webnovel

Kaya ko

"Anak hindi mo kailangang gawin ito. Maraming pwedeng mangyari sa tatlong taon na yun." pilit ni mamang na sa tuno nito ay nagagalit na rin sa akin.

"Mamang hayaan niyo na, siya naman ang may gusto, walang nagpupumilit sa kaniya." pakikisawsaw ni Laski na alam kong ito naman talaga ang gusto nilang mangyari ni ate.

Tsk. Hindi ko lang talaga akalain na ganito nila ako kadaling masasaktan.

"Kung ganun. Handa ka na ba?" tanong ni ate kaya inirapan ko nalang.

Kapag talaga sa mga ganitong bagay wala ng nasasabi pa sila mamang at papang dahil wala na silang kakayahan mula nang pagkapanganak pa lang ni ate Zaina.

Wala ng kakayahan pa ang sino mang Hari at Reyna mula nang magkaroon sila ng mga anak. Ang mga taglay naming kapangyarihan ay hindi alam ng mga magulang namin, kami mismo sa mga sarili namin malalaman kung ano ito. Kaya din ayaw sa akin ng mga kapatid ko dahil naniniwala sila na sa aming magkakapatid ay ako ang pinakamalakas at binigyan ng kakayahan upang mamuno sa aming palasyo.

Naniniwala sila na ako ang pinakamalakas na Reyna pagdating ng panahon. At dahil sa paniniwala nilang yan ay isa din sa mga rason kung bakit ang tatlong kaharian ay madalas bumisita sa aming palasyo.

"Aaa....." napadaing ako ng bahagya dahil sa biglaang paghapdi ng hita at tuhod ko. Naramdaman ko din ang ilang daplis sa paa ko.

"Zaina!" galit na sigaw ni papang kay ate dahil sa bigla nitong pagbibigay sakin ng walang makikitang galaw at sa isip lang nito ginawa kaya din hindi ko napaghandaan.

Ngayon lang ulit ako nasaktan kaya nakakapanibago sa pakiramdam at dahil wala din ako sa tamang pag-iisip nang ibigay nito ay napadaing ako na kitang-kita ko ang lihim nitong pagngisi nang tumingin ako sa kaniya.

"Ayos ka lang anak?" alalang tanong ni mamang na ikinatango ko lang dahil nagtitimpi ako ng galit. Ramdam kong hindi lang pinasa ni ate ang sugat nito kundi dinagdagan niya ito ng kung ano man at may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko kaya kailangan ko ng umalis at pumunta sa silid ko.

Walang alam sina mamang at papang dahil wala naman na silang kakayahan. Kayang-kaya ni mamang ang gumamot sa kahit anong sakit nang may kakayahan pa ito kaya ngayong wala na ay minsan napapaiyak ito kapag nakikitang may nasasaktan sa amin.

"Ayos lang ako mamang. Paumanhin po at kailangan ko ng bumalik sa aking silid at kailangan ko pang siguraduhin ang kaligtasan ng aking alagang Kumiko." pagdadahilan ko at saka tumayo na parang walang masakit sa kahit anong parte ng katawan ko kahit na ramdam na ramdam ko ang panunuot ng mga tuhod ko. Taas noo akong naglakad at tumingin ng walang buhay sa kapatid ko.

Ang pagiging malakas at walang iniindang sakit ang pinakamagandang panlaban sa kaniya kaya napangisi ako nang hindi makapaniwalang wala akong nararamdamang sakit.

Malapit na ako sa aking silid ng maramdaman kong humihina ang katawan ko.

Hindi maganda ang pakiramdam kong 'to.

Binuksan ko ang aking kakayahan upang kausapin si Unima para sunduin ako sa likod ng aking silid kung saan ang lihim na daanan palabas ng palasyo at dalhin ang aking kabayo.

Pagkarating ko sa aking silid ay kitang kita ko si Alana na buhat buhat pa rin si Kumiko.

"Mahal na prinsesa! A-ano pong nangyari sa inyo?" takot nitong tanong ngunit hindi ko nalang pinansin at mabilis na pinuntahan ang likod ng aking silid kung nasaan si Unima at hawak hawak ang aking itim na kabayong si Magari.

"Mahal na prinsesa, hayaan niyo po't sasamahan ko kayo." pakiusap ni Unima habang nakasakay sa kaniyang kabayo.

"Sige" pagsang-ayon ko at mabilis na sumampa kay Magari.

"Alana, huwag na huwag mong bubuksan ang aking silid hanggat wala ako. Huwag ka ring magsasalita kapag may nagtanong sa labas ng silid. Walang makakabukas ng aking silid kahit anong gawin nila kaya huwag kang mag-alala at alagaan mo lang si Kumiko. Buksan mo ang kahon na nasa ibaba ng pinaggawan ko ng gamot ni Kumiko at kunin mo ang isang bote roon na kulay-lila ang laman at yun ang ipainum mo sa kaniya bilang pagkain nito. Babalik din ako bago sumikat ang araw." pagbibilin ko kay Alana at mabilis na sinara ang pintuan sa aking silid. Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil wala ng oras. Ramdam ko din na malapit ng bumigay ang aking katawan.

Nasa labas na kami ng palasyo ngunit hindi ko pa rin nararamdaman ang sinag ng buwan at unti-unti na rin akong walang maramdaman.

"Dito po mahal na prinsesa!" pagtawag sa akin ni Unima kaya mabilis ko siyang sinundan.

Nakapikit na ako at hindi ko na talaga kayang imulat pa ang aking mga mata dahil wala na akong lakas at nakayoko na rin ako dahil ramdam kong ilang sandali nalang ay babagsak na ako. Habang nakapit ako ay naramdaman kong tumigil ang kabayo ni Unima na siya ring ginawa ng aking kabayong si Migara. Rinig ko ang pagbaba ni Unima sa kaniyang kabayo.

"Mahal na prinsesa, halina po kayo at aalalayan ko kaya sa pagbaba." hindi na ako nagsalita pa at naramdaman kong dahan-dahan na akong hinihila ni Unima. Inalalayan ako nito at tinulungan akong sumampa sa balikat nito at inalalayang maglakad.