26 Best friend

PUMAPASOK NA'NG LIWANAG mula sa bintana hudyat ng panibagong umaga. Natagpuan ni Lexine si Ansell na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Nasapo niya ang dibdib. "Sino ba talaga ang lalaking `yun at bakit alam niya ang tungkol kay Night?" Wala siyang makuhang sagot at sumasakit na naman ang ulo niya sa kakaisip.

Umungol ang katabi niya. "Good morning. Are you feeling better, baby?" tanong nito sa minamalat pang boses.

Napangiti si Lexine. Laking pasasalamat niya na sinamahan siya nito buong gabi. Kung wala siguro ito ay baka nabaliw na siya. "I'm okay, thank you for being here with me, Ansell."

Ngumiti ito. "That's good to hear. You scared me last night, I thought something bad happened to you."

"I'm sorry."

Tuluyan bumangon si Ansell at hinawakan ang dalawa niyang pisngi at masuring tinignan ang kanyang mga mata. "Ano ba kase ang nangyari sa `yo?"

Hindi sigurado si Lexine kung dapat niya bang ikuwento kay Ansell ang tungkol kay Night lalo na't alam niyang mahirap `yun paniwalaan. At kung totoo nga na prinsipe ng kadiliman si Night gaya ng sinabi ng lalaki mula sa kanyang panaginip (na ito ang Tagasundo) ibig sabihin ay higit na mapanganib ang lalaki sa inaakala niya. Ayaw niyang malagay sa peligro ang buhay ng kahit na sino lalo na'ng mga taong mahalaga sa kanya.

"I'm just... stressed lately. Alam mo na, wala si Lolo nasa out of the country and then na-miss ko lang bigla sila mom and dad. So I just.. suddenly feel sad and alone. Saka malapit na kasi ang dalaw ko kaya medyo moody na `ko," pagdadahilan na lang niya. "You know, monthly girl problems."

Lumambot ang mga mata ni Ansell. "`Wag ka ng malungkot. I'm always here to make you happy, okay?"

May kakaiba sa paraan ng mga titig sa kanya ni Ansell na hindi niya kayang ipaliwanag. Subalit kung anuman `yun ay nakagaan ng pakiramdam. "Really? Then I want you to make me a breakfast. Namimiss ko na'ng luto mo."

Ngumiti ito nang malaki. "Of course. My pleasure! Pero may bayad, ah. Mahal ang professional fee ko!"

Napanganga siya. Inambahan niya ito ng suntok pero agad itong nakatalon paalis ng kama. "Anung bayad? Akala ko ba papasayahin mo `ko?"

"Hey! Wala ng free sa panahon ngayon `no. Binasa mo pa ng uhog at laway ang t-shirt ko kagabi. Nangalay tuloy ang braso ko dahil ginawa mong unan. Sumakit pa ang tenga ko sa lakas ng hilik mo, para kang biik! Kaya dapat lang na bayaran mo `ko sa serbisyo ko."

Lalo siyang napanganga. Hinagisan niya ito ng unan pero naka-ilag ito sabay kumaripas ito nang takbo patungong bathroom. "Hoy! Ang kapal mo hindi ako humihilik `no at mas lalong hindi ako tulo laway!"

Malutong itong tumawa na lalong nagpa-inis ng gising niya. Maya-maya pa at umingay na ang shower senyales na naliligo na ito. Naipailing na lang siya at hinanda ang damit nito. May nakatagong mga damit si Ansell sa cabinet niya. Ito na mismo ang naglagay roon dahil madalas naman itong mag-overnight sa kanila simula pa nung grade school sila. Kumuha siya ng isang plain white shirt at beach shorts. Tinupi niya iyon at nilapag sa ibabaw ng kama. Habang nag-aayos ay may naaninag siyang bagay na sumisilip sa ilalim ng kanyang unan.

Ang puting balahibo.

Inangat niya ito at masuring pinagmasdan. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung anung klaseng balahibo ang hawak. Sigurado siyang may kaugnayan ito sa lalaking nagpapakita sa kanyang panaginip. Hinaplos niya ang malalaking hibla nito. Malambot at kumikintab ito lalo na kapag nasisilawan ng sikat ng araw. Inangat niya ito at tinapat sa sinag na tumatagos mula sa balcony. Nanlaki ang mata niya nang makita na may maliliit na crystals ang bawat hibla nito kaya ito kumikinang.

Nilapit ni Lexine ang balahibo sa ilong niya, kakaiba ang amoy nito. It's smells like eucalyptus with a mix of powder. Bakit pakiramdam niya pamilyar ang halimuyak nito? Na tila naamoy na niya ito dati?

"Ano `yang hawak mo?"

Halos mapatalon si Lexine nang sumulpot bigla ang ulo ni Ansell sa kanyang balikat. Mabilis niyang itinago ang balahibo sa kanyang likuran.

Nalukot ang noo nito. "Bakit mo tinatago? Ano ba `yan?"

"Ah... Nothing, ano… napulot ko lang nung isang araw."

Nagsalubong ang mga kilay nito. Nanuot naman sa ilong niya ang amoy ng Body Works Pink Velvet Cupcake. Agad umusok ang ilong niya at pumamewang. "Did you use my shower gel again?" Pinanliitan niya ito ng mata.

`Yon lang ang tangi niyang ginagamit mula nung thirteen pa lang siya. Ilang beses na niyang sinabihan si Ansell na `wag gagamitin ang paborito niyang shower gel dahil napakagastos nitong gumamit. Lalo na't mahirap `yon hanapin at sa ibang bansa pa siya umoorder.

"No, I did not." He was obviously lying.

Basa pa ang buhok at buong katawan ni Ansell. Suot nito ang pink niyang bathrobe. Ang inis niya ay napalitan ng tawa. Nagmukha kase itong machong bading kaya naman ang lakas ng halakhak niya.

"Hey, what's funny?"

Tinuro niya ito. "Ano ba kase `yang suot mo? May extra towel naman ako sa banyo bakit `yang bathrobe ko pa ang ginamit mo? You look like a macho gay."

Pumewang si Ansell. "Me? Gay? Baka gusto mong ipakita ko sa `yo `tong alaga ko?"

"Yuck! Kadiri ka ang pervert mo!"

"Sinung bading? Halika rito, ipapakilala ko sa `yo si junior!"

Tumili si Lexine at mabilis na tumakbo palayo. In the end, naghabulan sila ni Ansell sa buong kwarto habang pinipilit ng binata na ipakita sa kanya ang pinagmama "laki" nito.

avataravatar
Next chapter