webnovel

Si Luis

Si Luis ay masasabing isang huwarang mamayan ng lipunan.

Sa unang tingin may pagka suplado ito pero ang totoo ay mabuti itong tao.

Mabait, madaling lapitan at laging maasahan.

Madali rin syang hingan ng tulong lalo na pagdating sa pera.

Wala itong hinihindian sa mga humihingi ng tulong sa kanya, basta kaya nya, ibibigay nya at kung hindi nya kaya, kahit papaano magbibigay pa rin sya.

Kaya madalas inaabuso sya ng mga lumalapit sa kanya at karamihan duon ay mga kamaganak nya sa ina.

Feeling kasi ng mga kamag anak nya sa ina may patago sila kay Luis. Ang dating nila ay parang may pagkakautang si Luis sa kanila na hindi mabayad bayaran kaya hindi sila matanggihan nito.

"Saan naman dadalhin ni Luis ang sangdamakmak nyang pera?"

"Tama! Dapat lang na ishare nya sa atin na mga kamaganak nya!"

Yan ang lagi nilang dahilan as if may contribution sila sa pagsisikap ni Luis. Wala naman silang alam gawin kung hindi ang tumunganga dahil alam nilang andyan si Luis na lagi nilang malalapitan pag kailangan ng pera.

Si Luis ang lagi nilang takbuhan.

"Luis, wala kaming pambayad ng ilaw."

"Luis, walang tuition si Junior."

"Luis, walang gatas ang anak ko."

"Luis, wala kaming pampakasal."

etsetera ... etsetera.

Pero walang reklamo si Luis, abot lang ito ng abot, basta kaya nya.

Minsan may madidinig pa syang, 'ETO LANG?'. Pero ngumingiti lang si Luis at humihingi ng pasensya sa nakayanan nyang ibigay.

Hindi sya nakikipagaway sa kamaganak nya sa ina, dahil yun ang bilin ng kanyang ama sa kanilang magkapatid.

Ganung kabait si Luis sa mga kamaganak nya, kaya sinong magaakalang magiging malupit ito sa kanila pagkamatay nya.

Simula pagkabata ay natutunan na ni Luis ang tumulong sa mga nangangailangan. Ito ang itinuro sa kanya ng kanyang yumaong ama.

"Mahaba ang kamay ni Luis gaya ng kanyang ama!"

Ganyan lagi isalarawan si Luis ng mga kababayan nya.

Kaya nuon pa man ay marami na ang nagsasabi, na si Luis ang papalit sa yapak ng kanyang ama.

Ang ama ni Luis ay ang dating mayor ng bayan ng San Roque, ang bayan kung saan sila ipinanganak at lumaki ni Issay, magkaiba lang sila ng baranggay.

Ang ina naman ni Luis ay isang dating guro sa public school sa nasabi ding bayan.

Nagresign ang kanyang ina sa pagtuturo ng tumakbo sa pulitika ang asawa nito.

Nang tumigil sa pagtuturo ang kanyang ina, naisipan nitong magtayo ng isang maliit na bakery para makatulong sa mga kamaganak nya na laging nangangailangan.

Ayaw kasi ng ina ni Luis na iasa sa asawa ang pagtulong sa pamilya nyang lagi na lang nangangailangan. Kaya sya na ang gumawa ng paraan para may maibigay sa mga ito. Hindi rin naman kasi nya kayang tiisin ang mga kamaganak nya kahit may pagka abusado na ang mga ito.

Dalawa lang silang magkapatid.

Sya, si Luis Guilberto Ledesma Perdigoñez ang panganay at ang bunso naman ay si Maria Benilda 'Belen' Ledesma Perdigoñez Martin.

Nang mamatay ang ina ni Luis, kakagraduate lang nya sa kolehiyo, kaya sa kanya napunta ang pamamahala ng munting bakery nila.

Pero hindi rin ito nagtagal. Kinalaunan ay kinailangan na din nyang isara dahil nalulugi ito bagay naman na ikinagalit ng mga kamaganak nyang umaasa dito.

Ngunit kahit na nalugi, hindi pa rin nawalan ng pagasa si Luis.

Muli itong bumangon.

Itinayo nya ng magisa ang bagong bake shop, binigyan ng bagong pangalan, bagong mukha at bagong mga tauhan.

At sa pagkakataong yaon, sinigurado nyang magtatagumpay ang bagong bake shop na itinayo nya.

Naging maayos naman ito at nakilala sa buong bayan ng San Roque.

Pero hindi sya tumigil lang dun,

pinalago pa nya ito ng pinalago at dahil sa sipag, tyaga at determinasyon ni Luis, lumaki ito, nakilala hindi lang sa buong San Roque pati sa karatig bayan nito.

Nakapagpatayo pa sya ng maraming branches sa iba't ibang sulok ng bayan at karatig bayan, hangang sa umabot ito sa Kamaynilaan.

At ngayon, pati sa iba't ibang sulok ng Pilipinas ay makikita na rin ang bakeshop nya.

Nung namatay naman ang kanyang ama, maraming partido ang sa kanya ay humikayat na tumakbo sa pulitika.

Magaling at mahusay ang pamumunong ginawa ng ama nito kaya iniisip ng lahat na magiging katulad si Luis ng kanyang ama.

Ngunit .... tinanggihan nya ang lahat ng mga iyon. Ayaw nyang pumasok sa pulitika.

