webnovel

You’re Here After All

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1482: Nandito Ka Pa Rin Sa Huli

Gusto lang naman ni Jiang Muye na magkaroon ng maliit at pribadong party, kaso biglang sumali si Lu Jingli. At hindi lang sarili niya ang dinala niya, sinama niya rin si Lu Tingxiao. 

Dahil sumama si Lu Tingxiao, maraming matataas na tao sa business industry mula sa charity ang sumunod sa kanya. Sa huli, kahit si Yun Shen ay sumunod dito… 

Biglang naging business gathering ang pribadong party niya. Hindi ito ang lugar para magliwaliw. Mas mabuti pang umuwi na lang sila at matulog pagkatapos ng event pero ngayon ay kailangan nila itong tiisin. 

Hindi mapakali si Ning Xi habang nakaupo. Hindi siya komportable at naiinip na siya. Patuloy lang siyang umiinom hanggang sa tingnan siya ng sweetheart niya. 

Maraming tao ang nakapalibot kay Lu Tingxiao at wala silang libreng sandali pero nagagawa pa rin niyang magnakaw ng tingin sa kanya habang umiinom. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com