11 Chapter 11

Dumating sila Dani at Axel sa airport pagkatapos ng isang oras. Dahil maaga pa, wala pang masyadong tao sa lugar pero nakilala sila ng iilan pero hindi sila nalapitan dahil sa security na airport.

Paglabas nila ay nag-aabang na ang mga reporters sa kanilang pagdating ngunit di rin nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito na makalapit sa dalawang daig pa ang mga artista sa dami ng security na humarang sa mga gustong mag-ambush interview kay Axel at Dani.

Sa labas ay nag-iintay na din ang isang black Mercedes Benz Sprinter sa pagdating ng dalawa. Mula sa loob ng sasakyan ay bumaba sila Benjamin at Arthur para salubungin ang mga anak. Lahat ng camera ay nakatuin sa kanila.

"Dad?" "Pa?" Sabay na sabi ni Axel at Dani. Ngumiti ang dalawang lalaki. "Sumakay na kayong dalawa. Sa loob na lang namin ipapaliwanag ang lahat." Sabi ni Arthur na inakay papasok ang anak.

Pagsakay nila Dani at Axel ay nakita naman nila ang kanilang mga ina. Hinalikan nila ang mga ito saka nagsiupo sa mga upuan na magkakaharap.

"Magkakakilala kayo?" Takang tanong ni Dani. Ngumiti ang kanilang mga magulang. "Iha, ako si Mama Eleonor at ito naman si Papa Benjamin. Kami ang mga magulang ni Axel." Nakangiting sabi ni Eleonor at niyakap si Dani na katabi niya. Gumanti naman ng yakap si Dani kahit naiilang siya lalo na sa Mama at Papa na sinabi nito.

"Alam mo ba iha, tuwang-tuwa ako nung makita ko kayo sa television. Sa wakas ay nakahanap na ng katapat ang anak kong ito." Sabi ni Eleonor na tumingin kay Axel na nakatabi kay Dani. "Ma, ang bait ko kaya." Sabi ni Axel. "At sino may sabi? Mabait ba yang halos linggo-linggo ka magpalit ng girlfriend? Nako, Axel, magkatino ka na lang at ako mismo puputol sa kaligayahan mo pag niloko mo itong si Dani." Nakairap na sabi ni Eleonor na ikinatawa ng lahat. "Don't worry, Ma, nakita ko na ang babaeng para sa akin." Sabi ni Axel na hinawakan ang kamay ni Dani. Kinilig naman sila Esther at Eleonor sa sinabi ni Axel. Si Dani naman ay hindi kumibo.

"Dan?" Tawag sa kanya ni Esther na katabi ng kanyang ama. "Yes, Mom?" Sagot naman ni Dani. "Ok ka lang anak?" Nag-aalalang tanong ni Esther. "Ok lang ako, mom. Napagod lang siguro." Sagot ni Dani.

"Paano nga pala kayo nagkakilala?" Pag-iiba ni Dani.

"Classmates kami nung highschool at best of friends pa." Sagot ni Esther. "Small world." Nakangiting sabi ni Dani.

"Magpahinga muna kayo sa hotel na malapit sa PGM. Nagpa-reserved na ako ng room para sa inyo." Sabi ni Arthur. "Mga 4 pm pa naman ang press conference ninyong dalawa." Sabi ni Benjamin. Tumango sila Axel at Dani na hindi napansin na magkahawak pa din ang kanilang kamay. Nakita ito ng kanilang mga magulang ngunit hindi na pinansin para hindi mailang ang dalawa.

Dumiretso ang Mercedes Benz Sprinter sa The Enchanted Garden Hotel. Pagpasok nila sa loob ng hotel ay sinalubong agad sila ng manager ng hotel at katulad sa airport ay wagas na naman ang kanilang security. Naiiling na naglakad si Dani kasunod ny kanyang mga magulang. Nasa likod niya si Axel at ang mga magulang nito. Lumapit sa kanya si Axel at inakbayan siya. Naiilang man si Dani sa mga kamay ni Axel na nakapatotong sa kanyang mga balikat ay hindi niya ito inalis dahil nakaramdam siya ng kalmadong pakiramdam.

"Daig pa natin ang mga kilalang politiko at artista sa binibigay sa ating mga guards. Parang mawawala tayo sa higpit nila." Sabi ni Dani. Natawa naman si Axel. "Kailangan mo ng masanay dahil simula ngayon hindi na ikaw ang dating Dani na nagtatago sa lahat. Kilala ka na bilang nag-iisang heir ng pinakamalaking mall sa bansa at nag-iisang anak ng dalawa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas at siyempre, girlfriend na kita, ang pinakagwapong bachelor ng bansa." Pagmamayabang ni Axel. Natawa naman si Dani sa sinabi ni Axel. "Ang yabang!" Sabi ni Dani na kinurot ang tagiliran ng lalaki. Tumawa ng malakas si Axel. Kinikilig naman sila Esther at Eleonor pati na ang mga babaeng crew na kasama nila sa paglalakad papunta sa elevator sa harutan na dalawa.

Ang The Enchanted Garden Hotel ay mayb 50 floors at ang pinili ni Arthur at Benjamin ay ang penthouse sa 50th floor nito. Pagpasok nila sa elevator ay naiwan na ang guards sa first floor. Ang mga crew na lang ang kasama nila sa loob. Deretso lang ang andar ng elevator hanggang sa 50th floor. Hindi ito huminto kahit sandali. Paglabas nila ng elevator ay sinalubong muli sila ng mga guards na iba pa sa bilang ng guards sa baba.

