webnovel

Kapag sinabi ko... gagawin ko

Naputol din talaga ang tingin ko sa kaniya dahil dumating si Laski at kasama ang isa pang prinsipe.

"Paumanhin pero kailangan ko ng umalis at nanghihina na ang aking alaga." Hindi na ako nag aksaya ng panahon at umakyat na ng tuluyan. Mas mabuti pang umalis na ako at pagtulungan pa ako ng dalawa kong kapatid.

Wala akong ganang makipag lokohan sa mga sira nilang pinapakita.

"Ate Arkne!" tawag ni Laski pero tuloy tuloy pa rin ako sa pag-akyat.

"Pinapakita mo lang talaga na sa kadiliman ka nararapat." sabay na sabi nila ni ate Zaria.

Hindi ko pinansin ang sinabi nila at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na parang walang narinig hanggang sa nasa taas na ako at tumingin ako pabalik dahil ramdam kong may nakatingin pa rin sa likod ko hanggang ngayon.

Hindi ako nagkakamali at tulad kanina ay galit pa rin itong nakatingin sakin. Tinignan ko siya ng walang gana at umaktong wala lang ang galit nito sakin. Kahit na pagkatalikod ko ay napangiti ako ng bahagya dahil parang alam ko na kung bakit siya galit.

"Mahal na prinsesa heto na po ang mga halamang pinakuha niyo. Hindi po ako sigurado kung tama na po ba ang dami nito." pagsalubong sa akin ni Alana, ang pinakabata sa mga tagapagsilbi ko.

"Sapat na yan Alana. Akin na 'yan at ikaw mo na ang humawak kay Kumiko at gagawin ko lang ang gamot nito para maibalik ko na sa kaniyang ina at para makakain na rin ito." pagbibigay utos ko na agad naman niyang ginawa at kinuha si Kumiko.

Habang ginagawa ko ang ipapainum kong gamot nito ay bigla nalang may kumatok ng sunod-sunod kaya pumikit ako para makita ko kung sino ito dahil wala akong tagapagsilbi kahit isa dito sa silid ko ngayon maliban kay Alana na buhat buhat si Kumiko.

Pagpikit ko pa lang ng mga mata ko ay kitang kita ko na ang isang batang lalaki na iyak ng iyak habang walang tigil itong kumakatok sa napakalaking pintuan ng aking silid. Mabuti nalang at wala akong mga guwardiya kapag ganitong mga oras na gising ako.

Walang pag-aalinlangang ginamit ko ang kapangyarihan ko upang magbukas ang aking pintuan ng kusa. Sa pagbukas ng pintoan ko ay mabilis na tumakbo ang batang lalaki hanggang sa makita ako at agad itong  lumuhod habang umiiyak.

"Tulongan niyo po ang aking ina mahal na prinsesa. Parang-awa niyo na po... tulongan niyo po ang aking ina. Tulongan niyo po ako. Hi-hindi naman po sinasadya ni ina n-- " hindi na niya natapos pa ang sinasabi nito dahil agad ko na itong linapitan at hinawakan dahil nanginginig na rin ito sa sobrang takot.

"Nasaan ang iyong ina?" agad ko ng tanong. Isa akong prinsesa pero wala sa aking kakayahan ang malaman kung ano ang nakita ng batang ito para malaman sana kung nasaan ang kaniyang ina.

"Na-nakay prinsesa Za-zaina po mahal na prinsesa. Ba-baka po hi-hindi kakayanin ni i-ina ang parusang ibibigay nito. Tulongan niyo po ako mahal na prinsesa. Ayoko pong mawala ang aking ina." kung ganun ay maaaring personal na tagapagsilbi ni ate o tagapagsilbi ng makakain ang ina ng batang ito dahil  sila lang naman ang mga tagapagsilbi na mahirap ang trabaho dahil kapag nakasakit ka ni isa sa amin at nakapagbigay sira sa kahit anong parte ng balat namin ay kailangang ibalik mismo sa nakasira nito at siya ang magdurasa sa binigay nitong sakit.

