webnovel

Doting On Her To This Extent

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 988: Sinasamba Niya Ang Babaeng Iyon Ng Ganito Katindi

"Sinasabi ko lang sa'yo ito dahil kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo. Ito na ang huling paalala ko. Kahit ikaw pa o ang tatay, pakiusap, itigil mo na ang hindi mo dapat ginagawa. Kung hindi, ipapaalam ko talaga sa'yo kung gaano ako kalupit. Iyan lang ang gusto kong sabihin." naglakad palayo si Lu Tingxiao.

Pakiramdam ni Guan Ziyao ay matutumba na siya dahil sa kapaguran. Umupo siya sa sahig, basang basa ang kanyang damit sa pawis… 

Oo, alam niya! Paano naman niya hindi mapapansin!? Hindi niya lang gustong paniwalaan o tanggapin hanggang sa si Lu Tingxiao mismo ang magsabi ng katotohanan sa kanya.

"Lu Tingxiao...Lu Tingxiao...paano mo ito nagawa sa'kin!?" hindi mapigilan ni GFuan Ziyao ang pag-iyak niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com