webnovel

Lies behind those eyes

Zyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried her best, but still not enough. Beside that, Kianna has a big problem. It is about her Brother, who died when she was young. Her brother didn't got Justice because the suspect was found guilty. But Kianna didn't give up. She didn't know that Zyair has a secret on her. How long can Zyair cover up his lies? Can Kianna forgive Zyair? [Other chapters are up on my Wattpad account (Moonxx__) I'll just update those EDITED chapters here. Stay tune =>] |FTHU SERIES 1| ©All right reserved

Mccnxx · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 4

(KIANNA'S POV)

Bumalik ako sa ulirat ng bigla akong tawagin ni keziah. "K-kianna?" tawag niya, habang hinahawi hawi ang kamay niya sa mukha ko. "ay hahahaha" natatawang sambit ko. Ano na namang bang iniisip ko kanina, natutulala na naman ako. "okay kalang?" tanong niya, tumango naman ako.

"Uuwi kana ba keziah?" pag iiba ko ng usapan. "Oo sana... may bibilhin ka pa ba?" tumingin pa siya sa relo niya saka tumingin sakin. "Wala naman... gusto mo ba'ng gumala tayo?" kumonot naman ang noo niya, nag tataka "Saan naman?" hindi ko na siya pinagsalita pa at basta nalang hinatak papalabas saka sumakay ng jeep.

"Wow! ang ganda naman dito!" namamanghang sabi niya habang pinagmamasdan ang parke. "Halika panik tayo dun!" turo ko pa sa upuang nasa taas nung mala bundok ng bulaklak na yun. Umakyat kami at naupo sa bakanteng upuan. "Alam mo ba dito ako madalas dalhin ng kuya ko kapag malungkot ako?"

"Ba't ka naman malulungkot? eh nasayo na ang lahat, matalino, talented, at kung ano ano pa--" dere-deretsong sambit niya."Dati rin akong katulad mo" pag pigil ko sa sasabihin niya at natigilan naman siya. "A-anong pinag sasasabi mo?" natatawa siya at di makapaniwalang tumingin siya sakin. "Dati na rin akong na bubully ng mga kaklase ko... pero nung once na dinala ako ng kuya ko dito at kinausap niya ko... lalong tumibay ang loob ko... at simula nung may mang aaway sakin... pinag tatanggol ko na ang sarili ko... hanggang sa dumating ang time na nagiging confident at pala sali na ko sa mga contest sa school natin.. dun ako nag start sumikat at dumami ang humanga sakin.."

"Pero alam mo... tama ang kuya ko... dati akong lumpo at inaapi api lang ng kaklase ko... pero ngayon... lahat ng tao kinahahangaan nako?" di makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa kawalan. "pero... nung dumating naman ang oras na kinatutuwaan nako ng lahat, nawala naman ang kaisa isang taga hangga ko--- ang taga hanga ko'ng tanggap ako bago pa man dumating sakin ang lahat." agad niyang tinapik ang balikat ko ng makita niyang nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

"Okay lang yan kianna... alam kong gusto ng kuya mong maging masaya ka. Kaya 'wag kanang malungkot, atlis bago man siya nawala, binigyan ka niya ng payo na habang buhay mo'ng dadalhin" makahulugang sambit niya. Tumingila ako sa langit at ngumit.

"Thank you kuya..."

(KEZIAH'S POV)

Hey guys! its me Keziah! kez for short hehe..

*RING*RING*RING*

Inayos ko pa muna ang mga gamit ko at inilagay yun sa bag ko. Habang nag lalakad ako papuntang canteen ay nakita ko si Zyair, nakita kong nakatingin din siya sa'kin. Ngunit iniiwas niya ka agad ang paningin niya ng makita niya kong nakatingin sakanya, kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Sa'n naman kaya pupunta 'yon?

Nag tuloy naman ako sa pag pasok sa canteen at pumila naman ako para bumili ng pagkain ko. Maya-maya lang ay nakita ko si kianna at kumakaway-kaway pa sa'kin. "Kez!" masiglang tawag niya sakin. Maya-maya pa ay may sumunod naman sakanyang babae.

maganda rin 'to katulad niya

singkit✓

maputi✓

matangkad✓

katamtaman ang katawa✓

"Nga pala kez, siya si Britany, kaibigan ko" pag papakilala niya sakin dun sa kasama niya. "Britany, this is kez, my new friend" pakilala naman sakin ni kianna dun sa britany na tinawag niya. Agad 'tong lumapit sa'kin at inilahad ang kamay. "Hi keziah!" masayang bati niya sakin. Agad kong inilahad ang kamay ko at nakipag kilala sakanya.

"Ako na diyan, umupo na kayo ni kianna." hinatak niya ko mula sa pila ko, ngunit agad naman akong nakaramdam ng hiya kaya't muli ko din siyang hinatak at bumalik sa pila ko. "P-pero n-nakakahiya---" natigilan naman ako sa sasabihin ko dahil bigla niya ulit akong hinatak at ipinalit niya na naman ang sarili niya sa pila ko.

