262 To protect her

"GIVE ME that fucking athame!" muling nagpakawala ng kambal na suntok si Lexine pero naiwasan pa rin ni Night ang mga atake niya.

"Huwag mo na pahirapan ang sarili mo Lexine, just kiss me and I'll give this to you," nang-aasar na sabi ni Night sabay tawa.

Lalong nangaliiti ang kalooban ni Lexine, "Ang kapal talaga ng mukha mo! Paano mo nagagawang umakto sa akin ng ganyan sa lahat ng kasalanang ginawa mo sa akin!"

Natigil si Night sa mga narinig. Nag-aapoy ang mata ni Lexine sa galit. Nagtataas-baba ang dibdib niya, "How dare you treat this like another fucking game! How dare you smile at me! How dare you call my name! How dare you face me with that fucking smug on your face you fucking devil! How dare you!!!"

Natahimik si Night. Nawala na ang kapilyuhan sa mata niya at napalitan nang matinding sakit, "Lexine…"

"How dare you touch me! Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang lolo ko! Nagagawa mo pang umarte sa harapan ko! Ha! Ano? Di ka pa nakuntento sa lahat ng kahayupan na ginawa mo sa akin? Gusto mo pa rin akong paglaruan? Dyan ka naman magaling eh! Maglaro ng apoy!"

Napailing si Night and sinubukan suyuin si Lexine, "Please, Lexine…"

Isang malakas na sampal ang binigay ni Lexine. Tumagilid ang mukha ni Night. Sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata niya kasabay ng pag-aalab ng kanyang dibdib na para bang pakiramdam niya ay sinusunog siya ng buhay.

"Napakasama mo talaga Night, wala kang kasing sama. At pinakamalaking pagkakamali ko na naniwala akong mabuti ka!"

Dahan-dahan lumingon si Night. Nasa mata nito ang labis na paghihirap at pagdudusa, "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, alam kong kahit kailan di mo ako mapapatawad. At araw-araw kong pinagbabayaran ang lahat ng yun."

Natigilan si Lexine, pansamantala ay tila naurong ang dila niya na magsalita, bakit kailangan pa siyang tignan ng mga mata nito na para bang totoong naghihirap ito? Anong klaseng drama at panloloko na naman ang gusto nitong ipakita ka sa kanya?

"Lexine… I did all of it to protect you."

"Protect me?" natawa siya sa sinabi nito, yung klase ng tawa na kasing pait ng ampalaya, "Protect me? At sa tingin mo paniniwalaan ko ang mga pinagsasabi mo!"

"Because it's the truth!" sigaw ni Night.

Saglit na pumainlanglang ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Dahan-dahang lumapit si Night kay Lexine pero nanatiling matigas at malamig ang mga mata nito sa kanya na tila diring-diri ito na mahawakan niya.

"Everytime I tried to resist the demon inside me the more weak I become," pagsisimula ni Night, "My soul is tied by Satan's power. That's the consequence when I accepted the power from the fruit of sin."

Saglit na natigilan si Lexine, tila may karayom ang tumusok sa puso niya dahil alam niya siya ang dahilan kung bakit sinakrapisyo ni Night ang sarili sa dragon ng kadiliman.

"Kahit anong paglaban ang gawin ko 'di ko matalo ang halimaw sa loob ko. Until I realized that I need to stop fighting, at kailangan kong sundin ang lahat ng gusto ni Lucas. Noong gabing dinukot si Alejandro nandoon ako."

Muling sumiklab ang apoy sa dibdib ni Lexine nang marinig ang pangalan ng kanyang lolo.

"I tried to save him, but I failed because the more I tried to fight the more pain they punctured to me, the more that I can't do anything. My body feels numb, I can't control my power. I'm weaker and useless."

Nagbalik tanaw si Night sa mga nangyari…

"Arrrrrghhhhhh!" hiyaw ni Night habang namimilit sa kuryenteng nararamdaman sa buong katawan.

"Stop fighting me Alexis, pinapagod mo lang ang sarili mo," malamig na sabi ni Lucas.

