260 Mansion

HUMINTO ang isang itim na limousine sa tapat ng luxury grand mansion. Puti ang buong pintura nito habang gold naman ang malaking main door sa gitna. May sampung minuto rin ang kailangang baybayin mula sa main gate. Nasa 15 hectares ang laki ng buong property na napalilibutan ng mga mabeberdeng puno at halaman.

Sa labas nag-aantay si Johan at ang sampu pang maids at butlers na nakatayo ng tuwid. Malaki ang ngiti ng matanda nang tuluyang bumaba ng limousine ang inaabangan nilang bisita.

Humugot nang malalim na hangin sa dibdib si Lexine nang muling mapagmasdan ang malaking mansion. It gives her a nostalgic and melancholic feeling that she tried hard to brushed off.

"Welcome back, Ms. Lexine," sabay-sabay na bati lahat sa kanya.

Lumapit si Johan sa dalaga, "Welcome back Young miss, Master Night is waiting for you at the garden," magiliw na inalalayan siya ni Johan na makapasok ng mansion.

Hindi maintindihan ni Lexine kung mainit o malamig ba ang nararamdaman niyang gumagapang sa kanyang balat habang naglalakad papasok sa loob ng mansion.

Bumungad sa kanya ang malaki at engrandeng hagdanan na nahahati sa dalawa na matatagpuan sa gitna. Nahinto sa paglalakad si Lexine nang biglang pumainlanglang sa kanyang tenga ang sigawan at tawanan.

"Cupcake! Come back here you naughty woman!"

"Ayoko! Go away!"

Tumatakbo pababa si Lexine sa hagdan pero maliksing tumalon si Night at nahuli siya sa bewang, ang lakas ng tili ni Lexine nang buhatin siya nito, "Hindi ka makakawala sa akin!"

"Ano ba, nakakainis ka, bitawan mo nga ako!"

"No I won't, you're so naughty, here's your punishment," pinaulanan siya ni Night ng halik sa leeg at parang bampira na nangangagat.

Tumili si Lexine, "Night! Nakikiliti ako!"

"Young miss?"

Naputol ang pagbabalik tanaw ni Lexine nang tawagin siya ni Johan. Binalikan siya nito dahil naiwan siya doon na nakatulala. Agad niyang winaksi sa isipan ang mga naalala at agad sumunod kay Johan.

Napakatahimik ng buong mansion at tanging tunog ng kanilang sapatos ang maririnig. Dumaan sila sa dining room kung saan nakabukas ang pinto at natanaw ni Lexine ang mahabang lamesa sa loob.

"You look wonderful cupcake, you made my morning perfect."

"Ano ba ang gagawin natin?"

"You will know it later, I don't want you to get sick. You're so thin. Now eat."

Muling sumagi sa isipan niya ang unang umagang nagising siya sa loob ng mansion at ang unang almusal na pinagsaluhan nila ni Night sa lamesang iyon.

Na nasundan pa ng mas maraming almusal, tanghalian at hapunan.

"Wow! You cooked all of these?" di makapaniwala si Night sa dami ng pagkain na nakahanda sa lamesa.

Malambing na yumakap si Lexine sa nobyo, "Oo, Ilang araw akong nanood sa youtube para matutong magluto ng paborito mong italian cuisine. Nagustuhan mo ba?"

Ang laki ng ngiti ni Night, "Of course, thank you cupcake."

"Kain na tayo!" excited na pinaupo ni Lexine si Night sa hapag at pinagsandukan ito ng pesto sa pingan.

Parang bata na nakapalumbaba si Lexine sa lamesa at titig na titig kay Night nang isubo nito ang pasta. Ngumuya si Night nang ilang beses. Sa gulat ni Lexine ay naubo ito. Natatarantang inabutan niya ito ng baso ng tubig.

Bumagsak ang mukha ni Lexine dahil halata sa itsura ng mukha ni Night na hindi masarap ang luto niya. Para siyang batang iiyak na. Napansin ni Night ang namumulang ilong ni Lexine at agad nataranta.

"Hindi masarap?" she's in the verge of crying.