"Wag kanang mahiya! hahaha!" tinapik niya pa ko sa balikat ko at saka siya bumaling kay kianna. "kianna! ako na bahala sige na maupo na kayo!" utos niya pa sa'min kaya't agad naman kaming nag hanap ng mauupuan ni kianna. "Hindi kana ba ulit kinorner ni hatdog?" biglang tanong sakin ni kianna at natawa naman ako.

"hatdog?, sino yun?" takang tanong ko sakanya kaya't natigil siya sa ginagawa niya. "edi yung zyair ba yun? hahaha! mukhang hatdog kasi eh kaya hatdog tawag ko sakanya" kwento niya pa. Naalala ko naman 'yung nangyari kanina, "hindi naman... pero kanina... nakita ko siya nung papunta ako ng canteen... nakita niya pa nga ako eh.. pero bigla niyang iniwas yung paningin niya sakin tapos bigla siyang nag lakad papalayo" nag kibit balikat pa'ko.

"Nako... nako... delikado yan... baka naman nahuhulog na yun sayo?" makahulugang sambit niya pa habang tawang tawa sa pangaasar sakin. "Nako? sa pangit 'kong to? mag kakagusto siya saken? Hahahaha" nagulat pa ako ng biglang padabog na inilapag ni Britany 'yung dala niyang tray sa lamesa. "Hindi ka pangit, ang ganda mo nga eh, lalo na pag wala kang salamin" pang uuto niya sa'kin. Sinamaan ko naman sila ng tingin dalawa. "Oo nga, ayaw niyang maniwala noh?" pangungumbinsi ni kianna. "Oh siya siya,, kumain na tayo, at nagugutom nako" hinihimas himas pa ni Britany ang tiyan niya. Inasar naman siya ni Kianna na sa sobrang takaw daw ni Britany, sobrang laki na daw ng tiyan niya. Nag simula naman na kaming kumain at nag kwentuhan.

Nang matapos kaming kumain ay sabay sabay nakaming umakyat. Sila britany at kianna ay sa 4th floor, habang ang susunod na klase ko naman ay sa 2nd floor kung nasaan palagi ang mga grade 11 at grade 12. Habang nilalakbay ko ang corridor patungo sa dulo kung nasaan ang Social studies na subject ko, ay sa 'di sinasadya ay nakita ko si zyair na nag lalakad patungo sa direksyon ko. Iniiwas niya naman ang paningin sakin at nag tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad. Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad at pumasok na sa klase.

discuss..discuss..discuss..dismiss..

Inayos ko na ang gamit ko at nag ready na papalabas. "keziah!" tawag sakin nung teacher, si Mrs. Panganiban, teacher ko sa social studies. "Po miss?" tanong ko dito.

"Nak... padala naman nung isang upuan na sira na yun sa bodega sa baba, jusko naman kasi yang mga seniors na yan! di mapag sabihan! hayst naninira pa ng mga upuan" napapahawak pa sa noong sabi niya.

Naalala ko 'yung nangyari kahapon kaya't naka dama agad ako ng kaba, ngunit bawal ko siyang tanggihan dahil baka magalit siya sa'kin. "S-sige po miss" pag sangayon ko dito at tyaka ko naman binuhat yung upuan ng mag isa. Nang makarating ako roon, inilagay ko sa maliblib na parte ng bodega yung upuan. Lalabas na sana ako ng bodegang yun ng biglang...

"psst! psst! san ka pupunta?" tawag ng pamilyar na boses sakin. Dahan-dahan naman akong humarap sakanya.

S-si P-Patok!

Ang isa sa pinakakatakutan ng lahat, si Patok. Leader siya ng grupo nila na parang frat narin kung tawagin at isa sa may pinakamaraming record sa guidance ng FTHU. Wala siyang sinasanto, kahit teacher tinatalo niya, kaso, tablado siya kay Mrs. Nepomoceno! nanay niya yun eh.

"a-ah p-palabas n-nako... i-inutusan l-lang kasi ako ni miss... na dalhin y-yung sirang upuan d-dito kaya---"

"Diba sabi ko sayo, wag na wag kayong pupunta sa tambayan ko?" seryosong tanong niya sakin. Nag simula ng kabahan ang buong sistema ko at maya-maya lang ay tumatagigkik na ang pawis sa noo ko. "p-pero d-di k-ko naman s-sinasadya--- ahhhhhhhhhhh" napasigaw ako sa sobrang gulat. Nung una ay hindi ko pa alam kung ano yung hinagis niya.

*BLAAAAAAAAAAAAGGGGG*

Nagulat ako sa pag hagis niya ng upuan malapit sakin. Halos maihi at manginig na ko sa sobrang takot sa ginawa niyang iyon. "s-sorry, p-patok!" pag papaumanhin ko sakanya pero bigla akong natigilan.

"Hoy! anong ginagawa mo kay keziah!" sigaw nito. Nung una ay hindi ko pa naaninag ang mukha niya, ngunit ng tuluyan siyang makalapit sa'min....

k-kianna!

