webnovel

Liham

Pagdating ni Issay ng bahay, nakalimutan na nya ang lahat ng nangyari ng araw na iyon.

Napagod sya ng husto sa dami ng ginawa nya sa buong maghapon, kasama na ang pagpunta sa opisina ng abogado ni Luis.

Kaya pagkakain ng hapunan ay naisip na nyang umakyat sa silid nya upang makapagpahinga at hindi na nanood ng paborito nyang palabas sa TV.

Matutulog na sana sya ng makita ang sulat ni Luis na kanyang ibinaba sa side drawer nya kaninang pagdating.

Tiningnan nya ito at muling binuksan.

"Mabasa nga ulit!

Ang hirap magbasa kapag ang daming nakatingin."

Kanina, sa paligid ng mga matang nakamasid, binasa nya ng mabilis ang sulat ni Luis.

Ito kasi ang hiniling ng abogado.

Parang patalim kasi kung makatingin ang mga kamaganak ni Luis kanina, pakiramdam nya nakakatusok ang kanilang mga tingin.

Hindi nya tuloy ito nabasa ng maayos at hindi rin sya makapag react sa nakalagay sa sulat.

Kaya ngayon magisa na lang sya, sinimulan nya ulit basahin ang sulat ni Luis para sa kanya.

Sa aking Isabel,

Sa mga oras na ito na binabasa mo ang sulat kong ito para sa iyo ay nangangahulugan lang na pumanaw na ako.

Hindi ko kasi kayang harapin ka ng personal matapos ang nangyari ng araw na iyon. Ilang beses kong sinubukan pero ....Hindi ko KAYA!

Hindi ko kayang humingi ng tawad sa iyo para sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Wala akong lakas ng loob.

Dahil isa akong malaking duwag!

Duwag akong harapin ka!

Duwag ako sa katotohanan!

Duwag ako sa lahat!

Duwag ako na tanggapin ang kahangalan ko....

Ang kahangalang kong nagbigay ng dusa at pasakit sa iyo.

Paalam na aking Isabel.

Patawad sa lahat.

Sana mapatawad mo na ako.

Hanggang sa muling pagkikita!

Luis

PS. Ibinabalik ko na sa'yo ang sadyang para sa'yo.

Napabuntung hininga si Issay pagkatapos nyang basahin muli ang sulat.

Hindi kasi nya maiwasan na bumalik ang alaala ng nakaraan nuong sila ay mga bata pa, habang binabasa nya itong liham.

Lalo na ang nangyari ng gabing iyon.

Pero matagal na panahon na iyon, ibinaon na ni Issay sa limot ang mga nangyari nuon.

Dahil kailangan. Para sa sarili nya, kailangan nyang mag move on.

"Napatawad na kita, noon pa, Kuya Luis.

Hindi ko ugaling BURUHIN ang sarili ko sa nakaraan, lalo na at hindi ito ka aya-aya."

"Tapos na iyon at kailangan ng mag move on."

"Pero IKAW ...."

"Bakit hindi mo magawang patawarin ang sarili mo, Kuya Luis? Bakit ayaw mong mag move on? Hindi naman kita sinisisi sa nangyari!"

Matagal na panahon na ang lumipas, mga bata pa sila nuon, hindi nya akalain na magpa hangang kamatayan dala pa rin ni Luis ang nakaraan.

"Ilang dekada na ba ang nagdaan? Dalawa? .... Magtatatlo na pala!

"Ambilis ng panahon.

"Pero bakit mo inaksaya ang panahon mo sa nangyari nuon? Hindi ka man lang ba napagod?"

"Akala ko pa naman kilala mo na ako ng husto? Akala ko lang pala! Hehe!"

Hindi napansin ni Issay na unti unti na palang pumapatak ang luha nya.

Muli nyang tiningnan ang sulat at pinilit inintindi ang bawat salita na nakasulat duon.

"Kahit pala napatawad na kita, kung ayaw mo naman patawarin ang sarili mo wala din palang saysay ito.

Sana ....sa mga oras na ito ay napatawad mo na ang sarili mo!"

Tiningnan nya ang larawan ni Luis na black and white mula sa dyaryong nabili nya nung isang araw.

Makikita pa rin ang kakisigan nito at ang magandang itsura kahit nasa edad na.

"Bakit kasi hindi mo nagawang umalis sa multo ng nakaraan na ikaw lang din naman ang may gawa? Ayan tuloy ang aga mong nawala!"

"Siguro nga masasabing isa ka ngang DUWAG, ni hindi mo man lang masabi sa sulat mo ang dahilan sa paghingi mo ng tawad!"

"Lalo na ang tungkol sa Sampung Milyon!"

"Bakit mo nagawa sa akin ito? Bakit mo ako binigyan ng ganun kalaking halaga?

Sa tingin mo ba patatahimikin ako ng mga kamaganakan mo sa ginawa mong pagbigay sa akin ng Sampung Milyong?!"

"Parang hindi mo kilala ang pamilya mo!"

Haiiissst!

"Kaya huwag kang umasa dyan na tatanggapin ko yang Sampung Milyon mo na yan dahil gusto ko pang mabuhay ng matagal."

"Hindi katangahan ang tumanggi. May malaking pera nga ako, magugulo naman ang buhay ko!

Huwag na lang, hindi naman ako naghihirap eh!"

"At isa pa .... anong ibig sabihin ng PS mo na yun?"

Nung una nyang mabasa ang sulat sa opisina ni Attorney, hindi nya ito napansin.

"Haaaay Kuya Luis, pinasasakit mo ang ulo ko!"

"Nakapag move-on na ako! Matagal na! Bakit ba gusto mo na naman guluhin ang buhay ko!"

"Bakit, hindi mo ba magawang maging masaya para sa akin? Bakit kailangang pahirapan mo ako ng ganito?!"

"Nakakainis ka talaga! Patay ka na pero nagagawa mo pa rin akong inisin tulad ng dati!

Bakit kasi nagpunta pa ako dun!"

Hindi nadinig ni Issay ang kabuuang iniwang huling habilin ni Luis dahil umalis ito.

Sadyang hinayaan syang umalis ni Attorney dahil nagaalala itong baka kung ano pang magawa ng mga kamaganak ni Luis kay Isabel.

Marahil pag nalaman nya ang buong nilalaman ng bilin ni Luis, tyak lalo itong mainis.

Pinilit kumalma ni Issay. Kailangan nyang kumalma.

"Sorry, Kuya Luis pero hindi na ako ang inosenteng si Isabel na nakilala mo nuon at wala na akong planong balikan ang pagiging tanga at mangmang ko nuon.

Kaya pasensya na pero para sa ikatatahimik ko, hindi ko matatanggap ang iniwan mong Sampung Milyong Piso."

posted:

June 21, 2019

trimshakecreators' thoughts
Next chapter