deretso nalamang sa klase.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Dismiss..

Naiihi na ako kaya't binilisan ko ang pag punta sa CR na nasa 1st floor.. Nung papalabas na ako ay nakita ko'ng nakabukas ang Bodega at mukhang may tao..Luminga linga muna ako sa paligid at napansin ko'ng walang tao. Kaya't nag pasya nalang ako na pumasok at naisipan ko'ng tumambay... ngunit mali ang inaasahan ko...

Nandito si patok at nakangiti sakin.

d-_-b

"Bata.. hindi ko papalagpasin ang nangyari kanina bata. Mukhang pumapalya ang mga pinapatrabaho ko sayo ah? Gusto mo din ba'ng pumalya ang bibig ko?" makahulugang tugon niya at napamaang naman ako. Tinignan niya ang kabuuan ko at bigla siyang tumayo ng deretso at may kinuhang kung ano sa bag niya na halos walang kalaman laman

"Nakikita mo ba to?" sarkastikong tanong niya sakin kaya't napabaling ako sa hawak hawak niya na iyon.

dO_Ob

"W-wag ngayon patok. Wag yan"

"Alam ko'ng nasa dulo'ng dulo ang pamatay na linya mo dito sa notebook na ito zyair" makahulugang sambit niya kaya't mas lalong nanlaki ang mga mata ko

"At kapag sa oras na hindi mo nagawa ang mga pinapatrabaho ko sayo.. Pipilas ako ng isa isa at ilalagay iyon sa Locker ng bata mo hanggang sa malaman niya ang katotohanan" nakangising dag dag niya pa kaya't natigilan ako lalo. Pakiramdam ko ay tumatayo ang mga balahibo ko at gusto na nitong mag lakad palabas ngunit hindi ko magawa. Hindi ko naman makuha kay patok ang notebook na iyon dahil alam kong babalik balikan niya parin ako at hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha iyon.

"Oo. Gagawin ko lahat ng pinapatrabaho mo. Ngunit. Hindi ko maipapangakong magagawa ko iyon sa lalo'ng madaling panahon--"

"Ano?! anong hindi maipapangako? IPANGAKO MO! dahil gusto ko ng makitang nag hihirap ang keziah nayun at ang kianna na yun"

"Hindi ganun kadaliang ipinapatrabaho mo sakin patok--"

"Anong hindi madali?! napakadali! lalo na't babae ang dalawang yun!"

"Kakaiba ang kianna na yun." natigilan naman siya at umastang nakikinig "Hindi siya basta basta. Kahit babae siya, ay may taglay siyang talino patok. Alam ko'ng malakas ang pakiramdam niya sa mga plinaplano natin. Paniguradong nakakabuo narin yun ng plano para pag higantihan tayong dalawa. At isa pa may hadlang--" natigilan ako sa sinasabi ko dahil bigla siyang tumayo at sinuntok ang pader. Sa sobrang lakas nun ay yumanig ito at kahit siya ay nasaktan.

Bobo.

"At sino naman ang hadlang nayan?" tanong niya habang nakatalikod at ipinapagpag ang kamay na ginamit niya sa pag suntok

"Si Vzin"

"A-ano" gulat na tanong niya at animo napa harap pa sakin dahil sa sinabi ko'ng yun

"Si vzin--"

"At talagang uulitin mo pa ha!"

"tsk" singhal ko

"Dibali. Bata ko na ang tratrabaho sa vzin na yan. Wala tayong laban diyan."

"At bakit naman?" takang tanong ko at ngumisi siya

"ayoko ng mag paliwanag. Nasasayang ang oras ko" astang tatayo na sana siya at nakita ko'ng may kinakapa kapa pa siya sa bag niya at nung mailabas niya iyon ay inihagis niya sakin iyon.

"Lalabhan mo ang uniporme ko o tatapunan din kita ng juice katulad ng ginawa mo? you choose?" maangas na tanong niya pa ngunit hindi nako nakasagot dahil nag lakad na siya papalabas at nilisan ang building na iyon.

Papalabas na sana ako ng maaninag ng mata ko sa di kalayuan ang Vzin na yun na may kasamang mga lalaki na mukhang college na din. Wala akong nagawa kundi ang magtago katabi ng mga nakatambak na lumang upuan dun at aasahang may marinig.

"nakapag plano nako manuel" biglang sambit ni vzin isa dun sa mga kasama niya "Itutumba ko na talaga si juanito" nakangising dagdag niya pa sa kasama at nakita ko'ng may hinugot siya sa bulsa niya

dO_Ob

BARIL?

Bakit may baril na dala 'tong mokong na'to?!

paano siya nakapag pasok ng baril sa eskwelahan? eh sobrang higpit ng mga guard dito sa MTVES? hindi ba siya natatakot kay Mrs. Nepomoceno?

TSK!

"sigurado kana ba sa desisyon mo Hulyan?" pormal na tanong sakanya nung kausap niya habang ang paningin niya ay nasa baril parin "Mag uusap usap ba naman tayo ng ganito katago kung hindi ako desidido? manuel?" sarkastikong tugon niya dun sa tinawag niya na manuel.

Hulyan? Diba't ang pangalan niya ay Vzin? may iba pa ba'ng pangalan to'ng mokong na to?

