141 Lady in red

ILANG BESES nang humugot ng malalim na hangin si Sammie upang kumuha ng sapat na lakas ng loob. Pero kahit anong pag-iipon niya ng tapang sa dibdib hindi ay pa rin nagpapaaawat ang mga kabayong nag-uunahan sa kanyang kalooban.

Nanginginig ang bawat parte ng kanyang katawan. Bukod sa malamig ang aircon, talaga namang giginawin siya sa suot niya ngayong gabi. Never in her life she'd imagined herself wearing a two piece. Bright red ang kulay ng manipis na telang tumatakip sa mga pribadong parte ng kanyang katawan. First time niya rin makasuot ng t-back. At kahit pa may suot siyang maiksing palda pamatong, konting kilos lang ay nakikita na ang magkabilang pisngi ng kanyang maputing puwetan.

Hindi naman kalakihan ang dibdib ni Sammie pero dahil naka-push up ang suot niyang brassiere kaya nakadadaya ng cleavage. Noong highschool mahilig siyang mag-join sa mga cheering squad kaya kahit paano ay marunong naman siyang sumayaw. Iyon nga lang ngayong gabi, kailangan niyang gumiling-giling ng walang dignidad.

Nakuha niya ang raket mula kay Candy. Ang pinsan kasi nito ay isang manager na kumukuha ng mga babaeng sumasayaw sa mga club. Minsan nang inalok ni Mr. Jojo si Sammie noong unang beses pa lang siya nitong nakita sa Mighty Bar and Grill. Isang daang libo kada isang sayaw, ito ang offer sa kanya.

Siyempre, hindi naman siya desperadang babae para kumita ng easy money kapalit ng katawan. kaya hindi siya pumayag. Pero ngayong gabi, tinalo na niya ang lahat ng desparada sa mundo dahil talagang kapit sa patalim ang gagawin niya para sa operasyon ng kanyang Papang.

Hiniling ni Sammie kay Mr. Jojo na baka pwede siya nitong pahiramin ng isang milyon at babayaran na lang niya iyon sa pagsasayaw gabi-gabi. Pero hanggang five hundred thousand lang daw ang pwede nitong ibigay sa kanya. Kinagat na niya, bahala na kung saan pa siya kukuha ng kalahating milyon. Ang mahalaga ay may makuha siyang pera para masimulan ang operasyon ng kanyang Papang sa lalong madaling panahon.

""Sammie, ikaw na ang sunod!" sabi ni Mr. Jojo na sumilip sa loob ng dressing room.

Sa huling pagkakataon ay tinignan niya ang repleksyon sa salamin. Glittery gold ang eyeshadow na nilagay ng make up artist habang bloody red naman ang kanyang lipstick. Kinulot ang hanggang balikat niyang buhok. At dahil natural na maputi ang kanyang balat kaya mas lalong na-emphasize sa kulay ng pulang tela.

"Para kay Papang Sammie, kaya mo `to."

Lakas loob niyang hinakbang ang mga paa palabas ng dressing room at nagtungo sa gilid ng mahabang bar counter na nagsisilbing stage. Nahihilo si Sammie sa dami ng club members na naroon. Madilim man ang paligid ngunit sapat na ang mga sillhoute ng mga ito para malaman niyang hindi mahulugan ng karayom ang lugar. Lumipat ang tingin niya sa mga seksing babaeng gumigiling sa ibabaw ng bar counter. Tumatama ang malikot na strobelights sa katawan ng mga ito na tila isang pagkain na inihanda para sa mga manunuod.

Umikot ang sikmura niya at namawis ang kanyang noo at mga palad. Pansamantalang nanigas ang mga paa niya at hindi niya magawang humakbang. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya na mas nakakabingi pa kaysa sa malakas na tugtugin na nanggagaling sa naglalakihang speakers.

Kabilaan ang dalawang mahabang bar counter na animo ginawang runway. Sa kanan siya aakyat upang sumayaw. Wala ng atrasan ito. Wala na siyang choice. Lulunukin na ni Sammie ang lahat ng dignidad na mayroon siya ngayong gabi.

Nang matapos ang naunang pole dancers ay siya na ang susunod. Nanginginig ang mga tuhod ni Sammie habang umaakyat sa taas ng bar counter. Lahat ng mata ay sa kanya nakatingin at pakiramdam niya mga pana ang tingin ng mga ito na tumutusok sa bawat parte ng katawan niya. Hindi niya magawang i-angat ang mukha sa takot na makita ang pagnanasa at gutom ng mga ito sa kanya.