"hoy! sumagot ka!" sigaw niya kay patok, pero hindi siya kinibo nito. Inilapit naman ni patok ang mukha niya malapit sa kaliwang tenga ko. "Woi, isang lapit mo pa sakanya mananagot ka na sakin" makahulugang bulong niya. "at 'pag nag sumbong ka... alam mo na mangyayari sa kaibigan mo'ng 'to" agad akong nag alala para sa kalagayan ni kianna. Baka maulit na naman ang pang bubully sakanya katulad nung ginawa sakanya noon. Napapikit nalang ako at tumulo ang namuong luha sa pisngi ko.

(KIANNA'S POV)

"Miss! may i go out!" paalam ko kay miss habang nasa kalagitnaan siya ng pag tuturo niya. "Faster estrada! You might miss this lesson!" sigaw niya sakin. Kumaripas nako ng takbo at nag dali daling nag punta sa cr ng 4th floor.

Shems...Sarado?!

Nag tatakbo naman ako pababa ng 1st floor at nag punta sa CR kung saan malapit sa bodega. Mabuti naman at hindi puno ang cubicle kaya't mabilis rin akong natapos. Papalabas na sana ako ngunit nakarinig ako ng ingay.

*BLAAAAAAAG*

Sa bodega ba 'yon?!

Agad ako'ng pumasok sa bodega at nakita kong nandun si keziah may kasamang lalaki. 'Di ko siya mamukhaan dahil nakatalikod siya mula sa'kin.

"s-sorry, p-patok---!" paumanhin ni keziah sakanya. Gulat naman siyang napatingin sakin nung nakita niyang nandoon ako. Agad akong nag alala sa kalagayan niya ng makita 'kong nasa tabi niya yung upuan na sira.

"Hoy! anong ginagawa mo kay keziah!" sigaw ko dun sa lalaki. Pero hindi naman niya ako pinansin. "Hoy! sumagot ka!" sigaw ko ulit sakanya, at lumapit pa'ko ng kaunti sakanila para marinig niya ko. Ngunit inilapit niya naman ang mukha niya sa tenga ni keziah at astang may binubulong. "ashushsuhshsuhsushus" bulong niya.

de joke lang di ko kasi marinig kaya ganyan lang yung narinig ko.

'Pag tapos niya bumulong ay lumabas na siya ng bodega at hindi talaga ako pinansin. Ngunit hindi ko na yun inisip pa kaya't agad 'kong nilapitan si Keziah. Bakas ang takot at kaba sa mukha niya. Napapikit siya matapos umalis nung lalaking 'yon. Lalo akong nag alala ng pumatak ang luha sa pisngi niya.

"Shhh... don't cry" pag papatahan ko habang hinihimas ang likod niya. Lalo naman siyang humagulgol kaya't agad ko siyang inabutan ng panyo. "hindi talaga titigil 'yang mga yan hangga't di ka nasusumbong.... mag susumbong tayo!" siguradong sigurado na talaga ang tono ng boses ko na siyang ikanitigil ng pag iyak niya.

"W-wag kianna! mapapahamak ka lang!" humihikbing pigil niya sakin. Halata sa mukha niya ang halong takot at pag aalala. Ngunit hindi ako nag patinag do'n, dahil kailangang managot ng mga 'yon. Dahil sila ang dahilan kung bakit nag kakaganito ngayon si Keziah.

"P-pero bakit?! anong mapapahamak? eh kung makakapag sumbong tayo! safe kana diba!" pigil ang inis na ani ko. "W-wag! basta makinig ka nalang sakin please?" nag mamakaawang pag kukumbinsi niya sakin kaya't natigilan ako, dahil mukhang tama ang hinala ko. "Pinag bantaan ka nila no?" seryosong tanong ko sakanya dahilan upang manlaki ang mata niya.

"H-hindi! hindi! h-hindi nila ako pinag bantaan! p-pinag iingat lang kita!" pag tatanggi niya ngunit hindi parin ako naniwala dahil doon sa binulong nung mukong na yun kanina. Umayos ako ng tindig at humarap sakanya. "Kung ayaw mo mag sumbong... ako nalang!" sigaw ko sakanya.

"P-pero k-kianna!" pag mamakaawa parin niya, pero hindi ko siya pinansin at dali dali akong lumabas ng bodega na yun. "kianna! please wag! mapapahamak ka!" halos lumuhod na siya sa sobrang pag mamakaawa sakin habang hatak hatak ang braso ko. Hindi ko parin siya pinansin at kinalas ko ang pag kakahawak niya mula sa braso ko. Hinawakan ko naman siya sa braso niya saka hinatak siya papalabas ng mtves..

"Miss, bawal pa lumabas... oras ng klase niyo" sita samin nung guard. "pero kuya! ipapaguidance ko 'to!" baling ko kay keziah. Nagitla naman si Keziah sa sinabi ko kaya't napakalas siya ng hawak sa braso ko. "ha?! b-bat ako?!" takang tanong niya.

sorry... pero.. dahil hindi natin madadala yung lalakeng 'yun... ikaw muna ang kunyaring ipapaguidance ko...