"Basta. Walang makakahadlang sa desisyon ko Manuel, hindi ko na kaya'ng makitang kasama ni juanito si Cecilla. Gusto ko ng mahagkan muli si Cecilla,manuel--" huminto pa muna siya at saka nag pakawala ng buntong hininga at humarap sa manuel na iyon "Magagawa ko lang muli iyon, kapag nawala na ang hadlang samin" makahulugang sambit niya habang nakatingin sa baril na hawak niya.

kaya ba hindi man lang makanti ni Patok ang isang 'to? dahil isa rin to'ng masamang tao?

"magagamit ko narin ang paborito ko'ng baril" nagpakawala pa siya ng demonyo'ng tawa kaya't lalong nanindig ang mga balahibo ko. Naaninag ko ang hawak niya'ng baril at masasabi ko'ng Caliber 38 iyon.

Hindi hamak na matanda lang siya saakin ng isang taon o dalawang taon. Alam ko ring college na siya, ngunit paano niya ito magagawa? paano nila to nagagawa? mukhang katiwa-tiwala ang vzin na yun ngunit nasa loob pala talaga ang kulo nito? Masyado kang nag mamalinis vzin.

Namutawi ang katahimikan sakanila'ng lahat at ng tapos na sila'ng mag usap ay nakita ko'ng naunang lumabas si vzin at sumunod naman sakanya ang mga kasama niya. Naiwan ako dun sa bodega na yun ng tulala at malalim ang iniisip

Sasabihin ko ba ang mga narinig at nakita ko sa guidance councilor namin? paano kung ma-pasama rin ako sa ipapatumba niya?

d>_<b

Nang sumilip ako, wala ng tao sa labas ng bodega nayun, agad ko'ng nilisan ang Mtves at dali daling umuwi.

-Moonxx__

(KIANNA'S POV)

Matagal narin ng simula ako'ng makausap ng maayos ni britany dahil nga doon sa nangyari'ng insidente. Natutulala parin ako paminsan-minsan dahil na trauma talaga ako sa pag tra-trato sakin ngayon ng mga kaklase ko. Pakiramdam ko ay ako parin ang may kasalanan kahit na sila paul at shakira naman talaga ang may sala. Ngunit hindi parin maiiwasan sakanila ang mag hinala kung nag sisinungaling ba talaga ako o hindi.

Dumaan rin ang ilang linggo at laking pasalamat ko dahil nakapasa ako sa 2nd periodical test namin kahit na hindi ako nakakapag pokus sa pag aaral ko netong mga nakaraang araw.

Bumalik nalamang uli ako sa reyalidad ng bigla akong gulatin ni britany na animo i-winawagay way pa ang kanyang kanang kamay sa harap ng aking mukha. "kianna?! kianna?!" sigaw na tawag niya pa sa pangalan ko kaya gulat naman ako'ng napatingin sakanya

"ano na beh?! hindi ka ba kakain?! mag mumukmok kana lang ba diyan?! hindi mo ba alam na break time--" natigilan siya sa pag sasalita ng bigla ko'ng ayusin ang mga gamit ko at dere-deretsong lumabas at bumaba patungong canteen. Naramdaman ko naman'g sumunod siya sakin kaya't pinabayaan ko nalamang siya. Nang makarating kami do'n ay nagulat nalamang ako'ng nandun na pala si keziah kasama si britany at animo'ng nakangisi pa

"tsk! hindi kaman lang ba mag sasalita kianna?" pang iinis pa sakin ni keziah ngunit nag iwas lang ako ng tingin. Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa tabi ko at nakita ko'ng nag lakad papuntang pila si britany kaya't naiwan naman kami'ng dalawa ni keziah

"okay kalang ba kianna?" nag aalang tanong niya kaya't nilingon ko naman siya at pilit na ngumiti.

"sa totoo lang keziah, hindi ako okay ngayon" at nag simulang mamasa ang mata ko kaya't tumingala ako upang pigilan yun at nag tagumpay naman ako. Humarap ulit ako sakanya at nakita ko ang sobrang pag aalala sa mata niya "Mukhang nauulit nanaman ang mga nangyayari dati keziah" hindi ko na napigilan ang emosyon ko at nag tuloy tuloy sa pagtulo ang luha sa pisngi ko. Kaagad namang lumapit si keziah sakin at yinakap niya ko. Siya ang mismong kumawala mula sa pagkaka yakap at humarap saakin.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin kianna?" tanong niya kaya't umayos naman ako ng pagkakaupo at nag pakawala ng malalim na buntong hininga "Alam mo naman siguro yung issue sakin nitong mga nakaraan diba?" tanong ko sakanya at tumango tango naman siya "Kahit napatunayang hindi ako ang may sala. Hindi halos maniwala ang mga ibang estudyante at pinag bibintangan parin ako. Kesyo top 1 daw ako kasi nangongodigo ako, kesyo kulang daw ako sa pansin kaya ko yun nagawa, kesyo nag rerebelde daw ako, at ang pinakamasakit sa lahat, ramdam ko'ng walang mag proprotekta at mag papagaan ng loob ko dahil wala na ang kuya ko." at hindi ko na napigilang umiyak at umaakap ako muli sakanya kaya't hinimas himas niya naman ang likod ko. Natigil nalamang kami ng dumating si britany at nakita ko'ng nag tataka siya sa iniaasta ko

"oh bakit umiiyak ka?" nag aalalang tanong niya kaya't dinaliaan niya ang pag lapag ng pagkain na inorder niya at kagad na lumapit sakin at umakap. "ssshhh ssssh" pag papatahan niya pa sakin "Everything is gonna be alright, nandito lang kami ni kez para sayo" dagdag niya pa kaya't nag angat naman ako ng tingin at tumingin sakanilang dalawa at saka nginitian "Thank you" matamis na ngiting ganti ko.

