9 Chapter 9

"May problema ba?" Takang tanong ni Axel. "Yes! And it requires the both of us." Sagot ni Dani. "Tell me." Sabi ni Axel. Bumuntong hininga si Dani. "May nag-upload ng pictures natin sa social media and as what you have said, you're a known figure. They dug more about the story at hindi ko alam kung paano nila nakuha ang informations ko. Hindi nagawan ng paraan ni Dion dahil sinabi ni Dad na wag ng alisin and I don't know why. Aubrey already booked our tickets for tomorrow. We have to go back sa Manila for public appearance." Sabi ni Dani ngunit nainis siya ng makitang ngiting ngiti si Axel.

"Ang saya mo ah." Inis na sabi ni Dani. "Of course, our relationship will be announce publicly. I'll be the happiest man on earth kasi prinsesa ng PGM ang girlfriend ko and they will really admire you." Sabi ni Axel na ikinapula ng mukha ni Dani.

Biglang nag-ring ang telepono ni Axel. "Kuya! Ano bang ginawa mo? Nasaan si Dani?" Tanong ni Sydney na halata ang pag-aalala. "Kasama ko siya and we're eating." Sagot ni Axel. "Wag muna kayong umuwi. Ang daming reporters sa labas ng The Residences." Sabi ni Sydney. "Sila Jax at Roco?" Tanong ni Axel. "Nandito pa sila. Sasamahan daw nila ako." Sabi ni Sydney. "Ok, don't worry, mahigpit ang security ng condo. Sa likod kami dadaan. Pakisabi kay Jax, intayin kami sa likod." Sabi ni Axel. "Ok, kuya, wag mong pabayaan si Dani ha? Uupakan kita pagnasaktan siya." Bilin ni Sydney. "Ok, I'll take care of her. Bye!" Sabi ni Axel.

"Nasaan daw sila?" Tanong ni Jax. "Kumakain daw sila. Sabi nga pala ni kuya, sa likod daw sila dadaan kaya intayin mo sila doon." Sabi ni Sydney at tumango si Jax pagkatapos ay bumaba na ng building.

"Teka, paano kung meron din mga reporters sa likod?" Tanong ni Sydney. "Sa underground parking dadaan ang kuya mo and meron ng elevator doon na deretso na dito." Sagot ni Roco. "Ah, ok." Sabi ni Sydney.

Tinapos na ni Axel at Dani ang dinner at handa na silang umuwi ng bumukas ang pinto ng private room at pumasok ang waiter.

"Mr. Monteclaro, may mga reporters po sa labas at iniintay nila kayong lumabas. Napigil lang po ng mga guards. Mas mabuti po sana kung sa back door na kayo dumaan." Sabi ng waiter. Bumuntong hininga na naman si Dani. "Ano ba tong napasok ko?" Sabi niya sa sarili.

"Ok, sige, salamat." Sabi ni Axel. "Let's go." Sabi niyang muli at hinawakan na niya ang kamay ni Dani. Gusto sanang bumitiw ni Dani kaso mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Axel.

Paglabas nga nila ng VIP room ay nagsitakbukan na palapit sa kanila ang mga reporters at walang nagawa ang mga guards para pigilan ang mga ito. Napalibutan si Axel at Dani ng mga reporters. Niyakap ni Axel si Dani para hindi ito masaktan.

"Axel, siya na ba ang kapalit ni Britney? Siya nga ba si Daniella Monteverde, ang tagapagmana ng PGM? Paano kayo nagkakilala? Matagal na ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ng mga reporters sa dalawa.

Nabigla si Dani sa mga reporters dahil hindi siya sanay sa ganitong bagay pero mas ikinagulat niya ang pagyakap sa kanya ni Axel. Dapat ay magalit siya pero iba ang naramdaman niya, safety.

"Ok, guys, isa-isa lang ng tanong. Let's sit first saka wag ninyong takutin ang girlfriend ko." Sabi ni Axel na ikinatawa ng mga reporters. Sinenyasan ni Axel ang mga crew na ayusin ang mga silya para makaupo ang lahat ng maayos.

Hinarap ni Axel sa kanya si Dani habang nakayakap pa din siya sa babae. Ngumiti si Axel kay Dani ng makita ang worry sa mukha nito. Kinikilig naman ang mga reporters sa nakitang sweetness ni Axel kay Dani. First time nilang makita ang ibang side ni Axel. Dati, hindi ito ganito ka-sweet sa mga naging girlfriend niya. Ibang-iba ang Axel na kaharap nila ngayon.