"Eh kung ipapaguidance mo siya... nasaan ang teacher niyo?" tanong naman samin nung guard. Nakaisip naman ako ng paraan kung paano papupuntahin ang teacher ko. "Kuya!" hinatak ko si keziah papalapit at kinuha ko naman ang kamay nung guard saka inilagay yun sa braso ni keziah. "Kuya bantayan mo muna yan! wag mong pakakawalan! tatawagin ko yung teacher namin! sandali lang!" kumaripas ako ng takbo papaakyat ng 4th floor. Bago ako pumasok, nag handa muna ako para sa naisip 'kong plano. Kinuha ko ang liptint na nasa bulsa ko at inilagay yun sa kaliwang mata ko, para kunyari nasapak.

d●‿☉bv

"Miss! miss! nasapak po ako!" sigaw ko. Natigil naman si miss sa pag tuturo niya ng lesson at agad na napatakbo papalapt sakin. "Ano! nag cr ka lang?!---- omayghad w-what happened!" dahan-dahan niyang hinawakan ang kaliwang mata ko ngunit agad niya ring binitawan ng dumaing ako. Nakita naman ako ni britany at nag aalala narin siya sakin pero kinindatan ko lang siya ng palihim at alam niya na ang ibig sabihin nun.

d>_ob

"Tungkol sa pang bubully pamandin ang topic namin ngayon! tapos nasapak kana pala!" napapahawak pa sa noo'ng wika ni miss. "Miss! halika na! ipapaguidance po natin yung sumapak sakin!" aya ko sakanya. Agad naman siyang nataranta at inilagay sa kung saan ang hawak niyang libro kanina. "Oo! dapat lang! ke ganda ganda mo'ng babae! sinapak ka ng ganyan! nako! lagot sakin yan!" pag babanta ni miss. Hindi naman na kami nag sayang ng oras pa at dali dali kaming bumaba patungong entrance.

"Miss ayun po yung sumapak sakin oh!" turo ko kay keziah. Ngunit agad nag bago ang reaksyon ni miss mula sa pagiging galit hanggang sa pagiging mahinahon ng makita niya si Keziah. "K-keziah?! kianna! sigurado ka bang si keziah ang sumuntok sayo? eh mukhang ikaw pa nga ang ng bully diyan eh?!" inis na tanong niya sakin. Hayst! mukhang papalpak ang plano ko!

"Nako miss! masusuntok ba naman ako kung binubully ko yan?" pag papalusot ko. "Nako... tsk! kuya guard, palabasin mo kaming tatlo! idadaan ko sila sa guidance office sa main building!" utos ni miss dun sa guard. At agad naman siyang sinunod nito.

"Ma'am.. sandali lang po at tatawagin ko lang ang school service ng school para mahatid po kayo dun" saka naman kumuha ng walky talky si manong guard. "Robert! papuntahin mo yung school service dito sa Mtves, may ihahatid sa main building!"

Maya-maya pa ay dumating na 'yung school service at inihatid kami sa main building. Pag pasok namin ng gate ay kaagad kaming dumeretso sa guidance office.

"Nako, ipapaguidance ko 'tong mabait na batang to" baling ni miss kay keziah. "h-ha?! bakit? anong problema" nag aaalalang tanong nung Guidance councilor namin na si Sir Gomez. "Eh pano ba naman sinapak daw ni----" natigilan si miss ng bigla akong nag salita.

"Hindi po talaga siya ang may kasalanan miss" singit ko sakanila kaya't napatungo naman ako. "HA?!" silang dalawa ni Sir. "Eh ano 'yang mapulang yan sa mata mo ha?! kianna?!" galit na tanong sakin ni Miss, kaya't mas lalo akong hindi nakasagot. "Ang totoo po.... liptint lang po yan miss---si keziah po ay binubully ng senior... pero dahil ayaw niya pong--" natigilan ako sa sasabihin ko dahil kinalabit ako ni keziah, nag mamakaawa ang mukha.

"Continue kianna!" sigaw ni sir Gomez. "a-ayaw po kasing mag sumbong ni keziah sir.." Pag amin ko. Kwinento ko ang 'lahat lahat' ng pangyayari simula nung una kong makita si Keziah.

"Eh nako naman keziah! Dapat hindi ka natatakot sa ganun! mas safe ka kapag nag sumbong ka samin" payo ni sir Gomez. "pero s-sir..." pag tutol ni Keziah. "Walang pero pero! anong pangalan ulit nung senior kianna?!" baling sakin ni sir gomez.

"Hindi ko alam ang pangalan sir..." napatayo naman ng upuan si sir dahil don sa sinagot ko. "Ha?! Miss estrada! nag sisinungaling ka nanaman ba?! kanina si keziah?! ngayon naman hindi mo kilala?!" di makapaniwalang tanong ni Sir Gomez.

"H-huh? sir?! bat naman ho ako mag sisinungaling! eh hindi ko naman po talaga kilala 'yung nang bully kay keziah!" sigaw ko. "Nako nako! baka ikaw naman ang nang bully dito kay keziah.. at ibinabaling mo lang dun sa sinasabi mong senior ang sisi?!" pag bibintang pa sakin ni sir gomez.

