webnovel

DINNER

Kasalukuyan sina Samarra at Zachary nakaupo sa MK lovers park na nakaharap sa malayong dagat ng San Carlos. Inaantay kasi nila ang paglubog ng araw, buhat sa pagtanaw sa malayo ay binalingan ni Zachary si Samarra na nakahilig sa kaniyang balikat saka niya lang napagtanto na nakatulog na pala ito. Mataman niyang tiningnan ang maamong mukha nito at inalis ang mga takas na hibla at inilagay sa punong tainga. Halos nakatingin lang siya sa mukha ni Samarra nang makarinig ng kaniyang cellphone, dinukot niya 'yon sa kaniyang bulsa. Si Mommy Lorraine ang tumatawag.

Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang tawag. "Hello, Mom?"

"Son, ipapaalala ko na dapat nandito na kayo ni Sam before seven o' clock." Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Zachary habang nakatingin sa mukha ni Samarra.

"Mom, baka hindi kami makapunta, kasi nag-date kami ng asawa ko, ito nga at nakatulog na." Nailayo ni Zachary ang cellphone sa kaniyang tainga nang marinig ang matinis na tili ng kaniyang ina.

"Oh, my! Son, nag-date kayo?" Tumango-tango siya kahit hindi naman siya nakikita ng kaniyang Mommy Lorraine.

"Yes, Mom, nakatulog nga si Samarra. Nandito kami sa MK antayin ko lang magising siya Mom tapos pupunta kami 'pag medyo maaga pa,"

"Oh, kung pagod na si Sam 'wag na kayong tumuloy sa bahay umuwi na kayo diretso sa inyo, huh? Naiintindihan mo ba ako Zach?"

"Yes, Mom." Agad na pinatay ni Zachary ang cellphone at inilagay niya uli sa kaniyang bulsa.

Inayos ni Zachary ang ulo ni Samarra para makahilig ito nang maayos. "Sabi mo, sabay tayong manonood ng paglubog ng araw," pagkakausap niya sa tulog na asawa habang nakatingin sa mukha.

"Nasabi ko na ba sa'yo na mas maganda ka 'pag tulog." Ilang minuto pang tiningnan ni Zachary ang maamong mukha ni Samarra bago pinanood ang paglubog ng araw.

Nakaramdam ng ngalay si Samarra sa kaniyang leeg babalewalain na sana niya 'yon kundi lang siya may nararamdaman na tila may humahalik sa kaniyang labi.

"Hmm," impit na ungol niya.

"Wake up, sleepyhead, time to get up," masuyong bulong sa kaniyang tainga na tila isang musika sa kaniyang pandinig.

"Five minutes, please," aniya nang hindi iminumulat ang mata dahil ang totoo inaantok pa talaga siya.

"Love, come on. May dinner pa tayo sa bahay nila Mom." Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagmulat niya ng mata sa sinabi ni Zachary. OMG! Samarra, bakit mo nakalimutan ang dinner, pagalit niyang ani sa sarili.

"Gosh! Are we late now?" Nilingon niya si Zachary habang ang mata niya nagtatanong na rin dito.

"No, we have thirty minutes pa, kaya makakaabot pa tayo sa dinner." Tumingala siya nang tumayo ito at inilahad nito sa kaniya para alalayan siyang tumayo na agad naman niyang tinanggap.

Napalunok si Samarra nang mapansin niya na walang kakurap-kurap si Zachary na nakatingin sa kaniya. Hindi pa ito nakontento ay hinawakan pa ng dalawang kamay nito ang kaniyang mukha at lumapit pa ng husto. Amoy niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa kaniyang ilong.

"B-ba-bakit?" nauutal niyang tanong na medyo ikinaatras niya nang bigla itong yumuko para magpantay ang kanilang tingin. OMG! Is he planning to kiss me?

"What?" paasik niyang tanong nang inilapit pa nito ang mukha sa kaniya na halos gahibla na lang ang layo ng kanilang mukha.

"Love, may muta ka sa mata," pagkasabi nito ay agad na binitawan ang kaniyang mukha at nagpatiuna nang naglakad sa kaniya.

Mabilis pa sa alas kuwatro na kinapa ni Samarra ang kaniyang mga mata, nang walang makapa inis niyang sinundan ng tingin si Zachary na naglalakad papalayo sa kaniya. Agad niyang tinakbo ang kanilang pagitan at walang kaabog-abog na tumalon siya sa likuran nito at nag-piggy ride back dito.

"Whoa! Samarra, matutumba tayo sa ginagawa mo." Awtomatikong inilagay ni Zachary ang dalawang kamay sa mga hita ni Samarra para hindi ito mahulog.

"Pinagti-trip-an mo ako, huh!" ani ni Samarra at kinagat ang tainga ni Zachary.

"Ouch! Ara, stop. Baka mahulog ka," pagsasaway ni Zachary sa kaniya ng akmang uulitin niya uli ang pagkagat sa tainga nito. Kitang-kita ni Samarra ang pamumula ng buong mukha nito. Luh! Sensitive 'yan?

"Sige na, ibaba mo na ako," ani ni Samarra nang mapansin na tinitingnan sila ng mga taong nakakasalubong nila.

"Sa sasakyan na, tutal naman nand'yan ka na panindigan mo na." ani ni Zachary na bahagya pang tumalon para maiayos ang pagkakabuhat sa kaniya.

