webnovel

Not Even Our Son

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 989: Kahit Ang Anak Natin Hindi Pwede

Mayroong transparent na parte sa itaas na bahagi ng tent at dahil mataas ang lokasyon nila, klarong klaro ang mga bituin sa langit.

Nakahiga si Ning Xi sa tabi ni Lu Tingxiao habang pinapanood nila ang mga bituin. Bumulong siya, "Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are...gosh, namimiss ko na si Little Treasure agad!"

Naalala niya si Little Treasure habang nakatingin sa mga tala… 

"'Wag kang mag-isip ng ibang lalaki habang kasama mo ako."

Kumibot ang bibig ni Ning Xi dahil sa pagkalibang. "Anak natin siya, 'di ba?"

"Kahit ang anak natin, hindi pwede." sagot ni Lu Tingxiao.

Walang nasabi si Ning Xi. "Eh di, paano 'yung mga magiging anak natin sa future? Kawawa naman ang mga anak ko, aabandunahin mo!"

Humarap si Lu Tingxiao sa kanya, nagniningning ang mga mata niya, mas maliwanag kesa sa mga bituin sa langit. "Hindi ko kayo iiwan. Tara, gawa na tayo."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com