12 Chapter 12

Dahil sa pagmamadali na pumasok sa CR, nakalimutan ni Dani na dalin ang damit niya pampalit. Nalaman na lang niya ito ng magbibihis na siya. "Talaga naman! Ang tanga mo Daniella!" Sabi niya sa sarili.

"Axel?" Tawag niya sa lalaki pero walang sagot siyang natanggap. Walang magawa si Dani kundi isuot muli ang bathrobe. Lumabas siya at nakita niya si Axel ni nakahiga sa kama at nakapikit. Dahil sa pag-aakalang tulog ito. Lumapit siya sa kama at kukuhanin na ang damit ng makita niya na nakadagan ang lalaki sa kanyang underwears.

Dahil sa pagod ay nahiga si Axel para ipahinga ang katawan niya. Pumikit siya at sinubukang umidlip kahit sandali pero mukha ni Dani ang nakikita niya. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto at naamoy na niya ang shampoo at sabon na ginamit ni Dani. May iba siyang naramdaman. Lalaki siya at ang makasama ang maganda at sexy katulad ni Dani sa isang kwarto ay mahirap, hindi siya santo.

Naramdaman ni Axel na lumapit ito sa kama. Hindi niya alam na nasa ilalim niya ang underwears ni Dani kaya hindi siya gumalaw.

Hindi malaman ni Dani kung paano ang gagawin para makuha ang underwear. "Axel? Axel?" Tawag niya sa lalaki. "Hhhmmm." Sagot ni Axel na kunwaring naalimpungatan. "Umusod ka ng kaunti, may kukunin lang ako." Sabi ni Dani na nagpamulat ng mata ni Axel. Tumingin siya kung san nakatingin si Dani at ngumiti siya. Kinuha niya ang underwear at itinaas.

"Ito ba?" Nakangiting sabi ni Axel. Namula naman si Dani. "Akin na yan." Sabi ni Dani pero tumayo si Axel kaya hindi nakuha ni Dani ang gamit. Hinabol ni Dani si Axel hanggang ma-corner niya ito sa gilid ng kama.

"Bigay mo nga sa akin yan!" Inis na sabi ni Dani. "Kiss muna." Sabi ni Axel. "Axel please, gusto ko ng magpahinga at alam kong pagod ka na din kaya ibigay mo na sa akin yan." Sabi ni Dani. "Ok!" Sabi ni Axel at kunwaring inabot ang gamit ni Dani pero ng kukuhanin na ito ni Dani ay muli niyang itinaas ngunit nadulas si Dani dahil sa basang sahig dahil sa tubig na mula sa kanyang buhok. Pareho silang bumagsak sa kama dahil sinalo ni Axel si Dani para hindi ito bumagsak sa baba.

Pumikit si Dani dahil ang akala niya ay babagsak siya sa matigas na sahig pero nagulat siya ng hilahin siya ni Axel para sa kama sila bumagsak. Dahil robe lang ang suot ni Dani, nakita ni Axel ang kanyang dibdib. Napalunok si Axel. Napakinis ni Dani, alagang alaga ang balat nito kaya maputi at walang kahit anong pekas.

Pagmulat ng mata ni Dani ay nakita niya ang mga mata ni Axel na nakatitig sa kanyang dibdib kaya dali dali niyang tinakpan ito. Naasiwa siya sa pwesto nilang dalawa, nasa ibabaw siya ni Axel. Ang kamay nito ay nakayakap sa kanyang bewang. Tatayo na sana siya ng humigpit ang yakap sa kanya ni Axel.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabi ni Dani na hindi makatingin kay Axel. Ngumiti naman si Axel. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa akin?" Sabi ni Axel. "Wala akong ginawa sa iyo. Ikaw itong ayaw ibigay sa akin ang gamit ko." Sagot ni Dani. Ngumisi si Axel at pakiramdam ni Dani ay may mangyayaring hindi maganda at nagulat siya ng mabilis na pinalitan ni Axel ang kanilang pwesto.

Kung kanina ay nasa ibabaw siya ni Axel, ngayon ay ito na ang nakadagan sa kanya. Dahil sa maikli lang ang robe na suot ni Dani, litaw ang makinis niyang hita at lalong lumitaw ang makinis niyang balat. Hindi malaman ni Dani kung ano ang unang tatakpan ng kanyang mga kamay. Ibababa niya dapat ang robe niya ng itaas ni Axel ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo.