"Dad, kailangan ba talaga ng ganito kadaming guards? Hindi ba pedeng kaunti lang?" Tanong ni Dani sa ama. "Iha, iba na ang situation mo ngayon. Nag-usap na din kami ni balae na kailangan sigurong magkaroon na din kayo dalawa ng bodyguards lalo ka na." Sabi ni Arthur sa anak. Hindi nag-register sa utak ni Dani ang iba pang sinabi ng ama. Ang naiwan sa kanya ay ang salitang balae.

"Balae?" Takang tanong ni Dani. Nagkatinginan ang apat. "Oo, iha. Dadating din naman kayo sa punto ni Axel na iisipin ninyo na magpakasal, di ba?" Nakangiting sabi ni Eleonor. "Ma, wala pa ang isip namin ni Dani doon. Kikilalanin muna namin ang isa't isa bago kami pumasok sa isang relationship na wala ng atrasan." Sagot ni Axel. "Sisiguraduhin namin na doon din kayo papunta." Sabi ni Eleonor. Bumuntong hininga naman sila Axel at Dani. Nagkatinginan sila at biglang tumawa dahil halos sabay silang bumuntong hininga. Nagtaka naman ang kanilang mga magulang sa biglang pagtawa ng kanilang mga anak pero natutuwa sila dahil sa nakikitang maayos na pagkakasundo ng dalawa.

Pumasok na sila sa penthouse. Hindi naiiba ang itsura nito sa penthouse ni Axel sa Davao.

"Magpahinga na kayong dalawa at susunduin na lang namin kayo ulit mamayang hapon. Kumain muna kayo bago matulog ng may lakas kayo." Makahulugang sabi ni Esther. Hindi naman pinansin ng dalawa ang sinabi ni Esther dahil sabay silang naupo sa lamesa sa kusina ng maamoy ang pagkain.

"Mauuna na kami. Maiwan na namin ang inyong pagkain." Sabi ni Arthur. "Kumain na muna kayo, Uncle." Sabi ni Axel. "Hindi na iho, May breakfast buffet sa baba at inanyayahan kami mismo ng may-ari ng hotel na doon na kumain." Sabi ni Arthur. "Magkita na lang tayo mamaya." Sabi ni Benjamin at tumango ang dalawa ng busy sa pag-aagawan sa bacon na nakahain sa mesa. Natatawang lumabas ang kanilang mga magulang.

Natapos na nila ang kanilang umagahan. Nagpalipas lang sila ng ilang minuto para matunaw ang kanilang kinain. Papasok na sana si Dani sa isa sa tatlong kwarto ng malaman niyang nakalock ito. Sinubukan niyang buksan ang sumunod na kwarto pero nakalock din ito.

"Ahm, excuse me. Bakit nakalock ang mga pinto." Tanong ni Dani sa isa sa dalawang crew na naiwan na kasama nila sa penthouse. "Pasensya na po, Ma'am, pero sadya pong pinalock iyan ng inyong mga magulang. Yung master bedroom lang po ang pwede ninyong gamitin. "What? We're sharing the same room?" Gulat na tanong ni Dani. "Opo, Ma'am." Sagot ng crew.

Tiningnan ni Dani si Axel na ngiting ngiti. "At masaya ka pa ha?" Naiinis na sabi ni Dani. "Our parents joined forces to do this. They have planned it very well." Sabi ni Axel. "Don't worry, hindi ako gagawa ng kalokohan hanggang wala akong permiso from you. But if you will permit me, I will gladly obey whatever you want me to do." Nakangising sabi ni Axel. Inirapan lang siya ni Dani at pumasok na sa master's bedroom. Susunod na sana si Axel pero pagpihit niya ng doorknob ay nakalock na ito.

"Dan, kailangan ko ding magpahinga." Sabi ni Axel. "Manigas ka diyan." Sabi ni Dani. Lumapit ang crew at binigay kay Axel ang susi. Natawa ng malakas si Axel.

Naghanda na si Dani para magshower. Pagbukas niya ng closet ay kumpleto ito ng damit nila ni Axel. Mula panlakad, pantulog, ultimo brief at panty nila ay nakaayos na sa closet. Naiiling na natatawa si Dani.

Pagkakuha niya ng damit pampalit ay isinaradp na niya ang closet. Napasigaw siya ng makita si Axel sa likod niya. Hinigpitan niya ang hawak sa robe na isinuot niya pagkatanggal ng kanyang mga damit.

"Paano kang nakapasok?" Takang tanong ni Dani. Itinuro naman ni Axel any susi sa kanyang kamay. "Pwede bang lumabas ka muna. Maliligo at magbibihis lang muna ako." Sabi ni Dani. "Pwede namang magsabay tayo para tipid sa tubig." Sabi ni Axel. Tiningnan ni Dani si Axel ng masama. "What? We'll just take a shower then sleep. Nothing more." Sabi ni Axel. "In your dreams!" Sabi ni Dani at dali dali ng pumasok sa CR. Nang makapasok ay ini-lock niya ang pinto perong muling lumabas para kunin ang susi sa kamay ni Axel. Natawa ng malakas si Axel. "Don't worry, di kita sisilipan. In the future, I will surely see everything." Nakangiting sabi ni Axel. Nagbuntong hininga naman si Dani.

avataravatar
Next chapter