8 Chapter 8

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Sydney. "Drag racing!" Maikling sagot ni Dani. "Aaannnooo!?" Gulat na tanong ni Sydney. "Nakikipagkarera ka?" Nakangiting sagot ni Dani. "At tatlo lang kayong nakakaalam. Ikaw, si Aubrey, at si Cleo." Sabi ni Dani. "Dami mo talagang sikreto sa buhay!" Sabi ni Sydney na ikinatawa ni Dani.

"Saan ang kuya mo?" Tanong ni Dani ng paglabas nila sa kwarto ay hindi niya ito makita. "Nako, may pupuntahan din daw siya." Sagot ni Sydney. "Ah, sige, magtaxi na lang tayo." Sabi ni Dani at umalis na sila ng bahay.

Hindi nagtagal ay nakarating na ang dalawa sa address na binigay Phoebe. Pagkababa naman ng taxi ay nakita nila agad si Phoebe na kasama ang mga kaibigan nito.

"Dddaaannniii!" Tili ni Phoebe. Lumapit si Dani at pinakilala si Sydney.

"Dalawa lang kayong maglalaban ngayon. Pambato daw ng Davao ang kalaban mo." Sabi ni Phoebe na nagpataas sa kilay ni Dani. "Nasaan na ang sasakyan ko?" Tanong ni Dani. "Ako pa ba?" Sabi ni Phoebe at itinuro ang ang isang kulay puting Bugatti Veyron. "Wow!" Sabi ni Sydney na nakanganga ang bibig.

Nakaupo si Axel sa harapan ng kanyang kulay itim na Hennessey Venom GT at iniintay ang magiging kalaban niya. Nang lumingon siya sa katabing kotse ay nakita niya agad si Dani. "Don't tell me, ikaw ang kalaban ko?" Nakangiting sabi ni Axel sa sarili. Nakita din ni Jax at Roco si Dani. Kinatok ang salamin ng kotse ni Axel na agad naman binaba ng huli.

"Pare, look who's here." Sabi ni Jax. "Mukhang siya ang panlaban ng kabila ah." Sabi ni Roco. Hindi sumagot si Axel. Bumaba siya ng kanyang kotse at lumapit sa grupo nila Dani.

Nakatalikod si Dani kaya hindi niya agad nakita ang papalapit na si Axel. "Kuya?" Gulat na sabi ni Sydney. "Oh, Mr. Monteclaro. It's nice to see you again." Sabi ni Phoebe. "Ito pala ang sinasabi mong exciting my princess." Sabi ni Axel na nakangiti kay Dani. "Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Phoebe. "Kuya ko siya." Sagot ni Sydney. "Oh, I see. No need for formal introduction na pala." Sabi ni Phoebe. Si Dani naman ay umirap kay Axel dahil sa pagtawag sa kanya nito ng "my princess".

"So, alam mo ba kung anong rule ng racing na to?" Tanong ni Axel na nakatingin kay Dani. "Dan, no cash involve dito, hindi tulad sa Manila na pera ang prize ng mananalo. Dito kung sino ang mananalo, siya ang pipili ng prize na gusto niya." Paliwanag ni Phoebe. "Like?" Tanong ni Dani. "You're car, even money can do, but if I want to, I could ask for your body." Sabi ni Axel. Namula naman si Dani. "Hindi akin ang sasakyan na yan. At never kong ibibigay sayo ang sarili ko noh! Pera na lang." Sabi ni Dani. "Then, you better win against me, my princess." Sabi ni Axel na nakangiti kay Dani. Umirap naman si Dani at sumakay na ng sasakyan.

"Sure ka na ba, Dan?" Tanong ni Sydney. "Wala na kong magagawa. Di na ko pwedeng magback out. Lalo akong iinisin ng kuya mo." Sagot ni Dani. "Dan, sorry, kala ko kasi friendly competition lang 'to eh mukhang like ka ni Mr. Monteclaro." Sabi ni Phoebe. "Sabagay, pagnatalo ka at hingin ni Kuya ang katawan mo, mabubuntis ka tapos magpapakasal kayo tapos sister-in-law na tayo!" Nakatawang sabi ni Sydney. "Get lost!" Inis na sabi ni Dani at pinaardar na niya ang sasakyan.

"Ngayon lang ako kinabahan ng ganito ah." Sabi ni Dani sa sarili. Matagal na siyang sumasali sa drag racing sa Manila at si Phoebe ang nagsisilbing manager niya. Lagi naman siyang nananalo at ang pera ay binibigay nila sa mga ampunan. "Bahala na nga!" Muling bulong niya. Nagulat siya ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse at yun ay walang iba kundi si Axel.