"Ano ba, Axel!?" Sabi ni Dani na naalarma na sa naiisip niyang maaaring mangyari. "You're so beautiful." Paos na sabi ni Axel at pagkatapos ay bumaba na ang mga labi nito sa labi niya. Nagulat si Dani. Nagpumiglas siya pero malakas si Axel.

Ang mababaw na halik sa una ay lumalim. Humihingi ng tugon mula kay Dani. "This is my first kiss." Sabi ng utak ni Dani. Halata ni Axel na wala pang experience si Dani sa mga ganitong bagay kaya dahan dahan ay tunuruan niya ito. Lalong mababaliw ang pakiramdam ni Axel ng maramdaman na tumutugon na din si Dani sa mga halik niya.

Ramdam na ni Axel ang ibang dinudulot ng malalim na halik na ito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung kaya niya pang pigilan ito pero habang may natitira pang katinuan sa isip niya ay kailangan niyang ilayo ang sarili at si Dani sa apoy na nagsisimula ng uminit.

"Let's stop this while I can, baka pareho tayong hindi maka-attend sa press conference mamaya." Sabi ni Axel at itinayo na ang namumulang si Dani. "Next time, huwag kang magsusuot ng ganyang mga damit dahil baka sa susunod di ko na mapigilan ang sarili ko. Magbihis ka na." Sabi ni Axel at lumabas na ng kwarto.

"Kasalanan ko pa talaga!? Sino bang nagsimula!?" Inis na sabi ni Dani sa sarili habang nagbibihis sa loob ng CR. Pagkatapos niya ay lumabas na siya at nahiga sa kama. Kinuha niya ang kumot at tinakip sa buong katawan niya. Hindi namalayan ni Dani na nakatulog na siya kaya ng muling pumasok si Axel para maligo ay hindi niya alam. Bumuntong hininga si Axel ng makitang tulog na tulog si Dani.

Pagkaligo ni Axel ay nagbihis at lumabas na siya. Nagdadalawang-isip siya kung tatabihan niya si Dani sa kama. Kapag sa labas siya natulog ay nahandoon naman ang dalawang crew na naiwan para pagsilbihan sila. "Bahala na nga." Sabi ni Axel sa sarili at humiga na siya sa tabi ni Dani.

Paghiga niya sa kama ay hindi nagising si Dani pero gumalaw ito at naalis ang kumot at lumitaw ang kanyang mukha. Ngumiti si Axel at humarap kay Dani.

"You're really beautiful. I hope sana sa araw-araw na paggising ko ay ikaw ang katabi ko." Bulong ni Axel. Di namalayan ni Axel na nakatulog na din siya.

Lumipas ang ilang oras. Ang maikling idlip ay naging matagal na tulog.

Unang nagising si Axel at nagulat siya ng makita si Dani na nakasiksik sa kanyang leeg at ang mga kamay naman niya ay nakayap dito. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ni Dani.

Ang sarap ng tulog ni Dani. Pakiramdam niya ay na-refreshed ang isip at katawan niya sa tulog na 'yun. Ang lambot ng kama, ang lamig ng aircon, at ang bango..."Mabango!?" Tanong niya sa kanyang isip. Pagbukas ni Dani ng kanyang mga mata at namalayan niya na nakasiksik siya sa leeg ng katabi habang ang mga kamay nila ay nakayakap sa isa't isa. Pagtaas niya ng kanyang mga tingin ay tumambad sa kanya ang nakangiting si Axel.

Sumigaw siya at pareho silang naglayo.

"Anong ginawa mo sa akin!?" Inis na sabi ni Dani. "Excuse me, ikaw ang nakasiksik sa akin and as I remembered hindi nagbago ang position ko though my body reacted when you hugged me." Nakangiti pa ding sabi ni Axel. "You're always taking advantage of me!" Sigaw ni Dani. Tumawa si Axel. "Huh, aaminin ko na yung nangyari kanina eh ako nga pero ngayon? It's your doing." Sabi ni Axel. Kinuha ni Dani ang unan at ibinato kay Axel. Nakaiwas ang lalaki at ang tinamaan ay ang nagbukas ng pinto na si Aubrey.

