webnovel

Who’s My Man?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1483: Sino Ang Lalaki Ko? 

Simula nang mapagtanto niyang may relasyon si Ning Xi kay Ke Mingyu, may galit nang tinatago si Mo Yuxiu sa lalaki. 

Iniisip niya kung anong klase ng lalaki ba ang makakakuha ng puso niya. Sinong mag-aakalang ang walang kwentang lalaking iyon lang! Paano niya ito matatanggap? 

Kumibot ang bibig ni Ning Xi. Walang kwentang lalaki… Tinutukoy ba niya ang sweetheart niya? 

"Si Ke Mingyu ba ang tinutukoy mo?" Tumaas ang kilay ni Ning Xi na parang naghahamon. 

"'Wag mong sabihin sa'kin na walang namamagitan sa inyo! Matagal ko kayong pinapanood. Kung walang namamagitan sa inyo, lalamunin ko itong buong basurahan!" Tinuro ni Mo Yuxiu ang basurahan na nasa malapit. 

Nag-"tsk-tsk" si Ning Xi. Napansin niyang matulis ang mga mata ni Mo Yuxiu. Tama ang hinala niya. Akala niya noong una ay si Jiang Muye ang pagsususpetsahan nito. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com