16 Chapter 16

Dumating na sila sa hotel at katulad nung una, mahigpit ang security sa lugar.

"Dad, hindi ba masyadong OA ang ginagawa ninyo? Hindi naman kami artista o pulitiko para sa ganito kadaming guards." Sabi ni Dani habang naglalakad papasok ng restaurant ng hotel. "Iba na ang situation ngayon, iha. Kung dati ay malaya kang nakakalabas ng ikaw lang mag-isa, ngayon ay hindi. Kasama mo ng lagi si Axel o ang mga bodyguards ninyo." Sabi ni Arthur. Bumuntong hininga naman si Dani. "Para sa safety mo na din yun, anak. Mas mabuti ng mag-ingat kaysa magsisi tayo sa huli." Sabi ni Esther.

Nang makapasok sila sa restaurant ay nagtaka si Dani ng walang ibang customers kungdi sila. "Pati ba naman dito, Dad?" Himutok ni Dani. "Naka-reserved ang buong restaurant sa atin, regalo sa inyo ng may-ari ng hotel." Sabi ni Benjamin. "Regalo? Para san?" Takang tanong ni Dani. "Newly wed couples." Sagot ni Eleonor na may masayang ngiti sa mukha. "Pero Tita, hindi po kami kinasal." Sabi ni Dani. "Well, doon din ang punta ninyong dalawa." Sabi ni Eleonor at naupo na sa isang silya.

Inakbayan ni Axel si Dani ng makita niyang hindi nagustuhan ang mga ginawa ng kanilang mga magulang. "Let them do what they want. Even if it's against our will, if it will make them happy, then be it. Besides, we owed them a lot." Sabi ni Axel. Naisip ni Dan na my point si Axel kaya tumango na lamang siya.

"Aba, ang bait ni madam, hindi siya kumontra! Oo agad!" Sabi ni Dion at tiningnan siya ng masama ni Dani. "Kanina ka pa Dionisio!" Sabi ni Dani. "Maryosep, huwag mo nga kong tatawagin ng ganyan. Tumatayo ang balahibo ko." Sabi ni Dion na ikinatawa ng lahat. "You mean, Dionisio ang buo niyang pangalan?" Tanong ni Axel na may ngiti sa labi. "Oo, Dion lang ang binibigay niyang pangalan sa mga clients niya pero actually nickname niya lang yun." Nakatawang sabi ni Dani.

"Daniella, kukurutin talaga kita sa singit!" Sigaw ni Dion at nilapitan na si Dani pero nagtago ito sa likod ni Axel na nakayakap sa likod ng lalaki. Nagkatawanan ang lahat.

"Naku, Daniella, pasalamat ka at gwapo ang harang mo kundi mamumula hita mo sa akin." Sabi ni Dion na pilit inaabot si Dani pero pinipigilan siya ni Axel. Hanggang sa yumakap na si Dion kay Axel.

"Dionisio! Bitiwan mo nga ang boyfriend ko!" Pasigaw at seryosong sabi ni Dani. Ang lahat ay tumingin sa kanya. Si Axel ay maluwang ang pagkakangiti sa mukha. Si Dion ay dali dali lumayo kay Axel. Alam niya ang tono na iyon.

Mabait si Dani kung sa mabait pero kapag nagalit na siya ay magtago ka na.

"Dan, ok ka lang?" Tanong ni Sydney na nagpabalik sa sarili ni Dani. Tumawa ng malakas si Dani. "I'm hungry, let's eat." Sabi ni Dani ng maitago ang pagkapahiya.

"Axel, Dani, meron din kaming regalo sa inyo." Sabi ni Eleonor at nagkatinginan ang dalawa. "You're staying at this hotel for good." Sabi ni Eleonor. Nanlaki ang mata ni Dani at tiningnan ang mga magulang. "Pero Tita, hindi pa kami kasal." Sabi ni Dani. "No problem. Accepted naman na sa society ang live-in partner, right?" Sabi ni Eleonor. "Pero, Tita..." Sabi ni Dani na tumingin kay Axel. "Don't worry, I still have to come back and forth in Davao once in a while and sometimes mas magtatagal ako doon than mag-stay dito." Sabi ni Axel. "Oh, no, no, son. Nakausap na namin sila Jax at Roco at pumayag sila na dito ka na magstay. Besides, mag-contract signing na kayo tomorrow, right, Arthur?" Sabi ni Eleonor at tumango naman si Arthur. "So, after ng signing, magstart na ang building so nandito ka dapat para mamonitor ang paggawa." Sabi ni Eleonor. Bumuntong hininga ang dalawa. Naisip nila na napagplanuhan na ng kanilang mga magulang ang lahat kaya wala na silang magawa.

