webnovel

Chapter 17

Magandang umaga...

Malambot na kama...

Malamig na aircon...

Gising na si Timmy at Apollo at naglalaro na pero ang kanilang mga tagapag-alaga ay mahimbing pa din ang mga tulog. Sarap na sarap sa init ng kanilang pagkakayakap sa isa't isa.

Tumunog ang alarm ng phone ni Dani. Aabutin niya ang phone upang patayin ang alarm pero hindi siya makagalaw dahil may nakadagan sa kanya. Kumunot ang noo ni Dani. "Kailan ka pa bumigat ng ganyan Timmy?" Bulong niya na nakapikit pa din ang mga mata. Tinulak niya si Timmy ngunit lalong humigpit ang pagkakayakap nito.

"Apollo, wag kang malikot. Gusto ko pang matulog." Sabi ni Axel na nagpamulat sa mga mata ni Dani ng madinig ang boses ng lalaki.

"Aaaaaaahhhhhhhh!" Sigaw ni Dani. Nagulat naman si Axel at nagmulat na din ng mata. "Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Axel. "Bakit ikaw ang katabi ko? Nasaan si Timmy?" Tanong ni Dani. Para naman naintindihan ni Timmy na hinahanap siya ni Dani kaya nag-meow eto. Tumahol din si Apollo. Natawa si Axel.

"Mukang pati mga alaga natin ay pinagkaisahan na tayo gaya ng mga magulang at kaibigan natin." Nakatawang sabi ni Axel. Bumuntong hininga si Dani.

Nagring ang telepono ni Dani. "Morning, Dad." Bati niya sa ama. "Baka makalimutan ninyo na ngayon ang contract signing between Karozza and PGM. Nakausap ko na si Jax at Rocco at papunta na sila dito from Davao." Sabi ni Arthur. "Yes, dad. Gagayak na kami." Sabi ni Dani at ini-end call na ang tawag.

Si Axel ay nakahiga pa din sa kama at nakikipaglaro kay Timmy. Si Dani naman ay nilalambing ni Apollo. "Tara na, papunta na daw sina Jax at Roco. Baka tayo pa ang malate pag hindi pa tayo kumilos." Aya ni Dani kay Axel. "Sige, mauna ka ng maligo o sabay na tayo para tipid." Nakangising sabi ni Axel. "Neknek mo." Sagot ni Dani at nagmamadali ng pumasok sa CR. Naiwang nakatawa si Axel.

Pagdating nila sa PGM ay deretso na sina Axel at Dani sa conference room. Nahandoon na sina Arthur at Esther, Jax at Roco, pati na din sina Aubrey at Cleo. Kumunot ang noo ni Dani ng makitang may mgakakaibang ngiti ang mga ito sa kanila. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito ay umupo na. Sumunod na din sa kanya ang iba pa.

Pagkatapos ng pirmahan ay nagpasok ng pagkain ang mga staff ng isang restaurant sa loob ng PGM. Kumakain sila habang nag-uusap.

"May nakausap na akong architects at engineers na magpaplano at magtatayo ng Karozza. Approval ninyo na lamang ang hinihintay. Bukas ay pupunta sila dito para makausap ninyo." Sabi ni Arthur. "Ok, Uncle, salamat." Sabi ni Axel. "Hindi naman masyadong ginagamit ang conference room na ito. Pwede siguro na dito ka muna mag-opisina Axel habang hindi pa nagagawa ang Karozza." Patuloy ni Arthur.

"Ok na ako sa office ni Dani, Uncle. Mababantayan ko pa siya." Nakangiting sabi ni Axel habang nakatingin kay Dani. "Ako pa talagang babantayan mo ha?" Pagtataray ni Dani na ikinatawa ng lahat. "Oo naman! Mahirap na, baka maagaw ka pa ng iba. Kilala ka na ng buong Pilipinas, tiyak na madami ng nabighani sa kagandahan mo at nagbabalak na makuha ka. Over my dead handsome body." Sabi ni Axel at nagkatawanan ang lahat maliban kay Dani na nakataas ang kilay.

"Sa pagkakaalam ko, ako dapat ang magbantay sayo kasi ikaw ang madaming nilokong babae before. At ako dapat ang mag-ingat sa kanila, baka maya magulat na lang ako na may bigla na lang sumabunot sa akin." Sabi ni Dani.

"Sweetheart, ako ang niloko nila. Natalikod lang ako sandali, may kasama na silang iba." Sabi ni Axel na hinawakan ang dibdib na kunwaring nasaktan. Lalong tumaas ang kilay ni Dani. Ang mga tao naman na kasama nila ay nakikinig sa kanilang pag-uusap ng may ngiti sa mga labi.

