webnovel

Almighty Sister-in-law!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 76: Almighty Sister-in-law!

Pagkatapos i-unplug ni Lu Tingxiao ang cable, 'di na marinig ni Lu Jingli kung ano ang sinasabi ni Ning Xi, pero hula niya pinapauwi nito si Lu Tingxiao.

Nang marinig ang walang bahalang sagot ng kapatid, nagwala ang kalooban ni Lu Jingli: 'Hindi! Bakit 'di gumana kahit ang pagsali ni Ning Xi sa problema?! Gusto ba talaga ng langit na sa ganitong paraan ako mamatay?'

Naging mas maamo pa ang boses ni Ning Xi. "Nag-aalinlangan kasi ako kung kami lang dalawa ni Little Treasure. Pa'no kung may mangyari? Gusto rin syempre ni Little Treasure na kasama ka! Uwi ka ha? Okay?"

Tatlong segundong natahimik si Lu Tingxiao, bago sumagot: "Sige, pauwi na rin ako."

Nagulat si Lu Jingli at naramdaman niya bigla ang liwanag ng araw na sumisikat papunta sa kanya – nasa langit na siya!

Almighty Sister-in-law!

Sabi ko na nga ba kaya niya!

Akala niya 'di papatinag ang kuya niya 'yun pala nagpapanggap lang na naiinis!

Pagkababa ng telepono, dalawang salita lang ang sinabi ni Lu Tingxiao: "Meeting adjourned."

Nagtinginan ang lahat, 'di sila makapaniwala na nakaligtas sila nang ganun lang!

Proud na proud si Lu Jingli sa sarili niya: 'Pasalamatan niyo ko, ako 'yung tumawag sa life saver natin, nakaligtas kayo dahil sakin!'

Pagkatapos ng meeting, napalibutan si Lu Jingli:

"Second Young Master, tama ba 'yung narinig namen? Babae 'yung tumawag kay Boss Lu!"

"Sino 'yon? Isang tawag lang nagawa niyang paalisin si Boss Lu kahit nasa gitna ng meeting!"

"'Di ba? May kasama na ba sa buhay si Boss Lu? Young miss ng kaninong pamilya kaya? Secodn Young Master, sabihin mo naman sa'min!"

Tinitigan sila ni Lu Jingli nang maingat. "Ano! Bakit niyo tinatanong, ano'ng gusto niyo? Want to hug her thigh now? 'Di pwede, ako lang ang pwedeng gumawa no'n sa sister-in-law ko 'no! Kayo, 'wag niyo na ngang isipin 'yun!"

Lahat sila: "…"'Di ba pwedeng mayakap kahit isang daliri sa paa?

Sa sulok ng studio backlot, nakahinga na nang maluwag si Ning Xi.

Sa wakas, naayos din…

Wala naman nang magiging problema pagkatapos nito 'di ba?

Wala naman kasi talagang kinalaman sa kanya, ang bait na nga niya para tulungan pa sila!

Paalis na si Ning Xi nang mag-ring nanaman ang cellphone niya, si Lu Jingli ulit.

"Second Young Master, ano naman ang problema ngayon? 'Di pa ba 'yun sapat?"

"Hindi hindi, Xiao Xi Xi, tamang tama ang honey trap mo! Naayos mo 'yung problema!"

Nagdilim ang mukha ni Ning Xi sa mga salita ni Lu Jingli. "Honey trap ka diyan! Luring the tiger from his cave 'yun! Gamitin mo nga 'yang common sense mo!"

"Whoops, okay gets ko na, gets ko na! 'Yun lang, bye na. Ilibre na lang kita ng pagkain sa susunod ha!"

Walang masabi si Ning Xi habang tinitignan ang ibinabang tawag.

Ano bang pagkakaintindi ng taong 'to?

"Ning Xiao Xi, bakit ka nagtatago dito? Tara kain tayo!"'di niya napansin si Jiang Muye na parating.

Kabadong tumingin sa paligid si Ning Xi at nakapagrelax lang nang sigurado siyang walang nakakita kay Jiang Muye na hinahanap siya. Parang pagod na pagod, sumandal siya sa isang malaking pulang poste sa likod niya. "May gagawin ako ngayon eh, kayo na lang, baka 'di ako makasama."

"Ano?" nagbago ang mukha ni Jiang Muya pagkarinig nito. "Welcome dinner ko, saka film partner kita! 'Di ka talaga sasama?"

Nagsalubong ang kilay ni Ning Xi. "Alam ko, alam ko, kasalanan ko, pero may importante talaga akong gagawin ngayon, ilibre kita next time, okay?"

"'Di pwede!" ayaw maniwala ni Jiang Muye sa dahilan ni Ning Xi at mariin siyang tinignan. "Ano'ng gagawin mong sobrang importante? Sino'ng kikitain mo ngayong gabi?"

Naging matatag ang boses ni Ning Xi. "Wala ka na dun."

Pagkatapos niyang magsalita, naging baluktot ang mukha ni Jiang Muye. "Kikitain mo si Lu Tingxiao 'no?"