27 What’s the fuss?

ILANG ARAW na ang lumipas simula nang huling gabi na nakita ni Lexine si Night sa ballet studio. Pagkatapos ng insidente `yun ay hindi na ulit ito nagparamdam at kahit anino ng lalaki ay hindi na niya muling nasilayan pa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mababahala sa bigla nitong pagkawala.

Pakiramdam ng dalaga ang pananahimik nito ay may hindi magandang ibig sabihin. Kung may choice lang si Lexine ay mas pipiliin niyang hindi na maalala ang mga nangyari five years ago. Mas payapa ang buhay niya kung wala ang piraso ng alaala ng gabi na bumago ng lahat.

Wala naman siyang mapagsabihan na kahit na sino tungkol sa kanyang pinagdadaanan. Hindi pa umuuwi si Alejandro. `Di rin naman niya kayang ikwento kay Ansell o kahit kay Belle ang tungkol kay Night. Natatakot siya sa dalawang kadahilanan:

Una, nababahala siya na baka hindi paniwalaan at isiping nababaliw, pangalawa, natatakot siya sa maaring maging consequence `pag may ibang taong makaalam tungkol sa kasunduan nila ng prinsipe ng dilim. Nasaksihan niya mismo kung gaano ito kapanganib na nilalang. Ayaw niya na may iba pang masaktan o madamay.

Pagpasok ni Lexine sa campus naabutan niya ang pagpupulong-pulong ng mga istudyante sa tapat ng pintuan ng kanilang deans office. Dahil sa kuryosidad kaya naki-chismis na rin siya. Naabutan niya si Xyrille na nangingisay habang panay ang bungisngis sa kausap nitong singkit at payat na dalaga.

"I saw him at the parking lot kanina, and guess what, nag-eye contact kami. Titig niya pa lang para na `kong hinuhubaran. At ang ngiti niya? Oh, sweet baby Jesus! His smile was enough to make me pregnant!" eksaherada nitong kwento na hindi man lang humihinga.

"Sinung bubuntis sa `yo ng dahil sa ngiti?" usisa ni Lexine.

Sabay na lumingon si Xyrille at Janice sa kanya. Halos umabot hanggang tenga ang ngiti ng dalawa. "Nandyan ka pala, Lexi. I was talking about the new student. I swear to God, in my twenty-two years of existence on the planet earth. He was certainly the most gorgeous, the hottest, and the yummiest guy that I have ever seen!"

Hindi mawari ni Lexine kung tatawa ba siya o kikilabutan dahil parang sinasapian na'ng kaibigan niya. "New student? Tumatanggap pa rin sila kahit finals na?"

"Oo nga, eh. Siguro may connection siya rito kaya nakapag-enroll pa rin kahit late na," segundo ni Janice.

Bukod kay Xyrille ay si Janice rin ang isa sa mga ka-close niya sa kanilang department. Kabaligtaran ito ni Xyrille dahil kung gaano ka-liberated ang huli ay ganoon naman ito ka-conservative. Nakasuot ito ng salamin at hindi kinakapos ng tela ang mga damit.

Lalo tuloy na-curious si Lexine kung sino ba talaga ang bagong student at anung meron dito at ganun na lang kung pagkaguluhan. Pinagmasdan niya ang grupo na halos puro babae at may iilan din na kabilang sa LGBT. Halos humahaba na ang mga leeg ng mga ito kakasilip sa maliit na glass window ng pintuan. Mula sa kinatatayuan ay wala na siyang makita dahil natatabunan na ng mga ulo. Curious pa naman sana siya sa itsura ng bagong student nang mag-alarm ang cellphone niya. Malapit nang magstart ang first subject nila!

"Girls, let's go. Male-late na tayo!" Hinatak na niya ang dalawa na mukhang wala ng planong pumasok.

avataravatar
Next chapter