"Cleo, can you please show my boyfriend the videos that were uploaded on his social media." Sabi ni Dani. "No need for that, sweetheart. They are my past but you are my present and my future." Sabi ni Axel na kinakilig ni Aubrey at Cleo. Nakangiti naman si Arthur at Esther.

"Don't worry, Dani, ako ang uupak dito kay Axel pag may ginawa siyang kalokohan sayo." Sabi ni Jax. "Tama, Dani, bubugbugin namin yan pag nambabae pa." Segunda naman ni Roco. "Hala, iniwan talaga ako sa ere!" Sabi naman ni Axel at natawa ang lahat.

"Nga pala, mamayang hapon ay magkakaroon ng general meeting ang buong mall para opisyal na kitang maipakilala sa lahat." Sabi ni Arthur. "Mag-iikot din tayo sa lahat ng boutique para makilala ka nila." Patuloy ni Arthur. "Kailangan pa ba yun, dad? Baka pwedeng hindi na." Sabi ni Dani. "Kailangan, iha, you're the general manager here and tapos na ang pagtatago mo. From now on, ikaw na ang haharap sa lahat. Tapos na ang termino ko." Nakangiting sabi ni Arthur. "Tama ang Dad mo, iha. Sawa na kaming umattend ng iba't ibang parties, conferences, at conventions na ayaw mong puntahan. Advantage na din sa amin na nalaman na ang identity mo. At least, wala ka ng lusot." Nakangiting sabi ni Esther na nagpabuntong hininga kay Dani.

"Goodbye freedom!" Sabi ni Dani na nagpatawa sa lahat. "Don't worry, sweetheart, I'll always be at your side." Nakangising sabi ni Axel. "Salamat sa support, darling." Sabi ni Dani na sinakyan ang kalokohan ng boyfriend.

Dumating ang hapon at gaya ng sabi ni Arthur ay nagkaroon ng general meeting ang mga may-ari ng mga boutiques sa loob ng PGM. Ang lahat ay nagulat at namangha kay Dani. Ang mga kalalakihan ay nabighani sa taglay na ganda ni Dani ngunit sila ay nanlumo ng malaman si Axel na ang nagmamay-ari sa kanilang general manager. Nakita din nila kung paano bakuran ni Axel si Dani.

Ang mga kababaihan naman ay naiingit. Simple pero elegante ang ganda ni Dani. Kahit simpleng damit at simpleng make-up lamang ang suot nito ay labas pa din ang kakaibang ganda ng babae. Ito marahil ang dahilan kung bakit nabihag nito ang hottest bachelor na si Axel.

Matapos ang general meeting ay inikot naman nila ang buong PGM para makilala siya ng lahat ng salesmen at saleswomen, staffs and crews ng bawat boutiques ng mall.

Kasama ni Dani ang kanyang ama't ina na nasa unahan, kasunod sina Aubrey at Cleo, sina Jax at Roco na kala mo bodyguards niya at si Axel na laging nakahawak sa kanyang kamay. May mga guards na nakapaligid din sa kanila.

"Pagod ka na?" Tanong ni Axel. "Medyo, masakit na nga mga paa ko." Bulong ni Dani.

"Uncle, baka pwedeng bukas na lang natin ituloy ang iba." Sabi ni Axel. "Bakit?" Tanong ni Arthur. "Pagod na po kasi si Dani." Sagot ni Axel. "Ah, sige, sige, nakalimutan kong lampa nga pala ang anak kong yan." Nakatawang sagot ni Arthur na nagpangiti sa iba.

Nagulat si Dani ng bigla siyang buhayin ni Axel. "Anong ginagawa mo?" Namumulang tanong ni Dani. "Masakit na ang mga paa mo di ba?" Sabi ni Axel. "Pero nakakahiya! Ibaba mo nga ako." Sabi ni Dani na itinatago ang mukha sa leeg ni Axel habang naglalakad ito papuntang elevator. "Anong nakakahiya? Girlfriend kita so, walang masama kung buhatin man kita ng ganito. Oh, sige, mamili ka, halik o buhat?" Nakangising tanong ni Axel na lalong nagpapula sa mukha ni Dani.

"Buhat na, buhat na." Sabi ni Dani na nagpatawa kay Axel. Kinikilig naman si Esther, Aubrey, at Cleo. Lahat din ng madaanan nila ay kinikilig. Sila Arthur, Jax, at Roco ay nakangiting iiling-iling.

Next chapter