"Mas nanaisin ko pa ang tahimik na buhay. Wala sa puso ko ang pulitika. Pwede pa din naman akong makatulong sa kapwa ko kahit na hindi ako isang pulitiko!"

Yan ang laging sagot ni Luis sa mga partido na gustong humikayat sa kanya.

Nanghihinayang tuloy ang lahat sa naging desisyon ni Luis.

Para sa kanila ay nakapanghihinayang ang isang katulad ni Luis kung hindi sya maglilingkod sa bayan.

Isa syang huwarang mamayan sa paningin nila pero hindi ganito ang tingin ni Luis sa sarili nya.

Sa paningin ni Luis, hindi sya bagay na maging isang pulitiko. Magagawa nyang manalo pero ano bang magagawa nya pag nakaupo na sya?

"Hindi naman sapat ang tumulong lang sa kapwa, nagagawa rin iyon ng mga hindi pulitiko. Kaya bakit pa ako papasok sa pulitika kung ang intensyon ko lang ay makatulong sa kapwa?"

Para kay Luis, hindi nya makakayanang pumasok sa magulong mundo ng pulitika, hindi nya gustong maging katulad ng kanyang ama.

Hindi nya kaya.

"Hindi ako karapat dapat na tumakbo sa pulitika, may mas karapatdapat na tumakbo maliban sa akin!"

Marahil siguro para kay Luis, sa kanyang paningin ay hindi nya maituturing ang sarili nya na isang huwaran dahil sa tingin nya ay isa lamang syang malaking HANGAL.

*****

Present.

Paglabas ni Edmund sa pintuan ng opisina ni Attorney, agad itong huminga ng malalim.

Pakiramdam nya ay para syang nagmula sa isang tangke na puno ng tubig, hindi sya makahinga, nalulunod sya.

Kaya ang sarap sa pakiramdam pagkatapos nyang huminga ng malalim, parang ngayon lang sya nakalanghap ng hangin.

Maka ilang beses nya itong ginawa, gusto nyang mawala ang mga negatibong bagay na nasa likod ng pintuang nakasara na pakiramdam nya ay hinahabol sya.

Nang umaliwalas ng kaunti ang pakiramdam, naisipan nyang dumiretso na sa pag uwi.

Wala na syang planong bumalik pa at makinig sa pagbabasa ng Last Will and Testament ng ama, bibigyan naman sya ng kopya ng abogado.

"Wala ng sasay na bumalik pa ako sa loob."

Hindi na nya gustong bumalik sa loob, ayaw na nyang makita ang mga kamaganak nyang iyon na obvious namang pera lang ng Papa nya ang habol, na akala mo obligasyon ng kanyang ama na ibigay sa kanila ang mga pinaghirapan nito.

Naririndi na sya.

Nang pasakay na sya sa kotse, saka nya namataan si Issay na nag aabang ng masasakyan.

Naisipan nyang lapitan ito.

"Ms. Isabel..."

Tawag ni Edmund.

Nagulat si Issay ng madinig nya na may tumawag sa pangalan nya kaya napalingon ito.

"Ikaw pala Mr. Edmund Perdigoñez."

Sabi ni Issay pag harap nya dito.

"Maaari ba kitang makausap?"

Seryosong tanong nito.

"Tungkol saan naman Mr. Perdigoñez?"

Seryoso ring sagot ni Edmund.

"Tungkol sa inyong dalawa ng Papa ko!"

Tiningnan sya ng mabuti ni Issay.

'Sinundan ba ako ng batang ito para usisain ako sa nakaraan namin ng tatay nya?'

"Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sa amin ng Papa mo, Mr. Edmund?"

"May naging relasyon ba kayo ng Papa ko?"

Deretsahang tanong ni Edmund.

"Hahaha!"

Natawa si Issay sa tanong ng binata.

Napataas ang kilay ni Edmund.

'Anong nakakatawa sa tanong ko?'

"Mr. Edmund Perdigoñez, una sa lahat, nais kong malaman mo na wala kaming naging relasyon ng tatay mo at ni minsan HINDI naging KAMI!"

"Kung hindi naging KAYO, gaya ng sinasabi mo, bakit ka nya bibigyan ng Sampung Milyon? Para saan ang napakalaking halaga na iniwan nya sa'yo?

May pagkakautang ba sya sa'yo?"

Usisa ni Edmund.

"Mr. Edmund Perdigoñez, kung may pagkakautang man ang tatay mo sa akin, natitiyak kong alam nya na wala itong katumbas na halaga. At kung bakit nya iniwan ang Sampung Milyon, hindi ko ito masasagot dahil gaya mo, hindi ko rin alam!"

Sagot ni Issay.

Hindi alam ni Edmund kung maniniwala ba sya sa babaeng ito, pero magagawa ba nyang huwag magisip kung sa simula pa lang misteryoso na ang katauhan nitong si Isabel?

"Marami pa akong mga tanong sa nakaraan ng Papa na hindi ko alam, may pakiramdam akong ikaw lang ang pwedeng makasagot nito."

"Mr. Edmund Perdigoñez, may mga bagay na sadyang mas mabuti pang ibaon na lang sa limot.

Ang nakaraan ay nakaraan, tapos na yun kaya nga ako nag move on. So please, huwag mo na sanang hukayin pa ang multo ng nakaraan at baka hindi mo ito magustuhan."

Sabi ni Issay.

Pero kahit hindi hukayin ni Edmund ang multo ng nakaraang sinasabi ni Issay, lalabas at lalabas din ito.

posted:

June 20 2019

trimshakecreators' thoughts
Next chapter