webnovel
#ACTION
#ROMANCE
#MAGIC
#VAMPIRE
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Fantasy
Not enough ratings
340 Chs
#ACTION
#ROMANCE
#MAGIC
#VAMPIRE
#DEVIL
#SMUT
#TAGALOG

You know what to do

TUMAAS ang sulok ng bibig ni Lexine at mula sa nag-aapoy na mata ay mabilis na nagpalit sa mapang-akit ang mga iyon. Dahan-dahang lumapit si Lexine kay Night at bahagyang nagulat pa ang binata sa biglang pagbabago ng mood niya.

Tila isa itong naging pusa na gumapang sa couch at lumapit kay Night, napalunok nang madiin si Night nang sinimulan na siyang gamitan ni Lexine ng seductive eyes at hinaplos ang basa niyang dibdib.

"Baby," malambing na bulong nito.

Night cursed under his breath. This woman really know what to do.

Napausog si Night hanggang sa sandalan ng couch nang nilapit pa ni Lexine ang mukha sa kanya at nagdidikit na ang dibdib nila.

'She became more clever' he chuckled of the thought. Tumaas ang sulok ng bibig ni Night, he woud be willing to jump in the ocean of fire.

"Yes baby," sa gulat ni Lexine ay hinapit siya ni Night palapit sa katawan nito at muntik nang magtama ang kanilang mga labi. Kahit hangin ay hindi na makakadaan pa sa pagitan nila. Bumilis ang pagtibok ng dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata.

"You need something baby?" Night huskily whispered.

Nangigigil si Lexine sa kapilyuhan ng gunggong. Pwes! Hindi niya ito uurungan. Pinadaan niya parang naglalakad na paa ang dalawang daliri sa ibabaw ng dibdib nito at buong pang-aakit na tumingin sa mata ng pilyong prinsipe ng dilim.

"I need the athame baby," aniya na may kasamang pag-pout para mas cute siya tignan. Na madalas niyang gawin kay Night noon sa tuwing naglalambing siya dito.

Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ni Night na kulang na lang ay mapunit na ang labi, "Kiss mo muna ako."

Naningkit ang mga mata ni Lexine. This time ay nagtatalo na ang kalooban niya. Mukhang maiisahan siya nito kaya kailangan na maging maingat siya sa mga susunod na galaw.

Tumaas ang kilay niya, "Labas mo muna ang athame, I need to make sure dahil baka ginugulangan mo lang ako."

Di maalis ang ngisi sa labi ni Night pero pagbibigyan niya ito lalo na't tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari.

"Okay baby, anything for you," binuka niya ang isang palad at lumabas ang itim na usok doon kasabay ng athame.

Nanlisik ang mata ni Lexine at mabilis na inagaw ng isang kamay ang patalim pero agad naitaas ni Night ang kamay nito at naiwas sa kanya. Nangigigil na nilingon niya ang lalaki.

"Uh-oh, kiss ko muna, wag kang madaya."

Gustong-gusto nang sakalin ni Lexine ang demonyo sa harapan niya hanggang sa malagutan ito ng hininga.

"I'm gonna kill you," she hissed.

The devil's smile is like a fireworks in the night sky, "I'd love that."

Kasing talim ng kutsilyo na nanlisik ang mata ni Lexine sabay hinugot ang white feather sa likuran at pinalabas ang espada. Agad niyang tinutok ito kay Night pero kasing bilis ng hangin na naglaho ang huli at tanging itim na usok ang tinamaan niya.

Pagharap niya sa likod nakatayo na si Night sa kabilang panig ng pool. Hawak nito ang athame at pinapagalaw pa sa mga kamay niya, "I'm here."

Umusok ang ulong ni Lexine at maliksing sumugod sa prinsipe ng dilim, "Ahhhh!" hinumpas niya ang espada pero usok pa rin ang tinamaan niya at lumitaw agad si Night sa kabilang dulo ng pool.

Parang puputok na mga ugat sa ulo ni Lexine sa sobrang inis. Talagang gusto pa siyang paglaruan ng isip batang ito. Urgh! She really hate him to the core.

Tumakbo siya sa kinaroonan ni Night pero agad ulit itong naglaho at lumitaw sa likuran niya, "Masyado kang mainit baka gusto mo munang magpalamig."

Pinulupot ni Night ang braso sa bewang niya at hinila siya pababa sa pool. Napatili si Lexine pero huli na ang lahat dahil nahulog na sila. Dumilat ang mata niya sa ilalim ng tubig at sinipa agad si Night sa tiyan. Tinaaman niya ang lalaki, sumugod siya ulit at sinuntok ito sa panga, tinamaan ulit. Hinablot niya ang athame pero mabilis na humawak ang isang kamay ni Night sa pulsuhan niya at hinatak siya pataas. Sabay silang umahon sa ibabaw ng tubig at kumuha ng hangin.

Pa-rate po ng chapters! :)

Landi talaga ng prinsipe ng dilim!

AnjGeecreators' thoughts