25 Prince of Darkness

WALA SA SARILING binagsak ni Lexine ang gym bag sa sahig at tinapon ang sarili sa malambot na kama. Pinikit niya ang mga mata. Hindi maalis sa isipan niya ang mga nangyari. Nabuo ulit ang mga luha sa kanyang mata. She feels so lost. She doesn't know what to do. Everything feels like a bad dream, and no matter how hard she tries to wake up, she can't escape this endless nightmare.

Natagpuan na lang niya ang sariling tinatawagan ang numero ni Ansell. Matapos ang pangatlong ring ay sumagot ito. "Hey, Lexi, `sup? Napatawag ka?"

Kinagat niya ang labi upang pigilan ang nagbabadyang iyak pero may makulit na hikbi pa rin ang kumawala roon at hindi `yun nakaligtas sa pandinig nito.

"Are you crying? What happened?"

Tuluyan na siyang bumigay at napahagulgol. "Ansell, please come here, please, I need you badly."

"What's happening to you? You're scaring me, where are you?"

"Home."

"Just wait for me, okay? I'm coming there."

Hindi na niya nabilang kung gaano siya katagal na nakahiga lang sa kama habang nakatulala sa kisame. Nagulat na lang siya nang dumating na ang inaantay. Halos hingal na hingal si Ansell nang pumasok sa kanyang kwarto. Naabutan siya nito sa gano'ng posisyon.

"My God, Lexi!" Agad itong lumapit sa kanya.

Nang sandaling nasilayan ni Lexine ang mukha ng best friend sa kanyang harapan ay agad niya itong sinunggaban ng mahigpit na yakap. Akala niya naubos na lahat ng tubig niya sa mata pero nagkamali siya.

"I'm here. It's okay, it's okay, I'm here." Malumanay ang paghagod ng mga kamay ni Ansell sa kanyang likuran. Sa wakas at nakaramdam si Lexine ng kapayapaan.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. Ilang oras lang siyang umiyak nang umiyak. Hindi rin siya kinulit ng binata na magkwento kung bakit at lihim niya `yun na ipinagpasalamat. Hindi nagtagal at nakatulog siya sa mga bisig nito.

***

MALAKAS ang ihip ng hangin at umaalingasaw ang matamis na halimuyak ng mga bulaklak sa kapaligiran ng malawak na kapatagan. Naalala ni Lexine kung nasaan siya: sa paraiso sa kanyang panaginip.

Isang piraso ng puting balahibo ang lumipad sa kanyang harapan. Sinundan niya `yon hanggang sa dinala siya nito sa gitna ng malawak na kagubatan. Napahinto siya nang matanaw ang bulto ng isang lalaki na nakaharap sa dambuhalang puno. Ito ang lalaki sa kanyang panaginip noong isang gabi.

"Sino ka ba talaga? Bakit `di ka magpakilala sa `kin?"

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingala sa malaking puno. `Di napigilan ni Lexine na muling mamangha nang makita uli ang nagliliwanag at kulay gintong mga dahon ng naturang puno. Nakabibighani sa sobrang ganda. Napakahiwaga talaga ng lugar na ito. Nasaan ba talaga siya at sino ang lalaking ito?

"Nagbalik na siya, Alexine," saad ng binata.

"Sinung nagbalik?"

"Ang nilalang na sumagip sa `yo mula sa kamatayan ay ang prinsipe na nagmula sa kadiliman... ang Tagasundo."

Tagasundo? Tumayo ang mga balahibo niya sa sinabi nito. Ngayon niya lang naalala ang tungkol kay Night. Ito na marahil ang dati pa nito sinasabi sa kanyang magbabalik. Siyang tunay nga ang mga babala ng misteryosong lalaki. Subalit, paano nito nalaman ang tungkol doon?

"Si Night ba ang sinasabi mo?"

"Oo, Alexine, siya nga at wala ng iba. Ang makapangyarihang nilalang na nagsusundo at naghahatid sa mga kaluluwa patungo sa kabilang buhay."

Panay ang pag-iling niya. Humakbang siya paatras."No! I'd never let that happen! Hindi niya `ko pwedeng kunin!"

"Makapangyarihan siya. Ano ang laban mo sa kanya?"

Natigilan siya at nanlulumong lumuhod sa damuhan. "Hindi pwede," aniya nang paulit-ulit. Tinakpan niya ang kanyang mukha at tuluyang humagulgol. "Hindi ako papayag... hindi pwede."

Huminto ang nakapaak nitong mga paa sa kanyang harapan. "Huwag kang mabahala, Alexine. Narito ako upang protektahan ka laban sa kanya."

Unti-unting tumingala si Lexine ngunit tanging nakasisilaw na sinag ng araw at anino lang ng mukha nito ang kanyang nakita.

avataravatar
Next chapter