webnovel

ANIME

Kanina pa pinagmamasdan ni Zachary si Samarra mula sa 'di kalayuan. Kitang-kita niya ang ginawa nitong pagsipa sa maliit na bato. Naaaliw siyang tingnan si Samarra, nakakunot na ang noo nito habang ginagalaw ang paa na tila bang may isinusulat sa lupa. Naiiling siyang naglakad palapit kay Samarra.

"Walang kalaban-laban 'yang bato pero pinagsisipa mo pa rin."

Mula sa pagkakayuko ay napabaling ang tingin ni Samarra kay Zachary inis niya itong nilapitan at hinampas ng bag na dala.

"Sabi mo bago mag-isang oras dapat nandito na, tapos ikaw pala ang mali-late,"

"Whoa, easy bumili lang ako ng cap." Sabay angat ni Zachary ng sombrero, hindi maiwasan ni Samarra ang mapasinghap nang ayusin ni Zachary ang buhok niya bago isinuot ang cap sa kaniyang ulo.

"Ayan, sobrang ganda mo talaga, tara, pa-picture na tayo, Love." Bumaba ang tingin ni Samarra sa magkasiklop na kamay nila ni Zachary. Hindi alam ni Samarra kung bakit lumalakas ng tibok ng puso niya tila bang may naghahabulan na daga sa loob nito. Gosh! Bigla niyang tiningala si Zachary. Gusto na ba kita?

Napatigil sa paglalakad si Zachary nang mapansin niya si Samarra na titig na titig sa kaniya habang naglalakad sila.

"Hey, we're here to enjoy hindi para titigan mo ang kaguwapuhan ko." Pinisil niya ang palad ni Samarra.

"Duh! Cadden, how conceited of you.' She rolled her eyes.

"Ara." Namilog ang mata ni Samarra nang salubungin ni Zachary ang labi niya ng labi nito. Smack lang pero nawindang ang puso niya sa nangyari.

"Ayan, huwag ka ng magsungit, first date natin kailangan mag-enjoy lang tayo."

Napapantastikuhan na tiningnan ni Samarra si Zachary na nagpatiuna sa paglalakad habang hawak ang kaniyang kamay. Napakagat sa labi si Samarra at binilisan ang paglalakad para magpantay sila ni Zachary.

"Cadden, 'yong bag ko mabigat." Walang salita na kinuha ni Zachary ang bag ni Samarra.

"Punta muna tayo sa deposit locker para ilagay ang mga gamit natin, saka tayo magpa-picture sa photobooth na 'yan." Agad na sinundan ng tingin ni Samarra ang tinuturo ni Zachary sa kaniya. Bakit sila magpa-picture pa sa booth puwede naman sa cellphone? Gusto man niyang sabihin kay Zachary 'yon ngunit hindi na lang niya itinuloy.

Nang makarating sila sa MK deposit locker agad na ibinigay ni Zachary ang mga bag na dala nila ni Samarra. Bigla siyang napalingon sa likuran kung saan nagpaiwan si Samarra, kita niya na may lumapit na mga lalaki sa kinaroroonan nito. Lalong napakunot ang kaniyang noo nang makita na kilala kung sino ang grupo na lumapit sa kaniyang asawa.

"Miss, puwede bang pakibilisan," aniya sa staff na babae habang hindi niya inaalis ang tingin sa asawa. Kita niya na itinaas ni Samarra ang kamay na may suot na singsing at itinuro siya. Agad naman siyang tumalikod at nagpatay malisya sa nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Samarra sa mga 'yon.

Nang maibigay na sa kaniya ang susi dali-dali siyang lumabas para puntahan si Samarra na ngayon ay nag-iisa na uli.

"Nakita kita may kausap na lalaki,"

"Ah, tinanong lang ako kung anong pangalan ko at sobrang ganda ko raw." Napakunot-noo si Zachary sa sinabi ni Samarra wari niya hindi ito aware kung gaano ito kaganda.

"Naniwala ka naman?"

"Tss, s'yempre hindi at isa pa sinabi ko na may asawa na ako." Lihim na napangiti si Zachary sa sinabi ni Samarra hindi niya aakalain na may tatanggi sa grupo nila Elijah Carson mga basketball player sa university nila. Ang lumapit kay Samarra kanina si Wesley Hughes ang team captain. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng saya dahil never siyang itinanggi ni Samarra sa lahat at never nitong nag-deny sa totoong status nito sa buhay.

"Huy, ano na?" untag ni Samarra kay Zachary dahil kanina niya pa ito pinagmamasdan na nagpipigil ng ngiti.

"Tara na." Inakbayan siya ni Zachary at hinayon nila ang photobooth na nadaanan nila kanina, talagang desidido na magpapa-picture sila ni Zachary.

Inalalayan siya ni Zachary papasok sa loob ng photobooth, nang makapasok ay agad silang umupo at naglagay ng token si Zachary.