Nag simula ng kumulo ang dugo ko dahil sa tanong yon ni sir. "Pinag bibintangan niyo po ba 'ko sir?" napalunok naman siya sa tanong 'kong yun. "Keziah Chavez! anong pangalan nung nambully sayo?!" baling ni sir kay keziah. "s-sir d-di po ako binubully ni Kianna" tugon niya.

"Chavez! 'wag mong ibahin ang usapan! anong pangalan nung nang bubully sayo?" pigil ang inis na tanong ni Sir. Nakakatakot si Sir Gomez ngayon, matagal ko na siyang kakilala, pero iba parin 'pag nasa loob ka ng office niya.

"S-Si..." nag aalinlangang ani keziah. "Si!" kulang nalang sabunutan niya kaming dalawa ngayon sa sobrang galit niya. "S-si P-patrick Nepomoceno p-po s-sir!" napapapikit pa siya habang sinasabi yung pangalan na 'yon. Ganon ba talaga siya ka-takot sa mokong na 'yon?

"Ano?! siya na naman?! jusko! di ata mabubuo ang araw ko ng di dumdaan sa guidance 'yang batang yan! suking suki! napaka basag ulong bata niyan talaga! hindi siya mapag sabihan ng nanay niya jusko! dinaig niya pa ang lista ko sa pautang sa sobrang dami'ng record niyan sa guidance!" tiim bagang sigaw pa ni sir habang napapahawak sa noo. Kinuha niya naman ang cellphone niya at nag simulang mag dial.

"Mrs. Garde! pakidala si Nepomoceno sa Guidance main building! ASAP!" sabay baba ng linya ni Sir sa telepono. Ilang minuto din ang lumipas at maya maya lang bumakas na ang pinto at pumasok yung okong na 'yun. "Sir pinapatawag niyo daw po ako?" inosenteng tanong niya pa. Pinag loloko ba 'ko nito?!

"ay hindi?! alangan namang multo ang nag patawag sayo?" sarkastikong tanong ni sir sakanya, kaya't nag salubong naman ang kilay niya. Napaka walang modo talaga! "sabi kasi dito ni ganda," baling sakin ni sir, nanlaki naman ang mata ko. "eh binubully mo daw itong si chavez. At hindi nako mag tataka kung bakit, dahil suking suki ka talaga dito" seryosong seryosong wika ni sir. Nagulat naman si patok na napatingin pa kay keziah. "H-hindi po yun totoo sir!" singit ni keziah kaya't napatingin naman ako sakanya.

"Anong hindi? eh ako pa nga mismo ang nakakita na hinagisan ka niya ng kahoy na bangko keziah! at ang siste?! ikaw pa talaga ang nag sosorry sakanya?! ha! patawa" tinitigan ako ng masama nung patok na 'yon. Woah! bakit parang ako pa yung naiipit dito? "May ebidensya ka ba miss?" tanong niya sakin. Lalong ag init ang buong sistema ko, at sa palagay ko, mag kaka-high blood pressure ako dito sa lalaking 'to.

bakit ba t'wing may nangyayari... kailangan ng ebidensya?!

Hindi ba'ko pwedeng pag katiwalaan?

Napaka-unfair talaga ng mundo.

Tumawa naman ako ng sarkastiko sakanya. "Paano ko mag kaka ebidensya... eh yung ebidensya yung mismong tumatanggi ngayon?" baling ko kay keziah. Nag iwas naman siya ng tingin sakin. "Bakit niyo ba pinapatahimik ang ebidensya? dahil alam niyong malalagot kayo sa huli diba?" seryosong tanong ko, na siyang ikinatahimik ng lahat.

"Hindi pa ba sapat 'tong nangyari para mag hanap pa ng ebidensya?" baling ko kay Patok, ngunit ngumisi lang siya. "Wag ka kasing nangingielam para hindi kana nag hahanap ng hustisya---" nag simula ng manginig ang kamao ko ng marinig ko 'yon galing mismo sa bibig niya. "Anong sabi mo?" pinipigilan ko nalang ang sarili ko dahil baka kung ano ang magawa ko sakanya ngayon.

"Wag ka kasi mangengelam---" hindi ko na talaga napigilan dahil ang lakas ng loob niyang ulitin 'yung salitang 'yon sa harap ko. Aaminin 'kong nasaktan din ang kamao ko dahil sa pag kakasapak ko sakanya, antigas kasi ng mukha, shuta.

"Namumuro kana ha!" sigaw niya sa mismong mukha. Akmang lalapitan niya pa ako pero agad siyang nahawakan sa braso ni Miss. "Stop! all of you will be having a guidance record!" nagulat naman kaming lahat sa sigaw na iyon ni Sir Gomez. "S-sir?!" hindi ko mapigilang hindi mapasigaw dahil sa desisyon ni sir na yun.