"M-masarap! I love it s-so much!" mabilis na sinubo ni Night ang pesto sa bibig at ngumuya ng buong ngiti kahit ang totoo ay naiiyak na siya sa sobrang anghang nito dahil mukhang binudburan ng isang kilong paminta ni Lexine ang pagkain.

Muling humugot ng lakas si Lexine para bumitaw ng tingin sa loob ng dining room. Pinilit niyang iwaksi ang mga bagay na naalala niya pero paano niya gagawin iyon kung lahat ng sulok ng mansion na ito ay bumuo sila ng maraming memories ni Night?

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa likuran ng mansion kung saan matatagpuan ang malawak na garden at malaking infinity pool na may asul na led lights sa ilalim.

"Master Night is at the pool, young miss. I'll leave you here," tinuro ni Johan ang pool at nagpaalam na sa kanya bago umalis.

Malayo pa lang ay tanaw ni Lexine ang binatang lumalangoy. Humugot siya ng malalim na hangin sa dibdib upang patibayin ang loob.

Paulit-ulit niyang pinapaalalahan ang sarili kung ano ang rason kung bakit siya nandito. She need to get the athame to him no matter what happens. Paulit-ulit niya din siniksik sa utak niya na galit siya sa lalaking ito at kahit anong sabihin nito ay hinding-hindi niya paniniwalaan.

Hinakbang niya ang mga paa at taas noong lumapit sa pool. Tumayo siya sa gilid at humalukipkip.

Mula sa pagsisid sa pool ay umahon si Night sabay pinanghilamos ang dalawang palad sa mukha. Bahagyang napalunok si Lexine nang makita ang pag-flex ng biceps at balikat nito.

Pagdilat ni Night ay nakita niya si Lexine na nakatayo sa side ng pool. Napangisi siya at agad lumangoy patungong steel ladder sa gilid. Umakyat si Night at tuluyang umalis sa pool.

Kitang-kita ni Lexine ang napakaganda hubog ng katawan ng binata habang tanging swimming trunks lang ang suot. Nangingibabaw ang mga tattoo nito sa maputing balat habang tumutulo pa ang tubig mula sa ulo nito na gumagapang pababa sa dibdib at matigas nitong eight pack abs. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Lexine dahil baka kung saan pa mapunta ang mga mata niya.

Nakangising lumapit si Night sa dalaga habang di maalis ang amusement sa mga mata. Lalo na at kitang-kita niya ang pag-blushed ni Lexine habang umiiwas ito ng tingin.

"Hi Cupca—"

"Don't call me that," mabilis na putol ni Lexine nang 'di pa rin siya nililingon.

Nagkibit balikat lang si Night at patuloy na lumapit sa babae. Nilagpasan niya si Lexine at dinampot ang twalya na nakapatong sa couch at nagpunas ng ulo.

"Kumain ka na ba? I asked Johan to prepare for dinner," casual na sabi ni Night.

Mas lalong uminit ang dugo ni Lexine dahil naiinis siya sa pagiging "cool" ni Night samantalang siya itong nag-aalab ang kalooban na parang apoy. Inis na hinarap niya ang binata.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, give me the athame," mariin niyang sabi.

Nagpatuloy sa pagpupunas ng buhok si Night, "I need to know your reason first."

Nauubusan na ng pasensya si Lexine, "Ano ba, ibibigay mo ba sa akin o hindi? Kailangan pa ba natin daanin sa mas madugong paraan?" binunot ni Lexine ang white feather sa bulsa ng pantalon.

Napatingin ang mata ni Night sa hawak niya saka nagtaas ng kilay, "Bakit masyado ka na ata naging bayolente? You know the answer to your question. Remember everytime you try to ask something from me? That's all you need to do," prenteng umupo si Night sa couch at dumikwatro habang may bahid ng panunudyo ang mga mata na nakatitig sa kanya.

Mas lalong nag-init ang kalooban ni Lexine. How dare him try to flirt on her? Alam na niya na iniinis lang siya nito at di dapat siya nagpapadala sa pang-bi-bwisit nito dahil siya ang uuwing talo.

Sige, gusto nito ang inisan. Fine. Sasakyan niya ito.

avataravatar
Next chapter