"We'll have our mini public appearance here." Bulong ni Axel kay Dani. "Hindi mo kailangan sagutin lahat ng tanong. Just be yourself." Patuloy ni Axel. "Kinakabahan ako. Ikaw kasi eh!" Sabi ni Dani na ikinangiti ni Axel. "Relax, I'm here." Sabi ni Axel at hinalikan ang noo ni Dani. Nagulat si Dani pero nakalma siya ng halik na yun. Lalo naman kinilig ang mga nakapaligid sa kanila. Pati ang mga crew ng restaurant at ibang mga customers ay kinilig din.

"Good evening to all of you. I hope this interview will clear things up. But tomorrow will have our official public appearance in Manila." Sabi ni Axel. "I want you to meet my girlfriend, Daniella Monteverde." Sabi ni Axel na nakatingin kay Dani. Nanlalamig naman ang kamay ni Dani pero ng hawakan ni Axel ang kamay niya ay nakaramdam siya ng security sa mga hawak nito.

"Jax, akyat ka na dito. May interview yung dalawa." Sabi ni Roco sa cellphone kaya dali dali naman pumasok si Jax sa condo. Nang dumaan siya sa lobby ay nakita nga niya sa malaking television ang dalawa. Halos lahat ng tao sa loob ng condo, lalo na ang mga reporters ay nakatutok dito. Pumasok na ng elevator si Jax paakyat sa penthouse ni Axel.

"Mahal, ang anak mo!" Sabi ni Esther kay Arthur na nasa kusina at umiinom ng kape. Dali dali namang lumapit si Arthur sa sala at umupo sa tabi ni Esther. "Naipit na sila sa situation kaya siguro naisip na ni Axel na magsalita." Sabi ni Arthur na nakatingin sa screen ng television. Halata sa mag-asawa na nag-aalala sila kay Dani. Sa wakas ay kilala na ang anak nila sa buong Pilipinas ngunit may kaba silang naramdaman. "Kailangan sigurong magkaroon ng bodyguards ang dalawa lalo na si Dani." Sabi ni Esther sa asawa. Tumango lang si Arthur. "Pag-uusapan namin ni Benjamin bukas." Sagot ni Arthur.

"Naku, Darling, buti na lang at ang anak ni Esther ang nakabihag kay Axel." Tuwang sabi ni Eleonor habang nakaharap din sa television. "Pero halata sa kanya na hindi siya sanay sa mga reporters." Sabi ni Benjamin. "Di ba sabi ni Esther tinago ni Dani ang kanyang identity sa mga tao." Sabi ni Eleonor. "Oo nga kaya lang nakilala niya si Axel kaya tiyak na magugulo ang dating tahimik niyang buhay." Sabi ni Benjamin. "Pero ang saya-saya ko talaga. Sa wakas, titino na din si Axel at magkakaroon na tayo ng mga apo." Sabi ni Eleonor na excited. Naiiling naman Si Benjamin.

"Good evening to all you. I'm Daniella Monteverde. Pasensya na kayo, hindi kasi ako sanay sa mga ganitong situation. For your information, I hid my identity to all you because I want my freedom, yung makakagalaw ako ng walang nagbabantay but sad to say, Mr. Monteclaro, I mean my boyfriend, was part of your world kaya I need na masanay na din. But, please, give us also some privacy if we needed it." Sabi ni Dani na ikinangiti ni Axel at mga reporters.

"Miss Dani, totoo bang ikaw ang nag-iisang anak nina Mr. and Mrs. Arthur Monteverde, ang may-ari ng Plaza Galleria Mall?" Tanong ng isang reporter. "Yes, I am." Sagot ni Dani at ang mga tao at napa-WOW. "Paano kayo nagkakilala ni Axel?" Tanong ulit ng isang reporter. Tumingin si Dani kay Axel. "We've met a few days ago and it was love at first sight." Sabi ni Axel. Namula si Dani at kinilig naman ang mga tao.

"I should thank my sister kasi siya ang nagsama kay Dani sa penthouse ko. She had a convention here and she stayed at my house. When I first saw her she was sleeping like an angel but when she woke up and saw me, she became a lady gangster." Kwento ni Axel. Namula na naman si Dani ng maalala niya kung ano ang ginawa niya kay Axel. Natawa naman ang mga reporters. "I'll continue my story tomorrow." Sabi ni Axel na tumingin kay Dani at kumindat. "So, I hope we satisfied your thoughts for a little. We'll continue our love story tomorrow." Sabi ni Axel at hinawakan na si Dani para makalabas. Hahabulin pa sana sila ng mga reporters pero napigil na sila ng mga guards at crew ng restaurant.

avataravatar
Next chapter