"S-sir-- b-bakit p-po a-ako n-nasama?--p-pero s-sir, p-papagalitan po a-ako n-ni m-mommy" mangiyak ngiyak pang tanong ni keziah. Kaya't mas lalong nag igting ang pang gigigil ko kay patok. "oo nga sir?! b-bat nasama pati siya eh, ito naman talaga ang may kasalanan" baling ko kay patok. Tumingin naman siya sakin ng masama habang hinawakan parin ang pisngi niyang namumula.

"Eh ayaw niyo'ng tumigil eh! nag aaway kayo dito sa mismong guidance office at ang masaklap, sa harapan ko pa?! i can't believe this!" iiling iling na sambit ni sir. Napatingin naman siya sa'kin. "kianna--- sasabihin ko 'to sa tita mo para pag sabihan ka diyan sa ginawa mong pag sisinungaling na si chavez ang nang bully sayo at sinuntok mo pa si patok!"

dO_Ob

"Ginawa mong excuse si Chavez at ang Teacher mo para lang makalabas ng MTVES building?! at 'yang teacher mo, nanahimik na nag tuturo! idadamay mo sa gulong 'to? hindi ba't bullying den yun?!" galit na galit na talagang sigaw niya sakin kaya't napatungo na naman muli ako.

"At ikaw naman Nepomoceno?!" baling niya kay patok. "Alam ko'ng suking suki kana ng guidance office?! pero jusko naman! hindi kaba nag sasawang makita ang mukha ko ha?! ako kasi sawang sawa na makita yang pag mumukha mo! 'Wag mong sabihin gusto mo ko kaya puro pang bubully ang ginagawa mo para makapag papansin sakin---"

"S-sir, ewww" nangangasim pa ang mukha niya habang sinasabi 'yon. "Anong 'Sir ewww' " pang gagaya ni sir sa sinabi ni patok. "mas eww ka alam mo ba yon?! nakaka isang GUIDANCE BOOK RECORD kana sakin patrick! at puro pangalan mo ang laman nun! dapat nga may GUINESS BOOK OF RECORD ka eh "Estudyante ng FTHU isa sa nakakuha ng GUIDANCE BOOK OF RECORD" animo ginaya pa niya ang news anchor sa pag babalita kaya't natawa naman kami.

"Gusto mo bang i-kick out kita ngayon ha?!" gulat naman siyang napatingin kay sir. "S-sir wag po!" pag mamakaawa niya. "Pag bibigyan kita ngayon. Pero once na madala ka ulit dito sa guidance at nang bully ka nanaman ng schoolmates mo, hindi ako mag dadalawang isip na i-kick out ka ngayon! maliwanag?!"

"o-opo sir, thank you po" pag papasalamat niya kay sir. Si keziah naman ay nakatungo parin at parang balisang nag iisip. "ikaw naman chavez!" baling ni sir kay keziah. Gulat namang napatingin sakanya si Keziah. "Pag binully ka ni Nepomoceno, at ni 'estrada' " diin niya pa sa apelido ko. Napa-irap nalang ako ng palihim dahil do'n. Hindi ko naman kasi binully si Keziah! kainis!

"Mag susumbong ka ha, para hindi ganito ang nangyayari! jusko! ambabata niyo pa at madami pa kayong kakaining bigas! dapat hindi niyo inuubos ang oras niyo sa pambubuyo ng kapwa niyo! At hindi porket anak ka ng teacher patrick," tumingin naman ng masama si Sir kay patok. "ay pwede ka ng mambully. At 'babae' pa talaga ang napili mo ha?! bakla ka ba?!" nanlaki naman ang mata ni patok sa tanong na yun ni sir at hindi ko naman mapigilang hindi mapangisi. Sinamaan naman ako ng tingin ni Sir kaya na tikom ako.

"S-sir?! hindi po sir!" pag mamatigas pa nito kay sir. Bahagya namang tumawa si sir at miss sakanya. "biro lang hahaha. Pero once na ginawa mo pa ya'ng pabubully bully effect mo, nako ipapaskil ko talaga sa bulletin board ang mukha mo with context na "Bakla si Patrick Nepomoceno" hindi ko na talaga maiwasang hindi tumawa dahil sa pag bibiro ni sir. Biruin niyo naman kasi, kanina lang galit na galit siya, tapos ngayon naman kahit seryoso yung mukha niya, nag papatawa parin siya.

"S-sir naman eh" napapahiyang tugon ni patok sakanya. "Sir, bat sila hindi naparusahan? samantalang ako..." ngumuso pa ako ng bahagya at saka tumungo, nag tatampo. "Samantalang ako, isusumbong mo ko sa tita ko? ang unfair mo naman sir, ang ganda mo pamandin ngayon" pang-uuto ko. Natawa naman siya ng bahagya.