"oh sya sya, kumain na tayo, alam ko'ng gutom kana dahil halos hindi kana daw kumakain sa bahay niyo kianna, nag susumbong na nga sakin si tita sheena eh" at nag tawanan naman kami'ng tatlo.

Sa kalagitnaan ng pag kain ko ay may nag vibrate sa phone ko, kaya daglian ko'ng sinilip kung ano iyon.

"IZO'S 7th ANNIVERSARY. 3 days from now" nang makita ko iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay britany

"Oh?! anong nangyari sayo?!" nag aalalang tanong niya at iniharap ko naman sakanya ang cellphone ko "omo! omo!" sigaw niya at napatayo pa. Natigilan nalamang siya ng mapansin niya'ng pinag titinginan na siya. Natawa naman kami ni keziah sa iniasta niya at dali dali siyang umupo at nasapo ang noo

"tsk! kailangan na nating mag handa ng FAN gathering!" pabulong na sigaw niya at alam ko naman ang ibig sabihin nun. Nag oorganisa kami ng FANgathering tuwing nag a-anniversary ang IZO. Ginagawa namin yun para mas mapalapit kami sa mga kapwa namin Galaxies at natutuwa naman kami dahil nakikisama sila. Sa Oval namin yun palaging ginagawa, at alam yun ng tita ko na stock holder din ng school na ito. kaya pinapayagan niya din ako dahil kahit papaano ay nakakabuti iyon sakin dahil madami ang nakikipag kaibigan sakin.

"i-message mo na si ate Kimverly at sabihin mo'ng mag paparty tayo sa Biyernes" utos ko kay britany at kagad niya namang sinunod iyon. "Pupuntahan niya daw tayo ngayon, pero malelate lang daw siya ng onti dahil overtime daw yung math class nila" kwento ni britany at napabaling naman ako kay keziah na hanggang ngayon ay nakatulala at nilalaro-laro ang pagkain.

"huy! okay kalang?" panggugulat ko sakanya at bigla naman siyang bumalik sa wisyo "h-ha?" maang maangang tanong niya pa. "okay kalang ba kamo?" pag uulit ko pa ng tanong ko at natawa naman siya

"a-ah hahahahaha wala wala" pag tanggi niya at natawa naman ako "Galaxies ka din ba?" nakangising tanong ko sakanya at nanlaki naman ang mata niya na animo gulat na gulat.

"h-hindi ha! hindi!" giit na tanggi niya at mas lalo naman akong natawa "chill lang! eh bat namumula ka?!" sabay turo ko pa sa dalawang pisngi niya'ng namumula "sinong bias mo keziah?! ikaw ah!" pang bubuyo pa sakanya ni britany at natawa naman kami'ng dalawa dahil sa inkinikilos ni keziah.

Para siyang kinikilig na kinakabahan na ewan HAHAHAHA

*A/N: "GALAXIES" is just a fictional fandom of IZO :>*

"w-wala! w-wala wala akong gusto dun!" utal utal na pag tanggi niya kaya't mas natawa kaming dalawa ni britany. Maya maya pa dumating na si ate Kimverly na isa sa mga admin ng fandom namin sa School, Grade 11 na siya, at isa din siya sa original na admin ng Fandom namin. Nag usap usap kami at bumuo ng plano para sa biyernes. Maya maya pa ay tumayo na siya at astang aalis ngunit ganun nalamang kami nagulat ng bigla siyang hawakan sa braso ni keziah

dO_Ob - kaming tatlo nila britany at kimverly

"h-hindi ka muna ba kakain?" utal utal pang tanong ni keziah kay kimverly

"Hindi na, hehehe, nga pala thank you dun sa binili mo'ng album ng IZO para saakin nung nakaraan ah! naappriciate ko yun! salamat ulit!" natutuwang pasasalamat niya kay keziah kaya't sinuklian naman siya ng pilit na ngiti nito. "oh sige na guys, mauuna nako, salamat sa oras, kita kits nalang sa sabado" nakangiting paalam niya pa samin at saka deretsong lumabas

"IZO nga ba talaga ang nais?" pag paparinig pa ni britany kay keziah kaya't sinamaan lang siya ng tingin nito.