"Love, ready?" Namilog ang mata niya nang hawakan ni Zachary ang kaniyang baba at hinagkan siya sa labi, bago pa siya makapag-react ay nag-flash na ang camera. Hindi pa siya nakakabawi pinaharap siya sa camera habang hawak pa rin ang kaniyang baba at ang isang kamay nito ay nakaakbay sa kaniya sunod na hinagkan nito ang kaniyang pisngi. Pagkatapos mag-flash inis niyang tinanggal ang pagkakahawak sa baba niya nang aambahan niya ng suntok ay biglang nag-flash ang camera. Bigla siyang natigilan at hinila na naman siya ni Zachary paupo sa hita nito. Sunod-sunod ang flash ng camera.

"Ayan, tapos na." Lumabas si Zachary sa kaniya sa loob ng booth at walang tigil nakakatawa habang hawak nito ang kanilang picture.

"Love, look nakakatawa mukha mo rito, gulat na gulat ka." Ipinakita pa sa kaniya kung gaano siya ka gulat sa picture. Halos lahat ata ng kuha niya wala sa ayos, samantalang ito ang gaganda ng kuha.

"Hinding-hindi na talaga ako magpapa-picture kasama mo." Pagmamaktol niya at tinanggal ang sombrero na suot at inihampas niya sa likod nito. Tawa nang tawa si Zachary sa ginagawa ni Samarra tila isa itong bata na hindi napagbigyan.

"Love, ang cute mo nga rito mukha kang anime. Oh, tingnan mo." Ipinakita nito ang picture niya kung saan nakakandong siya sa hita nito.

"Tsk, ano cute d'yan, nakikita mo ang mukha ko parang laging gulat sa laki ng mata." Inis niyang itinuro ang mukha niya sa picture na hawak nito.

"Hindi ah, ang cute mo nga rito at isa pa sobrang ganda mo." Sinamaan niya ng tingin si Zachary na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa kaniya. Bakit parang napapansin niya na parang gumaguwapo si Zachary sa paningin niya. Agad na ipinilig ni Samarra ang kaniyang ulo sa naisip.

"Halika na, sasakay na tayo ng ride. Ano gusto mong unahin?" Napangisi si Samarra sa naisip nang tanungin siya ni Zachary kung saan sila sasakay. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila kung saan niya gustong sumakay.

"W-wait... are you serious? D'yan tayo sasakay?" pagkuwan na tanong ni Zachary nang huminto si Samarra sa Incredible Attack isa itong giant roller-coaster.

"Why? Are you scared?" Napalunok si Zachary sa tanong ni Samarra. Siya takot? Hindi siya takot pero ayaw niya ng mga extreme rides.

"No, pero hindi naman sweet d'yan sa Ferris Wheel na lang tayo." Hinawakan na niya ang kamay ni Samarra para umalis na sila sa pilahan ng Incredible Attack.

"Dito na tayo, later na 'yang Ferris Wheel mo." Wala nang nagawa si Zachary nang hilahin na siya ni Samarra papasok sa loob ng gate ng roller-coaster.

"Oh, my gosh! This is it." Hindi mapigilan ni Zachary na yakapin si Samarra, kita niya sa mukha nito ang sobrang saya at excited.

"Love, you are so excited," natatawang bulong niya kay Samarra habang nakaupo sila sa roller-coaster.

"Gosh! Cadden, I'm so happy, gustong-gusto ko nang makasakay sa ganitong rides,"

"Really? I mean hindi ka ba nakakapunta sa ganito?"

"Nakapunta na, pero bata pa ako kaya hindi rin naman ako pinayagan na sumakay sa mga ganitong ride." Tumango-tango si Zachary sa sinabi nito sa kaniya, ngayon nauunawaan na niya kung bakit excited ito sa roller-coaster na kabaligtaran niya. May acrophobia kasi siya especially sa ride.

Habang si Samarra tuwang-tuwa si Zachary naman hindi na niya alam kung ilang beses niyang pinigilan ang kaniyang sarili na masuka. Kaya naman pagkababa pa lang niya ay agad siyang tumakbo sa malapit na CR.

"Cadden, are you okay?" Napakunot-noo si Zachary habang nakayuko sa lababo ng CR.

"Anong ginagawa mo rito? Sana inantay mo na lang ako sa labas, nakita mo ba ang sign sa labas? Male ito,"

"O, eh, ano naman? And beside walang tao, sumunod ako sa'yo kasi nag-aalala ako. Bakit 'di mo kasi sinabi na may phobia ka sa ride?"

"Wala akong phobia," kaila niya nang makita niyang nagpipigil nang tawa si Samarra.

"Anong wala, nakikita mo ba sarili mo ngayon? Naku! Sinasabi ko sa'yo 'wag kang hahalik sa akin 'pag 'di ka nag-toothbrush." Napangisi siya sa sinabi ni Samarra, kailangan pa talaga siya paalalahanan na kailangan niyang mag-toothbrush.

"Ara?"

"What?"

"Lumabas na tayo baka may biglang pumasok pa rito sa loob, baka isipin nag-make out pa tayo rito sa loob ng CR." Natatawang inakbayan niya si Samarra palabas ng CR, kita sa mukha nito na clueless sa ibig niyang tukuyin. Damn! My sweet Ara.