"Nako Estrada! ang galing mo talaga pag dating sa mga ganyan! nakakagood mood kang bata ka" papuri pa ni Sir sa'kin, kaya't nginitian ko naman siya ng pag kalaking ngiti as in pati roots ng ipin ko kita. "dibale, hindi na kita isusumbong kay Ms. Shaira---"

By the way, close talaga ako kay sir Gomez, dahil kaibigan niya si tita shaira college palang sila, kaya pag nasa bahay namin siya dati nung mga siguro nasa 5 or 6 years old ako ay lagi niya ko'ng nilalaro laro. At isa pa parehas kami ng type, i mean, type niya ren ng lalaki hahaha. Sayang nga si sir eh, habulin ng chicks (hindi manok yun ha, chikababes yun) kaso, lalaki talaga ang bet niya eh.

"Talaga sir?! thank you ng marami!" pigil ko sa sasabihin niya kanina. Akmang lalapit pa ako sa kinauupuan niya at aakap ngunit iniharang niya kaagad ang kaliwang palad niya upang pigilan ang pag lapit ko.

"Pero---Pag naulit pa yan, nako, kayong mag tiyahin na ang mag usap ha?!" paninigurado niya. Natuwa naman ako dahil hindi nako magkaka record sa guidance. Dahil kapag nag kataon, malalagot ako kay tita shaira at kay Daddy. Dahil bawas puntos ang record sa guidance sa pagiging "Running for Valedictorian" ko ngayong taon.

"Nako sir! promise di na po mauulit! thank you!" dahil hindi ko na mapigilan ang pagiging masaya, inakap ko siya ng mahigpit at hindi naman siya nakawala don. Pagka-kalas ko sa yakap, kitang kita ko kung paanong nangasim ang mukha niya dahil don sa ginawa ko. "Nako, spoiled na spoiled ka talaga sakin tsk!" kunyaring inis na singhal pa niya at tumawa naman ako.

"Nga pala Chavez, wag kana mag alala, hindi ko na kayo irerecord sa death note, este sa record ko---" natigilan naman si sir ng biglang tumayo si keziah at nag tatalon sa tuwa at naiiyak iyak pa.

"omayghad! thank you po talaga sir! kung hindi niyo lang po alam, kanina ko pa po iniisip ang sasabihin sakin n-ni m-mommy pag nalaman niya po'ng nag ka record ako sa guidance" bigla namang lumungkot ang mga mata niya kaya't nakaramdam naman ako ng awa para sakanya. "kaya sobrang thank you po talaga sir!" sinuklian naman siya ng ngiti ni Sir.

"sige na sir, mauuna muna po ako! bye Sir! bye kez! bye miss!..." nag dalawang isip pa ako kung mag papaalam ako kay patok. Pero bilang sorry sa pananapak ko sakanya kanina, binati ko narin siya ngunit nag iwas lang siya ng tingin sakin. Tuluyan nakong lumabas ng pinto saka naglakad patungong oval at umupo sa bleachers. Habang pinapanood ko ang mga nag lalaro doon sa oval, hindi ko maiwasang hindi maisip yung sinabi ni Patok kanina.

Pakielamera ba talaga ako?

*FLASHBACK 3 years ago*

"Sinasabi ko po sainyo! siya po talaga yung pumatay sa kuya ko, your honor!" mangiyak ngiyak na sigaw ko dun sa judge habang nakaupo ako sa upuang isang dipa lang ang layo mula don sakanya.

"Objection your honor!" sigaw nung babaeng lawyer ni Amor. "Mr. Villamor Mendoza, is being accused of murder. He is out of town when Calix Estrada died. He only got the news because his daughter called her and begging him to quickly return back to manila because his friend died, your honor we asked for a verdict but not guilty." tugon nung lawyer sa judge. Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha dahil sa sinabing 'yon nung lawyer na yun.

"Thank you, counsel, Will the prosecution call their first witness?" tanong nung judge, pinatayo naman si Claudia. "Yes your honor... prosecution would like to call Ms. Claudia Lean Mendoza to the stand"

"Claudia Lean Mendoza.. please take the stand" utos nung judge sakanya at saka naman siya nag lakad papunta dun sa upuan sa tabi ng judge kasalungat nung upuan ko. "Miss Mendoza before you sit, can you please stay stand and raise your right hand." utos sakanya nung judge at sinunod niya naman ito. "Do you swear to tell the whole truth and nothing but the truth so help you God." mawtoridad na tanong nung judge kay claudia.

"Yes your honor" sagot ni claudia. "You may be seated" Lumapit naman yung lawyer namin sakanya at nag simula na siyang tanungin. "Ms. Mendoza, please introduce yourself" tanong sakanya. "My Name is Claudia Lean Mendoza and i'm the daughter of Villamor Mendoza" tugon niya. "Can you tell us where did your dad went when Mr. Calix Estrada died?"

"Actually po, may business trip po ang daddy ko nun papuntang states. Nag paalam po siya sa'ming one month pa po siya mag ii-stay dun, pero nalaman ko nalang pong namatay na ang kaisa isang best friend niyang si k-kuya c-calix." mangiyak ngiyak pang kwento niya, kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng matinding galit. Naikuyumos ko ang dalawang kamao ko dahil sa pinipigilan 'kong galit at dahil sa pag sisinungaling ni claudia.

