webnovel

Chapter 10

Pagkatapos ng mini interview ay dumiretso si Axel at Dani sa penthouse. Pagkapasok ni Axel sa underground parking ay agad silang sinalubong ni Jax.

"Kamusta sa taas pare?" Tanong ni Axel. "Lalong naghigpit ang The Residences lalo't nalaman nila na dito nag-stay si Dani." Sagot ni Jax. Nangiti si Jax ng makita na magkahawak ng kamay ang dalawa. Pumasok na ang tatlo sa elevator paakyat sa penthouse ni Axel.

"Dan! Ok ka lang?" Sabi ni Sydney pagkakita sa kaibigan. Tumango lang si Dani. "Syd, samahan mo na si Dani sa kwarto ng makapagpahinga na siya." Sabi ni Axel. "Ok, kuya." Sagot ni Sydney at inakay na si Dani.

"Axel?" Tawag ni Dani. "Yes, Dan?" Sagot ni Axel na napakasarap pakinggan sa tenga ni Dani. "4 am ang flight natin tomorrow." Sabi ni Dani. "Ok, you should rest." Sabi ni Axel at tumango lang si Dani.

"Kayo munang bahala sa Karozza. We need to go to Manila tomorrow para sa press conference. Doon ko na din kausapin si Uncle about sa pag-open natin ng branch sa PGM." Sabi ni Axel. "Ok, pare, don't worry, kami na bahala." Sagot ni Roco.

"So, what's the plan?" Tanong ni Jax. "Sa ngayon, wala pa pare. Pareho pa kami ni Dani na nangangapa. Bilis ng pangyayari eh." Sabi ni Axel. "Oo nga, whirlwind romance ang nangyari sa inyo." Sabi ni Roco. "Seryoso ka na ba kay Dani?" Tanong ni Jax. Natahimik si Axel at nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan.

"Totoo yung sinabi ko kanina na "love at first sight" ako kay Dani. Seryoso? Sa ngayon, hindi ko pa masagot. "I'll cross the bridge when I get there." Sabi ni Axel. "Paalala lang pare, uulitin ko sa'yo, hindi katulad ng ibang babae si Dani." Sabi ni Roco. "Alam ko." Maikling sagot ni Axel.

"Ok ka lang?" Tanong ni Sydney habang nakahiga na sila sa kama. "Hindi ko alam, Syd. Nabibilisan ako sa mga turn of events. Nandito ko last Sunday para mag-attend lang ng convention and now I'm your kuya's girlfriend and the whole nation knew me already. Ang tagal kong itinago tapos..." Bumuntong hininga si Dani. "Magiging maayos din ang lahat. Don't worry. Aalagan ka ni kuya, ok?" Sabi ni Sydney. "Sana nga, Syd, sana nga." Sabi ni Dani at pinikit na niya ang mga mata para matulog.

Umuwi na si Jax at Roco at naiwan na nag-iisip si Axel sa sala. Si Dani naman ay hindi dalawin ng antok samantalang ang katabi niyang si Sydney ay humihilik na ang tumbong. Tumayo siya at lumabas.

"Hindi ka makatulog?" Nagulat si Dani ng magsalita si Axel paglabas niya ng kwarto. "Medyo, ang lakas kasi humilik ni Sydney." Pagsisinungaling niya. Nangiti naman si Axel. "Gusto mo ng gatas?" Tanong ni Axel na tumayo at lumapit kay Dani. Nataranta naman si Dani ng makitang palapit sa kanya si Axel.

"Ah, hindi, kape lang. Magtimpla ako, gusto mo?" Tanong ni Dani na nagmamadaling pumunta sa kusina. Natawa naman si Axel ng mapansing nagmamadaling lumayo sa kanya si Dani.

Hindi malaman ni Dani kung saan at ano ang kukuhanin niya dahil nawawala siya sa sarili. Ramdam niya na nakatingin sa kanya si Axel. Binuksan niya ang kabinet at nakita niya doon ang 3-in-1 na kape kaya lang ay hindi niya abot ito. Humila siya ng isang silya at tutuntong na sana siya ng pigilan siya ni Axel.