Ngunit, maaaring hindi makayanan ng isang tagapagsilbi lamang ang sakit dahil kung ibabalik sa kaniya ang sakit na binigay nito ay doble na ang mapupuntang sakit sa kaniya at matatawag na isa kang pinagpala kung nabuhay ka pero kung hindi ay ikamamatay mo ito. Nakadepende sa sira na nagawa ng isang tagapagsilbi ang itatagal ng buhay nito.

"Tapos ko ng gawin ang gamot ni Kumiko, Alana. Hintayin mo nalang na magkulay asul ito at saka mo ipainum sa kaniya. Ikaw mo na ang bahala sa kaniya." pag-uutos ko sa kaniya at dali kong pinatayo ang bata para puntahan ang kaniyang ina.

Ayun sa bata ay nasa sala raw sila maging sila mamang at papang pati na rin ang mga bisita namin. Wala pang isang oras kaya walang dudang naroon pa talaga sila at sigurado akong nagkakatuwaan pa.

"Mahal na prinsesa. Huwag po, mahal na prinsesa parang awa niyo na po. Huwag po..." pagdating na pagdating pa lang namin ay hawak na ng dalawang kawal ang ina ng batang kanina lang ay hawak-hawak ko pero ngayon ay tumatakbo na para lapitan ang ina.

Itutulak na sana siya ng isang kawal na nakahawak sa ina nito pero agad kong tinignan ang kawal na ito para itulak at ipunta sa gilid ng dingding at hindi na pinagalaw.

Wala akong karapatang saktan ang kawal na ito dahil sumusunod lang din siya ng utos kaya ganun lang ang ginawa ko rito.

Dahil sa ginawa kong ito ay napatingin silang lahat sakin at maging ang isang kawal na kaninay nakahawak sa ina ng bata ay binitawan na ito at ngayon ay magkayakap na ang mag-ina habang nag-iiyakan.

"Ano na naman sa tingin mo ang ginagawa mo at nakikialam ka na naman Arkne?" wala kang mababakasang galit sa tono ni ate Zaina pero kitang kita sa pagmumukha nito ang kumukulo nitong galit.

"Yun nga. Para makialam." sagot ko habang palapit sa kanila at saka umupo sa gitna nila mamang at papang dahil silang dalawa lang ang nakaupo sa isang sofa na pangtatlohan pero dalawa lang dapat ang umupo dahil sa desenyo nito.

"Anak, nakagawa ng kasalanan ang tagapagsilbing yan kaya walang masama sa ginagawa ng ate mo. Huwag ka ng makialam pa dito, nakakahiya sa mga bisita natin." sabi ni papang habang tumingin ng pasensya si papang kina Haring Gardo at Reyna Ores.

"Patawad papang peri nakadepende sa nagawa ng tagapagsilibi na yan kung makikialam ako o hindi. Mamang, ano po ang nangyari?" pagsuway ko kay papang at saka tinanong ang aking ina na nasa kaliwa ko lamang.

"Nasunog ang tuhod ng ate mo at maging sa hita nito dahil nahulog niya ang mainit na lagayan ng tsaa. Sa pagkakahulog din nito ay nasugatan ang paa niya dahil sa mga tumalsik na mga bubog nang mabasag ang pitsel. Alam mo naman ang patakaran anak. Hindi dapat kayo nasusugatan dahil aabotin ng tatlong taon bago gumaling ang mga sugat niyo, maliban nalang kung ibabalik mo mismo ang pinsala na nagawa sayo sa mismong nakasakit sayo bago ito tuloyang mawala na parang walang nangyari." paliwanag ni mamang.

"Bakit kasi nahulog ang lagayan?" tanong ko ulit kay mamang.

Ang tahimik nila, walang nagsasalita. Nagmumukha na tuloy akong pinakamataas sa kanilang lahat. Gusto ko mang ipagwalang bahala nalang at hayaan ang kung ano mang gusto nilang gawin pero hindi ko kayang baliwalain nalang ang mga tagapagsilbi namin dahil sa kanila ay namumuhay kami ng mapayapa. Ginagawa nila ang abot ng makakaya nila para pagsilbihan kami ng tama at kung maaari ay gusto ko din silang tratohin ng tama.

