webnovel

Mananakit ako kung kinakailangan

Unima (POV)

"Mahal na prinsesa, halina po kayo at aalalayan ko kaya sa pagbaba." paghingi ko ng abiso kay prinsesa Arkne.

Hindi ko alam ang nangyari at bigla nalang siyang nagkaganito. Ang alam ko lang ay kailangan nitong masinagan ng buwan upang bumalik ito sa kaniyang dating lakas.

Malapit na kami sa puno kung saan makikita ang sinag na nagmumula sa buwan nang unti-unti na itong bumibitaw sa balikat ko kaya mabilis ko itong hinawakan ng mahigpit. Bumigat ang katawan nito dahil halatang wala na itong malay.

Mabilis ko siyang pinaupo at umalis sa harapan nito pagkaupo ko sa kaniya.

Pinagmamasdan ko siya habang nasisinagan ng buwan at halos mag-iisang minuto na nang magbukas ang mga mata nito at nagulat pa ako dahil nagkulay itim ito.

Bahagya akong lumayo ng kaunti sa kaniya dahil sa takot.

Hindi pa rin siya gumagalaw pero nakamulat lang ang mga mata nito at napakaitim pa rin.

Ilang minuto lang ay ganun pa rin ito. Hanggang sa bigla nalang nag-iba ulit ang kulay ng mga mata nito at naging napakaliwanag na kahel. Ilang sigundo lang na ganito at bigla nalang itong nawalan ulit ng malay.

Takot pa rin akong lumapit sa kaniya kaya pinagmamasdan ko pa rin siya. Nakakatakot baka bigla nalang mag iba ulit ang kulay ng mga mata nito. Noong unang punta namin sa kagubatan at masinagan siya ng buwan ay nakakatakot ang pag-iiba ng kulay ng mga nito noon at halos mapatay niya ang kaniyang alagang si Migara dahil sa kagustohan nitong sagipin ako.

Mabuti nalang at nakontrol ng prinsesa ang kapangyarihan nito at hindi niya kami nasaktan ni Migara maging ang aking kabayo na si Pumiro.

Doon din namin napagtanto kung gaano kalakas ang naibibigay na kapangyarihan sa kaniya ang sinag ng buwan kaya kada nakakaramdam siya ng panghihina ay dito kami pumupunta sa kagubatan para masinagan siya ng buwan. Sa kaharian kasi nila ay walang nakakaabot na sinag ng buwan, makikita mong may buwan pero walang sinag na nagmumula rito. Kaya yun din ang inaalam ng prinsesa hanggang ngayon dahil ang kaharian lang nila ang walang sinag ng buwan. Malalaman mo lang na wala ka na sa kanilang palasyo kapag nakakita ka na ng sinag ng buwan na hindi masyadong natatakpan ng mga puno.

"Unima?" bigla nitong pagtawag sa akin at dahan-dahang tumayo na parang walang nangyari.

"Mahal na prinsesa? Ayos ka na po ba?" tanong ko at saka ito sinundan dahil dinaanan lang ako nito at pumunta agad sa kaniyang kabayo.

"Bilisan mo at sundan natin ang mag-inang tumakas at umalis na ng palasyo." sagot nito na ipinagtaka ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin mahal na prinsesa?" tanong ko ulit habang mabilis na sumampa kay Pumiro.

Tinitignan ko si prinsesa Arkne habang tinatanong ko kung ano ang nangyari nang tumingin siya sa akin at kahit madilim at sinag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran namin ay kita kong tinignan ako nito ng masama kaya tumahimik nalang ako at mabilis na umiwas ng tingin.

Sa pag-iwas ko ng tingin ay mabilis din nitong pinatakbo ang kaniyang kabayo na sinundan din ni Pumiro. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakasakay sa kabayo at napakabilis pa rin ng mga patakbo namin hanggang sa dahan-dahan ng bumagal ang patakbo ni prinsesa Arkne at tumigil kami sa maliit na sapa at sa malapit nito ay may tulay na daanan papunta sa mundo ng mga mortal.

Ha? Mundo ng mga mortal? Anong ginagawa namin dito? Kung ganun ay masyado na kaming malayo sa palasyo.

Gusto ko mang tanongin ang prinsesa ay natatakot naman ako. Alam kong mabait ito ngunit ayoko namang samantalahin ang kabaitan nito at baka ito pa ang ika galit sa akin.

Gusto ko ng malaman kung bakit kami nandito. Hindi naman bumababa ang prinsesa sa kaniyang kabayo at nakaupo lang na parang malalim ang iniisip habang nakatingin sa sapa.

Wala pang limang minuto ay dinig ko na ang takbo ng isang kabayo palapit sa amin hanggang sa naaninag ko na ang isang kabayo habang hila ang isang maliit na kalesa.

Hindi ko maaninag kung sino ang sakay ng kalesang ito pero dahil sa tulong ng lamparang hawak ng sakay nito ay kitang-kita kong isang mag-ina ang sakay nito at nakumpirma ko pa lalo nang nakalapit na sila sa tulay at bumaba ang mga ito.

"Mabuti at nakarating kayo dito ng ligtas." nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni prinsesa Arkne.

Nagulat ang mag-ina at sabay na napatingin ang mag-ina sa amin. Dahan-dahang lumapit si prinsesa Arkne sa mga ito kaya ganun din ang ginawa ng aking alagang si Pumiro.

"Pri-pri-prinse-sesa A-a-arkne?" takot na takot na bigkas ng isang babae na nasa tatlumpo't higit lang ata ang edad.

