13 Chapter 13

Pagkatapos magbihis ni Dani ay lumabas na siya ng kwarto ng hindi tinitingnan ang sarili sa salamin.

"Aubrey?" Tawag ni Dani sa assistant. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "As I expected. Ang ganda mo madam!" Sabi ni Aubrey. "Oo nga madam, para kang anghel mula sa baba." Sabi ni Cleo na nakatawa. Tumawa din si Dani.

Si Axel na galing sa kusina ay napahinto sa nakita niya, siya ay natulala. Nakita naman ito ni Dani at dahil sa pagkapahiya niya kanina, lumapit siya sa tulalang si Axel. "It's my turn." Sabi ni Dani sa sarili na nakangisi.

Lumapit siya kay Axel at hinawakan ang kwelyo nito at hinila para magkatapat ang mukha nila. "Am I beautiful, Mr. Monteclaro?" Tanong ni Dani na may kasamang lambing. Para namang wala sa sarili na tumango ng sunud-sunod si Axel. Natawa si Dani. Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Axel at nagsalita ng mahina. "You're drool is all over your mouth. Wipe it before it ruins your clothes." Sabi ni Dani at binitawan na ang kwelyo ni Axel na nagising na sa pagkatulala niya. Bago pa man makalayo sa kanya si Dani ay nahawakan na niya ang bewang nito at hinarap sa kanya.

Nagulat si Dani at napahawak ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Axel. Kinikilig naman si Aubrey at Cleo sa nakikita sa harapan nila, pati ang dalawang crew.

"I told you not to wear those sexy clothes because I can't restrain myself to be intimate with you." Sabi ni Axel at sa pagkagulat ni Dani at hinalikan na siya ni Axel ng walang pakialam sa mga tao sa loob ng kwarto.

Itutulak na dapat ni Dani si Axel pero ito na ang unang lumayo. "Be thankful, may iba tayong kasama dito pero kung wala, I already brought you inside the room." Makahulugang sabi ni Axel at dahil dito namula si Dani ng sobra. "Mr. Monteclaro, please behave yourself! Mahiya ka naman sa ibang tao!" Inis na sabi ni Dani para itago ang kanyang pagkapahiya.

Tumingin si Axel sa apat na babae at ngumiti. "I like her a lot kaya hindi ko mapigilan na halikan ang girlfriend ko sa harap ninyo. Ok lang naman di ba?" Tanong ni Axel. "Oo naman, nowadays, PDA is normal." Sabi ni Aubrey. "Aubrey!" Sigaw ni Dani pero nginitian lamang siya nito. Walang nagawa si Dani kungdi pumasok sa kwarto ng padabog. Natatawang naiwan si Axel kasama ang apat na nakangiti din.

Dumating na si Dion at ang make up artist nito. Pinakilala siya ni Aubrey kay Axel. Sa unang tingin ay aakalain na lalaki si Dion dahil sa gwapo at matangkad ito. Maganda din ang built ng katawan niya na halatang alaga sa gym.

"Finally, I've met you, Mr. Monteclaro. The person behind why my friend got into a messy world." Prankang sabi ni Dion. "Is that a praise or an insult?" Sabi ni Axel na nakangisi. "It depends on how you accept it. By the way, I hope you'll take care of my friend and never let her cry." Seryosong sabi ni Dion at pumasok na ito sa kwarto kung nasaan si Dani.

"Bakla ba talaga yun?" Tanong ni Axel kay Aubrey at Cleo. Tumango ang dalawa pero naguguluhan din sila kay Dion. Malandi pa ito sa kanila. Ngayon lang nila itong nakitang seryoso.

Pagpasok ni Dion sa kwarto ay ini-lock niya agad ang pinto at nakalimutan ang make up artist na nakasunod sa kanya.