"Nagkamali ito ng hawak sa trey, naging mas matimbang ang parte na hindi hawak ng kamay niya kaya nang i-angat nito ay nahulog, sinubukan niyang salohin ngunit mas malala ang nangyari dahil naitulak lang niya ito papunta sa ate mo at naibuhos sa tuhod ng at hita nito. At nang tuloyang mahulog sa sahig ay nabasag naman ito na naging sanhi ng pagkasugat ng paa ng ate mo." paliwanag ulit ni mamang.

"Nrarapat ka ngang parusahan dahil sa nagawa mong pagkakamali, alam niyo yun na nakalagay na yun sa patakaran ninyo bilang nagsisilbi sa mga pagkain namin." sabi ko sa tagapagsilbi na umiiyak pa rin habang yakap-yakap ang anak nito.

"Ngunit. Hindi ba't may kasalanan ka rin ate?" tanong ko kay ate.

"Anong kasalanan?" timping tanong ni ate na halatang nagpipigil lang dahil sa mga bisita.

"May kakayahan ka namang patigilin ang paghulog ng tsaa bakit hindi mo ginawa? Para saan pa yang kakayahan mo kung hindi mo naman alam gamitin sa tamang paraan? Ano yun? Sa akin lang gumagana? Gagana lang kapag gusto mong. Alam mo na." walang kabuhay buhay kong sabi para magmukhang nawawalan na ako ng gana sa nangyari at mas lalo pa itong mainis.

"Arkne, tama na." pagpipigil sa akin ni papang dahil alam kong ramdam na niya kung anong mangyayari 'pag hindi pa kami tumigil.

Ayokong mapahiya at hayaang mapahiya ang mga magulang namin sa mga bisita dahil lang sa mga inaasta namin.

"Sige. Umalis na kayo --- ano pa lang pangalan mo bata?" tanong ko sa batang lalaki na yakap-yakap pag rin ang ina nito.

"Harlan po mahal na prinsesa." Sagot ng kaniyang ina dahil tuloy pag rin ang pag-iyak ng bata at humihikbi na rin kaya siguradong hindi na ito makakapagsalita pa.

"Nasisiraan ka na ba? Hindi mo sila pwedeng paalisin." sabi agad ni ate dahil hindi pwedeng lumampas sa pitong oras ang sugat nito bago maipasa sa nakagawa nito sa kaniya kundi ay hindi na ito pwede pang ipasa.

"May puso pa ako mahal na prinsesa kaya ako na po ang sasalo sa parusa niya." nanunuya kong sabi na ikinagulat nila.

Hindi kami basta-basta nasusugatan o nagpapasugat ng kahit sino dahil alam namin kung gaano ito kalala para sa amin. Ikaw ba naman ang gagaling lang paglipas ng tatlong taon.

Nasunog ang balat ni ate at nasugatan pa. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi niya ginamit ang kakayahan niya para pigilan ito na sigurado naman akong napakasimple lang ang nangyari.

Kung hahayaan ko namang ipasa niya sa ina ng batang to ay siguradong mamatay ito dahil napadugo niya rin ang paa ni ate.

Walang pwedeng gamot sa amin kaya ito nalang ang pwedeng paraan.

"Anak hindi mo pwedeng gawin yan." pag-angal agad nila papang at mamang.

"Kaya ko naman papang at mamang, wala naman po akong ginagawa masyado at kahit papaano ay sa tatlong taon na yun ay makikita kong nagbunga ang dadanasin ko 'pag nakita ko ng lumaki si Harlan at maging isa sa mga mapagkakatiwalaan nating tauhan ay sapat na yun." pakiusap ko.

"Pero anak--" pagpipigil pa rin ni mamang pero hinawakan ko ang kamay nito at saka tinignan ito sa mga mata na para sabihing buo na ang desisyon ko.

"Tumayo na kayo at umalis dito bago pa nila mabago ang isip ko." pag-uutos ko sa mag-ina.

"Anak hindi mo kailangang gawin ito. Maraming pwedeng mangyari sa tatlong taon na yun." pilit ni mamang na sa tuno nito ay nagagalit na rin sa akin.