"Pa-patawad po mahal na prinsesa, napag-utosan lang po kami. Binantaan po nila akong papatayin nila ang aking anak. Siya nalang po ang mayroon ako mahal na prinsesa, nagmamakaawa po ako sainyo. Mahal na prinsesa..." pagmamakaawa nito habang nakaluhod na at iyak ng iyak samantalang ang kaniyang anak na lalaki ay nakatingin lang kay prinsesa Arkne na umiiyak din ngunit masakit ang mga tingin nito.

Nakakagulat ang biglaang nangyari dahil hindi ko man lang namamalayan bigla nalang tumaas ang ina ng bata at nasa taas na ito ng ere.

Tinignan ko ang prinsesa dahil nakangisi lang ito habang nakatingin sa bata na parang walang pakialam sa ina ng bata na nasa taas na at gulat na gulat pa rin habang umiiyak ang ina nito.

"Anong meron sa mga matang yan? Ah, gusto mong patayin ko na ang ina mo ganun ba?" tanong nito sa bata na umiiyak pero wala kang maririnig na iyak at tumutulo lamang ang mga luha nito.

Hindi sumagot ang bata ang kumuyom lang ang mga kamay nito at saka tumigin sa kaniyang ina na umiiyak pa rin.

"Ma-mahal na prinsesa. Wala pong kasalanan ang aking anak. Ako nalang po mahal na prinsesa. Parang awa niyo na po." pakiusap pa rin ng ina nito.

Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari pero ngayon ko lang nakita kung gaano nakakatakot ang aura ni prinsesa Arkne. Hindi siya nananakit ng sino man sa mga alipin sa kanilang palasyo. Ngayon ko lang nakitang matuwa siya habang tinitignan ang isang batang kitang kita na may galit ito sa kaniya at habang ang isa naman ay nagmamakaawa sa kaniya.

"Ibaba mo ang aking ina!" galit na sigaw ng bata kay prinsesa Arkne.

"Kanina para kang munting anghel na nagmamakaawa para iligtas ang 'yung ina. Ngayon naman, para kang hari kung makapag-utos." sagot nito na pang-iinsulto sa bata.

Bilib din ako sa batang ito at wala man lang katakot takot na sumigaw sa harapan ni prinsesa Arkne.

Biglang tumigil ang pag-iyak ng ina ng bata kaya tumingin ako at kita kong napatingin din ang bata.

Wala na itong malay at nakayuko na rin ang ulo nito.

Hindi ko alam kung patay na ba ito o buhay pa kaya nanlalaki ang mata kong tumigin kay prinsesa Arkne na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

"Ano na?" nakangising tanong ni prinsesa Arkne sa bata.

"I-ina? A-anong ginawa mo?" saka lang nawala ang galit sa mga mata ng bata at palitan ng takot habang nakatingala sa kaniyang ina.

"Pwede kong buhayin ang ina mo. Sabihin mo lang kung saan nanggagaling yang galit mo at bakit niyo ako nilinlang." napakalamig na bigkas ng prinsesa na pati ako ay kinilabutan.

"Sumunod lang kami sa utos ni prinsesa Zaina at prinsesa Laski. Pinatay nila si ama nang malaman nilang alam nito kung bakit hindi nasisinagan ng liwanag ang palasyo ninyo kahit na kitang-kita naman ng buwan. Nang malaman nila na alam na nito ang dahilan ay pinuntahan nila kami sa bahay habang nag-aalmusal. Tinatanong nila kung ano at ayaw sabihin ni ama at kayo lang daw ang dapat na makakaalam kaya pinatay nila si ama. Mas mabuti nalang daw na patayin nila ito kaysa sabihin niya pa sainyo. Galit ako. Galit ako sainyo dahil kung hindi sainyo at sinabi nalang ni ama sa mga kapatid mo ang sagot ay hindi sana siya namatay. Takot na takot ako kanina dahil baka malaman ninyo ang totoo habang magkalapit tayo. Ang alam ko hindi niyo talaga alam pero nagkamali ako at isa ka nga talagang prinsesa dahil sigurado akong noong sinabi niyong umalis na kami at baka magbago pa ang isip niyo ay alam niyo na. Galit ako dahil hindi tayo pantay-pantay. Bakit kailangan niyong mabuhay? Kung wala sana kayong mga pinagsisilbihan namin ay hindi kami nagdurusa. Kasalanan niyo ang lahat ng paghihirap namin. Pero siguro kasalanan din namin, kasalanan din namin dahil ginusto namin ang buhay na ito kaya kung bibigyan niyo ako ng pagkakataon mahal na prinsesa. Tutulongan ko po kayong hanapin ang sagot sa pagkawala ng liwanag sa palasyo ninyo. Hayaan niyo lang po sana kaming mamuhay ng aking ina sa mundo ng mga mortal masiguro ko lang ang kaligtasan ng aking ina, dahil pinangako ko po sa aking ama na hinding hindi ko pababayaan ang aking ina." mahabang pagsagot ng bata na pati ako ay nasaktan sa sinabi nito. Nakakaawa naman ang batang ito at sa murang edad ay nararanasan na nito ang ganitong sakit sa buhay.

Tumingin ako sa prinsesa at tinitignan niya lang ang bata ng walang reaksyon hanggang sa dahan-dahan ng bumababa ang ina ng bata at pagkababa nito ay nagmulat na ang mga mata nito at tumingin sa anak dahil sa biglaan nitong pagyakap sa kaniya ng makalapit ito. Yinakap siya ng bata na parang sinasangga ang katawan upang wala ng makasakit pa sa kaniyang ina.