webnovel

Sya Lang Ang May Karapatan

Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Issay.

"Totoo ba 'to, ayaw nya ng Sampung Milyon?!"

"Bakeeet?"

"Baka gusto nya pilitin pa sya!"

Usapan ng mga nasa paligid na parang wala duon ang pinaguusapan nila. Si Isabel

Wala silang planong hinaaan ang boses nila na parang nanadya.

Pero hindi sila inintindi ni Issay. Hinawakan nito ang mga kamay ng Edmund tanda ng pakikiramay nya.

"Mr. Edmund Perdigoñez, muli, nakikiramay ako sa pagkamatay ng Father mo!"

Tapos ay lumapit si Issay kay Belen at inakap ito.

"Condolence Ate Belen!"

"Maraming salamat Issay!"

Sagot ni Belen.

At pagkatapos nito ay tumalikod na si Issay at tuluyan ng lumabas ng silid. Ni hindi nilingon ang iba pang mga kamaganak ni Luis na naroon din sa loob ng opisina.

'Mas mainam ng mauna na at baka lapain na nila ako pag nagtagal pa ako dito.'

Lalo tuloy nagngingitngit ang mga pinsan ni Luis.

"Napakawalang modo naman ng babaeng yun! Basta na lang umalis! Hmp!"

"At kung umasta akala mo kung sino, ke liit liit naman!"

"Ang KAPAAAAAAL ng pagmumukha! Ni hindi man lang tayo binigyan respeto bilang kamaganak ni Luis! Nakakairita, sarap tirisin!"

"Saka, anong ibig nyang ipahiwatig sa sinabi nyang hindi nya matatanggap ang Sampung Milyong Piso na ibinigay ni Luis?"

"Sabi nga nya diba?, Hindi nga raw nya matatanggap dahil hindi nya raw kailangan!"

"Hmp! Ipokritang babae! Sinong tatanggi sa Sampung Milyong Piso?!"

"Nababaliw ang babaeng yun kung tatanggihan nya ang ganung kalaking pera!"

"Kung ayaw nyang tanggapin ang Sampung Milyong Piso na ipinamana sa kanya ni Luis, eh di huwag ibigay! Sa atin na lang!"

"Oonga tama ka dyan! Sa atin na lang!"

Kung kanina nagagalit sila kay Isabel dahil unfair daw na makatanggap sya ng Sampung Milyon eh hindi naman sya kamaganak, ngayon nanggagalaiti naman sila sa galit dahil napaka yabang ng tingin nila kay Isabel sa pagtanggi nitong tanggapin ang Sampung Milyong Piso na bigay ni Luis.

'Haaay, mga ganitong klaseng tao nga naman ang hirap intindihin!'

Buntunghininga ni Belen.

Napipikon na sya sa hindi maitagong pagka ganid ng mga kamaganakan nyan.

"Ehem, ehem, ehem!"

Napalingon ang lahat ng madinig nila si attorney.

"Sandali lang po! Pakiusap, pwede po bang huminahon po muna kayo at manahimik sandali?

Hindi pa po tapos ang pagbasa, kaya nakikiusap akong makinig po muna ang lahat para maipagpapatuloy ko na ang pagbasa sa huling testamentong iniwan ni Luis. Mayroon pa po kasi kayong dapat malaman!"

Sabi ng abogado.

"Hindi pa pala tapos, meron pa daw!"

Isa isang bumalik sa upuan ang lahat at naghintay.

Tumahimik ang paligid, umaasa sila na baka may idadagdag pa si Luis na pamana para sa kanila.

Muling sinimulang basahin ng abogado ang karugtong na pahina ng Last Will and Testament ni Luis.

"Makinig ang lahat. Bago maipatupad na maipamahagi ang mga pamana ko sa mga pinsan ko na tag lilimang libong piso, pati na rin ang iiwan ko na mga ariarian ko na nasa pangalan ko sa anak kong si Edmund, nais ko munang makasiguro na matatanggap at mababasa ni Ms. Isabel delos Santos ang liham na iniwan ko sa kanya.

(Hindi kabilang dito ang bahay ng mga magulang ko sa San Roque na inihahabilin ko sa aking kapatid na si Belen at ang bahay naming magasawa na iiwan ko sa anak kong si Edmund).

At higit sa lahat, nais ko din masiguro na kailangang at dapat matanggap MUNA ni Ms. Isabel delos Santos ang halagang Sampung Milyong Piso na sadyang nakalaan para sa kanya, bago maipamahagi ang mga nabanggit kong pamana sa mga pinsan ko at anak ko.

Hindi man ito sapat ngunit buong puso akong umaasa na matatanggap nya.

Ito ang aking huling kahilingan. At lubos akong umaasa na susundin at igagalang ng lahat ang nakasaad sa huli kong kahilingan ayon sa aking kagustuhan.

At sa sinumang hindi ito matanggap at hindi sundin ang huli kong habilin, inaatasan ko ang aking abogado na si Atty. Felipe Calderon, na sa sandaling mangyari na may sumuway sa huli kong kahilingan, ay iniuutos ko na HUWAG ng ibabahagi ang nasabing pamana ko sa kanila, bagkus ay ibigay na lang ito lahat kay Ms. Isabel delos Santos.