Nagdidilim ang paningin ni Night nang tumingin kay Lucas, sa kabilang panig ng silid nakahiga ang sugatan na si Alejandro. Wala siyang magawa dahil gustuhin man niyang iligtas ang matanda, ay nahihirapan siya dahil hawak siya ni Lucas sa leeg.

Matalim na tumingin siya sa kinamumuhiang ama, "H-hayop k-ka… p-papatayin k-kita…" nagkikiskis ang ngipin niya sa galit.

Tumawa si Lucas, "And you really believe that you can kill me? Hmp! I'm your father Alexis, everything you have came from me. You are nothing compare to my power. Para ka lang isang maliit na ubas na kayang-kaya ko tirisin."

Muling namilipit si Night sa sakit. Pagod na pagod na siya at kahit anong laban niya ay wala siyang magawa. Nanghihina na siya at ubos na ang lahat ng lakas niya.

"Look at you now, weak, useless, nothing but a little boy crouching on his knees. You are still that child who cried hard when I killed your mother in front of you."

Sumiklab ang matinding galit sa kalooban ni Night na tila bulkan na sumabog. Buong lakas siyang sumigaw at hinugot ang natitirang lakas para sugurin si Lucas. Pinalabas niya ang espadang si Gula.

"Ahhhhhhhhh!"

Pero isang pitik lang ng mga daliri ni Lucas at nahinto sa pag-galaw si Night. Tumayo si Lucas mula sa kinauupuang trono at naglakad palapit sa anak. Buong gigil na sinakal niya sa leeg si Night hanggang sa magkulay ube ang mukha nito.

Nanlilisik ang tsokolateng mata ng hari ng kadiliman na tumitig sa tsokolateng mata ng prinsipe ng dilim, nagkikiskis ang ngipin nito, "Dare to fight me again and I'll kill your woman."

Nabahiran nang matinding takot ang buong sistema ni Night.

"You know what I can do Alexis, sa tingin mo ba maipagtatangol mo ang Nephilim laban sa akin? Now that I'm holding your neck like this? You can't do anything. At kukunin ko ang puso niya sa harapan mo katulad ng ginawa ko kay Eleanor 'pag sinubukan mo pa ulit na sumuway sa akin."

Napaungol si Night sa labis na galit. Umismid si Lucas at binitawan ang anak. Nanghihinang bumagsak si Night sa sahig habang naghahabol nang hininga. Naglakad palayo si Lucas at naiwan si Night na nanginginig at nagdurusa. Nang mga sandaling iyon, ayaw man niyang tangapin pero totoo ang lahat ng sinabi ni Lucas. Mahina siya kumpara sa hari ng kadiliman, higit pa ngayon na hawak siya nito sa leeg.

At ang pinakakinatatakutan niya ay ang mapahamak si Lexine.

Nang gabing iyon ay pinuntahan ni Night sa kulungan si Alejandro.

"Just please hold on, I'll do everything to keep you safe."

Labis na nanghihina na si Alejandro sa dami ng bugbog nito sa katawan, humawak siya sa rehas at pinakatitigan ang binata saka maliit na ngumiti.

"Anak, hindi na ako magtatagal. Matanda na ako at 'di na kakayanin ng katawan ko."

Napailing si Night, "Please, please hold on, I'll help you get out of here."

Mapait na ngumiti si Alejandro, "Huwag mong ipahamak ang sarili mo dahil lang sa akin. Nakita ko ang paghihirap mo," hinawakan ni Alejandro ang pisngi ni Night, "Do everything to protect the woman you love."

Nagsimula nang mamasa ang mata ni Night, "I have something to tell you, Lexine is alive."

Labis na nagulat si Alejandro, "Is that true?"

"Yes, and I love her so much."

Ngumiti si Alejandro, "I can see it in your eyes. Anak, if the time comes that you need to kill me, do it."

Malaki ang pag-iling ni Night, "I can't do that, Lexine loves you so much."

"My time here in this world is about to end. Do everything to protect her. Promised me…"

Hinawakan ni Night ang kamay ni Alejandro na nasa pisngi niya at yumuko habang umiiyak, "I promised."

avataravatar
Next chapter