15 Chapter 15

"Kanina pa namin kayo iniintay. Madami ng reporters na nasa PGM." Sabi ni Eleonor. "Anong ngyari sa mga damit ninyo?" Tanong ni Esther na nag kunwaring wala talagang alam. "Kinagat ka ba ng insekto sa leeg?" Tanong ni Aubrey na may makahulugang sabi ni Aubrey.

Hindi nakasagot ang dalawa sa sunud-sunod na tanong ng mga tao sa harap nila. Namumula si Dani samantalang nangingiti naman si Axel.

"Anong kaguluhan ito?" Nakangiting sabi ng bagong dating na si Sydney. Tumingin siya sa dalawa at nakita ang itsura ng mga damit ng dalawa. "Ano kayo, binagyo?" Natatawang sabi ni Sydney at nagkatawanan ang lahat.

Dahil nalukot nga ang mga damit ng dalawa ay napagdesisyunan ng lahat na sa PGM na lamang magbihis at magmake-up si Dani. May mga bahong dating na damit sa boutique ni Sydney kaya madali ng gawan ng paraan ang mga isusuot nila.

Katulad ng pagdating nila sa hotel, ang security ay ganoon pa din kahigpit kaya hindi nakalapit ang mga reporters na nag-aabang sa labas ng hotel. Kitang kita ang pag-alalay ni Axel kay Dani. At kinikilig ang mga taong nakakakita dito ngunit inis naman ang nararamdaman ng mga babaeng na-link kay Axel lalo na ang huli, si Britney.

"Araw mo ngayon Daniella Monteverde pero hindi magtatagal at babalik din si Axel sa akin. Magpakasaya ka na habang ikaw pa ang apple of the eye niya pero once na magsawa siya sa iyo, that's may time to shine again." Sabi ni Britney habang pinapanood sa news ang clip ng dalawa.

Pagdating nila sa PGM ay sinalubong sila ng security ng mall. Ang mga reporters naman ay inipon na sa event centre kaya hindi na nahirapan ang mga guards sa kanila. Dumiretso ang lahat sa office ni Dani. Dahil mas madalas si Dani sa office niya ay nagpagawa na siya ng kwarto dito. Nagbihis na si Axel at Drew at nilagyan na din ng make up huli. Pagkatapos ay bumaba na sila sa event center.

Hindi lang mga reporters ang nasa lugar, pati ang mga customers ng mall. Akala nila ay may artistang dadating. Hindi nila alam na mas higit pa sa artista ang makikita nila.

"Hey, relax. Nagawa mo na to kagabi di ba?" Sabi ni Axel ng makitang hindi kalmante si Dani. Hinawakan niya ang mga kamay nito at naramdaman ang lamig ng kamay ni Dani. "Nandito lang ako, ok?" Sabi ni Axel at niyakap si Dani habang hinahagod ang likod nito. Nakangiti naman ang mga nasa tabi nila sa nakikitang lambingan ng dalawa.

"Bakit ba ang daming langgam dito sisterets?" Sabi ni Dion na inggit na inggit sa dalawa. "Oo nga eh. Sobrang tamis naman kasi dito." Sabi naman ni Cleo. Natatawa naman si Axel sa dalawa at si Dani naman ay kumalma na kaya inilayo na niya ang sarili kay Axel dahil nahihiya na din siya sa kanilang posisyon.

Nadinig nila mula sa backstage ang pagsasalita ni Aubrey. Nagbigay ito ng maikling mensahe para sa mga reporters at sa ibang tao na naroroon. Tinawag na ang mga pangalan nila Mr. and Mrs. Monteverde kasunod ang panglan nila Mr. and Mrs. Monteclaro. Nang tawagin ni Aubrey ang pangalan nina Axel at Dani ay hawak kamay silang lumabas mula sa backstage.

Palakpakan ang mga reporters at nakipalakpak na din ang iba.

"Aaaaayyyyyy! Si Axel Monteclaro yung lalaki pero sino yung kasama niya?" Tanong ng isang customer na nakikiusyoso. "Hindi mo ba nadinig kanina, siya ang anak ng may-ari ng mall na to!" Sabi ng isa. "Wow! Yayamanin!" Sagot ng isa. "Ang gwapo talaga ni Axel!" Sabi ng isa pang customer. "Wag ka ng maingay diyan, makinig na tayo, magsasalita na sila." Sabi ng isa.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagpunta dito sa PGM para sa aming press conference." Sabi ni Axel sa mikropono.