"Sister! Ang handsomeness naman ni Axel! Muntik na di ko magawa ang binilin mo!" Sabi ni Dion na nagpatawa kay Dani. "Ano reaksyon niya?" Tanong ni Dani. "Ayun, parang kakainin ako ng buhay!" Malanding sabi ni Dion. "Hayaan mo nga siya na mag 2nd thought sa gender mo. Nakakadami na siya sa akin eh." Nakangusong sabi ni Dani. Pero sister, ang gwapo talaga niya kaya mag-ingat ka. Ang daming babae na na-link sa kanya at tiyak na hindi ka nila titigilan." Paalala ni Dion. "Oo nga eh. Pinakita na nga sa akin ni Cleo lahat ng video clip ng mokong na yun. Kaso wala na kong takas." Sabi ni Dani. "Bakit naman?" Takang tanong ni Dion. "Oh my goodness! May nangyari na sa inyo? Buntis ka na?" Gulat na tanong ni Dion na ikinatawa ni Dani.

"Loka! Wala pang nangyayari sa amin noh. Ang ibig kong sabihin, mag best friend mga magulang namin and sila ang nagplano ng lahat ng ito." Sagot ni Dani. Tumango tango naman si Dion. "Basta, don't give him the 100% of yourself. Pwede na 90% lang tapos 10% matira sayo." Nakangiting sabi ni Dion. Tumango naman si Dani.

"Wait, sabi nila kasama mo make up artist, nasaan na?" Takang tanong ni Dani at saka lang naalala ni Dion ang kasama. Bubuksan na dapat ni Dion ang pinto ng kusa na itong bumukas.

"Napakaimportante ba ng pinag-uusapan ninyong dalawa para i-lock mo pa ang pinto." Seryosong sabi ni Axel na nakatingin kay Dion. Napalunok naman si Dion sa nakikitang selos sa mukha ni Axel. Tahimik naman ang mga kasama niya sa labas ng kwarto.

"Mr. Monteclaro, do you know what privacy means? Magkaibigan kami ni Dion and there are things na para sa amin lang. Even Aubrey and Cleo knew that." Sabi ni Dani. "Really? But I think you should change that because we're already a couple in the eyes of the people. At ang makita kang may kasamang ibang lalaki, it's not a good view to see." Sabi ni Axel.

Para matigil na ang lover's quarrel ng dalawa ay nagsalita na si Dion. "I'm sorry, Mr. Monteclaro, I got excited a while ago to see this friend of mine at nawala na sa isip ko na hindi na siya single." Sabi ni Dion na umakbay kay Dani. Para kila Dani, Aubrey, at Cleo, ang akbay na iyon ay walang meaning pero kay Axel...?

"Get your hands out of my woman!" Seryosong sabi ni Axel na ikinagulat ni Dion kaya dali dali niyang tinanggal ang kamay sa balikat ng kaibigan. Tumaas naman ang kilay ni Dani. "What's your problem, Mr. Monteclaro? Dion is my friend. Kahit mag-akapan or maghalikan kami, there's no malice in it." Sabi ni Dani na niyakap pa si Dion. Ang huli naman ay gusto ng tumakbo palayo dahil sa mga galit na titig ni Axel.

"Girl, gusto ko pang mahuhay kaya pwede ba, lumayo ka na sa akin." Pabulong na sabi ni Dion. Sasagot pa sana si Dani pero nabuhat na siya ni Axel at inilagay sa balikat nito.

"You're asking for it then let's see kung hanggang saan ka dadalin niyang katapangan mo." Galit na sabi ni Axel. "Ano ba? Ibaba mo ako!" Inis na sabi Dani na pinapalo ang likod ni Axel. "Get out, all of you!" Sigaw ni Axel. Dahil sa takot ng lahat ay lumabas sila ng kwarto. Ni-lock ito ni Axel at pabagsak na inihagis si Dani sa kama.

"Yung damit ingatan ninyo." Pasigaw na sabi ni Aubrey. "Ano ba yan? Di pa man sila nagtatagal away na agad. Ikaw kasing bakla ka, ano bang naisipan mo at ginawa mo yun." Sabi ni Cleo na hinarap si Dion. "Ako? Eh inutusan lang naman ako ni Daniella! Malay ko bang magseselos ng sobra ang gwapong yun." Sabi ni Dion. "Ha'ay, puro kalokohan tong si Dani eh." Sabi ni Aubrey. "Kumain na nga lang tayo, kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Hayaan na muna natin sila. Baka gumagawa na sila ng mga inaanak natin." Sabi ni Dion at nagsitawanan sila.