"sabi ko na nga ba eh!" biglang sigaw ni britany habang nakaturo ang kanang hintuturo sa mukha ni keziah. "May gusto ka kimverly noh!" derederetsong tanong niya kay keziah kaya't ganun nalamang ang panlalaki ng dalawang mata ni keziah at tinabig niya naman ang hintuturo ni britany at sinamaan niya ito ng tingin

"h-hindi ko gusto yun!" utal utal pa na sambit ni keziah kaya't natawa naman kaming dalawa

"eh bakit mo binilhan ng ALBUM ng IZO?! at isa pa! bat nauutal ka ha?!" maangas na tanong ni britany sakanya at namula naman ang dalawa niyang maliit na pisngi

"r-regalo lang yun! t-tyaka a-anong nauutal?! h-hindi ah!" nangingnig nginig na dag dag niya pa kaya't tinawanan lang siya ni britany

"infairness keziah ha! hindi halata na babae ang iyong nais" pang aasar pa sakanya ni britany at sinamaan naman siya ng tingin nito

"hindi ko nga talaga gusto yon--"

"oh sige, maniniwala kami pag natalo moko sa bato bato pick" singit ko sa usapan nila at tinignan naman ako ni britany at tinanguan na animo alam niya na ang gagawin 'kong plano

Huhuluhin ko si keziah at lilituhin para matalo at mapaamin

"sige!" taas noong pag sang ayon niya pa sakin at pumwesto papaharap saakin, at saka naman ako tumalikod at inihanda ang kanang kamao.

Sa pag talikod ko'ng yun, ay kung ano ano na ang naramdaman ko'ng presensya ng kung sino sinong taong dumadaan sa likuran ko. Malapit kasi ako sa daanan kaya't pag may dumadaan sa likod ko ay nararamdaman ko ito. May talento ako'ng multitasking. Kaya ko'ng pakiramdaman ang paligid ko habang nakapokus sa isa pa'ng ginagawa ko.

Habang naiinis sa pag katalo si keziah ay may naramdaman ako'ng naupo sa pagitan ng upuan namin. Yoon ay ang kabila'ng table na nasa likuran ko. Ibinaling ko ang mata ko kay britany at nakita ko'ng naka tingin din siya sa gilid niya at pinakikiramdaman kung anong gagawin nung nasa likod ko, nakita ko'ng bumuka ang bibig niya "nasa likod mo si patok" walang boses na sabi niya sakin at alam ko ang ibig niyang sabihin na iyon. Tinanguan ko nalamang siya at bumaling naman siya kay keziah na tutok sa pakikipag bato bato pick sakin. Mas pinahirapan ko si keziah upang maging mas tutok siya sa ginagawa niya at hindi mapansin ang gagawin na kilos ni britany. Nagulat nalamang ako ng bigla siyang umusog ng kaunti, at sa sobrang swabe nun ay hindi mo mararamdaman na umuusog siya patungo sa harapan. May kung anong itinulak si britany sa likuran ko at ganun nalamang ang gulat ko ng may marinig ako'ng may tumapon na kung ano sa lapag. Ngunit tutok parin ako kay keziah at hindi nalamang pinansin yun. Nakita ko rin si britany na nakabaling nalang samin ni keziah at kunwang tutok sa panonood.

Masyadong swabe at mabilis kumilos to'ng si britany. Magaling din siya'ng mag panggap at umakto. Saan kaya ito natuto?

Maya maya pa ay lumingon ako at nakita ko'ng si hatdog yon. Ngunit sinuklian ko lamang siya ng walang emosyon na tingin. "hindi mo ko magagantihan---" pag puputol ko pa sa sasabihin ko habang nakatingin sa mga mata niya'ng mukhang galit na may bahid ng gulat at pag tataka. "keziah" dagdag ko sa sinabi ko at humarap naman ako kay keziah na naiinis dahil sa pag katalo. "Anduga mo naman kianna! hahaha lagi nalang akong natatalo! hindi ako makabawi!" singhal niya pa at tinawanan naman namin siya ni Britany.

"hindi ka talaga makakabawi kay kianna, keziah. Masyadong competitive yan. Diyan pa nga lang sa bato bato pick natatalo kana eh? Paano pa kaya sa patalinuhan? HAHAHAHA" papuri pa sakin ni britany. Ngumuso naman si keziah at animo kinakabahan sa susunod na tatanungin ko sakanya.

"Ano? anong sabi ko pag natalo ka---"

"o-oo na! oo na!" malakas na sigaw niya habang napapapikit pa

"HAHAHAHA! sabi ko na nga ba keziah eh!" pang aasar pa ni britany sakanya at tinignan naman siya ni keziah ng nag tatakang tingin.

"unang kita ko pa lang sayo, mukhang may tinatago ka ng kulo diyan sa kalooban mo" makahulugang dagdag pa ni britany habang tumatawa ngunit alam ko'ng seryoso siya sa sinasabi niya.

"P-paano mo naman nalaman?" nag tatakang tanong parin ni keziah sakanya at napalitan naman ng seryosong ekspresyon ang mukha ni britany.

"Hindi ba't si Patok ang nambully sayo nung nakaraan?"

"O-oo?" patanong na sagot ni keziah. Bagaman ako'y naguguluhan rin kung paano nga nalaman ni britany na shomboy si keziah dahil hindi halata sa katawan at personality ni keziah na babae din ang gusto niya.