Nanatiling nakayuko si Sammie habang pilit na tinatakpan ang kahubaran niya gamit ang dalawang payat braso. Sunud-sunud na sumipol ang mga guest habang may iba naman ang lantarang nagsasabi kung paano pagnasaan ang kanyang katawan.

"Sarap nito. ah!"

"Ang kinis!"

"I wanna fuck her hard!"

"Shit! I want that bitch on my bed!"

Mariing pinikit ni Sammie ang mata at pinigilan ang nagbabadyang luha. Wala pa siyang isang minuto sa stage pero parang hindi na kakayanin ng puso niya.

"Sammie! Anung tinutunganga mo riyan? Sumayaw ka!" Nangibabaw ang pag-bulyaw sa kanya ni Mr. Jojo.

Hindi na niya napigilan ang sunud-sunud na paghikbi pero pinilit niyang igalaw ang bewang at balakang at sinabayan ang musikang tumutugtog. Naghiyawan ang mga naroon na parang mga hayop na umaalulong. Nanginginig ang buong katawan ni Sammie. Walang tigil na rin ang buhos ng kanyang luha.

"Woooh! Giling mo pa!"

"Lower!"

"Show us your ass baby!"

"I want to spank her!"

Nanlalabo na ang paningin ni Sammie dahil sa luha. Nahihilo na siya sa mga sigawan at pambabastos na naririnig. Naba-blangko na ang isip niya pero paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili na para ito sa kanyang Papang.

Ilang sandali nang nakarinig siya ng nabasag na bagay kasunod niyon ang biglang paglusaw ng ingay sa paligid. Unti-unting inangat ni Sammie ang mukha. Kahit nanlalabo ang mata hindi iyon naging hadlang upang makita niya ang mga katawan na nakahandusay sa sahig. Nawala ang mga tao sa harapan ng stage at nagsisikan ang lahat sa gilid. Katabi ng mga katawan ang mga nabasag na bote, baso at sira-sirang cocktail table. Tila dinaanan ng bagyo ang club. Sa pinakagitna natagpuan niya ang isang matangkad na lalaki. May sakal-sakal itong isa pang lalaki.

Nagtakip si Sammie ng bibig kasabay ng malakas niyang pagsinghap. Bukod sa nakagigimbal na matutulis na pangil ay umiilaw rin sa kadiliman ang pulang mata ng lalaking sinasakal. Anung nangyayari? Ginala niya ang mata sa paligid. Mas lalong nanlambot ang mga tuhod niya nang isa-isa niyang nasilayan ang mukha ng mga naroon. Anu ito? Nililinlang ba siya ng mga mata niya? Costume party ba ito? Bakit ganito ang itsura ng mga tao rito?

"N-night," nahihirapang saad ng lalaking sinasakal.

Muling bumalik ang tingin ni Sammie sa dalawa. Tumalon ang puso niya nang makilala kung sino ang matangkad na lalaki na sumasakal sa lalaking may pangil at pulang mata. Anung ginagawa niya rito? Siya ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?

"Your tounge is fucking dirty. Now burn in hell!" Binali nito ang leeg ng lalaki gamit ang isang kamay. Umingay ang tunog ng nabaling buto bago ito bumagsak sa sahig. Sabay-sabay na napasinghap at napaatras sa takot ang lahat. Sumasalamin sa mata ng bawat isa ang matinding panginginig na tila ba kahit paghinga ay pinipigilan ng mga ito. Kasama na si Sammie roon.

Hindi siya makapaniwala. Pinatay nito ang lalaki. Pinagmasdan niya ang mga katawan sa sahig. Patay na rin ba ang mga ito? Pakiramdam niya malapit na siyang lubayan ng kamalayan.

Madilim na tumingin ang mga mata ni Night kay Sammie. Binalot ng lamig ang buong katawan niya at dahan-dahang umatras. Napalunok siya nang madiin. No, he can't touch her. Please, `wag.

Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito at pinangko siya. Tila naging rebulto si Sammie sa paninigas ng buong katawan at ni ang sumigaw ng tulong ay hindi niya nagawa. Naglakad ito paalis at binitbit ang payat niyang katawan. Tila kurtina na humawi ang lahat ng tao na nadadaan nila sa takot ng mga ito na madikit kay Night.

Kung tao man na matatawag ang mga naroon.

avataravatar
Next chapter