77 Want To Kidnap Him Home

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 77: Gusto ko siyang kidnapin at iuwi

Muling nagsalubong ang kilay ni Ning Xi dahil 'di siya komportable sa interogasyong ginagawa ni Jiang Muye. "Ano naman kung oo? Ano naman kung hindi?"

Galit na naglalakad paikot si Jiang Muye at tinignan nang masama si Ning Xi. "Ning Xi, gusto mo bang ipahamak ang sarili mo? Talagang nakikipaglaro ka pa kay Lu Tingxiao, 'di ka ba natatakot na makipaglaro sa apoy?"

"Eh sa gusto kong makipaglaro sa apoy eh, ano naman sa'yo?" dahil naiinis na siya sa mga salita ni Jiang Muye, naging masama na rin ang ugali niya para tapatan ito.

"Ikaw…" halos magpadala sa galit si Jiang Muye pero sinuntok nalang niya ang poste sa likod ni Ning Xi. "Ning Xi, 'di kita tinatakot, payong kaibigan lang, kasi kung 'di ka makikinig, pagdating ng araw baka mamatay ka nang di man lang nalalaman kung ano'ng kinamatay mo! 'Di mo ba kilala si Lu Tingxiao? Tingin mo tulad siya ng mga naging boyfriend mo dati?"

Umirap lang si Ning Xi. "Tingin mo ba tanga 'ko? Syempre alam ko!"

"Eh bakit mo pa rin…"

"Bakit ano? Ano naman sa'yo kung may nangyayari sa'min ni Lu Tingxiao?"

"Ikaw talaga…" dahan dahang kumalma si Jiang Muye; sa loob loob niya, alam niyang 'di gano'n katanga si Ning Xi, kaya't pinigilan niyang magalit, at huminga nang malalim. "Sabihin mo kasi sa'kin, ano ba'ng nangyayari?"

Alam ni Ning Xi na ang childish niya para makipagsagutan kay Jiang Muye. Sadyang nainis lang si Ning Xi dahil nakita niya si Jiang Muye ngayon at naiirita siya kahit sa maliliit na bagay.

Kumalma rin si Ning Xi at nagpaliwanag, "Iniligtas ko kasi dati si Little Treasure."

Bahagyang nagulat si Jiang Muye. "Iniligtas mo si Little Treasure? Ano'ng nangyrai sa kanya?"

"Mga half a month ago, dinala ni Lu Jingli si Little Treasure sa bar. Para makalayo sa ingay, aksidenteng nagtago sa storeroom si Little Treasure tapos na-lock siya dun ng staff kasi 'di alam na nasa loob siya…"

Medyo napanganga si Jiang Muye. "Dinala ni Lu Jingli si Little Treasure sa bar? Parang gawain ng 'di mapagkakatiwalaang tito 'yun ah. Oh tapos? Bakit ka nadamay?"

"Nung oras na 'yun, nagpeprepare ako para sa <The World> audition, pero inilock din ako ni Chang Li sa parehong storeroom para pigilan akong makapunta…" at ipinaliwanag ni Ning Xi kung ano pa ang nangyari pagkatapos nun.

Matiyagang nakinig si Jiang Muye hanggang sa dulo ng kwento. "Okay, gets ko na, nakilala mo si Lu Tingxiao dahil iniligtas mo si Little Treasure. Ang dapat na nangyari pagkatapos, binigyan ka nila ng malaking bayad tapos thank you, tapos GAME OVER, maghiwalay na kayo ng landas! Bakit in touch ka pa rin kay Lu Tingxiao? Tumira ka pa sa bahay niya!"

Syempre di na sinama ni Ning Xi sa kwento yung part na gusto ni Lu Tingxiao ipambayad ang katawan niya. "Nag-suffer sa shock si Little Treasure at dahil iniligtas ko siya nakadepende na siya sa'kin, kaya nagrequest si Lu Tingxiao na manatili muna ako sa Lu residence hanggang maging stable na ulit ang kundisyon ni Little Treasure. Kailangan handa ako kahit ano'ng oras para maging pampakalma ni Little Treasure, gets mo?"

Pagkarinig dito, unti-unting nawala ang galit sa mukha ni Jiang Muye, pero 'di pa rin siya mapakali. "Sigurado kang 'yun lang? Ang daming mga babaeng gustong makapangasawa mula sa Lu family, at sa ngayon, ikaw ang may pinakamalaking chance para gawin 'yun. Wala ka ba talagang balak sa kanya?"

Nagtaas ng kilay si Ning Xi at nagbiro, "Kung balak lang din ang pinag-uusapan, may plano ako kay Little Treasure; ang cute cute niya kasi gusto ko siyang kidnapin tapos iuwi para maging little sweetheart ko!"

Tinignan lang siya ni Jiang Muye at napahawak sa noo. "Anyway, basta 'wag kang mag-iisip ng 'di mo dapat iniisip, 'yang mga powerful families na 'yan, 'di sila tulad ng inaakala mo!"

Natawa na lang si Ning Xi. "As if namang alam mo kung ano'ng tingin ko sa mga ganu'ng klase ng pamilya."

May pagkamuhi si Ning Xi sa mga taong nasa upper-class circles na nagpapanggap lang maging mabait at silang mga nagsusuot ng mga pekeng maskara…

'Di madaling makalayo sa Ning family, bakit naman siya babalik sa ganu'ng klase ng apoy?

avataravatar
Next chapter