"Axel, alam ng lahat na ikaw ang hottest bachelor in town. Ang paglabas mo ba na ito ay nangangahulugan na tapos na ang iyong pagiging playboy?" Tanong ng isang reporter. Ngumiti naman si Axel at tumingin kay Dani.

"Sa ngayon, me and my girlfriend, Dani, is in the stage of getting to know each other. I'll be honest, we had a whirlwind romance. We met the other day and the next day, we're a couple already." Sabi ni Axel.

"Pang-ilan girlfriend mo na si Miss Monteverde?" Tanong ng sumunod na reporter. "I lost count." Nakatawang sagot ni Axel at nagtawanan din ang mga tao. "Seriously speaking, I think, I'll be serious with Dani. She's different from my past flings. I had relationships from the past but I didn't felt the same way I'm feeling right now with Dani." Nakangiting sabi ni Axel na ikinapula ng mukha ni Dani at ikinakilig ng mga tao sa paligid nila.

"This one is for Dani." Sabi ng isang reporter. "Hindi ka ba natatakot sa mga ex-lovers ni Axel?" Patuloy ng reporter. "They are Axel's past and I'm his present and maybe his future." Sagot ni Dani na itinago ang kaba. Si Axel naman ay nagulat sa kanyang, pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis tamis. Kinilig na naman ang mga tao.

"Mr. and Mrs. Monteverde, handa na ba kayong ibigay ang mga kamay ng inyong nag-iisang anak kay Axel Monteclaro?" Tanong ng sumunod na reporter. "Sa ngayon ay hayaan muna natin sila na makilala ang isa't isa. Excited man kami sa mga magiging apo namin, ayaw naman namin silang madaliin." Sabi ni Arthur na ikinatawa ng lahat.

"Mr. and Mrs. Monteverde, sa palagay n'yo po ba ay si Dani na ang magpapatino kay Axel?" Tanong ng isa pa sa mga reporter. "Isang malaking SANA ang sagot ko d'yan." Sagot ni Eleonor na muling nagpatawa sa mga tao.

Maraming pang itinanong ang mga reporters na umikot tungkol sa relasyon ni Axel at Dani at sa kanilang kanya-kanyang businesses. Halos tumagal ng isang oras ang press conference at ng matapos ay inanyayahan ni Arthur ang lahat ng reporters na kumain sa isang restaurant sa loob ng mall na ikinatuwa naman ng lahat.

Si Axel at Dani, kasama ng kanilang pamilya at kaibigan ay bumalik na sa hotel para doon maghapunan.

"Ok ka na?" Tanong ni Axel ng nasa loob na sila ng sasakyan. Tumango naman si Dani.

"Bukas nga pala Axel ay pwede na tayong magpirmahan ng contract about sa branch ng Karozza. Mas maaga ay mas maganda para masimulan na ang pagtatayo ng building." Sabi ni Arthur. "Ok po, Uncle." Sagot ni Axel.

"Business partners slash lovers lang ang peg ninyong dalawa. Kainggit much." Pabaklang sabi ni Dion. Natawa naman ang lahat. "Alam mo bang muntik na kitang sapakin kanina?" Sabi ni Axel na nakangiti. "Ay, beshie, wag mo kong gawin punching bag. Nautusan lang po ako ng girlfriend mo eh siyempre takot ako masabunutan ni madam, sunod lang ako." Sabi ni Dion na nagpangiti sa lahat. "Ang dami n'yong alam na kalokohan." Sabi ni Axel. "Ay, wala pa sa kalahati yun. Ingat ka d'yan kay madam, mukha lang anghel yan pero nakatago lang sungay at buntot niyan." Sabi ni Dion na nagpatawa na naman sa lahat.

"Ilaglag daw ba ako sa ere? Baka mawalan ka ng modelo next issue mo sa magazine." Nakangiting pagbabanta ni Dani. "I don't mind madam, may bago na akong prospect for my next front page." Sabi ni Dion na nagpacute kay Axel. "Papayag lang ako pagkasama ko ang girlfriend ko." Sabi ni Axel at inakbayan si Dani. Binelatan naman ni Dani si Dion. "See, Axel, may pagkamaldita talaga yang girlfriend mo." Nagmamaktol na sabi ni Dion. At nagtawanan na silang lahat.

avataravatar
Next chapter