Umaayos pa ng upo si britany at ipinatong sa mesa ang dalawa niyang siko at pinag salubong ang dalawa niyang kamay. "Dahil kabisado ko trumabaho si patok" seryoso niya parin'g dagdag kaya't mas nag salubong ang dalawang kilay ni keziah at punong puno ng pag tataka ang mukha niya. "Deretsuhin mo nalang ako britany? paano mo nga nalaman?" may bahid na ng inis ang tanong na iyon ni keziah kay britany. Munit mas nananaig ang taka at tanong sa itsura niya ngayon habang si britany naman ay sinusuklian lamang siya ng blankong tingin.

"Kilala ko si patok. Bagaman ay hindi niyo alam na palagi ako'ng nakakabalita ng kung ano ano'ng insidente na kagagawan niya. Madalas ay lalaki ang pinupuntirya niya. Lahat ng dahilan nun ay tungkol lamang sa isang babae na pinakaiingatan ni patok. Yun ay si ate Kimverly. Ang pinaka mamahal na babae ni Patok. Marahil ay mabait at maganda si kimverly, kaya madami ang humahanga at nag kakagusto sakanya'ng mga kalalakihan. Ngunit kapag may nalaman si patok na nag kakagusto o umaaligid sa babaeng gusto niya. Ganun niya nalamang tratuhin ang mga iyon. Madalas siya ang nang bubuyo dahil mga lalaki naman ang mga iyon. Kaya't nag taka nalamang ako ng puntiryahin ka niya, Keziah. Kaya alam ko'ng may gusto ka na sa babaeng yun" baling niya pa kay kimverly. Bakas kay keziah ang pag ka gitla at mangha dahil sa mahabang paliwanag na iyon ni britany. Pagka't ako rin ay nag tataka kung paano niya namatyagan at napapansin ang patok na iyon.

Hindi halata sa personalidad at ikinikilos niya na may mga ganyan siyang abilidad sa pag iimbistega.

Mukhang may hindi pa'ko nalalaman sa pag katao mo, Britany.

"Oh siya! siya! wala naman kaming problema kung ganun ka keziah!" pag iiba ko ng usapan at natinag naman silang dalawa sakin. "Ang mahalaga ay totoo ka sa sarili mo" nakangting dagdag ko pa kaya't sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti.

"halika na, mag sisimula narin yung susunod na klase namin eh" pag aaya pa samin ni britany kaya kaagad naman kaming kumilos at gumayak papalabas.

"Pasensya na kung hindi ko agad sainyo nasabi na ganito ako" Sinserong paumanhin pa ni keziah samin, agad naman siya'ng nginitian ni britany. "walang problema dun keziah. Basta pag may nangaway sayo, sabihin mo lang samin" nakangiting baling sakanya ni britany at sinuklian naman siya nito ng malaki na ngiti.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa sari-sarili namin'g klase at hindi ko naman na nakausap muli si britany tungkol dun sa sinabi niya kanina dahil naging pokus din ako sa pakikinig sa lecture namin hanggang sa dumating ang uwian.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Dismiss..

Dumeretso ako sa parking lot sa likod ng mtves at tinanggal mula sa kandado ang bike ko. Napansin ko din'g nag dala na ng bike ngayon si britany kaya't naabutan ko pa siya'ng nag aayos ng bike niya at handa na siya sa pag gayak niya ngunit natigilan siya ng makita ako.

"Kianna! mauna nako ah! byee! muaaah!" nakangiting paalam niya sakin kaya't sinuklian ko nalang din siya ng ngiti at nag patuloy na pumadyak papalabas ng parking lot.

Dumaan ang ilang araw at Biyernes na. Ang pinakaiintay naming araw ni Britany at ng iba pa'ng Galaxies. Maaga ako'ng gumising para mag ayos ng mga gagamitin para mamaya sa party. Binuksan ko ang aparador ko at kinuha ang isang malaking box. Ang box na iyon ay nag lalaman lahat ng mga pictures, merch ng mga idol ko. Kinuha ko ang light stick at mga posters na nandoon at inilagay yun sa bag ko. Ngunit sa dulo nun ay nakita ko ang picture namin ng kuya ko, kaya't isinama ko narin iyon sa pictures ng idol ko. Nakita ko rin ang isang hugis araw na palawit na binigay sakin ng kuya ko noon. Agad na namuo ang mga luha sa mata ko ng makita ko iyon. Ikinawit ko naman iyon sa Lightstick at niligay sa bag.

Pag ka baba ko ay nakahain na ang mga pagkain at nakita ko'ng si Mommy lang ang nakaupo sa lamesa.

"Kumain kana kianna" pilit na ngiting ibinungad sakin ni mommy kaya't humalik naman ako sa pisngi niya at umupo sa tabi niya. "Asan si dad, mom?" inosenteng tanong ko at natigilan naman siya. Alam ko ang ibig niyang sabihin na iyon kaya't nag patuloy nalang ako sa pagkain.

Paniguradong umiinom at nag lalasing nanaman si daddy ngayon at sa tingin ko ay nag away sila ni mommy. Tsk tsk

Napapailing nalang akong nag patuloy sa pag kain at nang matapos ay kaagad akong tumayo at humalik sa pisngi ni mommy at nag paalam. "Mommy, malelate po ako sa pag uwi ha, may party pa po kami sa school mamaya after ng uwian" masayang paalam ko sakanya kaya't tinanguan niya nalang ako at ngumiti.

Dumeretso ako sa garahe at sumakay sa bike ko.