"Sinungaling ka claudia! napaka sinungaling niyong mag ama!---" um-echo sa buong court room ang boses ko kaya't natahimik an lahat.

"Order in the court!" sigaw nung judge kaya't nahimasmasan naman ako kahit papaano.

"I, found Mr. Villamor Mendoza is not Guilty. Dismiss!" kusang tumulo ang luha sa pisngi ko habang sinasabi 'yon ng judge.

*TOOOOK*

Kuya, patawad, hindi kita nabigyan ng hustisya sa ngayon, pero hahanap at hahanap ako ng ebidensya para ipaglaban ka.

*END OF FLASHBACK*

"Haysssst....ang unfair talaga ng mundo" wala sa sariling sambit ko. Hindi ko na namalayan kung anong oras na non. Naabsent-an ko na ata yung iba pang mga subjects.

"Psst! pssst" napalingon naman kaagad ako dahil sa sit-sit na 'yon at nakita kong si britany lang pala 'yun. "Okay kalang?" nag aalalang tanong niya."P'wede na" walang ganang tugon ko, natawa naman siya. "HAHAHAHAHAHA ok naba yung liptint na nilagay mo sa mata mo? ang galing mo umarte kanina ah! napaniwala mo si Miss" pang-aasar niya, inismiran ko naman siya.

"Ito naman kasing si keziah eh, takot na takot dun sa patok na yun" kumunot naman ang noo niya, nagtataka. "Ha? Sino si patok? at saka si keziah naman pala ang dahilan kaya ka nag pa guidance! akala ko gusto mo lang pumunta ng main building para mag muni muni sa oval" hinampas ko naman siya ng medyo malakas sa braso kaya napahiyaw siya. "Hindi mo ba kilala si Patok? ako din nung una hindi ko siya kilala, Sikat pala 'yong mukong na yun?"

"Hinde, hindi ko siya kilala, so sino muna siya?" pag uulit niya ng tanong kanina. Natawa naman ako dahil curious talaga siya sa nangyari samin kanina. "Sabi nila,Si Patrick Nepomoceno a.k.a 'Patok' ay leader daw ng frat sa fthu. Well hindi ko naman kasi siya kilala. Ang narinig ko kanina, anak ata siya ni Miss Nepomoceno, yung terror na teacher." habang nag kwe-kwento ako, napapa-nganga pa siya sa sobrang pag ka-mangha.

"T-teka! leader ng frat diba.... tapos nanay niya si Mrs. Nepomoceno?! so hindi siya napagsasabihan ni Miss?! omayghad! biased si miss ha!" di makapaniwalang ani niya. Kinutusan ko naman siya ng mahina sa noo. "Gaga! hindi natin sure kung gaano kagalit si Miss kay patok dahil sa ginagawa niya diba. Tapos malay mo," natigilan ako dahil pinag-krus niya na ang dalawang braso niya at pinanliitan pa'ko ng mata, animo sinusuri ang mga sinasabi ko. "Malay mo lang naman nag r-rerebelde pala s-siya diba? hehe..." napapahiya akong ngumiti sakanya, ngunit wala siyang reaksyon.

"Pinag tatanggol mo ba?! pagtapos ng ginawa niya sainyo?!" angil niya, napatakip naman ako ng dalawang tenga sa sobrang lakas ng sigaw niyang iyon. Pinagtitinginan narin kami ng ibang estudyante na nadoon. Tinakpan ko ang bibig niya upang hindi na siya makapag-ingay ulit. "Tara na nga!" hinatak ko siya papalabas ng Main building at dumeretso na ng mtves.

"Oo nga pala class, bago kayo lumabas, mag aral kayo ha, dahil balita ko 2nd grading periodical test na tom okay?! Good luck! dismiss!" paalam sa'min ni Miss. Paalis na sana ako ng room pero tinawag ako ni Miss. "Kianna!" habol na niya sakin. Napalingon naman ako. "P-po miss?"

"Ah, kianna...may uutos lang sana ako sayo, pakuha naman sa faculty sa 2nd floor yung laptop ko... nasa table ko lang yun... tabi siya nung mga test papers... pasuyo naman nak.. salamat" nakangiting pakiusap niya sakin saka naman niya inabot ang susi ng faculty at dali dali akong nag punta doon. Pag pasok ko dun ay walang tao kaya't wala rin akong mapag tatanungan kung saan ba dito ang desk ni Miss Domino.

tsk.. mag pakita kana jusko~

Matagal tagal ko pang iginala gala ang paningin ko hanggang sa mapabaling ako sa isang table na may picture frame ni Miss at nandun naman ang laptop sa tabi non, kaya't dali dali kong kinuha yun.

*WUSHU*

Hindi ko alam na naka charge pala yung laptop ni miss at natabig ng charger niya yung katabi nitong mga test paper. Inilapag ko muna ang laptop sa ibabaw at saka inimis imis ang mga nag kalat na papel sa lapag

*TIIIIIIIIINNNK*

"Hoy! anong ginagawa mo dyan?!" napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko 'yon.

dO_Ob

-Moonxx__