webnovel

CLINGY

Napakislot si Samarra nang buhat sa kaniyang likuran ay may biglang yumakap sa kaniya. Kahit hindi niya ito lingunin amoy pa lang alam na niyang si Zachary ang yumayakap sa kaniya. Sa nagdaang mga araw at buwan, pansin niya na masyado itong clingy. Nagiging komportable na rin siya sa bisig nito, aminin man niya o hindi, alam niya na may kung anong pakiramdam na ginigising si Zachary sa kaniyang puso. Takot lang siyang pangalanan kung ano ang kaniyang nararamdaman.

"Love, you make me worries, are you okay? You can't sleep? Gusto mo bang umuwi na tayo?" sunod-sunod na tanong ni Zachary sa kaniya habang pinatak-patakan nito ng halik ang kaniyang kaliwang balikat. Ramdam niya ang init ng labi nito kahit pa nakasuot siya ng t-shirt nito.

"Hmm,"

"Gusto mo ba na umuwi na lang tayo?" Umiling siya at tumingala sa buwan na nagsisilbing ilaw nila sa balcony. Kasalukuyan silang nasa mansyon ng Buenavista dahil hindi na sila pinauwi ni Mommy Lorraine.

Hindi niya alam kung bakit balisa siya ng mga sandaling 'yon, dahil ba namamahay siya o dahil sa kaalamanan na nasa kabilang silid lang si Ezekiel. Kanina habang lihim niya pinagmamasdan ito sa hapag-kainan, hindi iilang beses na nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya. Hindi niya mabasa ang tingin nito, blangko lang. Malayo sa Kiel na kilala niya na pilyo at hantaran na pagka-arogante. Kanina isang tanong, isang sagot lang ito, halos hindi rin siya nito kinakausap.

"Halika na, pumasok na tayo sa loob lumalalim na ang gabi," masuyong bulong ni Zachary na medyo lumayo sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay para igiya papasok sa loob ng kuwarto nito. Umupo siya sa kama at huminga nang malalim bago tiningnan si Zachary na lumabas ng kuwarto.

Alam ko wala na akong gusto kay Kiel pero bakit pakiramdam ko nagi-guilty ako sa tuwing nakikita niya ako na kasama si Zachary? Napayuko si Samarra habang kinukutkot ang kuko sa hinlalaki.

Hindi kaya pakiramdam mo lang 'yan Samarra, bakit ka magi-guilty, wala naman kayong relasyon ni Kiel, kontra ng isang bahagi sa isip niya. Napahilamos siya ng kaniyang mukha at pabagsak na dumapa sa kama.

"Hey, are you okay?" Agad na tumihaya si Samarra, kita niya ang salubong na kilay ni Zachary habang nakatingin sa kaniya.

"Yeah." Napapahiyang umayos siya ng upo.

"Here." Napatingala siya sa inabot nito na baso na may laman na gatas. Napapantastikuhan siyang tiningnan si Zachary, bumaba ba siya para kumuha ng gatas para sa akin? Napalunok siya sa kaniyang naisip, mula sa mukha ni Zachary bumaba muli ang kaniyang tingin sa hawak nitong baso.

"Ara, iniinom ito, hindi tiningnan,"

"Sorry, salamat." Inabot niya ang baso at ininom 'yon, pakiramdam niya sa bawat lagok niya ng gatas hindi inaalis ni Zachary ang tingin sa kaniya.

"Easy," ani ni Zachary nang masamid siya at hinagod-hagod pa nito ang kaniyang likod.

"Alam kong guwapong-guwapo ka sa akin pero hindi mo naman kailangan masamid ng ganiyan," natatawang biro nito sa kaniya habang patuloy nito hinahagod ang kaniyang likod.

Hindi magawang kontrahin ni Samarra ang sinasabi nito dahil nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ito. Gusto na ba kita? Wala sa loob na umangat ang kaliwang kamay niya at hinawakan ang pisngi nito. Ang kaniyang hintuturo ay inilapat niya sa labi nito na naging dahilan ng pagtigil nito sa pagtawa.

Napalunok si Zachary habang mataman niyang tinitingnan si Samarra habang nakalapat ang hintuturo nito sa kaniyang labi. Ang kaniyang pagtawa kanina ay natigil nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang pisngi. Nagkatitigan sila at tila ang mga mata nila ay nangungusap, ang mata niya ay unti-unting bumababa ang tingin sa labi nitong bahagyang nakaawang.

Hindi magawang alisin ni Samarra ang tingin sa mukha ni Zachary lalo na at unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kaniya. Hindi niya magawang ibaling sa iba ang tingin niya, dahil kusang ipinikit niya ang mga mata at naghihintay sa susunod na mangyayari.

Hindi pa man nailalapat ni Zachary nang tuluyan ang kaniyang labi sa labi ni Samarra. Naagaw ang kanilang atensyon sa sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto. Pareho pa silang nagkatinginan ni Samarra bago ibinaling nilang pareho ang tingin sa pintuan.