(BRITANY'S POV)

Hi! ngayon lang pala ako makakapag kilala hehe, I'm britany! :>

Ilang araw na ang lumipas nang makita ko muli ang zyair na iyon. Malakas ang kutob 'kong babawian niya sa kianna. Dahil alam ko'ng uutusan at uutusan siya nung patok na iyon.

Hindi ako masyadong kumikibo netong mga nag daang araw at alam ko'ng nahahalata narin yon nina kianna at keziah. Kailangan ko'ng bantayan ang Lalaki na iyon. Dahil hindi ako makakapayag pag nakanti niya ang dalawang kaibigan ko.

T'wing kasama ko si kianna ay nagiging malakas ang mga kutob at pakiramdam ko sa paligid ko. Alam ko'ng binabantay niya rin ang kilos nito at pinag aaralan ang mga ginagawa nito. Pag t'wing nasa Lugar kami kung nasan ang locker ay nararamdaman ko'ng pinapanood niya ang ginagawa namin kaya't palagi ko'ng pinag mamadali si kianna na mag lagay ng gamit niya.

Hanggang sa dumating ang biyernes.

Naging abala kami ni kianna sa mga subjects namin lalo na sa pag hahanda para sa Fan gathering mamaya sa Oval. Hindi nanamin napuntahan ang mga gamit namin sa locker dahil nang mag break time ay nag punta kaagad kami sa Main building para makapag simula ng mag ayos ang iba naming members. Habang abala ako sa pag aayos ng lamesa ay may kumalabit sakin

"Brit!" masayang tawag niya pa sa palayaw ko

dO_Ob

si Savana.

"Hey!" masayang bati ko din sakanya kaya't natigil naman ako sa ginagawa ko at napabaling sakanya.

"Sa palagay ko ay last fan gathering ko na'to brit" malungkot na sambit niya pa at nawala naman unti unti ang ngiti sa labi ko.

"h-huh? bakit naman?!" tanong ko at nginitian niya naman ako, ngunit kita ko sa mata niyang malungkot siya.

"Mag ma-migrate na kasi kami ng family ko sa states"

"kelan ka babalik sav?" biglang singit sa pag uusap namin si kianna. At nakita ko namang nagulat si Savana sa biglang pag sulpot na iyon ni kianna.

"a-ah, hindi ko din alam eh" napapahiyang sambit niya pa habang napapakamot sa batok niya.

"Kung kelan college kana dun kapa lilipat?" biro pa ni kianna sakanya at natawa naman ito

"O-oo hahaha"

"Buti nalang at nag karon ka ng oras para makasama sa Fan gathering ngayon?"

"Ah oo, actually, meron kaming play mamaya kaya dinalaw ko narin kayo para makatulong man lang kahit ngayon. Pero mamayang party, hindi rin ako mag tatagal dahil nga dun sa presentation namin" mahabang paliwanag pa ni savana sakanya. "Ganun ba... sige dahil mukhang last attend mo narin naman ito sa Fan gathering natin, bibigyan kita ng album. Gift ko na sayo yun ah!" masayang tugon sakanya ni kianna at nag liwanag naman ang mukha ni savana. Bumaling pa sakin si kianna at nginitian ako.

"ako na diyan, pakuha nalang sa locker ko yung album ng IZO dun brit, thankk u!" utos niya sakin ngunit inisimiran ko lang siya at lumabas ako ng main building at sumakay sa bike niya.

Pag dating ko sa mtves ay dumeretso ako sa locker niya at gulat akong napatingin sa lock nun.

dO_Ob

B-ba't naka bukas 'to?!

Mabilis ko'ng binuksan ang locker ni kianna na yun. Alam ko'ng may passcode yun at alam ko'ng hindi unique ang code ni kianna kaya ganun nalamang ang pag tataka ko.

Alam ko'ng may nag bukas ng locker ni kianna, at alam ko'ng isa lang ang may pakana nito.

Si zyair.

Matagal ko na siyang nakikitang palihim na sinusundan si kianna at pinapanood niya ang kilos nito. Kaya hindi nako magugulat kung paano niya nalaman ang passcode ni kianna sa lock nito dahil alam ko'ng palagi niya itong pinapanood pag nag bubukas ng locker.

Pero ang bilis niya namang maka-kabisado? eh sa sobrang pag mamadali ko nga kay kianna tuwing mag bubukas ng lock niya eh halos mamura niya nako sa sobrang pag mamadali ko eh.

Nang mabuksan ko ang locker ni kianna ay wala naman ako'ng nakitang kakaiba o nawala sa gamit ni kianna. "Ano naman kaya ang ginawa non?" pabulong na nasambit ko sa sarili ko.

Luminga linga pa ko upang makita ang presensya nung zyair na yun ngunit hindi ko naman siya nakita. Nag patuloy nalang ako sa pag kuha nung album na pinapakuha ni kianna at kagad ko'ng nilock ng maigi ang locker niya. Maayos akong nakabalik sa main building at binigay kay Savana ang album na iyon at tuwang tuwa naman siya dahil sa natanggap niya na iyon.

Naging abala din kami sa ginagawa namin kaya't hindi ko na nasabi pa kay kianna ang insidente na iyon. Nang matapos kami sa ginagawa namin ay dumeretso nakami ni kianna sa mtves at umattend sa susunod na subject namin.