Hinawakan ni Axel ang kamay ni Dani ng subukan ulit nitong magsalita. Naintindihan naman ni Dani ang ibig sabihin ni Axel kaya tumahimik na lang siya.

"Nga pala, mom, si Timmy...?" Sabi ni Dani. "Tiyak na nasa taas na siya." Sabi ni Esther. "Pati din i Apollo, Axel." Sabi ni Eleonor. "Timmy? Apollo?" Sabay na sabi ni Axel at Dani. "Timmy is my cat." Sagot ni Dani. Nanlaki ang mata ni Axel. "Apollo is my dog." Sabi ni Axel. "What!?" Sabi ni Dani at halos sabay silang tumayo at tumakbo pasakay ng elevator. Ang mga magulang at kaibigan naman nila ay nagulat din ng malaman isang aso at pusa ang nasa penthouse ngayon kaya pati sila ay nagmamadaling umakyat.

Pagdating ni Axel at Dani sa kwarto ay binuksan agad ng huli ang pinto. Nagtaka sila ng tahimik at maayos ang loob. Hinanap nila ang mga alaga at natawa sila ng makitang magkatabi ang mga ito sa kama at mahimbing na natutulog. Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti sa isa't isa.

Naramdaman naman ng mga hayop na nasa malapit lang ang kanilang mga amo kaya nagising ang mga ito. Ngunit isang ikinagulat pa ni Axel at ni Dani ay hindi lumapit sa kanila ang mga alaga. C Timmy na pusa ni Dani ay kay Axel lumapit at naglambing samantalang si Apollo na aso ni Axel ay kay Dani lumapit at inamoy amoy siya bago dilaan ang kanyang mga kamay.

Ganito ang inabutan ng kanilang mga magulang at kaibigan.

"Pati ang mga alaga ninyo ay boto sa inyong dalawa." Sabi ni Eleonor.

Hindi nagtagal ay umalis na din ang kanilang mga magulang at mga kaibigan. Sila na lamang dalawa at ang kanilang mga alaga ang natira. Ang dalawang crew ay babalik na lang kinabukasan upang muli silang pagsilbihan.

Dahil hindi pa din binigay ang susi ng dalawang kwarto ay sa master bedroom pa din sila matutulog.

Nag-aalinlangan man si Dani ay pumayag na siyang tumabi sa kanya si Axel sa kama. Alam niyang mahihirapan ito sa couch sa living room. Ang kasunduan lamang ay sa gitna si Timmy at Apollo.

Naunang maligo si Dani at pagkatapos ay sa loob na din ng CR nagbihis. Lumabas na siya na nakapantulog na. Pumasok na si Axel pero lumabas ulit ito na may hawak sa kamay. Si Dani naman ay may hinahanap sa mga tinanggal niyang damit.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Sabi ni Axel na winawagayway ang bra ni Dani na nahulog sa ibaba ng CR. Namula si Dani kaya dali dali niyang nilapitan si Axel at pahablot na kinuha ang bra. "Manyak!" Sigaw ni Dani. "Ako pa talaga ha? Sino ba ang burarang nakaiwan niyan sa loob?" Tanong ni Axel na nakangisi. "Hindi ko sinadya, nahulog ng di ko nalaman." Sabi ni Dani. "Pero maliit lang pala noh?" Tanong ni Axel na nakatitig sa dibdib ni Dani. Nang makita ni Dani ang mga titig ni Axel ay tinakpan niya ng kamay ang kanyang dibdib. Babatuhin sana niya ito ng unan ngunit nakapasok na ito sa CR na tumatawa. Nanggigigil naman nahiga si Dani sa kama at tinawag na ang mga alaga na busy sa paglalaro. Lumapit naman agad si Timmy at Apollo at nahiga sa tabi ni Dani.

Dahil sa pagod at stress ay nakatulog agad si Dani. Nang lumabas si Axel sa CR ay nakita niya si Dani na mahimbing ng natutulog. Ngumiti siya at humiga na din sa kama.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na din si Axel. Bandang hatinggabi ng magising si Apollo. Bumaba ito at sa lapag na natulog. Sumunod naman sa kanya si Timmy para tumabi. Naiwan si Dani at Axel sa kama na walang nakalagay sa gitna.

avataravatar
Next chapter