"Sino ang kumakatok?" Nagkibit-balikat si Zachary sa tanong ni Samarra. Bago siya tuluyang tumayo ay inayos niya muna suot na t-shirt ni Samarra.

Sinundan ni Samarra ng tingin si Zachary habang hinahayon nito ang pinto na walang tigil sa pagkatok.

"Oh, Kuya, ikaw pala." Narinig ni Samarra na wika ni Zachary nang buksan nito ang pintuan. Agad nagtagpo ang kanilang tingin ni Ezekiel nang sumilip ito sa kanilang kuwarto.

"Come on, Zach, let's drink." Naningkit ang mata ni Samarra sa narinig at tiningnan niya ang relo na nasa taas ng headboard ng kama pasado alas onse na ng mga oras na 'yon.

Agad na lumingon sa kaniya si Zachary na tila bang nagpapaalam sa kaniya, bahagya siyang ngumiti at tumango.

"Kuya, sunod na lang ako." Kita ni Samarra na mula sa kaniyang kinauupuan ay tumango si Ezekiel at tumalikod ito. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang maisarang muli ni Zachary ang pintuan.

"Mauna ka ng matulog, sandali lang ako." Napigil pa ni Samarra ang kaniyang paghinga nang buhatin siya ni Zachary at dahan-dahan na inilapag ng maayos sa kama.

"Promise, sandali lang ako," ani ni Zachary bago hinila nito ang comforter.

Hindi alam ni Samarra kung anong oras siya nakatulog basta nagising na lang siya ng alas tres ng madaling araw katabi na niya si Zachary sa kama. Agad siyang sumiksik sa katawan nito at hinila ang isang braso nito at inilagay sa kaniyang baywang.

Isang masusuyong halik sa labi ang nagpagising sa umaga ni Samarra. "Hmmm," ingos niya at dumapa siya at isinubsob ang mukha sa unan.

"Ara, wake up." Pagyugyog ni Zachary sa balikat niya.

"Thirty minutes," aniya at hinila ang comforter at itinalukbong niya hanggang ulo.

"Ah, ayaw mong bumangon, huh."

Napasinghap si Samarra nang may gumapang na kamay sa kaniyang hita. Mabilis niyang inaangat ang ulo at inalis ang comforter. Kitang-kita niya ang pilyong ngiti ni Zachary habang ang kamay nito ay itinaas ang hem ng kaniyang suot na t-shirt.

"Stop, Cadden." Pigil niya ang isang kamay nito na akmang papasok na sa loob ng kaniyang t-shirt.

"Babangon ka na ba o hindi?" pagbabantang tanong ni Zachary na hindi inaalis ang tingin sa kaniya habang isang kamay nito ay humawak sa kaniyang baywang.

"Oo na, babangon na." Natatarantang lumayo siya ng kaunti kay Zachary.

"Nagbago na pala ang isip ko, 'wag na tayong lumabas." Mabilis hinila ang kaniyang paa at dumagan ito sa kaniyang katawan. Napalunok siya ng maramdaman niyang nang may tumama na matigas na bagay sa kaniyang hita.

"Ohh," hindi mapigilan ni Samarra na lumabas sa kaniyang bibig nang idiin ni Zachary ang pang ibaba nito sa kaniya. Feeling niya magkakalagnat siya sa sobrang init ng kaniyang nararamdaman.

"C-cadde-" hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin nang hagkan ang kaniyang labi habang patuloy ang pagkiskis nito sa kaniya. Ang dahan-dahan na kilos nito ay unti-unting bumibilis na animo'y may ritmo ang bawat galaw. Napakapit si Samarra sa unan nang pinaghiwalay ng husto ang kaniyang hita at mas lalong ikiniskis ni Zachary ang ibaba sa kaniya. Mas mabilis at ramdam niya ang katigasan nito kahit pa nakasuot ito ng boxer.

"Fuck! I'm so hard and I can't stop myself anymore,' hinihingal na wika ni Zachary na tila katulad niya namumula na rin ito at mas lalo pang iginiit nito ang sarili sa kaniya. Nanlalaki ang mata ni Samarra nang may parang lumabas na sa kaniya.

"You're already wet and ready, and as much as I wanted to get inside to you now, isn't the time," nahihirapang wika ni Zachary habang hindi pa umaalis sa kaniyang ibabaw katulad niya habol ang paghinga nito. Mga ilang minuto ay tumayo na ito, ganoon na lang pagsinghap niya ng buhatin siya ni Zachary at dinala sa CR.

"Don't stare at me like that, Ara, baka hindi na ako makapagpigil ako na magpapaligo sa'yo." Mabilis na nagbawi ng tingin si Samarra at tumalikod, pakiramdam niya pangangapusan siya ng hininga sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ni Zachary.