(MTVES/MATH SUBJECT)

Nang makaupo kami ni kianna, ay agad na dumating Si Mrs. Domino na teacher namin sa Math slash advicer. Nakita ko'ng naka ngisi siya at may dala dala na kulay pink na index card.

Ganun nalamang nanlumo at bumagsak ang mga balikat ng mga kaklase ko dahil alam na nila ang ibig sabihin nun.

"Tsk! puro recitation naman to'ng si dora"

"Tsk! siya kaya mag recite niyan!"

pabulong na singhal ng mga kaklase ko'ng mga nasa likod. Habang si Mrs. Domino naman ay nakangisi parin at padabog na inilapag ang mga gamit sa lamesa niya.

"Okay! may recitation tayo ngayon!" sigaw niya pa at nag simula naman'g umugong ang ingay sa klase.

"woop woop woop" pigil pa sakanila ni Mrs. Domino habang nakaharap ang isang palad niya at naka pikit pa ang mga mata na animo umiirap habang naka pikit.

"Masiyado kayong maingay! mga éstupido!" sigaw niya samin'g lahat, hindi naman nakaimik ang mga kaklase ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya na yun na sa tingin ko ay aabot hanggang Main building.

"Tatawagin ko kayo randomly!" nakangising sigaw niya pa at sumama naman ang tingin niya habang inililibot ang mga mata niyang maliliit, dahil sa kapal ng grado ng salamin niya eh lumiliit na ang mata niya kahit pa na sobrang laki nun kapag tinaggal ang makapal niyang salamin. "Mag simula tayo kay..." nakapikit pa siya habang pinag papalit palit ang index card na hawak niya at saka huminto at dumilat, nanlaki ang mga mata niya at tumawa ng napaka lakas.

"HAHAHAHAHA! Sanchez!" napatingin naman ang lahat kay Gyrin na mukhang kinakabahan.

"Okay, Who is the first Mathematician in the world?!" pormal na tanong sakanya na miss ngunit hindi naman ito nakasagot.

"m-miss--" kinakabahang tugon niya pa ngunit sinigawan agad siya ni miss.

"Ano?! hindi ka makasagot?! talaga ba'ng paninindigan mo ang pagiging tanga tangahan mo sa klase ko Sanchez?! Tonto!" galit na sigaw niya rito, at napapa espanol pa ng 'tanga' sa sobrang inis niya dito. Natawa naman ako sa naisip ko'ng yun dahil t'wing nagagalit siya ay napapa dora talaga siya, kahit wala siyang lahi. Masiyado siyang trying hard hahahaha, "kaya nasasabihan ka ng dora eh" natatawang sambit ko.

dO_ob

potaeenaaaa! ba't ko nasabi yon?! pota! bratatatatatat nanaman yan!

Nanlalaki ang mata niya'ng bumaling sakin at ngumisi. "Anong sabi mo Cruz?" sarkastikong tanong niya sakin at napayuko naman ako.

"Tumayo ka diyan! at sagutin mo ang tanong ko!" galit na talagang sigaw niya sakin at mas napayuko ako, munit sinunod ko naman siya, kaya tumayo ako.

"Who is the first Mathematician in the world and what Year it is?!"

"I don't know miss" napapahiyang sagot ko sakanya at nakita ko pa kung paano niya kinuha ang malaking record book niya at astang mag susulat ngunit natigil siya.

"Thales of Militus, c 624–c. 546 BC" derederetsong sagot ni kianna habang nakatayo pa. Ngumisi naman si miss at sinarado ang record book niya at bumaling kay kianna.

"Magaling Estrada, Who invented Algebra, then?" sarkastikong tanong sakanya ni miss ngunit nginitian lang siya ni kianna. "Bat mo tinatanong samin kung alam mo naman yung sagot?" bulong na sambit pa ni kianna ngunit narinig ito ni miss at nanlaki naman ang mga butas ng ilong niya sa sobrang galit.

"W-what did you say?!--" pigil na inis na talagang sambit ni miss ni kianna ngunit natigilan siya.

"Muhammad ibn Musa al-Khwarizmi, invented it in 1637. He was a 9th-century Muslim mathematician and astronomer. known as the "father of algebra", a word derived from the title of his book, Kitab al-Jabr. He also developed the concept of the algorithm in mathematics, that's why some have called him the "grandfather of computer science". Khwarizmi was one of the most famous scholars of Bayt al-Hikma (The House of Wisdom). The House of Wisdom was a centre for the study of sciences, including mathematics, astronomy, medicine, chemistry, geography and astrology." mahabang sanaysay pa ni kianna sakanya at napamaang naman ang lahat dahil sa pag ka hanga.

Mag sasalita na sana si miss ngunit may biglang kumatok.

*TOK*TOK*TOK*

Sino 'to?

"Ah Miss, maaga daw po'ng papauwiin ang mga students, dahil may threat daw po na kumalat sa buong school" mahabang paliwanag pa nito kay miss. Nag ingay ang mga kaklase ko sa room dahil sa balitang may Chain mail na kumalat kanina na may mamatay tao daw dito sa school namin.