"See you at the finish line, my princess." Sabi ni Axel na nagpa-usok ng ilong ni Dani.

Sigawan ang maririnig sa paligid ng lugar. Lahat ay excited kung sino ang mananalo. Lahat sila ay tumabi para bigyan daan ang dalawang kotseng maguunahan hanggang dulo.

Itinaas na ang flag. Pinagrebolusyon na ang mga sasakyan. "Ready! Get set! At binaba na ang flag, hudyat na simula na ang karera.

Kabado si Dani samantalang si Axel ay kalmado lang. Hindi nagkakalayo ng bilis ng kanilang mga sasakyan. "Hindi na masama." Sabi ni Axel sa sarili. "Kailangan kong manalo. Mokong na 'to, baka mamaya, katawan ko nga hingin kapalit ng pagkapanalo niya." Sabi ni Dani na pinabilis pa ang kanyang takbo at natuwa naman siya ng maunahan niya si Axel pero sandali lang ito dahil muling tumapat sa kanya ang kotse ni Axel.

Malapit na sila sa finish line. "Sorry, my princess, pero ako na ang panalo." Sabi ni Axel at pinatakbo na ng mabilis ang kanyang kotse at naiwan na si Dani.

Ngiting-ngiti si Axel ng bumaba ng sasakyan. Kinamayan siya ng mga tao na lumapit sa kanya. Si Jax at Roco ang huli. Nilapitan naman ni Phoebe at Sydney si Dani na hindi pa bumababa ng sasakyan. Kinatok nila ang bintana at saka pa lang bumukas ang pinto at bumaba si Dani.

Huminga muna ng malalim si Dani at saka lumapit kay Axel.

"So, Mr. Monteclaro, what do you want from me?" Kinakabahang tanong ni Dani. Tiningnan siya ni Axel mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumiti ng ubod ng tamis. "Gwapo ka sana eh kaso ang lakas ng tama mo sa utak. Please naman, wag ang katawan ko, virgin pa ko noh!" Sabi ni Dani sa sarili.

"Be my girlfriend." Sagot ni Axel na ikinagulat ni Jax, Roco, Phoebe, at Sydney pero mas nanaig ang tuwa kay Sydney. Nanlaki ang mata ni Dani. "Mr. Monteclaro...I..." Hindi natapos ni Dani ang kanyanh sasabihin dahil nagsalita si Axel. "Remember, I'm the winner here and I have the right na pumili ng gusto kong prize." Sabi ni Axel. "Fine!" Galit na sabi ni Dani.

"Yes!" Sabi ni Axel at biglang hinila si Dani sa kanyang kotse. "Sandali!" Sabi ni Dani na pilit bumibitaw sa hawak ni Axel. "We'll have our first date." Sabi ni Axel.

"Jax, pakihatid si Sydney sa bahay." Sigaw ni Axel at pinaharutot na ang kanyang sasakyan. "Ang bilis talaga ng kuya mo." Sabi ni Jax. "Sana wag niyang paiyakin si Dani." Sabi ni Sydney. "Wag kang mag-alala, mukang tinamaan ang kuya mo sa isang yun." Sabi ni Roco.

"Saan mo ba ako dadalin?" Inis na tanong ni Dani. "Relax,kakain lang tayo. Nagugutom na ako." Sabi ni Axel sabay tunog din ng tiyan ni Dani. Natawa si Axel. Namula naman si Dani.

Hindi naman nagtagal at dumating sila sa Garden by the Bay. Lumabas si Axel at binuksan ang pinto sa tapat ni Dani.

"Gentleman naman pala mokong na to." Bulong ni Dani sa sarili. Inalalayan siya ni Axel hanggang sa makapasok sila sa loob. Gaya ng naunang restaurant na pinuntahan nila, may naka-reserved ng room na nakapangalan na kay Axel. Nakasunod na sa kanila ang waiter my restaurant. Nagorder si Axel ng kanilang pagkain at pagkatapos ay lumbas na ang waiter.

"Madami siguro 'tong itinatagong babae. Lahat siguro ng restaurant dito sa Davao ay may reserved room para sa bawat isa." Naiiling na sabi ni Dani sa sarili. Nakita ni Axel ang pag-iling ni Dani.