"Aubrey!?" Gulat na sabi ni Dani na lumapit kaagad sa assistant. "Sorry. Di ko sinasadya. Ito kasi eh." Sabi ni Dani na itinuro si Axel na nakatawa. "At kailan ka pa naging mapanakit? Ni hindi ka makabasag pinggan ah." Pang-aasar ni Aubrey. "Isa ka pa. Kala ko naman may kakampi na akong dumating." Sabi ni Dani na ikitawa ni Aubrey.

"Mr. Monteclaro, I'm Aubrey, Dani's assistant." Sabi ni Aubrey ni kinamayan si Axel. "Nice to meet you. Just call me Axel." Sabi ni Axel na nakangiti. Nagulat silang tatlo ng biglang may sumigaw sa pinto. "Aaaaaxxxxeeellll!? Wow! Ikaw talaga! Ang gwapo gwapo mo!" Tili ni Cleo ng makita si Axel. Natawa naman si Dani at Aubrey. "And you are?" Tanong ni Axel. "Cleo, Cleo, ako ang secretary ni madam sungit." Sagot ni Cleo na kinikilig habang kinakamayan si Axel. Tiningnan naman siya ni Dani ng nakataas ang kilay pero hindi ito pinansin ni Cleo. "Pwede picture tayo?" Tanong ni Cleo. "Sure!" Sagot ni Axel. "Aubrey." Tawag ni Cleo at iniabot ang cellphone nito.

"Thank you." Sabi ni Cleo at tumango lang si Axel. "Bakit kayo nandito?" Tanong ni Dani sa dalawa. "Pinapunta kami ni President dito para ihanda kayo sa press conference mamaya." Sagot ni Aubrey. "Dala din namin ang mga damit ninyo para mamaya. Sukat mo madam." Sabi ni Cleo at lumabas sa kwarto para kunin ang mga damit. "Pati damit?" Tanong ni Dani. "Oo, mamaya pupunta dito si Dion kasama ang make up artist niya." Patuloy ni Aubrey. "Teka, may damit tapos may make up artist din. Press conference lang bakit kailangan pa ng mga ganyan?" Tanong ni Dani. "Utos po ni VP (Vice-President) and ng Mother-in-law to be." Sagot ni Aubrey na tumingin kay Axel.

"By the way, dala ko din ang documents na need ng sign mo." Sabi ni Aubrey. Pumasok na si Cleo dala ang damit ng dalawa. "Parehas talaga ng kulay?" Sabi ni Dani ng makita ang damit na nilapag ni Cleo sa kama. "Couple's color code." Sagot ni Aubrey na may makahulugang ngiti. Umikot ang paningin ni Dani.

"Mauna ka ng magbihis. Pipirmahan ko lang ang mga documents na dala nila." Sabi ni Dani. "Ok love, bilisan mo ha?" Sagot ni Axel. Inirapan naman siya ni Dani. Pumasok na si Axel sa CR para magbihis. Lumabas naman ang tatlong babae sa sala.

Pagkalipas ng halos 30 minuto ay lumabas si Axel sa kwarto suot ang isang pink na polo shirt at black pants.

Natulala ang tatlo. "Lalo siyang gumwapo." Sabi ni Cleo. "Parang ang bango bango niya." Sabi ni Aubrey. Walang nasabi si Dani. Lumapit si Axel kay Dani at yumuko. "You're drooling." Sabi ni Axel sabay hawak sa baba ni Dani. Nagising naman si Dani sa pagkakatulala at tinabig ang kamay ni Axel na nakahawak sa baba niya.

"I'm done here. Magbibihis na ako." Sabi ni Dani sabay tayo at iniwan ang tatlo. Alam ni Dani na pulang pula siya kaya nagmamadali siyang pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto.

"Ano bang nangyayari sa akin? Parang ngayon lang ako nakita ng gwapong tulad niya ah. Ha'ay! Makapagbihis na nga." Sabi ni Dani sa sarili. Pumasok na siya sa CR at sinimulan ng magbihis.

avataravatar
Next chapter