"na-sendan kaba ng chain mail hannah?"

"oo! nako nakakatakot!"

"oo sobra diba?!"

"alam ko college yung suspect eh, nag pa meeting nga kaagad si Mr. Gomez ng dahil dun eh" sabi pa ng President namin sa klase na si Jake.

"kilala na daw ba kung sino yung suspect?"

"alam ko, hindi pa siya naka kapatay, may nakarinig lang ng plano nila kaya nag pakalat ng balita yung nakarinig nun"

"Stop! all of you! mag tutuos pa tayong lahat sa lunes! dismiss!" sigaw ni miss "Halika na Quevaz!" baling niya pa dun sa pumasok na college student kanina.

"Ang daldal mo kasi masyado, tsk" singhal pa sakin ni kianna at nag tuloy tuloy naman siya sa pag labas.

"Hoy! intayin mo ko!" sigaw ko sakanya munit hindi niya naman ako pinakinggan at nag tuloy lang sa pag baba ng hagdan at dumeretso sa locker. Papalapit na sana ako sakanya ng bigla siya mapa sigaw at mapa luhod dahil sa panlulumo

dO_Ob

Bigla ako'ng tumakbo papunta sakanya at inalalayan siya. "Kianna! what happened!" nag aalalang tanong ko ngunit nakatulala lang siya at tumutulo ang mga luha sa pisngi niya. Napa baling ako sa hawak hawak niya.

dO_Ob

Y-yung posters!

"omyghad!" bulalas ko pagkat hindi parin siya natinag at mas umiyak pa. Pilit ko'ng kinuha ang mga posters na punit punit na at may sulat sulat pa. Ngunit nang halungkatin ko isa isa yun ay ganun na lang ang gulat ko ng may makita akong picture!

Picture nila'to ng kuya niya!

Ganon nalamang nanlumo si kianna ng makita niya ito. Tumayo naman ako habang siya ay nakaupo at humihikbi parin. Tinignan ko ang locker niya at nakita ko'ng...

NAPUTOL ANG LIGHTSTICK NI KIANNA!

Tinignan ko ang kabuuan nun at may nakita akong palawet na nakakawit sa dulo nung lightstick niya na hugis araw.

Isa lang ang nasisigurado kong may pakana neto, Zyair.

Umupo ako at niyakap si Kianna ng mahgpit. Namuo kaagad ang mga luha sa mata ko dahil sa naganap na pangyayari na iyon. Hindi ko kasi siya na abisuhan na mag ingat sa paligid niya.

tsk! napakawalang kwenta mo'ng kaibigan! britany!

"Kianna, halika, sumama ka sakin! isusumbong natin yan sa tita mo!" nag titiim ang baga ko'ng sigaw dahil naiinis parin ako sa kagagawan nung zyair na iyon. Wala akong pakielamera kung may nakakarinig na ibang estudyante. Ang nasa isip ko lang ngayon ay maipaglaban to'ng kaibigan ko.

"Halika na!---" natigilan ako ng hawakan niya ko sa braso ko at tinignan niya naman ako ng nakikiusap na tingin.

"Hindi pwede Kianna! halika!--"

"No! brit! wag kay tita! mayayari ako!--"

"Eh kanino!" galit na pigil ko sa pakiusap niya.

"Kay s-sir gomez nalang--" hindi na siya nakapag salita pa dahil inayos ko lahat ng gamit niya at sinarado ang locker niya at saka siya hinatak papalapit sa gate.

"Kuya! patawag po ako ng Bus service papuntang Main building, may iga-guidance!" utos ko kay kuya guard na agad naman'g kinuha ang woki toki at pinapunta ang bus driver. Maya maya pa ay dumating na ang driver at sumakay naman kami dun. ilang segundo lang ay nasa Main Building nakami. Dumeretso ako papasok habang hinahatak ko parin ang braso niya. Sapilitan ko siyang pinapasok sa loob ng Guidance office. Nang tuluyan kaming makapasok ay nagulat ako sa nakita ko!

dO_Ob

Sakto!

(ZYAIRS POV)

Paano ko ba magagantihan ang kianna na yun ng hindi niya nalalaman at hindi siya nasasaktan?

Siyempre lalaki rin ako at ayaw ko'ng makasakit ng babae.

Kinabukasan ay pumasok ako pero hindi ako pumasok sa mga klase ko.

Pagka't dumeretso lang ako sa Bodega at walong oras na nag isip at nag plano.

Maya maya pa ay dumating si patok. at gulat na napatingin sakin dahil akala niya hindi ako pumasok.

"Hoi! nakaisip kana ba--"

"Oo. Nakaisip nako ng plano ko." sagot ko sakanya.

"Anong plano naman yan"

"Plano kung paano masaktan ang babae--" natigilan pa ako at saka tumawa ng nakakalokong tawa. Namuo naman ang pag tataka sa mukha ni patok at nginisian ko lang siya. "Wag ka mag aalala... hindi ko siya sasaktan ng Physically... Emotionally nga lang." nag kibit balikat pa ako at saka siya tumawa at tumango na mukhang sang ayon sa plano ko.

[Following chapters are up now on my Wattpad account (Moonxx__) but it might be late if i posted it here because other chapters are not yet edited.]

-Moonxx_