"May problema?" Tanong ni Axel. "Wala." Sagot ni Dani. "By the way, I think kailangan mo ng makipagbreak kay Doin?" Sabi ni Axel. "Dion!" Pagtatama ni Dani. "Ayoko ng may kahati sa'yo. You're only mine." Seryoso sabi ni Axel. Gustong tumawa ni Dani. "Bakla si Dion." Sabi niya sa sarili.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo? I mean, you barely know me. What if may body odor pala ako, mabaho ang paa ko, hindi ako naliligo, mabaho hininga ko." Sabi ni Dani na ikinatawa ni Axel.

"Ang gwapo mo talaga kaso ang mokong mo!" Inis na sabi ni Dani sa sarili.

"Wala ka kahit isa sa mga yun. You're the only heir of PGM and I doubt na di mo inaalagaan ang sarili mo. By the way, bakit ka nagtatago?" Tanong ni Axel na ikinakunot ng noo ni Dani.

"Nagtatago?" Takang tanong ni Dani. "Bakit ayaw mong malaman na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng PGM? Ang anak ng isa sa pinakamayamang mag-asawa sa Pilipinas?" Seryosong tanong ni Axel. "So, na research mo na pala ang buhay ko. Anyway, ayoko ng magulong buhay. Gusto ko ng kalayaan. Ayokong bawat kilos ko ay alam ng mga tao." Paliwanag ni Dani.

Dumating na ang kanilang pagkain. Nilagyan ni Axel ng pagkain ang plato ni Dani. "Sweet..." bulong ni Dani sa sarili.

"Since, you're officially my girlfriend, well, be ready to enter my world." Sabi ni Axel. "Isa lang ang hihilingin ko sayo, Mr. Monteclaro, please, ang tagal kong iningtan ang identity ko, kaya sana huwag mo kong isama sa kalokohan mo." Seryosong sabi ni Dani. "I can't promise that. Everyday nasa social media and gwapo kong mukha." Sabi ni Axel na nakangiti. Umikot ang mata ni Dani. "Yabang!" Bulong ni Dani na nadinig naman ni Axel at ngumiti ito.

Habang kumakain sila ay tumunog ang cellphone ni Dani.

"Dddaaannniii! Kakaayos ko lang ng problema mo nung isang araw, bakit may bago ka na naman at mas malaki pang problema dahil buking ka na!" Tili ni Dion.

"Calm down, Dion. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Sabi ni Dani na ikinasingkit ng mata ni Axel dahil narinig niya ang pangalang Dion.

"Daniella, you're all over social media. Magkasama kayo ni Axel. Ano bang pinaggagagawa mo diyan sa Davao?" Tanong ni Dion. "As I have said, my business proposal ako with Axel. They're planning to have a branch ng Karozza at PGM." Pagpapaliwanag ni Dani. "Pero hindi iyon ang nakalagay sa caption. Read it and you'll see. Anyway, tumawag si Uncle and told me wag kong tatanggalin ang item nyo ni Axel." Sabi ni Dion. "Si dad? Bakit?" Takang tanong ni Dani. "I don't know darling." Sagot ni Dion. "Ok, thanks for the info. See you next week. Bye!" Sabi ni Dani.

Pagtingin ni Dani kay Axel ay gusto niyang matawa ng malakas. Para itong nakainom ng isang timbang suka sa asim ng mukha.

"Di ba sabi ko sa'yo ay makipagbreak ka na kay Doin." Seryosong sabi ni Axel. "Dion is her name." Sagot ni Dani. "I don't whatever her name is! Wait! Her?" Takang tanong ni Axel. Natawa na si Dani. "Yes, bakla si Dion. At ikaw ang gusto niya." Nakatawang sabi ni Dani.

Bago pa makapagsalita si Axel ay tumunog ulit ang cellphone ni Dani.

"Aubrey..." Sabi ni Dani. "Daniella!" Sigaw ni Aubrey. "Yeah, I know, kausap ko si Dion kanina." Sabi ni Dani. "I already booked two tickets for you and him." Sabi ni Aubrey. "Him?" Takang tanong ni Dani. "Opo, madam. Yung lalaking kasama mo sa picture." Sabi ni Aubrey. "Sabi ni President kailangan umuwi kayo bukas to have your public appearance at i-announce kung ano man ang relasyon ninyong dalawa." Patuloy ni Aubrey. Nagbuntong hininga si Dani. "Ok, bye!" Sabi ni Dani.

"I've already entered your chaotic world, Mr. Monteclaro." Sabi ni Dani na bumuntong hininga ulit. Nagtataka lang nakatitig si Axel kay Dani.

avataravatar
Next chapter