"Ibaba mo na ako nakakahiya,"

"Ngayon ka pa nahiya kung kailan malapit na tayo sa kotse, tsk! Ara, mahiya ka kung sa ibang lalaki kang nakasakay." Hindi na nagawang magsalita ni Samarra sa huling sinabi ni Zachary sa kaniya, tila tinamaan siya roon. Tama, wala naman masama kung makita silang magkayakap o magkasamang dalawa dahil sa kasal sila. Wala na naman silang kukunin na gamit dahil nakuha na nila bago sila nagtungo sa MK lover's park.

"Ara, ano? May plano ka bang bumaba o magda-drive akong nasa likod kita?" tila ngayon nagising ang diwa ni Samarra sa tanong ni Zachary. Napapahiyang bumaba siya sa likuran nito at inayos ang laylayan ng kaniyang short.

"See, kung 'yong maigsi 'yang short mo malamang napaaway pa ako sa mga tumitingin sa legs mo," napapalatak na wika ni Zachary habang nakatingin sa kaniya.

"Hmm, alam mo ba 'yong salitang move on?"

"Hindi, kaya 'wag kang lalabas ng bahay natin na maigsi ang short. Are we clear?" Tiningnan niya muna si Zachary bago tumango.

"Okay, good. Pasok na at sana makaabot tayo ng dinner." Inalalayan siya ni Zachary na pumasok sa passenger seat bago nito isinara at umikot sa driver seat.

Habang focus na nagmamaneho si Zachary, si Samarra naman ay tila hindi mapakali sa inuupuan maya't maya niyang sinusulyapan ni Zachary, habang sapo ang dibdib. Pakiramdam niya tuwing tinitingnan niya ito, may kung anong bagay ang nagpapalakas ng kabog sa dibdib niya. Ang mga sweet gesture nito, ang mga nakakalokong ginagawa sa kaniya at ang….? Punishment na kahit wala naman siyang ginagawang masama pero maya't maya siya hinahalikan pero ni isa man lang doon hindi siya tumutol. Shit! Am I in love? No... no... it can't be, OMG! What am I thinking? Ipinilig niya ang kaniyang ulo at napalunok for the last time tiningnan niyang muli ang guwapong mukha ni Zachary bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

Napakunot-noo si Zachary habang sinusulyapan niya si Samarra na tila bang may malalim na iniisip. Gusto man niyang magtanong pero pinigilan na lang niya ang sarili nang makita niyang malapit na rin sila sa mansyon ng kaniyang magulang.

"We're here."

Napasinghap si Samarra nang tanggalin ni Zachary ang kaniyang seatbelt bago ito lumabas para umikot sa kabila.

"Are you sure na hindi pa tayo late?" tanong niya kay Zachary nang makababa siya ng sasakyan. Tumango ito at hinawakan ang kaniyang kamay, iginiya na siya papasok sa loob ng mansyon.

Pagkapasok pa lang nila sa loob ng mansyon sinalubong agad sila ni Mommy Lorraine at Daddy Calvin. Nagmano sila ni Zachary kay Daddy Calvin at niyakap naman siya ni Mommy Lorraine.

"Buti naman at nakarating kayo, sabi ko kay Zach kung napagod ka puwede naman sa susunod na lang." Agad na umiling si Samarra.

"Okay lang po ako Mommy Lorraine at isa pa minsan lang naman po tayong magkakasama sa dinner."

"Tara na, nang makakain na tayong lahat," pag-aaya sa kanila ni Daddy Calvin at hinawakan na nito si Mommy Lorraine samantalang sila naman ni Zachary ay nakasunod lang sa mga ito.

"Oh, Kuya Zek." Awtomatikong napatingin si Samarra sa lalaking nakatayo na may hawak na wine glass. Matiim na nakatingin sa kanila tila bang kanina pa ito naghihintay sa kanilang pagdating.

"What's up." ani Ezekiel at tinapik ang balikat ni Zachary, biglang nakaramdam ng kaba si Samarra nang lumapit ito sa kaniya at tinanggal nito ang sombrero na suot niya.

"Miel, Mukhang nag-enjoy ka sa date niyo?" Napalunok si Samarra sa klase ng pagtatanong sa kaniyang ni Ezekiel. Dahil pakiramdam niya hindi 'yon basta tanong kundi isang pang-uuyam. Hindi niya magawang sumagot dahil hindi niya alam kung paano sasabihin na nag-enjoy siya. Naramdaman na lang ni Samarra na hinapit siya sa baywang ni Zachary kaya ang tingin niya mula kay Ezekiel ay bumaling kay Zachary.

"Love, tinatanong ka ni Kuya bakit ka ba natulala d'yan, hindi mo ba alam kung ano ang sasabihin mo?"

Huh? Ano raw? Nagtatanong ang mata niya habang nakatingin kay Zachary dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong tukuyin.

"Kuya Zek, I think my wife is really hungry, baka kainin ako nito."

Pinisil ni Zachary ang kaniyang balikat at nilampasan na nila si Ezekiel na nakatayo pa rin sa bukana ng dining area. 'Di man magawang tingnan ni Samarra si Ezekiel pero ramdam niya ang pagsunod ng tingin nito sa kaniya.