Nakadagan si Axel kay Dani kaya kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi siya makawala dito. "Pakita mo ngayon kung gaano ka katapang!" Sabi ni Axel at saka niya pagalit na hinalikan si Dani. Sa halik na iyon ay binuhos ni Axel ang selos na sa unang pagkakataon ay naramdaman niya.

Marami siyang naging karelasyon pero ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng selos. Alam niyang bakla si Dion pero ng makita niya kung gaano ito ka-close kay Dani ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magselos.

Walang magawa si Dani. Nasasaktan siya sa halik na binibigay sa kanya ni Axel. Ramdam niya ang mga ngipin nito sa kanyang mga labi. Nalasahan na din niya ang kaunting dugo sa kanyang bibig. Kusang tumulo ang luha ni Dani. Para namang binuhusan ng tubig na malamig si Axel ng malasahan ang maalat na luha ng babae.

Tumayo siya at inuupo si Dani. "Sorry." Sabi ni Axel at doon na tuluyang umiyak si Dani. Niyakap naman ni Axel ang umiiyak na babae. "Tama na, sorry na." Sabi ni Axel habang hinahagod ang likod ni Dani. Nakalma naman si Dani sa ginagawa ni Axel kaya dahan dahan na siyang tumigil sa pag-iyak.

"Ok ka na? Sorry talaga. Di ko kasi napigilan sarili ko." Sabi ni Axel. Tiningnan ni Dani si Axel. "Ano ba kasing ginawa ko? Totoo naman na magkaibigan lang kami ni Dion. Bakit ka ba nagagalit?" Humihikbing sabi ni Dani. "Nagseselos kasi ako." Pag-amin ni Axel. "Pero bakla si Dion." Sabi ni Dani. "Alam ko pero lalaki pa din siya." Sabi ni Axel at doon na natawa si Dani. "You're crying a while and now you're laughing? Are you alright?" Natatawa na ding sabi ni Axel.

"Alam mo bang ako ang dapat magselos? Kasi ikaw ang type ni Dion. Sinabi ko lang sa kanya na umayos lalaki sa harap mo. Malay ko bang ganoon ang magiging reaction mo sa kalokohan namin dalawa." Sabi ni Dani na nakangiti pa din. "Ah, ganoon. Ikaw pala ang may pakana." Sabi ni Axel at sinimulan lang kilitiin si Dani. "Hahaha, tama na." Saway ni Dani sa pangingiliti ni Axel.

Nakita ni Axel ang maliit na sugat sa labi ni Dani. Hinaplos niya ito. "Sorry." Sabi niya at bago pa makasagot si Dani at hinalikan na siya ni Axel. Kung kanina ay nasaktan siya sa mga halik ni Axel, ngayon ay may ibang sensation na siyang nararamdaman. May lambing ng kasama ang mga halik ni Axel na nagduduloy ng ibang kilig sa buong katawan ni Dani. Lumipat ang mga bibig ni Axel sa kanyang leeg at biglang sinipsip ni Axel ang leeg niya na nag-iwan ng pulang pulang marka.

"There, I already marked you." Nakangiting sabi ni Axel. "What!?" Mabilis na tumayo si Dani at nakita niya ang leeg. "Sira ka talaga!" Sabi ni Dani na hindi makuhang mainis pero kinilig siya sa mga sinabi ni Axel. Lumapit si Axel sa kanya at niyakap siya mula sa likod niya.

"I don't know where this events will lead us. I can't promise you anything but I will do my best to make you happy." Sabi ni Axel na lalong nagpakilig kay Dani.

Biglang may kumatok sa pinto. "Mamaya nyo na ituloy kung anuman ang ginagawa ninyo. Malapit ng magsimula ang press conference." Sabi ni Aubrey.

Nagkatinginan ang dalawa at tumawa. Lumakad sila sa pinto at pagbukas nila ay nagulat silang pareho ng mabungaran ang kanilang mga magulang na may mga ngiti sa labi.

avataravatar
Next chapter