Dahil para sa akin mas matatahimik lang ang kalooban ko kung mapupunta ang lahat ng ari arian ko sa kanya!"

"....."

"????"

"A-Ano po ang ibig sabihin ng binasa nyo attorney?!"

Naguguluhan sila.

"Ang ibig pong sabihin nito, nais masiguro ng kliyente ko na si Mr. Luis Perdigoñez na matatanggap ni Ms. Isabel delos Santos ang iniwan nyang Sampung Milyon piso!"

Paliwanag ni Atty. Calderon.

"Eh, ayaw nga nung Isabel na yun ang Sampung Milyong di ba? So bakit natin ipipilit sa kanya!"

"Tama! Narito naman kami, kailangan namin yun Sampung Milyon, sa amin nya na lang ibigay!"

Pangungulit ng mga pinsan ni Luis.

"Pasensya na pero hindi po ganun yun. Ang gusto pong mangyari ng kliyente kong si Mr. Luis Perdigoñez ay dapat ko munang unahing ibigay ang iniwan nya kay Ms. Isabel delos Santos na Sampung Milyong Piso at pagkatapos nya itong matanggap ay saka lang sisimulang ipamahagi ang mga ipinamana nya sa inyo!"

Paliwanag ni Atty. Calderon.

"ANO?!"

Nalilitong tanong ng lahat kaya muling sinubukang magpaliwanag ng abogado.

"Mahigpit pong bilin sa akin ng kliyente kong si Mr. Luis Perdigoñez, na unahin ko munang iproseso ang Sampung Milyong Piso na iiwan nya kay Ms. Isabel delos Santos.

At pag natapos na at natanggap na nito ang Sampung Milyong Piso, at saka ko pa lang po mauumpisahan maiproseso ang pamamahagi ng mga ipinamana nya sa inyo!"

Mas malinaw na paliwanag ng abogado.

"HA?!"

"Ano daw?!"

Hindi maintindihan ng lahat ang sinabi ng abogado. Ayaw mag sink in sa utak nila.

"... at kung meron daw aapila sa mga kundisyon ni Mr. Luis Perdigoñez o merong hindi sumunod sa mga nakalagay sa huling habilin nya ay inuutusan nya ako na sa sandaling mangyari iyon ay automatikong kay Ms. Isabel delos Santos na po mapupunta ang lahat ng pagaari nya at wala na pong makakatanggap na pamana, ni isa man sa inyo!"

Paliwanag ni Atty. Calderon.

Lahat: "A.N.O.???!!!!!!!!!!"

Nagimbal ang lahat.

Nagsusumigaw ang isip at kalooban nila.

Pilit nilang isinisiksik ang narinig sa isip upang kanilang maintindihan. Pero...

Hindi sila makapaniwala.

Hindi nila ito matanggap!

"Teka attorney, narinig nyo naman yung sinabi ng babaeng yun kanina, sabi nya hindi daw nya kailangan yung pera!

So, paano yun?"

"Hindi ba dapat automatikong sa amin na yung pera dahil INAYAWAN NYA?!"

Inulan ng tanong si Atty. Calderon.

"Hindi po yun ganun.

Hindi ko po pwedeng ibigay sa inyo ang iniwan ni Mr. Luis Perdigoñez na Sampung Milyong Piso kay Ms. Isabel delos Santos dahil lang sa tinanggihan nya ito.

Ang kabilin bilinan po sa akin ni Mr. Perdigoñez na kung sakaling tanggihan ito ni Ms. Isabel ay huwag ko daw itong hayaang mangyari, automatiko ko daw itong ibigay sa kanya.

Kailangan daw itong mapunta kay Ms. Isabel delos Santos dahil sya lang ang may KARAPATANG mag ari ng halagang ito."

Mahinahong paliwanag ni Atty. Calderon.

Lalong nagkagulo.

At nagsimula na naman ang ingay ng protesta ang buong opisina.

Pero hindi na sila pinansin ni Atty. Calderon. Wala na syang magagawa kung ayaw nilang tanggapin ang mga nakasaad sa huling habilin ni Luis.

Ayaw na nyang pag aksayahan pa ng oras ang mga ito kaya hinayaan na lang nya silang magprotesta.

Batid na ni Atty. Calderon na mangyayari ito. Winarningan na sya ni Luis nung ginagawa nila ang last will and testament nya, kung gaano kagahaman ang mga pinsan nyang ito.

Magulo na ang lahat at naririndi na si Edmund.

Hindi na nya kaya ang sabay sabay na pagsasalita ng mga kamaganak nyang nagrereklamo.

Hindi na sya makahinga, naninikip ang dibdib nya. Pakiramdam nya nasasakal na sya.

Para syang unti unting nanghihina, nauupos na parang isang isda na inalis sa tubig.

Kailangan nya ng hangin.

Gusto nyang sumigaw ngunit wala syang lakas na gawin ito.

Naririndi na sya sa walang katapusang ingay.

BLAG!

Napatingin ang lahat ng madinig nila ang malakas na pagsara ng pintuan.

posted:

June 19, 2019

trimshakecreators' thoughts
Next chapter