140 Cheers!

SUMAMA SI DEVORAH sa pag-uwi nina Night at Elijah pabalik sa Manila. Inoffer ni Elijah ang isa sa mga private presidential suite sa loob ng Black Phantom Club na maaring tuluyan nito. Sinimulan na nila ang pag-contact kay Eros. Nagpadala si Devora ng email dito. Inaasahan nila na sa mga susunod na araw ay kusa itong magpapakita at kapag nangyari iyon, kailangan na naroon si Night at Elijah nang sa ganoon ay makausap nila ang lalaki tungkol sa planong pagpapakamatay ng prinsipe ng dilim.

Hindi maganda ang naging break-up ni Devorah at Eros. Si Devorah ang nakipaghiwalay at umiwas sa lalaki. Ilang dekada na ang lumipas na wala ng komunikasyon ang dalawa sa isa't isa. Kaya nakasisigurado si Elijah na mag-aapura na pumunta si Eros sa Manila sa oras na malaman nitong nandito si Devorah at nais itong makita.

Mahal na mahal ni Eros si Devorah kahit pa maraming taon na ang lumipas simula nang magkahiwalay ang mga ito. Ito lang ang tanging babaeng inibig nito. Subalit dahil sa mga kumplikasyon sa pamilya at responsibilidad kaya nagkahiwalay ang dalawa.

Tutol ang pamilya ni Devorah sa relasyon nito kay Eros. Noong mga panahon na iyon ay malaki pa ang responsibilad ng babae sa angkan nito. Blood is thicker than water; kadugo higit sa kanino man. Ito ang matinding paniniwala ng buong angkan ng mga Dela Fuentes. Kaya labag man sa kalooban at puso ni Devorah, kailangan nitong mamili. Labis na dinamdam ni Eros ang naging desisyon ni Devorah kung kaya naging masama ang loob nito sa dating nobya gayunpaman, nakasisiguro si Elijah na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito sa babae. Saksing buhay si Elijah sa pagsubok na pinagdaanan ng dalawa.

"Are you sure this would work?" tanong ni Night habang hawak ang isang baso na may laman na whisky.

Kasalukuyang silang nasa private room sa second floor. Nakaupo si Devorah sa sofa habang prenteng umiinom ng wine. Nkatayo naman siya sa tapat ng two-way mirror at tinatanaw ang kaguluhan ng mga club members sa first floor habang abala naman sa paglalaro ng darts si Elijah sa isang sulok.

Hinagis ni Elijah ang huling dart na tumama sa gitna ng dart board. "Bulls-eye!" Humarap ito sa kanya. "Of course, parang ikaw lang `yan si Eros. Ulol na ulo sa isang babae." Pilyo ang ngiti nito nang lingunin si Devorah. Bilang sagot ay nagtaas lang ng isang kilay si Devorah.

"How long would it take before he show himself?" tanong ulit ni Night. Nanatili siyang nakatanaw sa ibaba at pinagmamasdan ang iba't-ibang dark entities habang sumasayaw at nagwawala ang mga ito sa dance floor.

Umupo si Elijah sa katapat na couch ni Devorah at nagsalin ng whisky sa baso. "Hmm, maybe a two or three? What do you think Dev?"

Nagkibit-balikat si Devorah. "Make it four. Kilala mo naman `yun, kunwari ma-pride pero lalambot din naman."

"Four? That's too long," Night complained.

"Ganyan ka na ba ka-excited magpakamatay? Come on dude, just chill. Lalabas din `yun sa lungga niya."

Nagbuga ng mabigat na hangin si Night. Bawat oras ay mahalaga para sa kanya. The more he can't do anything, the more he was worried about Lexine. Paano kung bigla na lang itong makatawid sa Gates of Judgement? Mas mahihirapan siyang mabawi ito.

"Besides, making him come for us is only the first step. Knowing Eros, malaki ang ulo ng isang `yun at hindi basta-basta gumagawa ng pabor ng walang kapalit," paliwanag ni Elijah.

"Don't worry, I'll talk to him. He will listen to me," saad ni Devorah.

"Iyon naman pala. So, let's just sit back, relax and wait for that fucker to show up." Inangat ni Elijah ang basong hawak. "Cheers to killing the hottest Grim fucking Reaper in the history of humankind."

"Cheers!" Natatawang binangga ni Devorah ang baso nito sa baso ni Elijah.

Umismid lang si Night sa dalawa at inabala ang mata sa pagmamasid sa first floor. Mga bampira, shapeshifters, sorceress, demon at kung ano-ano pa ang natatanaw niyang nagkakagulo. Mula sa mga nagsasayawan sa gitna ng dance area napukaw ang atensyon niya sa mga babaeng pole dancers na sumasayaw sa ibabaw ng dalawang bar sa magkabilang gilid ng club. Halos kapiranggot na lang ang mga telang suot ng mga ito at konting galaw lang ay nakikita na ang buong kaluluwa.

avataravatar
Next chapter