"What are you doing?" Tanong ni Axel habang hawak ang kamay niya. "Ah, eh, kukunin ko yung kape." Sagot ni Dani na ramdam ang init ng kamay ni Axel na nakahawak sa kamay niya. "Ako na." Sabi ni Axel at kinuha ang kape at inabot sa kanya. "Salamat. Ahm, saan yung mga mug?" Tanaka ni Dani. Binuksan ni Axel ang cabinet sa ibaba at kumuha ng dalawang mug.

Umupo na si Axel sa upuan na nasa kusina at pinagmasdan si Dani habang nagtitimpla ng kape. Naiilang naman si Dani sa mga titig ni Axel kaya hindi niya makuhang tumingin sa lalaki.

Nang matapos si Dani sa pagtimpla ng kape ay inabot niya na ang isang mug kay Axel. Papasok na sana siya sa kwarto para doon na lamang inumin ang kape at makaiwas sa mga titig ni Axel ng magsalita ito.

"Let's talk." Sabi ni Axel. Umupo naman si Dani na nakaharap kay Axel pero hindi niya ito tinitingnan at pinaglalaruan lamang ang handle ng mug. Napangiti si Axel.

"Nasaan na yung matapang na babaeng sumipa sa akin nung isang gabi?" Nakangiting sabi ni Axel. Napangiwi naman si Dani ng maalala ang ngyari. "Sorry ulit. Masakit pa ba?" Tanong ni Dani. Natawa si Axel. "Hindi na." Sagot ni Axel. Natahimik ulit silang dalawa.

"Any idea kung anong mangyayari bukas?" Tanong ni Axel. "Wala pang binibigay na info sila Aubrey at Cleo pero tiyak na pagdating natin ay nakahanda na ang lahat." Sagot ni Dani. "Who are they?" Tanong ni Axel. "Assistant ko si Aubrey, secretary ko si Cleo." Sagot ni Dani. "I see." Sabi ni Axel.

"Pang ilan boyfriend mo na ako?" Tanong ni Axel na ikinagulat ni Dani. "First." Sagot ni Dani na pulang pula ang mukha. "Really? I don't believe you." Sabi ni Axel na tuwang tuwa sa nadinig pero hindi siya masyadong nagpahalata. "I'm saying the truth. May mga suitors like Blaze pero sa una pa lang basted na sila." Sabi ni Dani. "Buti na lang pala at mabilis ako, kung hindi ay baka basted din ako." Nakangiting sabi ni Axel. "Malamang." Nakangiting sagot naman ni Dani.

Nag-ring ang telepono ni Axel. Kumunot ang noo niya ng makitang si Britney ang tumatawag.

"Hello." Seryosong sabi ni Axel. "I hate you, I hate you! Pinalitan mo na agad ako. I hate you, Axel!" Sabi ni Britney na halatang lasing. Dahil tahimik ang paligid ay dinig ni Dani ang boses ni Britney. "Wag na wag ko lang makakaharap ang babaeng yan. Babalatan ko siya ng buhay!" Sabi ni Britney. Nagsasalita pa any babae ng ini-off na ni Axel ang cellphone niya.

"My death threat na agad ako, first day pa lang natin." Nakangiting sabi ni Dani. Natawa si Axel pero ang sarap pakinggan nung sinabi ni Dani "natin".

"Ilan pa kaya sila? Kailangan ko na bang mag bulletproof vest?" Sabi ni Dani na ikinatawa ni Axel. "Don't worry, I'll be your bulletproof vest." Seryosong sabi ni Axel na ikinailang ni Dani.

"Papasok na ko, maaga pa tayo bukas. Matulog ka na din." Sabi ni Dani at tumayo na sa upuan. "Ok, mauna ka na, magpapaantok pa ako." Sabi ni Axel. Tumango si Dani at pumunta na sa pinto ng kwarto. Bubuksan na niya any pinto ng tawagin siya ni Axel.

"Dani?" Tawag ni Axel. "Hhhmmm..." Sagot ni Dani. Lumakad palapit si Axel kay Dani at huminto sa harapan niya. "Goodnight." Sabi ni Axel pero nagulat si Dani ng halikan siya sa noo ni Axel. Feeling niya ay pulang pula ang mukha niya kaya dali dali niyang binuksan ang pinto at pumasok at saka isinara ito ng hindi na inisip na baka maipit si Axel. Naiwan naman nakangiti si Axel.

Next chapter